Faith's Point of View
Ramdam ko ang sakit ng katawan nang maalimpungatan ako dahil sa pumapatak na ulan. Napansin kong ginagamot ng isang nurse ang sugat ko sa binti. Halata sa babaeng hindi s'ya Pilipino. Tama... Nasa Indonesia pa rin kami.
Iginala ko ang mga mata. May umiiyak sa sakit, may ipinapasok na sa ambulansya, at may hindi mapakaling mga tao. Napansin ko ring malayo na kami sa eroplanong sinakyan namin kanina.
"Ma'am, stay still," sabi ng nurse nang bumangon ako.
Hindi ko iyon pinansin bagkus nagsimulang mamuo ang kaba ko sa dibdib nang hindi ko mahagilap ang presensya ni Stay. Okay lang ba s'ya? Isinugod ba s'ya sa hospital?
Nang mabendahan na ang sugat ko sa binti ay agad akong tumayo. Paika-ika man, pinilit kong hanapin si Stay. Inisa-isa ko ang mga biktima ng pangyayari, pero wala ni isa roon ang hinahanap ko.
Hindi ko mapigilan maiyak nang makita ang mga taong nakataklob na ng puting kumot. Nakakalungkot dahil hindi man lang sila nasilayan ng mga mahal nila sa buhay bago pumanaw... At kahit walang permiso ng mga Doctor, tinignan ko ang mga mukha nila.
Ilang patay rin ang mga nadaanan ko bago ko makita ang mga nagkukumpulang doctor sa hindi kalayuan. Ang isa sa mga doctor ay tumayo na at naglakad papunta sa iba pang mga biktima.
Paika-ika akong tumakbo palapit sa kanila, kasabay no'n ang pagtakip ng nurse ng isang puting tela sa katawan ng pumanaw.
"Miss--"
Hindi ako naawat pa ng Nurse nang tanggalin ko ang puting tela. At para bang tumigil ang mundo nang makita ko ang lalaking malamig, at hindi na humihinga pa.
Si Soni...
Patay na ang isa sa mga Captain ng eroplano...
Napahilamos ako sa mukha nang maalala ang isa sa mga itinuro sa amin noong nag t-training pa lang ako maging F.A. At risk ang mga taong nakaupo sa unahan ng airplane kaysa sa likuran. Paano kung... Hindi rin s'ya nakaligtas? Napailing iling at napasabunot ako sa sarili. Para akong mababaliw dahil sa mga nangyayari...
Tumayo ako at nagpalinga-linga sa field na puno ng mga taong sugatan, may ambulansya rin at maraming Doctor. Sa lamig pa lang ng ihip ng hangin at buhos ng ulan, alam kong magha-hating gabi na.
"Doc, do you know where's Captain Stay Montemor? Is he fine?" baling ko sa Doctor na kakalampas lang sa harapan ko.
Bumuntong hininga s'ya at saka tumango ng dahan dahan. Napatingin ako sa kung saan s'ya nakatingin, hindi kalayuan sa kaliwang parte ng kinatatayuan ko. Napapalibutan rin s'ya ng mga Doctor at Nurse gaya ng iba, pero hindi ko maaninag ang itsura n'ya.
"T-thank you, Sir!"
Para bang nawala ang pananakit ng binti ko at tumakbo palapit sa kanila. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong abala ang mga Doctor para gamutin s'ya.
"Kita perlu membawanya ke rumah sakit, (we need to bring him in the hospital,)" sabi ng isang Doctor. Hindi ko man naintindihan pero biglang may namuong kaba sa dibdib ko dahil sa seryoso n'yang tugon.
Lumapit ako kay Stay na ngayon ay nakahiga. Marami s'yang sugat at pasa sa katawan, may dugo rin sa noo n'ya pero hindi pa rin nababawasan ang kaguwapuhan n'ya. Wala itong pinagbago, at sa mga mata ko, wala ng makakahigit pa sa kaniya.
Laking luwag ng paghinga ko nang makitang humihinga pa rin s'ya. Maya maya pa ay nagulat ako nang ilagay na s'ya sa stretcher, sumabay ako papasok ng ambulansya. Nilagyan na s'ya ng oxygen at ginagamot na rin ang iba pa n'yang mga sugat.
"Are you his wife, ma'am?" Napaangat ako ng tingin sa isang Nurse na katapat ko lang. Seryoso s'ya sa paggagamot kay Stay. Singkit s'ya at maputi, basang basa na rin s'ya ng ulan dahil sa bagyo.
Dahan dahan akong napatango. "Y-yeah, I'm his wife..."
Tumango tango rin s'ya at kasabay no'n ang pag andar ng sasakyan.
---
Naalimpungatan ako nang marinig ang pag tunog ng phone ko sa bedside table ng kwarto ni Stay rito sa Hospital. Isang araw pa lang ang nakakaraan pero hindi pa rin s'ya magaling. Sabi ng Doctor, malubha ang kalagayan n'ya dahil ang pinaka-natamaan ay ang ulo n'ya...
