webnovel

6 Chapter 5

Chapter 5

- Angelo's POV -

Naglalakad kami ngayon habang nakapulupot sa asawa ko si Jenny. Nagtitingin-tingin sila ng mga pwedeng bilhin at nakasunod lang sa kami sa kanila ni Zeir.

"Dapat mag-da-date kami ngayon, ehh. Bakit kasi dumating pa kayo?" Sabi ko kay Zeir.

"Happy Birthday, bud." Parang labag pa sa loob nyang sabihin yon.

"Tsk. Pumunta nalang kayo sa bahay, deritso na kami doon." Sabi ko tapos bumuntong-hininga.

"Ayaw mo non, noh?"

"Sila mommy lang naman talaga ang may gusto. Last birthday ko na daw kasing single ako."

"Totoo naman, ahh?"

"Tsk. Hindi ko iniisip ang kasal ngayon, ang iniisip ko ay yung kalagayan ng mag-ina ko."

"Ano namang meron?"

"Masyado kasing masakit magsalita si Finlay. Kahapon nga ay parang bibigay na si Finnei kung hindi lang ako tumigil, ehh. Sabihin ba naman hindi ko papakasalan at hindi ko mahal ang kapatid nya, kilala ko si Finnei, alam kong dadamdamin nya yon kapag nagkataon." Medyo galit ko nang sabi.

"Oo nga." Pagsang-ayon nito.

"Kaya ko sya niyayang lumabas ngayon. Para hindi nya naman isiping ganon nga ako sa kanya." Sabi ko pa.

"Kelan ang kasal nyo? Makaka-attend ba kayo sa wedding namin?" Magkasunod na tanong nya.

"Makaka-attend kami ng kasal nyo, pitong buwan palang non si Finnei. Yung kasal naman namin, hindi ko pa sigurado. Plano ko kasi pagkatapos nalang nyang manganak." Sagot ko sa kanya.

"Sabagay, pwede nga yon." Pagsang-ayon nya. Natigilan kami pareho ng tumunog ang cellphone ko. Nang tignan ko kung sino iyon ay si Mommy pala iyon.

"Mom?"

"Nasaan na kayo ni Finnei? Pumunta na kayo dito."

"Sige po, Mom." Binaba na nya ang telepono tapos ako naman ay lumapit sa asawa ko. "Finnei, kailangan na nating umuwi, pupunta tayo doon sa bahay." Sabi ko sa kanya.

"Ok." Nakangiting sabi nito. Agad naman syang sumunod sa akin at nagpaalam na sa dalawa naming kasama. Nang tanungin ko sila kung sasama ba sila ay susunod nalang daw sila dahil may bibilhin daw muna sila.

"Are you ok?" Tanong ko ng makalabas at makapasok kami ng kotse. Nakangiti itong tumango sa akin kaya na kampanti na ako.

'Sana wala doon si Finlay. pero hindi na ako aasang wala sya doon, bakit kasi kailangang may pahanda pa? 26 na naman na ako.'

Makalipas ang ilang minuto ay agad kaming nakarating sa bahay at medyo marami na ang mga taong nandoon. Hindi lang ang mga myembro ng dynasty ang naroon, naroon din ang mga kasama ko sa trabaho, mga kapwa ko doctor at nurse, at iba pa.

"Mom! Nandito na si kuya!" Sigaw ng makababata kong kapatid, si Ashiro. Lumapit ito at parang gusto kong malula dahil sa daming regalo pero halos lima lang naman ang tao.

"Mom? Ano to?" Tanong ko sa kanya ng makapasok kami ng asawa ko. Pero sa halip na kausapin at sagutin ako, ang asawa ko talaga ang inuna nyang kamustahin at pansinin. Napabuntong-hininga ako dahil sa naging aksyon nya at ipinalibot ko na lang ang mata ko sa buong bahay.

Binibilang kung ilan na ba ang mga taong naroon at ganon nalang karami ang mga regalo. Lumapit ako sa may lamesang punong-puno ng regalo at sinuri kung anong mga laman ng mga regalong nakabalot.

'Bakit kasi kailangan pa nilang balutin? Pwede naman nilang perahin nalang.'

Napanuntong-hininga ako ng makitang may stroller na kulay pink doon at may blue pa. Iyon yung nakita naming stroller kanina ni Finnei. Meron pa doong nakalagay na maliliit na unan. Ngayon napapaisipna ako kung may sumusunod ba kanina sa amin kanina, bakit nila mahuhulaan ang ganitong bagay. At talagang dalawa pa ang binili.

'Muhkang alam ko na kung ano ang mga magiging regalo ko ngayong araw.'

"Ohh? Bakit hindi ka pa pumasok doon?" Biglang sulpot ni Daddy.

"Bakit ? Anong meron doon?" Tanong ko kay Daddy.

