@International_Pen
((( SEAN )))
Nang marinig ko ang pinagsasabi nila. Parang kidlat na tumama ito sa akin. Sunod-sunod na pakiamdam ang dumating kaya di ko alam kung anong reaction ang mangunguna sa akin.
((( CECILE )))
Parang binuhusan nang kung ano si Master Sean para mamutla sa kanyang narinig. Ngunit itinago niya kaagad ang takot na yun dahil agad na pinakilos si Butler Nazi na dalhin siya kung saan naroroon ang kanyang mag-ina.
Malakas ang ulan…
Madulas ang daan…
Ang panahon na siyang mararamdaman mo ang labis na kalungkutan. Nakikisama din ba ang panahon na ito sa nangyayari kila Master Sean at Miss Sena? Talaga bang may malaking unos na parating sa buhay nila?
Ngunit ang ipinagdarasal ko sana maging maayos ang kanyang mag-ina… dahil hangang ngayon wala parin kaming balita sa secretarya ni Master Luis.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com