Nakaligtas rin sila Yumi, Brent at Macey. Nanatili na lang akong tahimik nang itanong nila sa'kin kagabi kung bakit nag aalala ako kay Stay.
"H-hello?"
[Bakla! Bukas na ang flight natin pabalik. Nasaan ka ba?] Si Brent.
Napasapo na lang ako sa sumasakit kong ulo. "A-ah... Nasa Hospital ako, p-pinapagamot ko lang yung sugat ko."
[Hmmm... Sige, okay ka lang ba, Faith?]
Napalingon ako sa pinto, may kumakatok roon at pumasok ang isang nurse. "Ma'am, we'll just check the patient."
"Sige na, B-brent... Mamaya na lang ulit." Pinatay ko na ang linya at bumaling sa Nurse, kasunod naman n'ya ay ang pagpasok ng Doctor. Agad ko silang nilapitan. "Doc... I-is he going to be fine?"
"We can't assure that, the injury really damaged his brain alot. For now, we will base to the patient, if he will survive and then there's a chance he will recover. But something will be change because of the brain damage."
Hindi kailanman gagaan ang pakiramdam ko hanggat hindi ko nakikitang maayos na si Stay. Ang tanging hiling ko na lang sa mga oras na 'to, ay ang paglaban n'ya para sa'ming dalawa.
---
"Cheers!" ani Brent.
"Akala ko ba magpapasama kayo sa'kin bumili ng souvenirs?" Napabuntong hininga na lang ako, pinipilit na kumalma. Pinilit lang pala nila akong lumabas para enjoy-in ang last day nila dito sa Indonesia.
"Bakit? Huwag mo na kasing isipin iyong pag crash, buti nga buhay pa tayong lahat oh!" sabi ni Macey, hindi iniinda ang sakit na natamo sa noo.
"Tama... Kahit naman hindi naging maayos ang flight natin, we should enjoy our last day here," sabi naman ni Yumi. Pareho kaming nagkaroon ng sugat sa binti dahil magkasama kaming magpa gulong gulong sa aircraft that night.
"K-kayo lang ang babalik..." Napaiwas ako ng tingin sa kanila. Binaba nila ang mga hawak nilang beer at seryosong tumingin sa'kin.
"Aba, why?! Wag mo sabihin nakahanap ka na ng fafang doctor last, last night?!" pang e-echos sa akin ni Brent.
Tipid lang akong ngumiti. "May sasamahan ako sa Hospital."
"Ha? W-wala namang malala ang lagay sa'tin ah?" Si Macey.
Nakita kong napaiwas ng tingin si Yumi. Mukhang alam na rin n'ya ang sitwasyon ko ngayon.
"S-si Stay..."
"Stay? You mean... That handsome Captain?" tanong ni Brent.
Tipid akong ngumiti at ininom ang beer. Parang hindi tumalab ang pait na lasa nito, mas mapait pa rin kasi ang nararanasan ko ngayon. "Mahalaga s'ya sa'kin... Kailangan ko s'ya, kaya hanggat hindi s'ya g-gumagaling sa brain damage na natamo n'ya, hindi ako puwedeng bumalik."
"Brain damage?!" sabay na sabi ng magkapatid.
Tumango ako sabay ipinakita ang kamay kong may suot na singsing.
"God! Nag propose na si Papa Sam?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Macey. Binatukan naman s'ya ni Brent. "Aray naman!"
"Tanga! Bakit naman magkaka sing sing si Faith kung wala dito si Samuel?! Boba!"
"I cheated..." panimula ko. "We've been for almost six years, but before that, I've been with Stay. We broke up because of family and financial problems..." At habang inaalala ko ang lahat, hindi ko napigilang matawa ng bahagya. "Guess what? We broke up in California."
Seryoso silang nakatingin sa'kin habang inaabangan ang mga susunod ko pang ike-kwento. Nakakagaan pala sa loob sa tuwing may handang makinig sa'yo.
"And then after seven years, we met... Ninth proposal na ni Samuel sa'kin almost one week ago... Doon kami nagkita ulit sa longue ng airport. Then I knew he's the new Captain of the airlines..."
Napatango tango naman sila. Ngayon naiintindihan na nila, lalo na ni Yumi kung anong pinagdaraanan ko.
"I'm proud... Sobrang proud ko kasi, finally, parang dati lang sobrang excited s'ya noong binalita n'yang naka kumpleto na s'ya ng license, na gusto n'yang mag aral sa Cebu, na pangarap n'ya talagang maging piloto... And now, kasama ko na s'ya sa isang eroplano..."
Pagkatapos kong lagukin ang beer ay nagsalita ulit ako.
"... He saved me when I was down, when the skies are dark, he gave me faith everytime I try... Sobrang napaka importante n'yang tao para sa'kin..."
