webnovel

The Faith's Failure (Filipino)

Faith Santimoza is a hardworking graduating student who failed her midterm. She thought that was the end of her journey not until she met Kaiden Agoncillo who is naturally kind to help making Faith fall for him. However, her childhood friend, Stay Montemayor, a student pilot finds out what happened and decided to help and live with her. Will they stay as friends or they'll develop a deeper relationship? This is The Faith's Failure.

Zanicolette · Adolescente
Classificações insuficientes
45 Chs

|9| Memories

Faith's Point of View

At sunrise in the fields, in the flood, in the sunset and in the evening, I am with my father.

I still clearly remember how our bike's chain got broke in the middle of the road. We played loud songs that fill the corners of the house. We play cars and such. In my 20 years of existence, I've enjoyed my life with the best father.

One day, my father asked me. "Anak, bubuhatin mo ba ako kapag hindi na ako makalakad?"

I will just say, "opo". But in my deepest heart, I want him to know that I'll do everything for him no matter how it is hard.

I always found myself crying every time he told me about his death.

"Anak, paano kung mamatay na ako? Wala nang uubos sa pagkain mo."

"Anak, matuto ka nang magsindi ng katol sa kwarto. Paano kung patay na ako?"

"Galaw galaw anak, kapag patay na ako, wala ng magpapa-alala n'yan sa'yo."

I never heard my father talk bad things about me. He knows my hardworks, he cherish me. He promised me the world would be good to me. He doesn't care if I lose, if I failed, because the best thing for him, is I tried.

Father, wherever you are, you are never be forgotten.

Unti unti nang ibinabaon sa lupa ang aking ama, kasama na rin ang mga rosas na inialay para sa kaniya.

Rest in peace, tatay.

Tinignan ko ang kuya ko na pinapatahan si nanay. Napuno ng hagulgol ang sementeryo nang mailibing na ang kabaong sa ilalim ng lupa.

"Felicio! Asawa ko! H-hindi ko kaya!" Umiiyak na lumuhod si nanay sa harapan ng puntod.

Nilapitan ko s'ya para makatayo pero inilayo n'ya ang sarili n'ya sa akin.

"H'wag mo akong hawakan!" sigaw n'ya kaya't lumapit na si kuya para makatayo s'ya.

Apat na araw nang isinisiksik ni nanay ang salitang hindi ko matatanggap kailanman, ngunit unti unti na itong nagsi-sink in sa utak ko.

"Pinatay mo ang tatay mo!"

"Hindi kita anak!" Nanggagalaiti sa galit ang nanay ko.

Unti unting nadudurog ang puso ko dahil sa masasakit na sinasabi n'ya. Nang magsialisan ang mga tao sa puntod ay muling nagsalita si nanay.

"Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng doctor na anak." Sa mga tingin n'ya ay alam kong kinamumuhian n'ya ako.

I have no choice... hindi ako maaaring sumagot. Nanatili akong nakatungo habang namumuo ang mga luha sa mata.

"Mula ngayon, itinatakwil na kita sa pamilya namin! Umalis ka na! Bahala ka na sa buhay mo!"

"Nay! Tumigil ka nga! Faith, hindi! Galit lang si nanay!" sagot ng kuya ko habang katabi ang aking ina.

"Hindi ako nagbibiro. Lumayas ka na dito. Ayaw na kitang makita," mariing sabi ni nanay.

Kahit namumuo ang nagbabadyang mga luha sa mata ko ay tumakbo ako palayo at lumabas sa sementeryong iyon. Para akong mababaliw dahil nagpapaulit ulit sa akin ang sinabi ng aking nanay.

Para sa kaniya, Hindi na ako isang Santimoza.

I ran as fast as I can, at kahit nanlalabo na ang aking paningin ay pinilit kong pumunta sa waiting shed. Habol hininga akong humagulgol habang tuloy tuloy na umaagos ang mga luha ko.

Nang makasakay ako sa bus, pinahid ko na ang mga luha at umupo sa tabi ng bintana. Dumungaw ako roon habang hinihintay malagpasan ang sementeryong iniwan ko.

Tatay, sorry...

Wala nang dapat sisihin kundi ako. Kung ano man ang nangyayari sa buhay ko, ay dahil sa kapabayaan ko lamang iyon. Ang galing mo, Faith. Nakakaawa ka.

