webnovel

The Day you love me. I die

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging nanjan para sa atin subalit hindi natin siya nakikita... Kelan ba tayo magmamahal kapag huli na ang lahat? Kapag tapos na ang mundo? O kapag pagod na ang puso... Kaya mo ba ang maghintay ng panahon o taon para sa mahal mo kahit walang kasiguraduhan na magiging kayo hanggang dulo? At higit sa lahat ang pinakatanong HANGGANG KAILAN MO KAYANG MAGMAHAL??? Abangan sina Jace ang lalaking minamahal subalit hindi niya kayang magmahal ng pabalik Clarry Ang babaeng handang gawin at ibigay ang lahat para sa kanyang taong mahal...

Loveisjustashow · Urbano
Classificações insuficientes
51 Chs

Chapter 48

Pagdating ni Isabelle, nadatnan niya si Jace na nililinis ang nabasag na vase.

"Jace! Ano ang nangyari." Ani ni Isabelle

"Ah! Nasagi ni Clary.." tugon ni Jace

Nagulat naman si Isabelle sa maagang pag-uwi ni Clary.

"Si Clary??? Mamaya pa ang uwi niya.."ani ni Isabelle

"Nasa kusina siya. Puntahan mo nga tignan mo ang kamay baka nasugatan. Tugon ni Jace

Kaagad na nagtungo si Isabelle sa kusina.

"Clary! Bakit ang aga mo atang umuwi." Ani ni Isabelle

"Maaga akong natapos sa work ko. Isa pa medyo pagod ako.." tugon ni Clary

"Nako... magpahinga ka na muna, ako na ang bahala sa dinner. Siya nga pala si Jace nag-usap na ba kayo?" Ani ni Isabelle

"Oo usap na normal lang ok na iyon." Tugon ni Clary

Tumayo si Clary sa pagkakaupo at tinungo ang mga bulaklak. Inamoy niya ito at pinagmasdan, napangiti naman si Isabelle sa ginagawang ito ni Clary.

"Ang ganda ng bulaklak na nabili mo, mabango pa siya." Ani ni Clary

Napapakagat-labi si Isabelle nang bigla siyang napalingon sa may pintuan, nakatingin pala sa kanila si Jace.

"Actually Clary... hindi ako ang bumili niyan.." tugon ni Isabelle

"Huh???" Pagtataka ni Clary

Lumingon muli si Isabelle sa may pintuan at pinasundan iyon ni Clary. Pagkakita niya kay Jace ay bigla siyang nabahin sa harap ng bulaklak.

"Haaatssoooo! Ano ba yan nakakabahing naman ang bulaklak." Ani ni Clary

Nakangiti na napapailing na lamang si Jace sa reaksyon ni Clary. Habang sila ay nasa kusina, umiyak naman si Baby Clarace.

"Ako na!" Sabay na sambit nina Clary at Jace

"Sige na ikaw na.." ani ni Clary

"No... ikaw na..." tugon ni Jace

"Ikaw na nga..." ani ni Clary

"Ikaw na... sige na... baka gustong magdede ng anak natin." Tugon ni Jace

Napataas ang kilay ni Clary habang nakakaramdam naman ng kilig si Isabelle.

"Oh Jace.. diyan ka muna susunod lang ako kay Clary." Ani ni Isabelle

"Sige ano pala ang gusto ninyong dinner?" Tugon ni Jace

"Ikaw na ang bahala sige na Thank you Jace!" Ani ni Isabelle

Kaagad na sumunod si Isabelle kay Clary. Pagdating niya doon nagtaka siya kung bakit hindi nagpapabreastfeed si Clary.

"Clary?? Bakit bote ang gamit mo? Diba ok naman ang gatas mo?" Ani ni Isabelle

"Ah...eh... pagod kasi ako baka mamaya na lang." Tugon ni Clary

Dahil sa mga iniinom na gamot ni Clary, hindi na niya pinadede sa kanya si Baby Clarace. Samantala patuloy pa din sa pag-iisip ng dahilan si Isabelle.

"Mukhang may inililihim ka sa akin Clary.. kialala kita, hindi ka ganyan.." sambit ni Isabelle sa kanyang sarili

Ilang saglit pa ay nagtawag na si Jace upang sila ay maghapunan. Matapos ang hapunan, nagtungo naman si Clary sa terrace at nagpahangin. Sumunod naman kaagad si Jace upang makakuha ng pagkakataon na makausap si Clary

"Clary... pwede ba tayong mag-usap?" Ani ni Jace

"Sure.. para saan ba?" Tugon ni Clary

Huminga ng malalim si Jace at saka kumuha ng bwelo.

