webnovel

The Devilish CEO

There is a tale that a Devil Young Man, who owns a Candy Truck, processed the human flesh into Candies. Whenever and Whoever the Truck passed by, they were snatch and surprised nowhere to find, and who may know this person forgotten by all. This story was attached to the richest person in this world Where his named scared most of the children... SEAN HERALD... the devil Young Man. No one control him, no one dare to provoke him. Then at the young age, he control things that doesn't anticipated by others. He is the man behind the 72% owner of the business monopoly of the World. @International_Pen Hi there Readers, thank you once again for Patronizing my Novels TAGALOG NOVELS: 1. The Devilish CEO ( Completed ) 2. Your Stranger ( Completed ) 3. Your Lucky Charm (Completed ) 4. Doctor Alucard Treasure (Ongoing) ENGLISH NOVEL 1. Dearly Possessive Sweet Love ( Ongoing ) 2. The Devilish CEO ( English ) ( Upcoming ) Thank you so much

International_Pen · Urbano
Classificações insuficientes
1032 Chs

Chapter 39 My Bad

Nagkagulo bigla, lalo na yung mga Media na may kanya kanya nang posisyon ayun nagulo ulit. Kanya-kanya kuha ng litrato, sa daming Artista na dumating, aba ito lang ang pinag kaguluhan.

Sino kaya to…

Pero di ko man lang nakita, dahil agad siyang dinala sa may isang silid. Pa-Prince masyado.

Yun nakita ko na naman na magkasalubong yung kilay ni Boss Luis, siguro dahil sa gulo ng mga Media na yun. Lumapit si Sir Josh sa kanya, at inassist ang mga Media na walang ginawa kundi magpakunot ng noo kay Boss Luis. Upakan ko ng tig-iisa ang mga 'to.

Narinig ko, bawal daw kunan ng larawan yung bisita na yun… kaya kanya kanya pinabura yung larawan.

Bawal nga din pala magdala ng phone dito, May mga photographer naman na Kinuha yung Company.

Then, kasunod na dumating na ikinalapit ni Rhen, Isang babae, na naas middle Age, ang ganda niya,

Baby face ang mukha… At ala Korean ang Dating. Ang mga ngiti niya na parang ang sarap magmahal bilang isang ina. Lumapit na din si Boss Luis… niyakap yung babae at isang lalaki na ang hitsura parang naging Presidente ng United States.

Ito pala ang parents ni Boss Luis at Chairman ng Kompanya…

Nakakatakot naman ng kanyang Ama. Buti na lang ang Tatay ko, masayahin… ahehehe.. Mama ko lang talaga ang laging nabuburo ang mukha. Pero bawing-bawi naman ang pagiging charming ng kanyang ina. Kung sana… Mother-IN-Law ko na lang siya. Ano ba yan… kanina pa ako nag-didaydream.

Narinig ko na tinawag na ang pansin ko ni Sir Josh, Nasa stage na din yung Master Ceremony.

Nagsimula na nga, at nagawa ko naman yung part ko. Ang maging Projector Assistance.

After ng Program…

Time for the Party! Dance…

((( GEORGE )))

" George, I want to claim my prize tonight."

Hindi pumunta rito si Master Sean bilang isang bisita kundi gagawin niya ang lahat upang maramdaman nila ang pag-iinbita niya ng digmaan sa pamilyang Madrid.

Sisimulan niya ata ang larong to kay Master Luis.

"We already compensated all of the Camera." Sabi ng isang tauhan ko.

Tumango na lamang ako kay Master Sean at ako ang unang lumabas para sunduin si Miss Rhen. Nakita kong magkasama sila sa isang mesa ni Master Luis at mga magulang nito.

Palapit na ako ng,

Naunahan ako ni Master Sean. Lumingon ang lahat sa kanya… May ngiti sa kanyang mga labi.

"May I Invite you for a dance Miss Rhen." Sabay lahad ng kamay na ikinagulat ng lahat.

((( LUIS )))

Tinignan ako ni Rhen…

Ngumiti ako… saka tumango, na ikinangiti ni Rhen. Kahit ayoko, yun ang nararapat dahil sa nangyaring laro nung nakaraan. Natalo niya ako.

Pero napatanto ko, bakit ganito kasaya si Rhen? Di ba niya alam na nakikipaglaro lang si Sean sa akin. Napangisi ako… Sa haba ng panahon na paghintay ko… bakit ngayon ko lang narealize na… si Sean ang talagang hinihintay ni Rhen.

Nakuha yung attention ko ng mag salita ang aking Ama.

"Hinahayaan mo na paglaruan ng batang yun ang relasyon ninyo! Ipinapakita niya na di ka niya nererespeto! Nahihiyang ka na ba Luis!"

"Shhh… " saway ng step mom ko sa aking Ama."

Tumayo na ako, at… "I will handle this, so don't worry,"

" As soon as possible, pakasalan mo na ang dalaga ng pamilyang Grant, kung hindi makukuha ng bastardong yun ang gusto niya!"

Rhen, is not only the one who is pressured about this Marriage thing… I am the most. Kinukumbinsi ako ng Daddy ko simula ng makitaan namin nang interest si Sean kay Rhen, at si Rhen naman ubod ng tangi. Ayoko naman ipilit ang tao na di pa naman handa… Kaya lang… wala na akong magagawa.

Lahat ng mga mata nakatuon Kay Sean at Rhen, nakangiti sila sa isa't-isa. At sa tingin ko malaking balita ito bukas, ngunit hinding hindi ito makakalabas sa publiko.

Ngunit… Halos mapatakbo ako ng…

May humilang babae kay Rhen, at sinampal si Sean.

"Girlfriend siya ng Boss ko! At kinakaringking mo pa! Wala ka bang naiintindihan sa salitang Girlfriend!"

Di ko alam kung paano ko pa maitatakas sa galamay ni Sean ang babaeng to…

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

International_Pencreators' thoughts