webnovel

The Casanova’s Queen

Lucia Dela Rosa, isang pasaway at naging rebelde na anak dahil sa issue nila sa pamilya. Lahat ng gusto niya ay ginagawa niya. She is like a dangerous queen. Bukod doon ay isa rin siyang leader ng mga gangsters at kilala ito sa pagiging matinik at palaban. Samantalang sa kabilang banda, ay may isang binata na nag ngangalan na Evan Palermo. Kilala rin siya sa pagiging matinik at palaban...sa babae at kama nga lang. Anong mangyayari kapag ang dalawang ‘to ay nagka kilala at nagka inlove-an dahil sa isang pustahan? Will they find love and peace in each other?

Darlin_Reld · Urbano
Classificações insuficientes
49 Chs

Chapter 13

Gabi na ng maka dating kami sa unit ko. Dito na  ako nagpahatid dahil ayaw kong umuwi ng Mansion nila Erica ng duguan. Baka mamaya himatayin sa pag alala ang parents niya. Ayaw ko rin namang dumiretso sa unit ni Eric at baka magtaka ang guard lalo na't wala siya doon.

"Queen, una na kami? Kaya mo ba talaga?"

"Oo kaya ko. Ako pa ba?"

Tinahi kanina ng doctor ang sugat ko. Mahapdi ito kaya hindi ako masyadong maka galaw ng maayos dahil kumikirot. Ang sabi naman ng doctor ay i-maintain ko lang ang gamot na nireseta niya at hihilom din naman ito after 1 week. Hindi naman siya ganon ka lalim pero malaki siya.

"Dito na lang kaya kami matulog?"

"Umalis na kayo. Layas."

Tumayo naman si D at siya na ang unang lumabas ng Unit ko. Madaling kausap ang taong yun. Masunurin pa.

"Sige Queen. Tawag ka lang once na nagka problema."

"Oo na. Bye. Magsilayas na kayo."

Lumabas na sila at naiwan akong mag isa dito. Nag riring ang cellphone ko ngayon at kinuha ko yun at sinagot.

"Lucia! Where the fuck are you?! I've been calling you since this morning but you're not answering!"

Napa irap ako sa kawalan. E kahapon nga hindi mo ako sinagot sa mga tawag at texts ko. GLYU. /Gantihan lang yan uy/

"I'm in my unit. Kaka gising ko lang." I lied.

Umakyat na ako sa kwarto ko at dahan dahan akong humiga. I'm so tired idagdag mo pa ang sugat na 'to.

"Are you sick? You sound like you are."

"No. I'm not. I'm just tired. I want to rest."

"Take a rest then. I'll see and talk to you tomorrow."

"Yes. Bye."

I ended the call. Masyadong maraming nangyari sa araw na ito. I fought with many people and killed some of them.

Minsan naiisip ko how did I end up with this kind of life at paano ko nakakaya ang lahat ng ito? Does it make me a bad woman? Syempre oo. Kailan pa naging mabuti ang pagpatay ng tao? This is not the first time it happened to me.

Noong mga unang araw ko palang sa gang halos hindi ako makatulog dahil para akong nabigla sa bagong environment na napasukan ko. Killing. Doing illegal things. It was all new to me. But as time passed by nakasanayan ko na ang magulong mundo na pinasukan ko. With the help of my gangmates ofcourse, naka sabay ako. I get used to it.

The first time I killed somone is when we had a gang fight. I need to survive. And in order to survive you need to kill your enemies or else you'll end up with a cold body. Hindi ako makatulog noong unang beses kong nagawa iyon. Halos gabi gabi akong binabagabag ng konsensya ko kaya hindi ko na inulit muli. That's why kada may laban kami hindi ako lalaban habang hindi nila napapatumba ang mga kasama ko. And I'm so lucky because never silang natalo. But there were circumstances na kapag malakas ang kalaban ay napapalaban na rin ako. And you know what will happen next.

I have no choice. If I won't fight, mamamatay ako at maaring malagay sa panganib ang mga kasama ko. And I don't want that to happen. I need to fight for myself and for my gangmates.

Kaya minsan natatawa nalang ako kapag pinagsasabihan ako ni Kennedy. He doesn't know that I already killed people. And I don't want him to know about it. He'll freak out. But maybe he knows. Killing is not new in my world. Common sense nalang. Kung iisipin niyang I never killed anyone, masyado ng imposible iyon. That's why I'm so thankful because aside of me being a badass is nandiyan siya at handa pa rin akong tanggapin.

