webnovel

Chapter Five

#Jealous?!

"Hooooy! Hintay naman oh!" Kainis 'tong Master ko, iwan ba naman ako? "Hoooy!" Papunta na kami ngayon ng school, at dahil sa late ako'ng nagising (hindi niya 'ko ginising! Asar) inis siya sa'ken dahil pinaghintay ko raw siya.

Hmp. Bipolar. Kahapon, parang okay na kami nun eh, tapos ngayon hindi na naman. Di ko talaga maintindihan ang lalakeng 'to.

And oh! By the way, I'm Eloise Jeanne Lyon, 18 at currently I'm under Master (pinilit niya 'kong tawagin siya niyan) Drake Saavedra's care. He's 19. Classmate kami sa St. Cecilia, grade 12 at kaya ako nakapasok dun kahit wala akong papeles ay dahil sa Lolo niya ang may ari nung school. Ang cool diba?

"Master!" Pero hindi niya parin ako pinansin. Dire-diretso lang siya, kaya tumigil nalang ako at tahimik na sumunod. *pout* Napapagod rin ako ah? Baka akala niya.

Ang layo na niya, mga 5-6 na metro na siguro ang layo namin at hanggang sa makapasok kami ng gate ng school, ganun padin yung distansiya namin. Pfsh. Eh di wag ako'ng pansinin kung ayaw ako'ng pansinin. Geez.

I was kicking stones na nadadaanan ko nang biglang may tumawag sa'ken kaya napalingon ako. And there, the canteen guy, running towards me, smiling. Ano nga ulit pangalan nito? Nakalimutan ko. ∪ˍ∪

Funny ba yung canteen guy? Hindi ko kasi maalala ang pangalan niya eh. Basta yung tumulong sa'ken kahapon na bilhin yung coke?? Naalala niyo?

"Hi Loise." Bati niya ng makalapit sa'ken, hinihingal pa nga eh.

"Hi." Ganting bati ko with smile pa. Ganyan ako pag hindi ko alam yung pangalan nang kausap ko para hindi niya naman masyadong mahalata.

"What a relief. Nakita kita before lunch. I was thinking of eating out eh. Is it alright with you?"

"Ha?"

"Instead of eating in the canteen, why don't we eat in a fancy restaurant?" Eeeh~ parang date na yon diba? And I've never been into one. As you know mahigpit ang Dad ko.

Huh. Funny, narealize ko lang ngayon. Ayaw na ayaw niya ng nag bo-boyfriend ako dahil masyado pa raw akong bata. Ang gusto niya pala asawa agad. Tss.

"Huh? Eh kasi 12:00-1:00 lang ang break eh, kung lalabas pa tayo it would take time."

"May kotse naman ako so don't worry.."

"Err~ ano kasi.. uhm, sorry. Pero hindi ako pwede. Why don't you invite someone nalang?"

"No. Ayoko. Kung hindi lang din ikaw, di na'ko lalabas ng school."

"I'm sorry."

"It's fine. So ano, canteen nalang?"

"Yeah. Sa can---"

"Loise!" Eeeeh?! Wow! Buti binalikan niya pa'ko. "Ano'ng ginagawa mo?!" Ba't naman galit 'to?! Ako dapat yung galit dahil ako ang iniwan niya. Geez.

"Drake.." nakangiti namang sabi ni canteen guy pero hindi manlang siya tinapunan ng tingin ng lalakeng 'to. Grabe, ang rude!

"Late na tayo." He grabbed my hand at inilayo na kay canteen guy.

"Hoy! Ano'ng problema mo?" Pero hindi niya rin ako pinansin. Lakas ng tama ng lalakeng 'to! Ano ayaw na niyang mamansin sa mga tao, ganun? Ayaw na niyang makinig sa mga sinasabi at ayaw na niyang sumagot  sa mga tanong?!

"Loise, sa lunch ah?" habol pa ni canteen guy.

"Err~ yeah. See--"

"Ano'ng lunch?!" galit na galit niyang tanong. Hala. Ano'ng nangyayari sa kanya? "At bakit mo kilala ang Slater na yun?!" He stops then face me.