Habang nakadungaw sa dinaraanan ng bus, biglang tumunog ang phone ko.

It's a call from Stay.

"H-hello?" Pinilit kong tatagan ang boses para hindi n'ya mahalatang umiiyak ako.

"Kailan ka uuwi?"

Umuwi agad si Stay noong isang araw dahil may pasok s'ya. Ngayon ay hindi n'ya alam ang mga plano ko.

"Pauwi na ako."

"Really? Dapat sinundo na lang kita d'yan. Kakaawas ko lang."

"Ah, ayaw naman kitang abalahin."

"A-are you okay, Faith?" nag aalalang tanong n'ya.

Tumango ako. "I'm fine."

In-end ko na ang call at pinagpatuloy ang pagdungaw sa bintana. I realized I have no plans in life, unlike Stay.

Kung sino pa ang babae, s'ya pa ang walang kwenta.

Mostly, guys aren't serious in studying, and got nothing at all. But Stay, he's a successful guy. Nakukuha n'ya ang lahat ng pinaghihirapan n'ya.

We have a great difference.

"Mula ngayon, itinatakwil na kita sa pamilya namin! Umalis ka na! Bahala ka na sa buhay mo!"

Wala ng pakielam sa'kin ang nanay ko. But after all, she's my mom. Kahit itakwil n'ya ako, we can't deny na nanggaling ako sa kanya at iniluwal n'ya pagkatapos ng siyam na buwan.

Masakit mawalan ng pamilya. I thought, in the end, family will be there for you when the sky becomes gray and the rain started to fall. Akala ko may masisilungan ako.

but I stayed cold in the rain.

Makakabangon pa ba ako? May kamay pa bang tutulong sa'kin makatayo uli? Para akong nasa isang madulas na putikan, at walang lakas para makaahon.

Tumingin ako sa langit. Napatawad mo na ba ako, tatay?

Parang mahabang kalbaryo pa ang lalakarin ko dahil sa kunsensya. Kusensya dahil nag sink-in na sa'kin na ako ang dahilan para bumitaw si tatay.

Dahil sa lamig ng hangin, unti unti akong dinalaw ng antok.

---

"Gising na po kayo! Nasa Manila na po tayo!" sigaw ng kundoktor.

Unti unti kong binuksan ang aking mga mata at humikab. Umunat ako dahil sa position ko nang matulog ako.

Tumayo ako at lumabas na ng bus. Paglabas ko ay umuulan at maraming tao ang naghihintay na tumila ito.

Tumakbo ako sa gilid at naghintay ng taxi.

Ilang sandali pa ay nakasakay na ako sa isang taxi at tinuro ang papunta sa bahay ni Stay.

"Thankyou po," ani ko at iniabot ang bayad.

Umuulan pa rin pero wala na akong choice kundi magbasa na lamang. Immune na naman siguro ako dahil lagi akong naliligo sa ulan noong bata pa.

Binuksan ko ang gate at naglakad papasok sa mala mansion na bahay n'ya. Pagpasok ko, nadatnan ko si Stay na kumakain sa sofa habang nanonood ng tv.

Tumingin naman ito sa akin at nagulat sa pagdating ko. "Kain ka na," alok n'ya sa'kin.

"Itlog? Mayonnaise?" nangdidiri kong sabi dahil sa ulam n'ya.

Brown rice, at pritong itlog na sinasawsaw sa mayonnaise. Muntik na akong masuka, na-imagine ko tuloy kung ako ang kumakain no'n, it sucks.

Sinamaan n'ya ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain. Favorite n'ya siguro ang pagkain na 'yon.

He's really weird.

Dumiretso ako sa kwarto ko at tinignan ang orasan. It's already 5 pm. Umagahan lang ang kinain ko pero parang wala na akong ganang kumain pa.

May kung ano sa lalamunan ko na nagpapawalang gana sa'kin kumain.

Humiga ako at tumingin sa kisame.

Ang layo sa'kin ni tatay. Gusto ko s'yang samahan doon, inuulan ang puntod n'ya at nag iisa lang.

Iyon na lang siguro ang dahilan para makabawi ako kay tatay, ang samahan s'ya roon.

Habang nagiisip, ay nakatulog ako sa pagod ng pagba-byahe.