@International_Pen
((( SEAN )))
"Elaine, totoo ba itong pinag-sasabi ni Luis na ikaw ang may masama kang balak sa asawa ko."
"Ku-kuya Sean. Anong klaseng bintang ba yan? Alam mo naman na kaibigan ako ni Ate Sena? Bakit ko yun gagawin?"
"Bakit naririto ang mga tauhan mo?"
"Kuya Sean, alam ko pong di pa nakakabalik si Ate Sena, labis na po akong nag-aalala sa kanya, dahil excuse me Kuya Sean, bigla ka atang nanlamig sa kanya? Bawal na ba tumulong kay Ate Sena?"
Napatitig ako kay Luis.
"Andyan tauhan ko para maayos na sunduin ang asawa mo Kuya Sean. At wala akong masamang hangarin kuya Sean, kundi kabutihan. Haist.. ako na nga itong gumagawa ng kabutihan, ako pa itong napagbibintangan na masama. Ano ba yan!"
Saka si Elaine mismo ang bumaba ng tawag.
"Narinig mo na ang sinabi niya. Kaya walang kabuluhan itong ginawa mo sa akin Luis!"
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com