Napatigil ako sa pag iisip ko ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Lucia."

"What are you doing here?" I asked him. It's Luke. He looks so worried.

Lumapit siya sa akin ngayon at umupo dito sa may kama ko. Tinignan ko siya ng masama. Bakit siya nandito?

"I heard from my ex co-member what happened."

"So?"

"I just want to check you out."

"You don't need to do that. You can go. I'm fine."

I don't have energy para makipagtalo sakaniya at ipadama ang galit na meron ako ngayon. But somehow it makes my heart happy to see him here.

But no! Galit ako. Galit dapat ako at hindi dapat ako natutuwa sa gagong 'to.

"Did you eat?"

"Wow. Nakaka touch pagka concern mo."

"Ofcourse, I'm worried about you."

"Edi wow."

Wala na akong masabi. I want to cry now. Dahil sa pinapakita niya ngayon sa akin. I'm so mad and angry to him, but God knows how much I love him. How much I missed him. Kaya mas lalong masakit. Mas masakit kapag yung taong mahal mo at malapit saiyo ang nanakit. Mas doble ang impact.

"I'll cook for you."

"No need. Busog ako."

"Dati kapag pinagluluto kita hindi ka humihindi dahil sabi mo masarap ang luto ko."

"Noon yun. Hindi ngayon. Pwede ba umalis ka nalang?"

Bakit kailangan niya pa ibalik ang nakaraan? It's all in the past. Masarap ang luto niya at madalas ako pa ang nagrerequest nun sakaniya. DATI.

"You're really mad at me, aren't you?"

"Isn't obvious?" Tinignan ko siya saka siya inirapan.

"Lucia, let's talk."

"We're already talking." Masungit kong sagot sakaniya.

"I mean, let's talk about us." Ibinaling ko ang tingin ko sa kabilang side. I don't want to look at him. "I'm so sorry, Lucia. I'm really sorry." Hinawakan niya ang kamay ko.

Napatingin ako sakaniya and I saw tears on his eyes. Wow! He's crying. And I hate myself now because it hurts me to see him crying.

"I'm so sorry if I hurt you, kung naramdaman mong in—"

"Stop."

"I want to apologize for all the pain I caused you, Lucia. I want us to be okay. Please. Tanggapin mo naman ulit ako sa buhay mo."

"Do you think ganoon nalang kadali na tanggapin ka? I was so fucking broken, Luke. Sirang sirang pagkatao ko nun. Kaya please lang. Okay nako e. Huwag mo na akong sirain ulit."

A part of me wants to accept him again. Lalo na't ngayong nakikita kong umiiyak siya sa harapan ko. I can see the pain through his eyes.

I know he's blaming his self sa nangyari sa akin ngayon. Because he's the reason why I joined this fucking underworld life. That's why everytime I got hurt because of underworld sarili niya ang sinisisi niya.

"That's why I'm here. That's why I came back. Para ayusin natin ang lahat. Para ayusin natin kung ano mang nasira sa atin. Please, Lucia. I'm begging you. Nagmamaka awa ako. Hayaan mo na ako. Hayaan mo akong ayusin ang nasira sa atin. Kahit ako lang ang mag ayos. Tutal ako naman ang sumira diba?" pakiramdam ko ay may mabigat na bagay ngayon na nasa dibdib ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko ang sarili kong umiyak sa harapan niya. I don't want to break down in front of him.

I missed him. I fucking miss this fucking guy. But am I ready? Handa na ba talaga ako? How can I accept him if just by seeing him na aalala ko ang lahat?

Napahawak ako sa may tiyan ko dahil kumirot iyon. Shit. Ang sakit.

Pinunasan niya ang luha niya at umayos ng upo sa may kama.

"What do you want me to cook?"

"Just go."

"But—"

"Just go and cook the fucking food. Don't ask me cause you already know what I want. After that makaka alis ka na." I said to him.

I know he won't stop habang hindi niya nagagawa ang gusto niyang gawin. I know him so well. I stood up at tinignan ang sugat ko. It's bleeding.

"Want me to help you?"

"I can manage. Just go in the kitchen."

