@International_Pen
((( SENA )))
Naguna pang makatapos si Sean sa akin. Balibhasa lalaki diba? Wala nang pasuklay at pamake na ginagawa sa sarili nila. Nakatayo na siya sa may pinto… at naghihintay sa akin.
Kaya naman kinuha ko na lang yung suklay, at habang naglalakad kami pababa ng bahay, napapasuklay na lamang ako. Hahaha, ang professional ko no? Nang tumampad sa amin ang madaling araw na umuulan ng malakas, na di mo nga marinig sa loob ng bahay.
Na bago pa man ako pumasok ng sasakyan, isinuot sa akin ni Cecile ang putting Jacket ulit, parang kahapon lang na ginamit ko na sa totoo ewan ko ba kung sinusuot ko ulit yung damit na naisuot ko na.
At buti pa si Butler Nazi kinakausap ni Sean habang isinusuot dito ang leather jacket… at may itinatanong.
"Sigurado ka ba Sena na gusto mong magsimbang gabi sa labas? Maari naman na magpapunta na lang tayo ng pari dito?"
Tinatanong niya ako?
"Bakit may parating bang masaman panahon?"
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com