"Aah~ so Slater pala ang pangalan nun? Naalala ko na."

"Don't give me that you-don't-know-him crap!"

"Ba't ka ba galit?! At isa pa M A S T E R  D R A K E, I don't want to blame you but it's actually your fault na mapipilitan ako'ng makipag lunch sa kanya!"

"How is it my fault?!" Galit parin niyang sigaw pero halata na ang pagka lito sa mukha niya.

"Ikaw 'tong nag utos sa'ken na bumili ng coke! Ang daming tao and he happens to be there at nakita niya sigurong nahihirapan ako so he helped me! Ayaw niyang tanggapin yung bayad ng coke kaya in exchange gusto niyang kumain ng  lunch with me!" Medyi hindi totoo pero wala akong balak sabihin na ginawa ko---I mean triny ko---yung turo ni Marie. Mahirap na.

"Ofcourse he would do that! Ba't ka naman pumayag?!"

"Do I have a choice?! Ayokong may utang na loob sa isang tao!" Aish~ nagsisigawan kami rito sa hallway kahit may mga tao. This is mortifying!

Hindi na siya nagsalita. I saw his jaw clenched at pinisil pisil niya yung bridge nang ilong niya.

Nag alala tuloy ako, may masakit ba sa kanya?

"O-Okay ka lang?" I raise my right hand to touch his forehead, but before I could touch him nahawakan na niya ang kamay ko. Akala ko iiiwas niya ang kamay ko dahil ayaw niyang mahawakan, but I was shocked that he just held it habang pinipisil pisil parin ng isa niyang kamay ang ilong niya.

Sfx: bathump!

And here goes that bathump bathump feeling again. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko nag iinit buong mukha ko. But at the same time, I'm happy. Is this normal?

"H-Hoy.. ayos ka lang?" Tanong ko ulit. And I just let him hold my hand.

"Hindi ka mag la-lunch kasama siya." Bigla niyang sabi.

"Ha? Hindi pwede yun! Ayoko nga kasing may utang na loob sa ibang tao, baka sa susunod mas malala na ang hingin niya. Kanina nga instead of canteen, gusto niya sa labas ng school. Waah~ ayoko nun kaya please? Payagan mo na---"

"In one condition."

"Ano?"

"Sasama ako." Tapos naglakad na siya na hawak parin yung kamay ko.

Is it just my imagination? O talagang pulang pula ang mukha niya? Tapos hindi pa siya makatingin sa'ken.

Hmm?

Does he feel something weird too?

"Master.." tawag ko. Pero ano ba ang sasabihin ko aish~ nahihiya kasi ako. Hawak parin kasi niya ang kamay ko tapos feel ko pinagpapawisan na'ko. Kyaaah~ embarassing right? Pero bakit kasi ayaw niya pa'kong bitawan eh. Tho I like the feeling, nakakahiya parin sa kanya because I think I'm sweating alot right now.

"Oh?" Hindi parin makatinging sabi niya, tapos mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ko.

*gulp*

Sfx: bathump!

I can't think straight! Dang it.

"Ano?!" Ayan, galit na tuloy.

"Ano kasi... errm~" salita na Loise! Pero pag bitawan niya ang kamay ko, manghihinayang ako for sure. Gosh~

He glared at me kaya nakapagsalita ako without thinking.. "Saavedra."

"Huh?"

"I..I told him, I'm Loise Saavedra."  Ako naman yung hindi makatingin. "I'm s-sorry... err~ for using your surname.. n-nakalimutan ko kasi yung sinabi kong surname sa head at sa class eh.." *gulp* what am I saying? Geez. Ngayon, patunay lang 'to na stupid talaga ako. Bakit naman kasi 'yon yung naisipan ko?!

"Ba't ka nag so-sorry?" Napatingala ako, and he has this supressed smile. Bakit kaya? "Yun naman ang sabi ko sa'yo diba? Apelyido ko ang gagamitin mo. Ikaw lang 'tong matigas ang ulo."

"B-But.. they'll think that I'm your...well err~"

"Are you suggesting , they'll think of you as my wife?" Now, he really smirks at me.

