webnovel

The Ex Lovers

What will you do if you are trapped and stranded in an island with your ex-boyfriend in 10 days?! The fact that he deceived you.. fooled you and trick you that he loves you but he had his agenda. What agenda? But wait, there's a twist.

Jannmr · Urbano
Classificações insuficientes
5 Chs

Chapter 2

Freya Jane Morales' POV

After the three days off from holiday back to reality na ako the truth is one week dapat ang bakasyon ko pero dahil na buryong na ako sa bahay pumasok ako ng mas maaga kesa sa original date na pagbalik ko. Gulat nga lahat ng empleyado dito nang makita ako eh. Eh sa gusto ko na pumasok?  Pero eto naninibago parin, kahit two years na akong nagtake over sa business ng parents ko, after they died from that terrible car accident, marami parin akong hindi alam sa pagpapatakbo pero salamat talaga sa tulong ng ninong ko na attorney din. Sabi din kasi nya wag daw ako basta-basta magtitiwala kung kani-kanino, because they can manipulate you or take advantage of your ignorance kaya napakalaki ng pasasalamat ko sa kanya. At two years naring wala ang mga magulang ko.

Of course, I can still remember my ex, he is the reason why I kept myself so busy and occupied with business matters even just a temporary relief, everyday is like a torture to me tuwing naalala ko yung nakita ko may iba na sya agad. Pakyu sya!

Wala naman masyadong nangyari sa bagong taon ko kasi supposed to be one week after  new year pa dapat ako papasok. Aral lang ako ng aral tungkol sa shoe business namin. Mula umpisa ng business hanggang sa naging successful ito, ang ibig kong sabihin kailangan ko rin malaman ang history ng shoe business namin, names ng empleyado kada department, department head at mga names ng board members. Mula sa mataas na posisyon hanggang sa pinakamababa. Assets, liabilities, etc. anything tungkol sa shoe business namin. Pati mga investors at mga ka-kompetensya ay kailangan din kilalalanin. Ako ang may pinakamalaking shares sa kompanya kaya ako na ngayon ang CEO at president. Kung may angal sila siguraduhin nila na malaki ang shares nila sa company ko. Oo alam ko mayroong ayaw at tutol sa pagiging CEO at president ko, pero paano ba yan ako ang tagapagmana ng shoe business.. Sa totoo lang hindi lang naman isang factory ang meron kami, pero itong pinupuntahan ko ay primary factory namin dito sa Davao, dahil dito naman nagsimula ang lahat. Ang totoo nyan may anim na factory kami at twenty five stores or outlet kami nationwide. Nag-eexport din kami, tulad sa South Korea, Malaysia, Singapore at Japan. Within Asia palang. Pero syempre, I'm ambitious gusto ko umabot sa Europe and US or Canada ang Freya Shoes.

Trabaho, bahay.

Trabaho, bahay.

Trabaho, bahay.

Yan lang ang daily routine ko araw-araw maliban sa weekends dahil minsan kumakain ako sa labas pero kasama si Nana Mercy. Kung hindi naman nasa gym ako naglalagi.

Pinaghandaan ko talaga ng mabuti ang araw na to kahit ang totoo naka-on leave pa ako pero sinabi ko na, maraming dahilan para pumasok ng maaga, isa sa mga dahilan ay may gustong mag-invest sa shoe business ko. I asked our attorney if its okay to entertain a new investor, well natuwa pa nga sya, sabi nya bakit hindi daw itry dahil mas lalong lalago ang shoe business namin. It's an opportunity or challenge daw ito sabi ng ninong ko kung paano ko i-hahandle ang investors.

So when I decided to entertain this new investor, hindi naman sya nagpakita sa akin. Walanghiya.

"Good morning Miss Morales." Nandito kami ngayon sa office ko, start talking business.

"Good morning, so you are, Mr. Brown?! Have a sit." Akala ko bata itong si Mr. Brown, kasi yung name nya ay pambata pero hindi eh matanda na pala.

"Actually Miss Morales, I am not Mr. Brown." Sabi sa akin ng matanda, kaya pala parang hesitant sya umupo.

"So, who are you? If you're not Mr. Brown?!"

"I'm sorry Miss Morales, nagkaroon lang ng emergency sa business.." Nakakainis ah! Biglang uminit Ang ulo ko.