Lumabas siya sa kwarto ko at naiwan ako mag isa dito. Nilinis ko ang sugat ko at humiga ulit dito sa may kama. Ano nang gagawin ko ngayon? Nandito siya sa unit ko at baka feeling niya niyan okay na kami. But no. Hinayaan ko lang siya mag stay dito because I know he's worried. And he won't stop lalo na't nasaktan ako ngayon.

I know too na kaya ako pinapauwi ni Papa it's because of him. I know na kinausap niya si Papa mapauwi lang ako sa amin para makapag usap at magka ayos kami. Kaya todo pilit ang tatay ko sa akin. Sumasakit lalo ang sugat ko sa stress na nararamdaman ko ngayon.

After 30 minutes ay tumayo ako sa pagkakahiga. I went to the kitchen if he's still there and to my surprise ay wala na siya doon.

Tinignan ko ang dining table at may pagkain na nandoon. Pinipigilan ko ang luha kong tumulo habang tinitignan ang pagkain. There's a note beside it. Kinuha ko iyon at binasa.

I ccoked your favorite. Hope you like it. I won't stop habang hindi mo ako napapatawad. See you around.

He cooked my favorite sinigang na hipon. Kumuha ako ng plato, kutsara at tinidor. Biruin mo nag saing din pala siya.

Umupo ako sa table at hinigop ko ang sabaw. Pagka tikim na pagka tikim ko sa niluto niya ay hindi ko na napigilang umiyak. Parang gripo kung tumulo ang mga luha ko ngayon.

Kung may makakakita man ngayon sa akin ay baka iisipin nilang nababaliw na ako.

I'm eating like there's no tomorrow at panay ang subo ko sa pagkain na inihanda niya while I'm crying.

Ang sarap ng sinigang niya. Pero tangina niya pa rin.

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Ring ito ng ring. Anong oras na ba? Tinignan ko ang wall clock at 9:00 am na pala. Kinuha ko ang cellphone ko sa may side table at sinagot iyon. It's Eczema. Aga aga naman nitong mambulabog.

"Why?" Sagot ko sakaniya.

"Open the fucking door. Kanina pa ako dito. I don't know the passcode."

"Wait."

Lumabas ako at nagpunta sa may pinto. I opened the door at sumalubong sa akin ang fresh na fresh na mukha niya.

"You look like a zombie."

"Ganda ng pa good morning mo ah."

Pumasok siya sa loob at sinara ko ang pinto. May dala dala siyang mga grocery items at Jollibee? Jollibee ba iyon?

"I brought you breakfast. Jollibee ang nadaanan ko kanina kaya ito na ang binili ko."

"Bakit may pa grocery items ka?"

"Wala. Trip ko lang bilhan ka at baka magutom ka dito. Kawawa naman ang future misis ko e."

Napa irap ako sa huli niyang sinabi pero natuwa ako ng kaunti dahil doon. Bakit ba ako natutuwa?!

"Here. Let's eat. I was so worried yesterday! Saan ka ba nagpunta?"

"I told your Mom that I met my friends. Hindi niya sinabi sa iyo?"

"Hindi. Ayaw niyang sabihin dahil gusto niya daw akong gantihan."

"Gantihan saan naman?"

Binuksan niya ang karton ng Jollibee at ibinigay iyon sa akin.

"Because I left the party nang hindi nag papa alam."

Napahinto ako sa pag subo ng pagkain nang ma alala ko nanaman yan.

"Oo nga pala! Bakit ka umalis non?! Iniwan mo akong mag isa."

Hindi siya sumagot.

"Kumain ka nalang. At mukha kang may sakit talaga ngayon."

I don't want to tell him what happened to me. Baka mamaya magpaka oa nanaman siya diyan tulad nung nangyari doon sa drag racing. He's too funny that time.

I actually want to ask him about the night where he hugged me so tight and said na ayaw niyang may halikan akong iba. I want to know why he acted like that. But I don't want to ask about it. Ang gulo ko no? Gusto ko siyang tanungin pero ayaw ko. Dahil gusto ko siya mismo ang magsabi sa akin non. I have a hint na baka nagkakagusto na talaga siya sa akin. Because he won't say that if he doesn't like me right? But ofcourse let's not assume first. Mahirap mahopia. Malay mo territorial lang pala siyang tao.

