webnovel

Chapter 13: First Kiss?

Andrew's POV

Umalis kami ni ethan sa BKH kung saan ang meeting place namin, nung una kasi ayaw pa niyang sumama pero wala napilit din namin siya ni aiden. Hindi namin makakasabay ngayon si aiden kasi kasabay niya si blaise. Aaminin ko nagseselos ako sa kanya kasi makakasama niya si blaise for 2 whole freaking hour! And not only that pati sa kwarto kasama niya, well di naman sila magkasama sa iisang higaan dahil kasama din nila si kierra at zach.

Habang ako naman eh kasama ang tanginang to, kung makataas ng paa sa baby Rolls-Royce ko akala mo sa kanya tsaka ako pa talaga pinagdrive niya habang siya eh ang himbing ng tulog. Yung totoo driver ba ako ha at parehas pa sila ni aiden na nagaadrive sa akin kapag tinatamad.

"Paano kaya kapag natulad nanaman nga kami sa dati namin ni aiden"

"Edi lumaban ka, hindi naman kailangang lagi kang magparaya"

Napatingin naman ako sasalamin ng makita ko si ethan na nakapikit habang nagsasalita, alam ko kung bakit niya nasasabi yan. May pinanghuhugutan yan eh HAHAHAHA.

Well kung ako si ethan baka sumuko na ako kasi imagine 13 years pero di pa rin niya nahahanap yung "chibi" niya. at alam ko anamng di ko na siya mahahanap dahil sinong tanga ang maghahanap ng isang babae sa 7.859 billion na katao.

" Pero pre di kapa ba susuko sa paghahanap sa kanya?"

"Saka na ako susuko kapag wala ng araw na sumisikat sa umaga"

So ibig sabihin hindi pa rin siya susuko, bilib din ako sa lalaking to kasi kahit na matagal ng panahon ang lumipas di pa rin siya sumusuko para hanapin si chibi, tumingin ulit ako kay ethan nan aka salampak sa kanyang tenga ang headphones niya.  Haysss mukha na talaga akong driver sa lagay na to. Sana oll nalang nakakatulog!!!!

Aiden's POV

Nakarating kami ni calli sa tagaytay ng 9:00 kasi 7am namin nilisan ang bulacan, Agad naming bumababa si calli tsaka kinuha ang gamit niya sa compartment. Agad din naman akong bumababa para tulungan siya sa mga bitbit niya.

"Thanks!" masiglang sabi sa akin ni calli with a sweet smile,how I love to see that smile everyday . sana nga lagi ko na yang makita kapag ako ang kasama niya.

" Welcome glasses" sagot ko naman sa kanya na nakapag pasimangot ng kanyang mukha. How I love that cute angry face.

"Glasses pala ah!"

Lumapit siya sa akin at binatukan ako ng isang malakas kaya naman nabitawan ko ang mga  dala ko. Shit ang sakit nun ah konti nalang talaga makukumbinsi ko nang amazona tong babaeng to.

Napansin naman niya ata na nasaktan talaga ako sa batok niya kaya kinuha naman niya ang mga dala dala kong nasa lupa at tsaka tumayo.

"Sorry ah masyado atang napalakas HEHEHEHEH"

" Hindi lang masyado calli, sobra ata yung dapat na word dun eh HAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAH" sabay kaming nagtawanan ni calli ng may marinig kaming lalaking papalapit sa amin, tangina naman tong lalaki na to ngayon ko nga lang masosolo si calli sasabay pa siya!

Hayyyyssss alam kong di ko maiiwasan ang mainis sa isipin na baka mag-away na naman kami katulad ng dati ni....

" Oh Andrew ang aga niyo naman dito?"

"Nauna talaga kami dito kasi kami yung magiging committee dito"

"Ahhh so... Committee ka din?" tanong sa akin ni calli, una sa lahat kinuha ko muna yung mga dala ni calli.

Oo committee lang kami ni ethan at Andrew kasi sabi ng teachers di na daw kami college students kasi grumaduate na kami last year  kaya ginawa nalang kaming  committee .

