(Sena POV)
Pumipitas kami ng bulaklak ni Sheena ng biglang may narinig akong masiglang boses na kagaya kay Sean. Ngunit paglingon ko. Si Coy. Ang carbon copy din ng mga anak ko.
"As I promise, tuturuan ko kayo ng archery!"
"Uncle Coy!" Nabitiwan ni Sheena yung mga bulaklak, at napatakbo nga sila kay Coy. Napabuntong hininga na lamang ako. Feeling ko talaga sa hilahan ng lubid, kumampi na sila kay Sean.
Sino na lang ang kakampi ko? Lalo na ang mga bata, parang nahuhugot na nila sa akin. Pinulot ko ang mga bulaklak na nahulog ni Sheena.
Lumapit na sa akin si Cecile at binigay ko nga ang mga nakuha naming bulaklak.
"Paki-arrange na lang siguro sa silid ko Cecile." Kinuha niya pero inutusan din yung isang utusan. Hinarap na naman niya ako na parang tinutulak-tulak ako na ayusin ko na ang aking sarili.
Sa lagay na ito, parang ang drama ko na nga.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com