(Sena POV)
"Look at them Sena, di mo maipagkakait na binhi ko sila." ang tinig ni Sean, parang isang ama na matagal na ngang nangulila sa kanyang mga anak. At kung lalaliman pa… parang iiyak siya sa nakikita ngayon.
Napaupo si Sean para maging ka-level niya ang mga bata. Di ko din mahanap ang dila ko para magsalita.
Pinisil ni Sean ang pisngi ni Sheena, ngunit ang sinukli ng dalawang bata, inupakan na siya pero hinila lang ni Sean ang mga ito saka parang tuta na binitbit niya.
"Sean."
"At para ding ikaw noon, na matigas ang ulo at maraming kalokohan na ginagawa." Saka niya pinakawalan ang mag ito para mapayakap nila sa aking mga binti.
"Mommy, he is the bad guy on the hospital, right?"
"Mommy I couldn't beat him." Si Sheena. Ngunit napalingon kami kay Shin dahil meron pang nalalaman na hubad coat nito na kasama sa uniforme nila. Tipong Sean ang dating, naalimpungatan kaya ang isipan…
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com