@ International_Pen
((( JANINE )))
Tumulo ang luha ko… dahil… kung ganoon… hindi nakaligtas ang aking anak. Gusto ko pigilan ang luhang yun… Nang mapansin ni Samuel.
" Bakit ka umiiyak. Tahan na."
Napatango na lamang ako. At niyakap ako ng asawa ko. Masaya siya dahil akala niya anak namin ang siyang i-uuwi namin ngayon sa bahay namin.
"Wag ka nang umiyak. Para namang namatay anak natin. Akin na nga… parang busog na ang Aaron namin. Wag gagayahin si Mama."
Durog na durog ang puso ko. Ngunit di ko kayang makita na nadudurog ang puso ng asawa ko. Siya ang taong mahalaga sa akin. Siya yung taong nagpahalaga sa akin. Kailangan ko ba siyang saktan.
Kinuha niya… at umiyak ang sanggol.
" Shhhh… bakit ayaw sa tatay. Di ba masarap yung sinuso mo kay Mama. Wag ka mag-alala ipagluluto kita ng masasarap na pagkain pag nakakain ka na."
Naupo na lamang ako sa sulok ng sasakyan. Ayos lang na ako itong makaramdam ng paghihinagpis…
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com