"Let's go to our house after this. Magpa alam na tayo kay Mom."

"Okay."

"Are you going to stay in my unit or you'll stay here?"

"I'll stay here."

I think hindi na rin naman ako kukulutin ni Papa lalo na't nagpunta na dito si Luke kagabi. I know Luke. He already saw me and we already talked although hindi pa kami nagkaka ayos. So I think tama na yun para sakaniya. He will not convince Dad anymore for me to come home.

"Okay. After in our Mansion let's just get your things in my unit."

"No. Just leave it there."

"Why?"

"Syempre malay mo maisipan ko ulit matulog doon para hindi na ako magdala ng gamit." I winked at him.

Hindi naman siya agad naka react at nakita kong namula ang mga tenga niya. Luh? HAHAHAHA.

"Kinikilig ka no?" Tanong ko sakaniya.

Umupo naman siya ng maayos at nakatitig lang siya sa akin.

"Bilisan mo na diyan." Tumayo siya at nagpunta sa kusina.

Gusto kong matawa sa reaksyon na pinapakita niya. Napano siya nun?

After kong kumain ay naligo ako at nag ayos. Naglagay ako ng make up para hindi ako magmukhang bangkay. Namumutla kasi ako. Gawa na rin siguro nang nangyari kahapon dahil sa dugo na nawala sa akin. Makakain nga ng balot mamaya. Pampadagdag rin ng dugo yun.

"Let's go?" I asked him.

Lumabas na kami ng unit ko at pumasok sa Elevator. Dumiretso na kami sa Parking lot at sumakay ng kotse niya.

"Edible, daan muna tayo sa isang cake shop. Bilhan ko ng cake Mommy mo."

Para man lang matuwa sa akin ang Mom niya. His Mom is too kind. Pasalubong kung baga at pasasalamat dahil sa pag welcome niya sa akin sa family nila.

"Sige. Para matuwa ang future mother in law mo."

"Bakit? Magiging asawa mo ba ako?" I asked him then I laughed.

"Oo. Bubuntisin at bubuntisin kita maging asawa lang kita."

"Ano ka? Pikutero?!"

"Hindi ko sinasabing ganon ang mangyayari pero parang ganon na nga."

Hininto niya ang sasakyan sa may cake shop. Bumaba kami at naglakad papasok sa loob.

"Lucia, bakit hawak ka ng hawak sa tiyan mo? Buntis ka na ba? Tatay na ba ako?"

"Gago ka? Wala pang nangyayari sa atin." Sagot ko sakaniya.

Ang sakit kasi ng tiyan ko kada maglalakad ako kaya hindi ko maiwasang hindi humawak doon. Sinusuportahan ko ito ng kamay ko para mabawasan ang sakit kada gagalaw ako.

Hinawakan naman niya ang tiyan ko at hinimas himas iyon. Halos murahin ko na siya dahil sa ginagawa niya. Putangina ang sakit!

"Ano yun? Bakit parang may something sa tiyan mo?" Tanong niya.

"Ah, tinapalan ko ng salonpas na makapal. Nag abs work out ako kanina e. Sumakit."

"Baby, kapit ka lang ha. Tae ka palang ngayon pero soon magiging baby ka rin."

Hinalikan naman niya ang tiyan ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Halos maiyak na ako sa hapdi. Sana hindi iyon dumugo.

"O? Bakit ka naiiyak?" Tanong niya.

"Tears of joy. Nagpa practice lang. Kunwari na ooverwhelm." Sagot ko sakaniya. Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Pucha talaga.

"Mag order na nga tayo."

Lumapit na kami sa may counter at nag order ng red velvet cake. Inabot ko ang pera ko sa cashier pero binawal niya ako at siya ang nagbayad.

"Edi ikaw na ang may pasalubong niyan. Hindi ako?"

"Bakit?"

"Ikaw nagbayad e!"

"It's okay." He kissed me on my cheeks.

"Ang sweet niyo naman po, Sir." Comment ng cashier sa amin.

"Ganon talaga."

"Sana ako rin may kiss."

"Kiss mo kamao ko gusto mo?"

"Joke lang po Ma'am."

"Selosa talaga itong Misis ko." Naka ngiti niyang sabi sa Cashier.

Inakbayan niya ako at lumabas na kami sa Cake Shop.

