webnovel

The Dieties Heiress

SecretAppreciator · Fantasia
Classificações insuficientes
31 Chs

Chapter 18: Just Friends

Kevin's POV

Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang nagbabasa ito ng libro at habang ito'y nangungulangot. Oo, ito na yung Sam na yun.

"Why do you keep on starring at me?"tanong nito saakin habang patuloy na dumudukot ng kulangot sa loob ng kaniyang ilong.

"Ahm hindi ka ba nadidiri sa ginagawa mo?" tanong ko dito. Inalis naman nito ang kaniyang daliri sa ilong bago sumagot saakin.

"Bakit naman ako madidiri, eh sariling kulangot ko naman ito."sumbat niya saakin. Seriously, Sam? Asa library kaya tayo at madami nang sumusulyap sayo.

Nangulangot muli ito atsaka biglang isinubo. Kadiri talaga.

"What's with that face?"tanong nito saakin.

"Nadidiri ka ba saakin?"dagdag pa nitong katanungan saakin. Tinitigan ko lamang ito bago ko ito sagutin.

"Oo."sagot ko dito. Kahit naman siguro na sinong kasama niya madidiri sa ganiyan nuh? College na kami tapos ganiyan parin yung ginagawa niya.

Maya maya ay may lumapit saamin. I think they are from the other class.

"Hi." bati saamin ng isang babae. Tinaasan naman ito ng kilay. Hindi kasi talaga marunong makipagkaibigan ito.

"Hi din."bati ko sakanila. Tinitigan ko si Sam at tama nga ang hinala ko, wala itong balak batiin sila.

"I am Marlene and this is Zoren." pagpapakilala nila saamin. Maya maya pa ay tinitigan ni Sam ang dalawa.

"What do you need from us?"agarang tanong ni Sam sa mga ito. Hindi na bago iyon. Matagal bago makuha ang loob ni Sam kapag bagong kakilala lang.

Maya maya pa ay ibinaling nito saakin ang kaniyang tingin.

"Babae mo ba itong mga to?"tanong nito saakin. Paanong babae? Naku, pinaghihinalaan nanaman ako.

"Ahm, excuse me. We're just trying to be friends with you since bago lang kami dito."sabat ng isa na Marlene ata yaong pangalan.

"And I am not interested." she answered to them then she crossed her arms and continue to read our Law book.

"We're nice naman eh. Wala namang magiging problema saamin." wika ulit nung Marlene.

"Oo nga naman, pagbigyan na natin sila, Sam." wika ko dito. Tinulungan ko na yung dalawa tutal mukha naman silang mababait talaga.

Itinigil ni Sam ang pagbabasa atsaka tumitig lamang saakin ng diretso.

'Anong problema? May nasabi ba akong hindi maganda?' tanong ko saaking sarili. Maya maya ay nagsalita na ito.

"The hell I care." pagsusungit nito saamin saka agad na tumayo at nag walk out papalabas ng Library.

"Ano bang problema nun?"tanong naman saakin nung Zoren.

"Sorry girls but I need to go na din."pagpapaalam ko doon sa dalawa upang mahabol ko pa si Sam.

Agad kong inayos ang mga gamit ko atsaka tumakbo papalayo sakanila.

Dati kapag may babaeng lalapit saakin, okay na okay ako. Bahala si Sam kong aalis siya. Ngayon, para akong sinapian ng kong ano. Ako ba talaga si Kevin? Ang gagandang mga chikababes yaon eh. Sayang naman.

Maya maya ay nakaramdam ako ng sakit mula sa aking tuhod dahil sa pagkakabagsak. Pinatid niya ako at ngayon ay nakatingin ito saakin ng seryoso.

"I don't know what to think about you. Ang lampa mo."ani nito saakin.

"Kendra."pagbanggit ko sa pangalan niya. Ngumiti ito saakin ng mataimtim.

"Ang lampa mo."wika nito saakin dahilan ng pagkunot noo ko. Agad naman akong tumayo mula sa pagkakadapa ko.

"What are you doing here?" tanong ko dito. Napakunot noo naman ito saakin.

"Nothing. I just want to see my ex." mariin nitong sabi saakin.