And then, there... I started to cry.
"H-hindi ko kakayanin kapag may nangyari pang masama sa kan'ya... Gusto ko pa s'yang makasama..."
"Faith..." Naaawa nila akong tinignan. Ramdam ko ang sinseridad nila, si Macey naman ay hinawakan ang kamay ko. Patuloy lang ako sa pagiyak, kaya niyakap ako ni Brent at Yumi para ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
---
Pagkatapos namin kumain sa resto, inihatid nila ako sa hospital. 9 pm ang flight nila at 3 pm pa lang ngayon. Hindi na ko sumama pa sa balak nilang pag wi-window shopping.
Ngayon ko lang narealize na walang pinagkaiba ang hospital sa ibang bansa at sa Pilipinas. They are both stressful. Nakakarinig ako ng iyak, sigaw, at kung ano ano pa. Ayaw na ayaw kong makakarinig ng ganoon dahil kung ano anong naiisip ko.
Sa pagpasok ko ng kwarto ni Stay, akala ko s'ya lang ang madadatnan ko. Pero nagkakamali ako dahil nakapaligid sa kan'ya ang mga Doctor at Nurse...
Nire-revive nila si Stay...
Biglang nanghina ang mga tuhod ko at umiiyak na lumapit sa kanila. Ang makinang nagpapakita kung tumitibok pa ang puso n'ya ay biglang naging flat. Patuloy pa rin sa pag gamit ng defibrillator ang Doctor, na nagpapadurog sa puso ko dahil parang wala naman iyong epekto...
B-bakit ganito?
"Stay! Stay, gumising ka!" Hinawakan ko s'ya sa mukha. Pilit kong kinukumbinsi na mabubuhay pa s'ya, pero bakit ganito? "Stay!" Tinignan ko ang Doctor na hawak ang defibrillator. Inagaw ko 'yon sa kan'ya at ako ang gumawa no'n. Desidido akong mabubuhay pa rin s'ya, lalo na at ako ang gumagawa nito sa kan'ya.
Pa ulit ulit ko 'yung ginawa. Hindi ko kayang sumuko... Hindi pwedeng umayaw s'ya ng ganito na lang kami...
"Ma'am, please let us do our job--"
"Shut up! I know how to use this!"
Umiiyak akong inilagay sa dibdib n'ya ulit ang defibrillator. Nasasaktan akong hindi makitang tumitibok ang puso n'ya. Pero hindi, hindi ako pwedeng sumuko ng ganito lang!
Hinalikan ko s'ya sa unang pagkakataon, pero lalo lang tumulo ang mga luha ko nang hindi ko maramdaman na humihinga s'ya. Malamig na ang labi n'ya...
"Stay, a-ano ba? Bakit hindi mo ko hinahalikan pabalik?! D-diba sabi ko sa'yo gift ko to pagbalik ng Pilipinas? B-binigay ko na sa'yo kahit wala pa tayo doon!"
"Ma'am, y-you can use that only for the last time..." paalala sa'kin ng Doctor. Halata sa kan'ya ang pagkaawa at pagaalala.
Tinignan ko si Stay na hanggang ngayon ay hindi pa rin humihinga. For the last time... Nanginig ang mga kamay ko habang hawak hawak ang tanging susi para maibalik ang buhay n'ya.
At nang ulitin ko iyon, para bang tumigil ang oras nang imulat n'ya ang mga mata n'ya kasabay ng pag angat ng dibdib n'ya. Bahagyang nagulat ang mga nurse at doctor na kasama ko ngayon sa kwarto.
"S-stay?!" Niyakap ko s'ya, at kahit hindi n'ya ako yakapin pabalik alam kong nagpapasalamat s'ya dahil nabuhay s'ya ulit. "Stay, buti naman b-buhay ka na... Salamat sa Diyos!"
Nang kumawala ako sa pagyakap sa kan'ya, napansin kong nanghihina s'ya. Tapos ngumiti s'ya sa'kin... Pero hindi na iyon katulad ng dati. Ngumiti ako pabalik at akma na sana s'yang hahalikan ulit, pero ipinikit na n'ya ulit ang mga mata n'ya.
Tinuloy ko pa rin ang paghalik sa kan'ya. At sobrang malaking ilusyon kung i-si-sink in ko sa utak ko na humihinga pa s'ya katulad ng nangyari ilang saglit lang ang nakakaraan...
Matapos ko s'yang halikan ay umiyak ako ng umiyak. Saglit n'ya lang iminulat ang mga mata n'ya para makita ako... Pero bigla n'ya rin yong binawi. Bakit, Stay? Bakit ang unfair mo? Pinaasa mo ako sa pag aakalang mabubuhay ka...
Pero huminga ka lang pala saglit para ipakita sa'kin ang matatamis mong ngiti.
"Stay Montemor, Time of Death, 3:21 pm."