"F na f mo na talaga ang pagiging fake boyfriend mo no?"

"Magiging totoo rin naman ito soon."

"Mukha mo."

Nagstart na siya magdrive pauwi sakanila. Sana naman this time ay payagan na kami ng Mommy niya na umuwi at umalis sa Mansion nila. Ilang araw na ring hindi pumapasok si Educator. Graduating paman din siya.

Nang makadating kami ay mabilis kaming bumaba sa kotse at pumasok sa loob. Naabutan namin ang Mom niya na naka upo sa may living room at may kausap na babae. Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito sa amin.

Napatayo ang Mom niya mula sa kinauupuan niya at sinalubong niya kami. Niyakap ako ng Mom niya at bumulong sa tenga ko.

"She's here. She wants to see Evan. Hindi ko mapa alis dahil umiiyak."

I rolled my eyes after hearing that. Si Linta pala yung babae.

"Mom, I bought you a cake. Here."

Kinuha ko ang cake kay Edgy at inabot yon sa Mommy niya.

"Thank you anak. Nag abala ka pa." Naka ngiting sabi niya.

Tumayo si Leronleronsinta at hinarap kami. She looks angry. Bilib din naman ako sa babaeng to. Masyadong malakas ang fighting spirit. LKLSG! /Laban kung laban si gaga/

"What are you doing here?" Inis na tanong ni Erog ko sakaniya.

"Evan, I came here to see you. Please, let me stay."

Wow. Kapal!

"Iha, I think it's not good to see if you will still pursue my son. Knowing he has a girlfriend now. I think you should respect their relationship."

"No! Tita, they're not married yet! Maghihiwalay din naman sila. Diba Evan? Ako pa rin naman magiging asawa mo diba?" She's crying now.

Nababaliw na siguro ang babaeng 'to. Dapat dito ay ipadala na sa mental. Anong klaseng pag iisip meron siya? By the way she acts now, she's really obssessed.

"Lia stop it! You're crazy."

Lumapit si Lapastangan sakaniya at niyakap ang fake boyfriend ko.

"No! No! Please Evan."

Tinulak siya ni Evan at napa upo siya sa may sahig.

"Get out."

Tinignan naman ako ng masama ng babaeng hampaslupa. Para niya akong papatayin sa way ng pag tingin niya.

"You! This is all your fault!" Sigaw niya sa akin. Tumayo siya sa pagkaka upo niya at tumakbo papalapit sa akin.

Pinaghahampas niya ako at mabilis kong sinalo ang mga kamay niya.

"Oh my god! Yaya! Call the security!" Sigaw ni Mom.

Hawak hawak ko ang dalawa niyang kamay at todo pigil ako sakaniya. Hinawakan siya ni Efficient at inilayo  sa akin ngunit nasipa niya ang tiyan ko.

"You're crazy Lia! Fuck! Stop hurting my girlfriend or I will punch you!"

Napaupo ako sa sakit dahil sa pagkaka sipa niya sa tiyan ko. Hawak hawak ko ang tiyan ko ngayon and I saw blood on my hands. Putragis talaga oo. Paano ako gagaling nito?

"Oh my god Lucia! Why are you bleeding?!" Tumakbo papalapit sa akin si Mom at hinawakan ang tiyan kong panay ang dugo ngayon.

Gulat na gulat si Effort habang nakatingin sa akin.

Itinaas ni Mom ang tshirt na soot ko at mas lalong nanlaki ang mata niya ng makitang may sugat ako doon.

"Evan! What happened to her?! Yaya! Tawagin mo ang driver! Hurry up!"

Hinawakan ko ang kamay ni Mom dahil para na siyang aatakihin. Putlang putla ang mukha niya. Naghihisterical siya.

"Mom. I-I'm fine."

Inalis ko ang soot soot kong heels. Hawak hawak pa rin ni Effortless si Linta na gulat na gulat din.

"Empoy, bitawan mo iyang babae na iyan." Sabi ko sakaniya.

"What?"

"I said, let her go!"

Nakaupo pa rin ako ngayon sa may sahig. Binitawan niya si Lambanog. Pagka bitaw na pagkabitaw niya ay ibinato ko sakaniya ang sandals ko.

"Letse ka ha!"