"Emergency? Don't you think it is rude of him for not showing up to this meeting? Matapos mangulit ng secretary nya sa secretary ko para makakuha ng schedule just to have this important business talk ay hindi nya ako sisiputin tapos magpapadala lang ng representative?! Sana pina-cancel na lang nya or at least tumawag man lang secretary nya para sabihing may ipapadala syang representative! But he didn't bothered at all. This is an insult! Pinapalabas ba nya na walang kwenta ang business meeting na to ha?!"

"I'm really sorry Miss Morales.."

"I won't take an excuse just like that. Let's cancel this business meeting. Thank you for coming anyway but I won't do any business from Mr. Brown anymore. Wala syang respeto."

Uminit talaga ulo ko. Sino bang hindi, di ba?! Umalis na din ang matandang representative nung Mr. Brown na yan. Sorry ng sorry ang matanda. Tinatry nyang kontakin si Mr. Brown pero out of coverage daw ang cp nito.

Grabe sya, hindi man lang ako ininform.. malaking insulto talaga sya sa akin. Nakakainis!

Pagkatapos ng nangyari kanina, I decided to go home dahil hindi naman ganun ka busy ang araw na to coz supposed to be its still my vacation and actually sira na ang araw ko! Nawalan na ako ng gana manatili sa office. Grrr. Dumaan lang ako saglit sa isang restaurant para maglunch dahil muntik ko nang makalimutan na hindi pa ako kumakain dahil sa inis sa Mr. Brown na yun. Pagkatapos naman nun umuwi na agad ako.

Pagdating ko sa bahay nandito na si Nana Mercy, nakabalik na sya mula sa bakasyon nya sa province nila.

"Nana Mercy!" Niyakap ko syang nakatalikod.

"Sus, bata ka! Ginulat mo ko." Pero nakangiting sabi nya.

"Sorry Nana. Hehe. Sobrang namiss po kita."

"Eh kasi naman di ka pa sumasa sa akin sa probinsya, anak. Maaga ka ata? Kumusta sa opisina?" Ayun kinuwento ko kay Nana ang nangyari. Tapos sya naman tinanong ko kung kumusta sya sa probinsya.

"Syempre di ka rin mawala sa isip ko kung anong ginagawa mo dito? Alam mo naman kahit di kita anak, tinuturing kita parang totoong anak ko."

"Nana talaga, nakakatouch po sinabi nyo, parang maiiyak naman ako nyan eh. Tama na nga ang drama. Haha. Kumusta pala ang nag-iisa nyong anak?"

"Ayun, magka-college na sya next year. Pero.."

"Nana may naisip ako. Bakit di nyo po paluwasin dito yung anak nyo tapos ako na po magpapa-aral sa kanya? Ano po sa tingin nyo?"

"Naku, wag na anak. Nakakahiya." Mahinang sabi ni Nana Mercy.

"Hay naku si Nana Mercy, hindi ka na po iba sa akin. Kahit kina Mom and Dad alam nyo po yan. Willing po akong pag-aralin ang anak nyo. Basta ang gusto ko lang makakuha sya ng magandang grades. Yun lang po, tapos dito sya syempre titira para naman di na kayo mag-alala pa sa kanya. Lahat ng kailangan ako na bahala. Ano po Nana?"

"Ang bait mo talaga anak. Siguradong proud sayo ang   mga magulang mo sayo." Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Wala po yun Nana. Gusto ko lang din talaga bigyan ng scholarship ang anak nyo. Tapos mag-oojt sya sa company namin at syempre kung ok lang sa kanya dyan na sya magtrabaho di ba?! Basta as soon as nakapag-usap na kayo, and pumayag sya. Paluwasin nyo na nalang po sya dito. Okay ba yun Nana?"

"Oo anak. Salamat talaga ha?!"

"Wala po yun Nana. Sige akyat na po muna ako sa taas. Papahinga lang po muna ako."

"Sige anak, gigisingin na lang kita kapag mag-dinner na."

"Thanks Nana. Sige po."

---

After ko magbihis ng pambahay kinuha ko yung laptop ko na nasa bag ko. Matagal-tagal ko din tinititigan ang fb log in page. Mula nang maghiwalay kami ng ex ko deactivated ko na lahat ng social media accounts ko pero ngayon parang namiss ko yung mga college friends ko, at common friends namin sa college. Ano kaya kung buksan ko na? Limang minuto pa ang lumipas sa pagtitig ko sa fb log in page but then I decided na wag na lang.  Tinabi ko na laptop ko at nahiga nalang para matulog.

To be continued..