@ International_Pen
((( SENA )))
Kung maka-iyak kami nila Cecile at Jane parang walan nang darating na umaga. Kung ano man ang kailangan ko harapin, ang importante di mawalan ako ng pag-sa. Sabi nga nila ang pagbabago constant yan… laging may nagbabago. Kaya matagal ko nang sinabi sa sarili ko na wag ako masyadong Asa. Hahaha… Wag. Nakaka-praning po ang umasa lalo na kung dapat talagang wag umasa dahil kung minsan hindi naman kasalanan ng ibang tao kung bakit tayo umaasa, sadyang sarili lang natin ang nagpapaasa sa atin, kaya sarili ko, wag tayong Sad. Wag na wag mong ipapakita na mahina ka. Sa loob ng mga araw na ginabayan ka ni Sean para maging matatag at malakas, ngayon… ipakita mo sa kanya na natuto ka.
" Miss Sena, ipakita mo yung dapat lang." Yun nga ang kailangan ko. Yung DAPAT LANG. Wag sosobra… wag maging OA… yung DAPAT lang… Hindi po APAT LANG sa Rebisco Biscuit. Yan nagagawa ko magbiro. Kahit mabigat na yung dibdib ko.Kahit flat chested naman si ako.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com