webnovel

THE BOYISH AND THE PLAYBOY (TAGALOG)

Si Francis Tan, isang modelo at negosyante. At dahil gwapo, mayaman at hot si Francis, habulin sya ng mga babae, at dahil mabait sya, lahat ng babaeng lumalapit sa kanya ay pinapatulan nya, basta sexy at maganda, sa madaling salita, isang certified playboy ang ating bida. Isang araw ay nakilala niya ang isang tomboy na nagngangalang Reyann Florante, maangas ito at basagulera. Dahil sa parehong problema sa kani-kaniyang pamilya, nagkasundo silang magpanggap na magkasintahan. Sa dinami-rami ng magagandang babaeng nakasama ni Francis, si Reyann lang ang tanging nagpagulo sa nananahimik niyang puso, at dumating nga ang araw na narealized niyang mahal na mahal na pala niya si Reyann. Magagawa kayang mapaibig ng ating certified playboy ang isang tomboy?

iamyanagi · Urbano
Classificações insuficientes
23 Chs

CHAPTER 15

A/N - First of all, nais ko lang pong ipaabot muli ang aking lubos na pasasalamat sa lahat ng mga sumusubaybay sa story na ito. Sana po ay ipagpatuloy niyo ang pagsubaybay hanggang sa matapos. Paki vote narin po. God bless.

-Ana Yanagi-

*****

Maagang umalis ng bahay si Francis kinaumagahan upang kitain ang kababatang matagal nang di nakikita, kadarating lang nito galing ng Canada.

"How's your trip?" Tanong ni Francis sa kaibigang si Mark, sa isang sikat na cafe sila nagkita.

"I'm fine, ikaw kumusta?" Ani Mark, kahit naglalagi ito sa Canada ay matatas parin siya sa pagsasalita ng tagalog. "You look happy today huh" Nakangisi pa nitong dagdag.

Napangiti lang si Francis sa tinuran ng kaibigan. "Yeah, it's a good day for me"

"Akala ko ba may ipapakilala ka sakin? Where is she?" Tanong ni Mark, nang mag-usap sila sa cellphone ay nabanggit niyang ipapakilala niya si Reyann sa kababata. Daig pa nila ang magkapatid, walang inililihim sa isa't isa.

"May nangyari kasi kagabi, kaya siguradong hindi ko yun basta maisasama" Napapangiting paliwanag ni Francis, naalala na naman nya ang paghalik nya kay Reyann. "Isasama na lang kita sa bahay, para maipakilala ko siya sayo"

"I'm so curious about that girl, imagine? Napainlove ka niya..tsk..tsk..tsk" Wika ni Mark, napailing-iling pa ito. "Isang certified womanizer slash playboy, nainlove sa tomboy..wow! Ang gandang headline bro, parang telenobela lang"

"Shut up! Baka may makarinig sayo dito, and for your information, hindi siya tomboy..maybe boyish" Saway ni Francis.

"Really? Baka naman nag-a-assume kalang dahil inlove ka dun sa tao" - May panunuksong sambit ni Mark.

"We talk some personal things last night, and she mentioned that she never fell inlove with a woman, so it means she's not TOMBOY" Kwento ni Francis, na sinadyang diinan ang pagkakasabi ng TOMBOY.

"Ok..ok..it's good for you, di ka naman pala basta-basta mabo-broken. Hindi naman pala siya karma" Tatawa-tawang wika ni Mark.

"Karma your face! Mabuti pa alis na tayo, let's go to my place" - Ani Francis.

*****

"We're here, let's go inside" Pag-aaya ni Francis kay Mark nang marating nila ang townhouse niya. "You want something to drink?"

"Bro may sakit lang ang tinatanong" Pamimilosopo ni Mark.

"Hindi ka parin nagbabago, serve your self na nga lang! I'll go to Reyann's house" Napipikong sabi ni Francis.

Natawa na lang si Mark sa pagiging pikon ni Francis. "Ok..puntahan mo na yung magpapa good vibes sayo"

Lumabas na si Francis at pumunta sa bahay ni Reyann. Ilang beses na siyang kumakatok pero walang nagbubukas ng pinto, kaya ginamit na niya ang duplicate key ng bahay ng dalaga.