" Yes, and magkasama nga pala tayo sa room kasama si kierra at zach"

" Ahhh sige una na muna ako dun tutal may gagawin pa kayo" sabi niya sa amin at tumalikod, nakakailang hakbang palang siya humarap siya ulit sa amin ni Andrew at ngumiti.

Shet your smile was so freaking beautiful my princess, gusto ko man sabihin sayo yan pero wag muna masyado ata akong mabilis.

"Hehe saan nga pala room natin?" sabi niya habang nagkakamot ng ulo. You're so cute calli, magsasalita na sana ako ng may naunang kumausap kay calli. At ang mas malala yung sinabi niya kay calli

" Hatid na kita sa room niyo"

" No thanks Ethan"

Gayle's POV

Am I dreaming, totoo bang nag volunteer si ethan na ihatid ako sa room namin. This is too good to be real, alam kong may pinlaplano lang tong si ethan. Baka mamaya iligaw pa akoneto eh kaya....

" No thanks Ethan"

"Arte mo" matapos niyang sabihin kinuha niya ang mga bag ko at tsaka nag paunang lumakad.

Tumingin naman ako kanila aiden at Andrew para sana tanungin kong anong nangyayari sa kaibigan nila pero parang tingin ko palang sa kanila alam na nila ang gusto kong tanungin. Agad naming nagkibit balikat si Aiden.

"Ganyan na yun mula pa kanina sa kotse, feeling ko nga di nakainom ng alak yan ng isang linggo kaya nagkaganyan eh"

Sagot sa akin ni Andrew kaya naman napatango nalang ako sa kanya. Minsan din pala bipolar si ethan no! ehhh basta alam kong may kalokohan na gagawin sa akin yun. May halong kaba at takot ang katawan ko kaya naman nag karon na ng butterflies yung stomach ko.

" Hey four eyes! I'm not waiting for you!"

" Yes I know!" matapos kong sabihin yun humarap ulit ako kanila aiden na mukha naming naiinis, alam kong alam naman nila ang nasa pagitan namin ni ethan.

Pero sa huli sumunod na din naman ako sa kanya kasi sabi ni aiden may respeto naman daw yan sa babae. Respeto in your face, eh kulang na ngalang mabalian na ako ng buto nung hinampas niya ako sa pader eh.

Habang naglalakad kami...….

" Stop flirting with my friends" sa sinabi ni ethan na yun napatingin naman ako sa kanya ng wala sa hulog.

" What the hell? I'm not flirting with your friends!" galit kong sagot sa kanya, ano akala niya sa akin a slut.... Well yun naman talaga tawag nila sa akin eh.

He stop from he's track at tsaka tumingin sa akin. Lumayo namana ko sa kanya habang siya naman ay patuloy pa rin sa paglapit sa akin. Nang may naramdaman na akong puno sa likuran ko, inilipat ko sa ibang direksyon ang aking paningin. Pero ang lalake na to ay panay lapit pa rin sa akin, shet! We're too close to each other. Yumuko naman ako para di niya makita ang mukha kong kinakabahan.

" Look at me." Mahinang sabi niya and I gave him

silence....

"I said look at me" mahinang sabi niya ulit. Nung hindi ako sumagot sa kanya, dahan dahan niyang inangat ang mukha ko gamit ang kamay niya. kaya wala akong cjhoice kung hindi sumunod sa kanya

"Sa sususnod na makita kitang nakikipag flirt sa mga kaibigan ko, baka mawala ka sa school na yun."

Mahinang pagkakasabi niya pero alam kong tototohanin niya yun, kaya naman I push him, get ally things and walk away. Narinig ko naman siyang tumawa kaya napabilis lalo ang paglalakad ko.

Kinuha ko naman ang cellphone ko para tawagan si kierra at tanungin kung saan ang kwarto namin. Hindi naman nagtagal nakita kong naglalakad papunta sa akin si kierra kasabay si zach. Una hinahanap pa nila ako pero nung makita nila ako agad silang lumapit sa akin at niyakap. Shemmssss hindi ako makahinga sa pagkakayakap nila sa akin, akala mo naman eh ilang taon kaming di nagkita.