"Haha. Halika na nga. Pano mo kasi malalaman kung hindi mo muna subukan?" Natatawang sabi nya. Nagpaigaya ako sa kanya at hinayaan syang dalhin ako sa kung saang bahagi ng bahay. Lumabas kami sa bakuran at nagulat ako sa dami na ng tao doon.

'Kaya pala ang daming regalo. At kaya pala wala akong makitang tao sa loob ng bahay, nandito pala lahat sa bakuran.'

Agad kong pinalibot ang paningin ko at hinanap ang kinaruroonan ng asawa ko. Naroon sya sa tabi ng kapatid nya at kumakain nanaman ng crepe cake. Mahina akong natawa dahil kumakain nanaman sya noon, ehh, kakakain nya lang non bago namin makita sila Zeir sa loob ng mall.

Nawala na si Dad sa tabi ko at muhkang pinuntahan na si Mommy. Agad akong pumunta sa kinaroroon ng asawa ko at nakangiting nilapitan sila ng kapatid nya, nakipag-kwentohan din ako sa ibang bisita at paulit-ulit nagpapasalamat sa mga bagong dumadating.

- Finnei's POV -

Biglang naging tahimik at awkward ang paligid ng sumapit ang gabi dahil halos lasing na ang lahat at dumating din si kuya kanina at muhkang lasing na din ngayon. Ako naman ay kinakabahan dahil magkatabi sila ngayon ng asawa habang kapwa umiinom.

"Hoy!" Biglang sigaw ng kuya ko. "Ikaw, h*yop ka! Ano bang ginawa kong kasalanan sayo at ginaganito mo ako?!" Malakas na sigaw ni kuya. Agad syang pinigilan ng lahat dahil parang susuntokin na nya ang asawa ko.

"Ikaw nga ang hindi ko maintindihan, ehh!" Bigla din sigaw ng asawa ko na ikinagulat ko. "Bakit ba ganyan ang galit mo sakin?"

"Dahil inagaw mo sa akin ang kapatid ko!"

"Bakit?! May relasyon ba kayo?!" Galit na sigaw ng asawa ko.

"Alam mong ayokong mag-isa! Alam mong ayokong iwan nila ako dahil natatakot ako!" Sigaw naman ni kuya.

"Finlay, tama na." Pagpigil sa kanya ni ate Angeline. "Pumasok na tayo."

"Parang yon lang?! Bakit ayaw mong maghanap ng girlfriend? Dadating ang araw na iiwan ka din nila. Hindi habang buhay kasama mo ang mga kapatid mo! May trauma ka pero hindi ibig sabihin susundin na kita!"

"Kuya, tama na, please." Pigil nanaman ni ate Angeline sa kapatid nya.

"Pero sana iniintindi mo nalang ako!"

"Mahal ko ang kapatid mo kaya wala kang karapangtang pagsalitaan sya ng ganon sa harap ko!"

"Tumigil na kayo!" Sigaw ko na ikinatigil ng lahat. Agad akong umalis sa bakuran nila at nagtungo sa loob dahil parang hihimatayin na ako sa sagutan nilang dalawa. Agad akong natungo papunta sa kusina dahil gusto kong kumain ng crepe cake.

Maya-maya pa ay pumasok na ang asawa ko sa kusina at may nag-aalalang tingin. Yumakap ito sa akin at napapikit ako ng maamoy ang amoy alak nyang katawan. Agad kong tinanggal ang pagkakayakap nya sa akin tapos patakbong tumakbo sa harap ng lababo. Doon ay nasuka ako at talagang sobrang masakit sa ilong ang amoy nya.

"Are you ok, bae?" Tanong nya na may pagkalasing. Pinunasan ko ang labi ko tapos medyo lumayo sa kanya.

"Wag ka munang lumapit sa akin, kuya." Sabi ko sa kanya.

"Bakit? Is it about what happened earlier?" Tanong nya.

"No. Amoy alak ka kasi. Ang baho mo." Pagkasabi ko noon ay agad ko syang iniwan sa kusina at dinala ang crepe cake ko sa kwarto nya sa itaas.

- Angelo's POV -

Napabuntong-hininga ako ng iwan ako ni Finnei sa kusina ng mag-isa. Naisip ko nanaman ang sagutan namin ni Finlay kanina. Alam kong mali ako kanian pero mali din namang gustuhin nyang kasama nya palagi ang kapatid nya.

Napabuntong-hininga nanaman ako at saka ako sumunod sa asawa kong muhkang umakyat sa kwarto. Nagulat ako ng bigla nalang itong magsuka kanina, akala ko kung ano nang nangyari sa kanya kanina.

"Maligo ka muna, ang baho mo talaga." Pagkapasok ko palang ay ayon na agad ang ibinungad sa akin ng asawa ko. Napabuntong-hininga nanaman ako bago ako pumasok ng bathroom at doon naligo.

- To Be Continued -

(Thu, June 17, 2021)