"Kevin!" tawag saakin ng babaeng papalapit saakin. Napalingon rin naman si Kendra sa direksiyon niya.

"Who's that?" tanong nito saakin habang pareho kaming nakatitig dito habang naglalakad papalapit saamin.

Ang ganda niya talaga. Walang kupas. Teka, ako ba talaga to? Si Sam? Sinasabihan ko ng maganda?

Hindi ko nasagot ang tanong nito hanggang sa makarating si Sam sa kinalalagyan ko.

"Akala ko susundan mo akong ungas ka!"pambungad nito saakin at sinabayan pa ng pagbatok sa ulo ko.

Si Sam nga ito, ang brutal na Sam.

"Kevin, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." wika nito saakin dahilan upang parehas kami ni Sam na mapatitig sakanya.

Tinitigan ni Sam ito ng masama bago nita ito nilapitan.

Agad namang kinatok ni Sam ang noo nito.

"Kevin, why is that ganito siya?" sarkastiko nitong sabi saakin habang patuloy na kinakatok ang noo ni Kendra.

Hinawakan ni Kendra ang kamay nito at bigla niya itong sinuntok sa mukha dahilan upang mapasigaw ako.

"Wala kang karapatan para gawin saakin iyan!"bulyaw nito kay Sam na ngayon ay pinupunasan ang dugo sa ilong nito.

Nang mapunasan na ni Sam ang dugo sa kanyang ilong ay agad niya itong tinitigan ng masama.

"Umalis ka na sa harap ko." dahan dahang sambit ni Sam. Nakakaloka, pakiramdam ko anumang oras makakapatay ito ng tao.

"Kendra, paki usap umalis ka na." nakikiusap kong sabi dito ngunit hindi ito nagpatinag at nanatili parin ito sa kinatatayuan niya.

"Hindi ako aalis dito. Sino ba siya sa akala niya?"pagmamataas nitong sabi saakin.

Maya maya ay hinabol na siya ng paa ni Sam mula sa ere dahilan upang mapatamaan ng mapatamaan ang mukha nito. Hindi ito tinigilan ni Sam hanggang sa matumba ito sa sahig.

"Daddy!" sigaw nito habang umiiyak.

"You should watch your word next time my dear."malamig na sabi ni Sam habang nakatingin dito.

Kwenelyuhan niya ito saka niya ito iniangat.

"Hindi isang kagaya mo ang magpapatumba saakin."mariing sabi ni Sam sakanya bago niya ito tuluyang bitawan.

Tinitigan niya lamang ito habang ito'y patuloy na umiiyak.

"Huwag na huwag mong susubukang hamunin ulit ako, mahinang nilalang." wika nito bago ako nito titigan.

"Sasama ka ba saakin o aalalayan mo muna yang pabebe na yan?" tanong nito saakin sa nakakatakot nitong boses. Nagtaas naman ito ng isang kilay niya dahil sa hindi ko agarang pagsagot sakanya.

"Magsama nga kayo." malamig na tono nitong sabi saakin bago ito umalis.

"Sino ba yun?"pagsingit ni Kendra.

"Si Sam." matipid kong sambit sakanya bago umalis.

Si Ivery Samantha Louise Dela Freud.

Ang matalik kong kaibigan.

At kasama ko sa lahat ng kalokohan noong kabataan.

Ang pinaka astigin kong kaibigan.

Hindi ko alam kong bakit nagbabago ako pero isa lang ang alam ko, ayoko talagang mawala ang brutal na Sam na ito.

"Sam! Antayin mo ako!" sigaw ko sakanya habang tumatakbo ako papalapit dito.

Huminto ito atsaka ako tinitigan at inantay magawi sa kaniyang kinalalagyan.

"Tanga ka talaga kahit kelan."wika ko dito.

"Mas tanga yung babae mo, hindi kilala kung sinong asa harap niya." sgaot nito saakin. Binatukan ko naman ito dahil sa kaniyang sinabi.

"What was that for?" wika nito saakin na may halong pagtataka sa kanyang mukha.

"It's for you, tanga ka eh." wika ko dito saka kami nagtawanang dalawa.

A/N: Kamusta po itong chapter na ito. Hope you like it! Good Morning everyone!