"NO! Ofcourse not, it's just... it's...err~ you know they can..think of me as your cous---"

"Let them think that your my wife so they can stop messing around with you." Wala. Natulala nalang akong nakatingin sa kanya.

Gulat.

Gulat na gulat ako. Am I hearing things?

*pitik sa noo*

"Aray! Inaano ka ba?!"

"Don't just stare at me. Dummy." nag smile pa siya kaya tuluyan na'kong hindi nakapagsalita.

I was captivated....

Teka, ito ba yung tinatawag nilang Love? Am...am I inlove with this man?! Oh God!

~~~

"Hey! I told her this is my treat!" Slater hissed at Drake. Kasalukuyan silang nagtatalo, at stress na stress ako habang tinitingnan sila. Plus nakaka hiya pa. Nasa canteen kami for St. Watever's sake!

"Hindi mo siya kailangang ilibre dahil siya ang may utang sa'yo diba? Eto na, sasabay na siya sa'yong kumain but I'm buying her food, not you!"

*face palm*

Ewan ko sa kambing na may bangs. Parang mga bata 'tong dalawang 'to nakakalagas ng buhok. -,-

At bakit ganito si Master Drake?! I can't believe him!

Pagkatapos ng halos kalahating oras ng pagbabangayan (hanggang sa pumila silang dalawa) nakabili na sila ng pagkain. Worst is dalawa sila may biniling pagkain para sa'ken. Para tuloy ako'ng bibitayin na bukas sa dami ng mga 'to.

"Err~ ano, balak niyo bang empatsuhin ako sa mga pagkain na 'to?"

"Eh kasi 'to eh!" Sabay pa nilang sabi, and I rolled my eyes in frustration. Bahala na nga!

"Ewan ko sa inyo." Then I started eating. Stress ako so kaya ko yatang maubos 'to. Tss.

Yung whole lunch break ko, nauwi lang sa bangayan ng dalawa nakaka inis. Nakaka badtrip.

~~~

HANGGANG SA UWIAN BA NAMAN?! GOD, GIVE ME A BREAK!

At dahil nga sa sobrang badtrip, nauna na'kong umuwi kay Drake. Iniwan ko na silang dalawa, mas lalo lang ako'ng na si-stress. Kanina sabi ko, nasi-stress ako lalo, tapos ngayon mas na si-stress pa 'ko. Kamusta naman ako?

Grr! #BeastMode

Medyo malayo-layo na'ko ng biglang may humarang sa'ken, hindi lang isa dahil mga mahigit sampu yata sila. Di ko mabilang may iba kasi sa likod eh tapos nakatuon ang pansin ko sa harap.

"He..he.. huli ka." Sabi niya. Eeeeeek~ ang baho ng hininga! Waaaah~

Am I in danger? Again?

"Sumama ka sa'men." hinawakan niya 'ko sa kamay tapos may humawak naman sa kabila at nagtawanan silang lahat.

"Bitiwan niyo 'ko!" Pagpupumiglas ko, pero ano ang laban ko sa mga berdugong 'to? "Tulong! Tulungan niyo 'ko!"

"Tahimik! Gagawin ka naming pain para makuha si Drake. Hahaha!"

"Wala kayong mapapala sa'ken! Hindi ako ka ano ano ni Drake kaya wala siyang paki alam sa'ken! Araaay! Ano ba?! Let me go!"

"Makikita natin yan." He smiled devilishly tapos nagtawanan ulit silang lahat.

Next thing I knew is naisakay na'ko nila sa isang lumang kotse. And it's weird that I don't feel scared for myself. Mas nanatakot ako para kay Drake. Sana wag na siyang sumunod.

Sana hindi na niya malaman 'to.

Hindi naman siya siguro susunod sa'ken diba? Hindi na niya 'ko ililigtas, dahil sa tingin ko, he's better off without me. Konsomisyon lang naman ako dun, so sana hindi na siya magpunta kung saan man ako dadalhin. Papakawalan naman siguro ako ng mga ugok na 'to kung malamang hindi darating si Drake para iligtas ako.

*sigh*

Please be safe Drake.

#Jealous?!

***

~PrettyPotato Leynesa♥