Sapol sa ilong niya ang sandals ko at napahawak siya sa ilong niyang dumudugo ngayon. Inalis ko ulit ang isa ko pang sandals at binato ulit sakaniya. Hindi ako pumalya at nasapol ulit siya that causes her to faint.

"What the fuck?"

"Hindi ako makakapayag na hindi ako maka ganti. Ano siya? Chix?!"

Tumayo ako at naka alalay pa rin sa akin ang Mom niya.

"Mam, naka ready na po ang sasakyan."

"Let's go Lucia."

"Mom, I'm fine. No need to go in the hospital."

"Hindi! Sa ayaw at sa gusto mo pupunta tayo ngayon!"

Tinignan ko si Eight at seryoso siyang nakatingin sa akin ngayon. Para siyang galit na concern na hindi ko maintindihan kung ano bang emosyon ang meron siya. I know he has a hint kung paano ako nagkaroon nang ganito. He knows that I'm a ganster. So probably yun na ang dahilan na iniisip niya.

"Let's go." Binuhat niya ako na parang pa bride's style kaya wala na akong nagawa pa.

"Explain me later what the fuck happened to you. Meet your friends pala ha? I didn't know that meeting your friends will cause you this one." Bulong niya sa akin.

Isinakay niya na ako sa sasakyan at hindi na ako nagsalita pa.

Nang makadating kami sa hospital ay agad akong inasikaso ng Doctor.

Tinahi ulit ang sugat ko dahil bumukas ito. Sinabihan ako na huwag masyadong mag gagalaw at magpahinga lang para hindi na ulit bumukas iyon.

Pwede naman na akong umuwi but Mom insisted na mag stay pa rito sa hospital. But I said no. Like hello? This is just a wound but his mom is really worried.

"If you don't want to stay here, doon ka muna sa Mansion mag stay anak."

"It's okay Mom. Uuwi nalang po ako sa amin." I said but it's a lie.

"No. We'll go home in our Mansion." Ang sama ngayon ng tingin sa akin ni Esme. Maybe because he knows that I'm lying dahil hindi naman talaga ako uuwi sa amin.

"So, let's go home then. I'll pay the bills."

"Dad, I have money here. Ako na po."

Hindi pinansin ng dad niya ang sinabi ko. Nakakahiya naman kasi na sila pa ang magbabayad dito sa hospital.

His dad is here too. Pagkatawag na pagkatawag sakaniya ni Mom ay wala pang 30 minutes ay nandito na siya and he was worried. He said na kakausapin niya ang pamilya ni Lesbian. He will file restraining order too para hindi na raw ito makalapit sa amin.

After paying all the bills ay lumabas na kami ng hospital at umuwi na sa Mansion nila. Nang makadating kami sa mansion ay dumiretso na ako sa kwarto namin. Nakasunod pa rin sila sa akin. Even his parents. Umupo ako sa may kama.

"Change your clothes anak before you go to sleep. Gusto mo ba tulungan kita?" Mom asked.

"Hindi na po, Mom. Kaya ko na po. Thank you po talaga."

"Ano bang nangyari sa iyo? Saan mo nakuha ang sugat na yan? Alam ba yan ng parents mo?" Dad asked.

"T-they know abou this Dad. Na-na holdup po ako kahapon after meeting my friends. I didn't know na may dala po palang kutsilyo yung lalaki."

Jusko! Ang bait bait nila sa akin pero nagsisinungaling ako. Alanganamang sabihin kong nakipag laban po ako sa isang Mafia kaya may sugat ako?

"Dapat binigay mo na ang gamit at pera mo anak. Hindi mo na dapat hinintay na masaktan ka. Diyos ko. Marami na talagang masasamang tao ngayon."

"Can you still remember the face na nangholdap sayo? Para ipa trace natin sa mga Pulis."

"I forgot his face na po." I lied again. Kinokonsensya na talaga ako.

"Okay. Basta next time be careful. Aatakihin ako saiyo. Daddy, settle down that issue with Lia. I don't want this to happen again. She had caused many problems."

"Yes, Mommy I will. Matulog na kayo. Evan, if there's a problem knock us in our room."

"Yes, Dad. Thank you."

Lumabas na sa kwarto ang parents niya at naiwan kami dito ni Elbow. Napahinga ako ng malalim. He locked the door nang makalabas na ang mga ito.

