webnovel

The day dreamer's diary

deb_laingo7 · Fantasia
Classificações insuficientes
13 Chs

chapter 8

Pinapatakbo ko ang motor, habang kinakausap ko siya.

"ano ba ang nangyari? Sinong humahabol sayo." natatarantang tanong ko, habang binabaybay ko ang daan patungo sa bahay ko, mas safe siya doon dahil wala akong kapitbahay, at siguradong walang makakakita sa kanya.

"mamaya na ako magpapaliwanag, ilayo mo muna ako dito, please?!" sagot niya habang panay ang tingin sa likod kung may naka sunod ba. Sinunod ko na lang ang gusto niya at diri diritso lang ako hanggang maka uwi.

Pag dating namin sa bahay, dali.x kong bunuksan ang pintuan at pinatuloy siya sa loob. Kumuha ako nang tubig sa kusina para mka inum siya. Nakaupo na siya sa sofa, mayat maya ay tatayo upang sumilip sa bintana. Ramdam kong kabado siya, takot, balisa, at hindi alam ang gagawin. Kaya inilagay ko ang baso sa maliit na lamesa at niyakap ko siya, dun na siya humagulgul.

"wag mokong iwan,tulungan moko." sabi niya. Alam kong mahirap to, natatakot rin ako para sa sarili ko at sa pamilya ko baka madamay sila.

"shhhh. Hindi kita iiwan, tutulungan kita. Pero sabihin mo muna sakin kung anong nangyayari para makapaghanda ako." pinapalakas ko lang ang loob niya pero sa loob loob ko, natatakot ako dahil di ko alam kung anong sitwasyon itong pinasok ko. Ilang saglit lang ay huminahon na siya, at nagkwento sakin sa kung anong pangyayari ang nasasangkutan niya.

Isa siyang nurse na nag tatrabaho sa isang sikat na private hospital. Yung hospital na may isang nangyaring parang sa pilikula lang. May isang witness sa pagpaslang sa isang sikat na politiko ang ginagamot doon na siyang inaalagaan niya. Bantay sarado ang mga pulis at tanging siya lang at ang isang doctor ang nakakapasok sa kwarto nang pasyente. Sa ikatlong araw nng pasyente dun, may ibinigay ito sa kanya na sulat at may pirma. Na kung ano daw ang mangyari dito ay siya na ang bahala sa rebelasyon. Binasa niya ang sulat at nakalagay duon ang pangalan nang isang bigating politiko na siyang ulo nang pamamaslang at naka saysay na rin duon ang lahat nang nalalaman niya at kung bakit pano nang yari ang krimen. Isa ang pasyenteng yun sa sangkot sa krimen ngunit di nakayanan ang konsensya at kumanta,kaya siya ipinapatumba. Sa ika limang araw may nangyari sa hospital. Pinatay ang pasyente nang di nakilalang hitman na nag panggap na doctor. Pagkatapos nun, siya at ang doctor na nag aalaga sa pasyente ay nakidnap. Sigurado ako, may kinalaman ito sa nalalaman niya. Ang ibidensya na ibinigay sa kanya ay ipinabasa niya sakin. Matapos ko itong nabasa ay mas lalong natakot ako, dahil di basta basta ang mga taong nasa likod nito.

Naka tyempo daw siyang tumakas nang dalhin isasalvage na daw sana sila. Pero ang doctor na kasama niya ay nanlaban at di niya alam kung buhay pa, dahil nagpaiwan na ito at pinatakbo na siya.

Para akong nasa pilikula habang nakikinig sa kwento niya. Kahit na natakot ako ay pinanindigan ko ang sinabi kong di ko siya iiwan dahil, alam ko, damay na ako sa gulong ito. Maya maya ay tinanong niya kung pde ba siyang maligo,puro galos at putik kasi siya, pero wala siyang ibang damit kaya pinahiram ko muna . Tinuro ko kung san ang banyo at pumasok na siya. Habang naliligo siya ay nag handa ako nang makakain alam kong gutom siya, alas dos na nang hapon at sigurado akong hindi pa siya nakapagagahan dahil nga sa mala aksyong nangyari.

Ilang minuto lang lumabas na siya sa banyo at dumiritso sa kwarto ko at nagbihis.

