( SENA )
"Ano ba yan, di ba nila alam na nadadamay nila ang ilang negosyo sa mga pa ingrandeng pagsasalubong nila dyan sa isang tao lang naman. Ano naman ngayon kung siya yung pinkamayaman sa boung mundo, bakit magbibigay ba siya ng pera sa oras na makita natin siya." Reklamo ni Dr.Evarte.
Oo nga naman…
Pero…
Nanginginig ang mga kamay ko.
Ngunit ng makaharap naman yung Guard sa harapan ng Building na di ako pinapasok kaagad…
Ngumiti ako sa kanya… at humanda ka lalo na mainit ang ulo ni Dr.Evarte. Ahahaha.
"Ikaw naman. Alam mo nang empleyado yan dito, bakit di mo pinapapasok kaagad. Gusto mo ireklamo kita sa administration ng Building na ito!"
Sabay belat ko sa kanya. Halata naman kasing pinag titripan ako ng guard na ito. O ano ka ngayon… Tsk. Don't dare me!
At belat pa ng tumalikod na si Doc sa amin.
"Tol, mas maangas pa ako sayo." Sabay tapik ko sa likuran niya. Ahahaha. Bwis*T…
Nang mabuksan ni Dr.Evenarte ang Little Dentist Clinic niya… sabay pailaw sa loob… at sabay on ng Flat screen TV na para sa mga customer… para habang naghahantay may paglilibangan sila… Flash Report kaagad…
Napasinghap ako… Oh my gulay, Sena. Laman ka ng balita ngayon… pero yung accidente lang… at sadyang inilihim kung kanino pamamay-ari yung ID… which is akin nga…. Parang gusto ko ngumuwa…
"Hay naku naman buti nga yan sa kanya." Pahayag ni Doc. Evenarte.
Mabuti nga sana Doc… kung hindi ko ID… pero,kaya lang ID ko yun!
Gusto ko magtago sa drawer ng mini desk ko sa Clinic ni Doc. Part Time-Cashier kasi ako dito and alalay sa records ni Doc.
Dahil malapit lang kami sa may Residential na pinangyayarihan, madami parin ang naghihintay na Media sa paglabas ng Napahandusay na mahalagang Bisita ng Pilipinas.
Siya ba si Prince William?
Prince Henry? Hary?
Kahit sino pa silang sikat na tao dito sa mundong ito… Bakit yung ID ko pa talaga. Ma, bakit ako?... Hahanapin ba nila ako for sure? Sana naman palampasin nila. Aksidente lang ang nangyari! Huhuhu… di naman ata na injure yung bisita… at kung na injure man… wala akong pera para pang pa-hospital sa kanya… lalo na pang admission sa VIP Room. Gusto nila sa Pang MASA ward na lang… Iyak Sena.
Yung Id ko....
Bakit ganito ka sa akin… Kumain naman tayo ng Cornito… O sadyang nag inarte ka dahil namansyahan yung ID Cord ko….
wag naman sana,
Huhuhu.
"May Problema ka ba Sena? Namumutla ka? "
Di ko namalayan ata napa angat ako ng paningin.
At ipinatong ni Doc sa mesa ko yung Records book.
"Ahaha. Doc, baka kasi may makulit na naman tayong pasyente. Alam niyo na... mga bata today."
"Naku, lam mo na ang gagawin sa kanila para kumalma at wag na masyado itangkilik ang mga matatamis na pagkain.Pero wag mo naman sagarin ang pag promote mo ng No SWEET CANDIES for Kids, baka mawalan tayo ng mga customers."
At tinalikuran ako… na naglalaro parin sa isipan ko yung palpak na ID ko… Ampangit ko pa naman dun, haggard at langyang photographer na yun di man lang ako ninotify na ang pangit na kuha sa akin… Paano na lang kung i-flash sa TV mamaya ang ID ko na yun… O diba nabunyag sa mundo ang kapangitan ko… Oo na di ako photogenic pero… maganda ako.
Napangiti na lamang ako para tugon sa Doctora…
Wala lang, meron lang akong narinig na kwento sa Mama ko… Dahil ang hilig ko daw kumain ng mga matatamis na pagkain. Kaya naman daw agad naubos yung baby tooth ko… At dahil sa kwento ng Mama ko na may kasama pang training sa akin sa Martial Arts… ngayon ganda ng ngipin ko. Sa boung pagkatao ko ata, ang pinagyayabang ko na lang ang ngipin ko…
Oo na ngipin na. Ako na ang may magandang ngipin…. Pero sira parin ang araw ko… Yung ID… Ako na ang naghahantay ng Pulis…
Tumunog yung pinto ng Clinic namin, hudyat na may pasyente na kami.
Pasyente nga ba o mga pulis. Papa God naman maawa ka sa akin… di naman ako masamang Tao diba? Pwede palampasin niyo na lang yung tungkol sa ID na yun…
Tinignan ko muna sarili ko sa salamin, malay mo hilain ako palabas tapos pagkaguluhan ako ng mga taga media… mga putakti pa naman ang tipo nila… Dudumugin ka… hahabulin ka… at kanya-kanyang salita na parang mga bubuyog nga. Haist. Ok naman, malayo sa hitsura ko sa ID'ng pangit na yun… Ang malas ko talaga!