"Reyann!" Tawag ni Francis, nagbabaka sakali siya na baka nasa kusina lang ito at nagluluto. "Reyann!" Muli pa niyang tinawag ang dalaga pero walang sumasagot.

Umakyat siya sa second floor ng bahay at dumiretso sa kwarto ni Reyann, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto dahil sa pag-aakalang tulog pa ang dalaga, pero nanlumo siya ng makitang wala doon ang dalaga.

Pinuntahan pa niya ang ibang parte nang bahay upang hanapin si Reyann, pero wala siyang nakita kahit anino nito. "Saan naman kaya siya pumunta?" kunot noong bulong ni Francis sa sarili. Kinuha niya sa bulsa ang cellphone upang tawagan ang dalaga.

'the number you have dialled is out of coverage area please try call later' Ito ang paulit-ulit na sinasabi ng operator sa tuwing idadial ni Francis ang cell number ni Reyann, lalo siyang napasimangot.

Nang maisara na ni Francis ang pintuan ng bahay ay lumabas na siya sa bakuran, eksakto namang nakita niya si Aling Nida, ang matandang kapitbahay nila na laging maagang gumigising. "Good morning ho Aling Nida"

"Good morning din iho" Nakangiting bati ng matanda.

"Nasabi ho ba sa inyo ni Reyann kung saan siya pumunta? Di ko ho kasi siya ma contact" Magalang na tanong ni Francis.

"Naku iho, wala siyang nababanggit eh, pero nakita ko siyang umalis, ang aga nga niya eh" Anang matanda. "Mga nasa alas singco na ng umaga ng umalis siya, may dala siyang malaking bag, itatanong ko nga sana kung saan ang lakad nya, kaya lang ay bigla nalang niyang pinaharurot ang motor" Pagpapatuloy ni Aling Nida.

Biglang kinabahan si Francis sa kwento ni Aling Nida. 'Bakit siya umalis? Nagalit kaya siya sa ginawa ko? Pero hindi naman ganon ang reaksyon niya kagabi' Ani Francis sa kanyang sarili.

"Sige po aling nida, salamat" Iniwan na ni Francis ang matanda, nanlulumo siyang umuwi ng bahay.

*****

"Oh bro, para namang biyernes santo yang mukha mo" Puna ni Mark sa kaibigan pagpasok nito sa sala.

"Umalis siya without my concent, at hindi ko rin siya ma contact" Nanlulumong sabi ni Francis. Napilitan siyang ikwento sa kaibigan ang nangyari nang nakaraang gabi dahil sa nagtatanong na mukha ng kaibigan.

"Anong balak mong gawin ngayon?" Tanong ni Mark nang marinig ang kwento ng kaibigan.

"Pupuntahan ko muna yung ate niya, siguradong alam niya kung nasaan si Reyann" Sagot ni Francis.

"That's a good idea, mabuti pa pumunta kana ngayon" Ani Mark.

Ganoon nga ang ginawa ni Francis, bahala na muna ang masisirang schedule niya, kailangan niyang makita si Reyann. Pumunta siya sa restaurant na mina-manage ng mga kapatid ni Reyann. Pero muli lang siyang nanlumo dahil sarado ang restaurant, sinubukan niyang magtanong sa kalapit na bakeshop nito.

"Excuse me" Agaw pansin ni Francis sa kahera ng bakeshop.

"Yes sir?" Malambing na tugon ng babaeng kahera.

"Anong oras nagbubukas yang katapat niyong restaurant?" - Tanong ni Francis.

"Usually 7 am pa lang nagbubukas na sila, nagtataka nga ako ngayon, tanghali na sarado pa sila" Sagot ng kahera.

"Eh kahapon nagbukas ba sila?"

"Yes Sir, bumili pa nga ng tinapay si Miss Ariella dito" -Tugon ng kahera.

Napatango-tango na lang si Francis sa kwento ng kahera. "Thank you Miss, una na'ko"

Nagpasya si Francis na umuwi muna, babalik nalang uli siya after an hour.

*****

Bigo si Francis na makita at makausap ang mga kapatid ni Reyann, dalawang araw siyang pabalik-balik sa restaurant pero hindi talaga ito nagbubukas.

Where are you Reyann? Akala ko okay na, pero nasaan ka na ngayon? I really miss you.

To be continue...