Naka suot siya ngayun nang jersey na blue, at naka pajama. Mahilig kasi ako sa pajama kaya may nagamit siya. Simple lang ang suot niya, pero sobrang ganda niya saking mata.

"Umupo ka." sabi ko sa kanya at umupo rin siya sa mesa. Simple lang ang bahay ko, pero malinis. "ibibili na lang kita nang damit mo bukas, isulat mo lang ang kaylangan mo."

dagdag ko, habang siya diridiritso lang sa pag kain.

Hindi ko na muna siya kinausap para makakain siya nang maayos. Kita ko sa siko niya na may galos at may mga gasgas sa kamay niya.

Pagkatapos niyang kumain ay nag ligpit siya nang pinagkainan at maghuhugas na sana kaya pinigilan ko siya.

"ako na ang bahala dito, magpahinaga ka muna." umoo lang siya at diritsong naupo sa sofa. Binuksan ko ang tv para makapanuod sa kung ano na ang balita. Kaylangan updated kami, pero wala pang balita, nanunuod lang siya nang noontime show nang iniwan ko para makapagligpit sa kusina.

"WAGGG!!!"

Nabulabog ako sa sigaw ni Ann, dali dali kong kinuha ang kutsilyo at pumunta sa sala. Hayss kala ko ano nang meron, nakaupo siya at naka taklop sa mukha ang mga palad, umiiyak. Kumuha ako nang tubig sa kusina at ibinalik na din ang kutsilyo doon. Nilapitan ko siya at pinainum nang tubig. Natakot siya sakin, halatang na traumatized siya.

"shhhh, ako to, nananaginip ka lang, nandito lang ako. Safe ka, di kita iiwan." sabi ko habang inaabot ko sa kanya nag baso. "inumin mo para kumalma ka." tinanggap niya naman yun at ininum. Pinabangon ko na siya at inalalayan papuntang kwarto, mas kumportable siya dun. Pinahiga ko siya sa kama, at aalis na sana nang hinawakan niya ang kamay ko.

"salamat ha?" sabi niya nang mahina.

"para saan?" tanung ko sa kanya.

"sa tulong mo. Kahit alam mong dilikado pero tinulungan mo parin ako. " sagot niya.

"wala yun, ang mahalaga, safe ka. Di kita iiwan crush, lalo na ngayung kailangan mo ako." assurance ko sa kanya.

"salamat." ngumiti siya at nag blush. Ako naman, uminit ang tenga ko sa ngiti niya.

Siya ang pinapangarap ko nuon, siya na ang kasama ko ngayun, yun nga lang, napasok kami sa ganitong sitwasyon.

"magpahinga ka muna. Ako ang magbabantay sayo." sabi ko sa kanya at hinalikan ko ang kamay niya. Namula ang pisnge niya at ngumti lang sakin. Ang sarap nang ngiti niya, bagay na bagay ang singkit nang kanyang mata. Di ko talaga ma imagine ang bangis nang mga taong gustong manakit sa kanya, isa siyang anghel para sakin pero gusto nilang burahin? dadaan muna sila sa akin.

Nang nakatulog na si Ann, ipinasok ko ang sofa at ang maliit na lamesa sa kwarto ko. nang lock ako nang pinto at itinago ko ang ibinigay niyang ebedensya. Kinuha ko sa cabinet ang box nang sapatos, dito nakalagay ang hindi lisensyadong 9mm caliber pistol na nabili ko sa kaibigan kong sundalo.

"mukhang magagamit na kita." bulong ko sa sarili ko. Naisipan kong linisan ito, buti na lang may stock akong WD40 dito. Anim lang ang magazine nito pero ti ti13 na bala bawat magazine. "Kaya na to, panabla."sabi ko sa sarili ko. Hindi ako madalas nagpa practice shooting, pero hindi napapanis ang asinta ko, lalong lalo na if with-in 50mtrs lang. Natapos ko nang linisan at inilagay ko na sa hollister ko, ikinasa ko muna pero naka on ang safety, mas mainam na yung handa. inilagay ko ito upuan at kinuha ko ng naka tago kong baton, may ganito ako dahil pamana sakin to nang lolo kong ex-police. Ngayun magagamit ko na ang mga pinaghandaan ko nuon.

Kung gyera man ang masasangkutan ko, may kaunting handa ako. Mamatay man ako, atleast ipinaglaban ko lang ang taong mahal ko, ang diyos na ang bahala.