@International_Pen
((( Sena )))
Medyo napapakamot sa ulo si Mang Ardo, dahil heto na naman ako. Di nga ako nakilala, hahaha.. lalo bang gumanda?
"Kamusta na po kayo?"
Kala mo naman ka-ano-ano nila ako no? Minsan lang kami nagsama sama ng mga taong to."
"Ah eh… ayos lang.. saan ka ba nangaling?"
Biglang naging questionable sa akin ang tanong ni Manong Ardo, at lumabas na nga ang asawa niya. Nagulat ng makita ako. Tipong nawala ako ng ilang buwan.
"Naku iha?! Saan ka ba nangaling?! Bigla ka lang nawala…"
Teka… di ba nila alam na… Oo! Alam nila nawawala ako. Kaya ngayon para akong diwata na nagpakita sa kanila ulit. Hahaha… kunyari kayang multo ako.
"Nay, Tay, andito lang po ako para magpasalamat sa ilang araw na pananatili ko dito. Yung mga gamit ko po, pakihatid na lang kila Tang Ismael."
"Diyos ko po." At napa sign of the cross si Mang Ardo, at asawa niya na napasiksik dito.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com