"He-hey hindi ako makahinga" sabi ko sa kanila

"Sorry naman HAHAHAHA namiss lang kita" sabi ni kierra habang naka silay sa akin ang malaking ngiti niya sa akin.

Ngumiti din naman ako sa kanya, sabay kaming nagtawanan ng sabay namin nakita ang seryosong mukha ni zach. Napatigil naman kami sa pagtawa ng nagsalita na siya. Grabe ilang araw ko din siya hindi nakita ah pero what's with the serious face zach?

" Hoy ikaw gayle meron kabang di sinasabi sa amin ha?" tanong sa akin ni zach sa pinaka seryosong paraan ata. Napansin ko naman na anakatingin siya sa paahan ko kung saan mayroon akong sprain na  naka ballot ng benda

"Wala na tapilok lang ako sa hagdan, pero di naman na yan masakit" totoo naman ang sinabi ko sa kanila , na hindi na masakit yung paa ko pero di ko sinabi sa kanila na hinulog ako at hindi natapilok. Ewan ko ba parang ayokong sabihin sa kanlia kasi baka makadagdag pa ako sa problema nila eh.

"Yun ang tinatawag na katangahan bes! HAHAHHAHA" malakas na tawa sa akin ni kierra, ekung siya kaya ihulov ko sa hagdan tignan nalang natin kung makakatawa pa siya HAHAHAHA.

" Saan nga pala yung room natin?"

"Come with us" sagot ni zach na seryoso parin, at this point kinakabahan na ako sa inaasta ni zach ngayon. Baka kasi alam na niya yung nangyari sa akin eh...…..

Sumunod naman ako sa kanila kung saan binabaybay namin ang kahabaan ng hallway, maganda ang scenery dito dahil nasa high grounds kami. Malamig ang bugso ng hangin at masarap ang simoy nito.

Fresh na fresh, habang nilalasap ko ang hangin dito napadpad naman ang mga mata ko sa mga "committee" na nag-aayos ng stage, I must say mas bagay sa kanila yung suot nila ngayon. Naka itim na fitted shirt si aiden habang yung dalawa naman eh puti tapos what the freak bakat yung abs nila! Siguro mamaya baka magkamatayan na dito yung mga babae.

Nakarating na din naman kami sa room namin at nagayos dahil pinapalabas na kami para sa unang activity na gagawin namin. Ako naman eh naka jogging pants at jacket kasi malamig nga dito, ayoko naming mangatov ako habang naglalaro kami. Nang makarating na kami malapit sa stage umakyat dun ang isang anghel na kasama ko kanina.

" Welcome Colleges!" malakas na sigaw ni aiden sa amin, naghiyawan naman ang mga tao dito at may kasama pang tilian.

"Siguro naman alam niyo na ang una nating lalaruin! This is what you called hide and seek with a crazy twist. By group try to hide everywhere in this retreat house, walang lalagpas sa gate and doon sa likuran na madilim. Us committee will try to find you, when we find you, you will have a punishment, the last one caught or the group will be the one who will punish the nakita. So ano game? Magbibilang kami ng 10 kailangan nakatago na kayo AHAHAHAH"

Sabay naman nag alisan ang mga tao dito kasama sila kierra at zach, syempre ako tumakbo na din ako baka mamaya mahuli pa ako at ano pa ang ipagawa sa akin dito eh. Tumakbo ako sa pinakadulo ng retreat house kung saan wala masyadong tao, alam kong bawal dito pero ayaw ko talaga makisali sa laro na to.

Sumandal ako sa likuran ng puno kung saan naka harap sa tanawin ng city. How I love these views, narinig kong tapos na ang pagkacount nila, well wala naman talava akong pake kaya tumahimik nalang ako dito.

Ilang minute rin ang lumipas ng may biglang umupo sa tabi ko, tinakpan niya ang mata ko and next thing I know..... his lips touch mine

My first kiss...…. My first fucking kiss got stolen!

" Bawal ditong magtago miss silly haha"

Tinanggal niya ang kamay niya sa mata ko at umalis. Hindi ko siya makita dahil masyadong madilim dito. I touch my lips and I still feel his lips into my lips…..

Who are you?!