"I will not buy that excuse, Lucia." Seryosong sabi niya sa akin.

Nakaupo ako sa kama at nakatayo siya ngayon sa harap ko habang naka pamewang.

"That's the truth."

"I know it's not the truth. Tell me what really happened to you. I know you were just lying in front of them."

"Okay fine! I was lying. I fought with a Mafia group that's why I got this."

Napahilamos siya sa mukha niya at sinabunutan niya ang buhok niya.

"Tangina naman, Lucia! Kailan mo ba ititigil ito? Hindi ba't sinabi ko sa iyo na tigilan mona ito doon palang sa putanginang drag racing na yun!"

"You know na parte na yun nang buhay ko. You know that!"

"Yes I know! I really know that it makes me fucking worried!"

"Why? What makes you worried?" I asked him raising my eyebrows.

I want to hear kung bakit siya ganiyan maka react ngayon.

"I..."

"You what? Sabihin mo." Hamon ko sakaniya.

"I fucking care about you! I was fucking worried when I saw that fucking blood in your stomach! God damn it Lucia. I don't know why am I fucking stress now knowing that you're putting your fucking life in a fucking trouble!"

"Tell me why you're worried and why do you care?" hamon ko sakaniya ulit.

I want to hear from him kung bakit siya nagkakaganiyan. They have a bet. At kung bet lang talaga ang focus niya ay hindi dapat siya aakto ng ganito unless he's a good actor.

I can feel that there's something on how he reacted. He already confessed before that he likes me but now  I can see the sincerity through his actions and words. I can see the thing in his eyes na gusto kong mahanap. And it makes my heart happy na nakikita ko yun ngayon.

Hindi niya pa rin ako sinasagot at naka titig lang siya sa akin. Mahirap bang aminin? Mahirap ba para sa isang Casanova na nafafall na siya? Mahirap bang aminin sa sarili niya na siya mismo ay nahulog sa patibong na ginawa niya? Well, BPM. /Bet pa more/

"What? Tell me now."

"Fuck." Mura niya.

"Last night you told me that you don't wanna see me kissing another man."

"That fucking Hong." Inis niyang sabi.

"Tell me, Esmeralda. Answer me now."

Seryoso niya akong tinignan sa mga mata. I want to hear from him. Papa party talaga ako kung aamin na siya ngayon.

"Nothing. I'm just worried about you. That's all." Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

Ano? Natatapakan na ba ang ego niya? Looks like someone is indenial. Ha-ha.

"Really? Is that all?"

"You know I like you, Lucia. I already said that before and that's the reason why I'm fucking worried."

"Okay." Sagot ko sakaniya at humiga na ako sa kama.

Pinatay niya ang ilaw saka ko naramdaman na humiga siya dito sa may tabi ko.

"Lucia."

"What?"

"Do you.. ah nevermind."

"Tuloy mo na huwag ka nang mahiya."

Hinawakan niya ang kamay ko. Nakahiga kami ngayon habang hawak hawak niya ang kamay ko at nakasalikop iyon. SR. /So romantic/

"Do you want this relationship to become real?"

What?

"Why are you asking me that?"

"I know to myself that I like you. And I want us to be real."

Nagdadalawang isip ako kung anong isasagot ko ngayon. Baka kasi patibong niya lang ito at ayaw kong mahulog.

"You like me?" I asked him.

"Yes."

"You want be to become your girl?" I asked again.

"Yes."

"Then, love me first." I said to him.

Hindi na siya sumagot matapos kong sabihin iyon.

I don't want to have in a relationship with him especially I have trust issue with him. Yes, we became close to each other that I feel so comfortable with him. Nasanay na ako sa kabastusan ng bibig niya. He even introduced me to his family. But as long as hindi niya inaamin sa akin ang putragis na bet na meron sila ng kaibigan niya I won't fall for this.

I know to myself that it's not hard to like him. That's why I'm doing my best para hindi mahulog sa patibong na ito. I'm attracted to the point that I'm controlling myself everytime na nilalandi niya ako. I know what's better.

Akala ko hindi na siya sasagot. Akala ko tulog na siya. At hindi ko inakala na titibok nang ganito kabilis ang puso ko dahil lang sa sinabi niya.

"Okay. From now on I'll court you, Lucia. And I'll make sure you'll say yes."