"Gusto kong pag-usapan ang tayo. Clary alam kong nasaktan kita ng sobra. Gusto ko sanang bumawi." Ani ni Jace

Nagtungo si Clary sa isang upuan at umupo.

"Jace, tama na,, wag na lang natin sigurong ipilit yung sa atin. Siguro mas maganda na lang kung magfocus na lang tayo kay Baby Clarace." Tugon ni Clary

"Pero Clary gusto kong mabuo ang pamilya natin, iyong may tayo. May ikaw, may ako tapos si Baby."ani ni Jace

"Jace.. ayaw ko na! Hindi na kita mahal. Tapos na ang lahat ng nararamdaman ko para sayo! Kaya wag mo na lang ipilit kung ano man ang nais mo. Ayaw ko na din magkasakitan tayo dahil sa pagmamahal na iyan." Tugon ni Clary

Nalungkot si Jace sa kanyang narinig mula kay Clary.

"Sige na magpapahinga na ako. Salamat sa pag-aalaga sa anak natin." Ani ni Clary

Tumango na lang si Jace at tuluyan ng pumasok si Clary sa loob. Subalit lumingon pa si Clary ng bahagya kay Jace.

"Im sorry Jace... mahal kita pero ayaw ko sa bandang huli masaktan ka... hindi ko na hawak ang buhay ko.."sambit ni Clary sa kanyang sarili

Natanaw sila ni Isabelle, kaya naman pagkapasok ni Clary kaagad lumabas si Isabelle patungo kay Jace.

"Ok ka lang?" Ani ni Isabelle

"Oo ok lang ako... aalis na ako babalik na lang ako bukas." Tugon ni Jace

Nagtungo si Jace palabas ng gate, bigla namang sumigaw si Isabelle

"Kapag mahal mo! Wag mong sukuan! Laban lang!" Sigaw ni Isabelle

Tila nabuhayan ng loob si Jace matapos makarinig ng suporta mula kay Isabelle. Pagkaalis ni Jace, tinungo niya si Clary sa kwarto.

Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang nakahandusay na si Clary, wala itong malay.

"Clary!" Sigaw ni Isabelle

Kaagad na tumawag ng ambulansya si Isabelle at dinala niya kaagad si Clary sa hospital. Naiwan naman sa labas si Isabelle kasama ni baby Clarace matapos kuhanin ng mga nurse si Clary.

Habang nasa loob ng emergency room si Clary, nagkamalay ito at nakiusap siya sa kanyang doctor na huwag sabihin kay Isabelle ang tungkol sa kanyang sakit.

"Doc don't tell her the truth." Ani ni Clary

"Pero Clary.. kailangan niyang malaman.mahirap itago ang sakit mo." Tugon ng doctor

"Please Doc..." ani ni Clary

Kumapit ng mahigpit si Clary sa kamay ng Doctor. Nadama naman nito ang nais ni Clary kung kaya sinunod na lamang niya ang nais ni Clary.

"Doc kumusta po si Clary?" Ani ni Isabelle

"Uhm.. over fatigue lang ang kaibigan mo. Kailangan lamang niya ng pahinga." Tugon ng doctor

"Thanks God ok ang kaibigan ko." Ani ni Clary

Napatingin ang Doctor kay Clarace.

"Ito ba ang anak ni Clary?" Ani ng Doctor

"Opo Doc siya nga po. Bakit po?" Tugon ni Isabelle

"Wala naman, kaya naman pala ang lakas ng loob ng kaibigan mo. My anghel pala siyang pinagkukunan." Ani ng Doctor

"Oho nga po eh. Para ngang hindi napapgod si Clary, kahit ilang buwan pa lang nakakapanganak deretso trabaho na kaagad." Tugon ni Isabelle

"Ganyan talaga ang mga nanay, gagawin ang lahat para sa kanyang mga supling. Oh sige na mag round pa ako. Pupwede na kayong umuwi ni Clary ngayon." Ani ng Doctor

"Salamat po Doc!" Tugon ni Isabelle

Kaagad na pinuntahan ni Isabelle si Clary sa kwarto habang hinihintay nila si Simon. Tulog si Clary ng dumating sila kaya naman hinintay na lamang niya itong magising.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Loveisjustashowcreators' thoughts