webnovel

The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version)

R-18 (MATURE CONTENT) Romance/Mystery/Sci-fi Ang alam ni Lesley ay janitress ang tinanggap niyang trabaho sa Maridona Nobles Asylum, kaya laking gulat niya nang sabihing magiging tagapangalaga siya ng isa sa pinaka-agresibong pasyente sa mental hospital na iyon. They called him V-03. He was the most dangerous, violent, and deadly patient in the hospital. Akala niya ay katapusan na niya. To her surprise, V-03 was one of the sweetest people she ever met, but only to her. He was also handsome as hell. Mukhang mag-e-enjoy siyang alagaan ito. They are starting to develop a deeper relationship with each other until one day...she found out he wasn't human anymore... What more hellish secrets does this hospital hold? And what is her connection to all of this? She will do everything to find out, and save the love of her life.

BenitaBoo · Urbano
Classificações insuficientes
39 Chs

The Good Daughter (Part 2)

Marahas siyang napabuga ng hangin at ipinatong ang mga kamay sa balikat ng kaniyang kuya tapos ay pinakatitigan ito.

"Okay, sige na. Binabawi ko na ang lahat ng sinabi ko at hindi na ako galit sayo. Basta lumabas ka na. Please?" pagsusumamo niya.

Alam niya hindi ito aalis hangga't hindi nito siya napipilit. Kaya sinabi na lang niya ang gusto nitong marinig.

Umaliwalas ang mukha nito. "Promise? Totoo 'yan? Mula sa puso?"

"Oo nga! Sige na tawag ka na ni mama!"

Napugto ang hininga niya nang bigla siya nitong yinakap ng mahigpit. Hindi na siya naka-tugon sa sobrang gulat sa ginawa nito.

"H'wag ka nang mag-i-isip ng ganoon. Okay? Pinapalungkot mo ko e. Gusto ko lang naman magpapansin sa'yo kaya ko ginagawa 'yon," malambing nitong sabi habang nasa bisig pa rin siya nito.

Akala niya ay itutulak ito ng mga kamay niya pero tila nanlambot ang kaniyang mga buto. Imbis na umangal siya, ang unang pumasok sa isip niya ay kung gaano ito kagaan sa pakiramdam.

Nobody in her entire life has hugged her this tight. She never thought it would feel this good. Gusto niyang kumawala sa mga braso nito pero hindi sumusunod ang nanlalambot niyang katawan.

Pagkatapos ng lahat ng stress kanina sa pag-a-apply niya ng trabaho sa MNA, mukhang kailangan niya nga talaga ito. She needs someone to hug her like this. Totoo pala iyong mga artikulo na nabasa niya sa internet. Maraming benepisyo ang yakap. One of them is that it lowers stress. Besides, She feels so down. So this hug, she needs this.

Hindi na niya napigilan ang sarili. Pumikit siya at dinama ang malapad nitong dibdib. Maya-maya pa ay yumakap na rin siya rito. Sana hindi nito ito bigyan ng malisya. She really just need a hug right now.

"Patrick?! Lesley?!"

Gulat na gulat sila ni Patrick na napabitaw sa isa't isa dahil sa alingawngaw ng boses ni Amanda sa kaniyang silid. Sobrang nadala siya sa yakap sa kaniya ni Patrick at nakalimutan niyang nandito na nga pala ang kaniyang ina-inahan. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaba. Sa nanunuyang tingin nito sa kaniya, alam na niya ang iniisip nito.

Mabilis itong humakbang palapit sa kaniya upang sampalin siya. Mariin siyang napapikit upang hintayin ang palad nito sa pisngi niya pero ilang segundo na ang nakalipas wala pa ring hapding dumadampi sa mukha niya.

She slowly opened her eyes and she saw Patrick holding her mom's arm.

"Bitawan mo ako Patrick! Huwag mong ipagtanggol ang babaeng ito!" nang-ga-galaiting sigaw ni Amanda.

"Mali ka naman ng iniisip e! Wala naman kaming ginagawang masama!" pagtatanggol sa kaniya ni Patrick.

"Ano'ng wala?! Kitang kita ko naglalampungan kayo!"

"Ang OA mo naman, Ma! Yakap lang 'yon! Malungkot kasi s'ya kaya yinakap ko s'ya. Stressed kasi s'ya sa interview n'ya kanina."

Masuyong hinawakan ni Patrick ang parehong kamay ni Amanda at hinuli ang mga mata nito.

"Ako ang yumakap sa kan'ya. Okay? Kalma na. Sige ka baka atakihin ka sa puso. Paano na ako? Wala nang mag-aalaga sa'kin? Kawawa naman yung bunso mo," puno ng lambing nitong sabi.

And the magic happens. Nakita niya ang unti-unting pagkalma ng mukha ni Amanda. Hindi na ganoon kabangis ang mga mata nito kumpara nang makita nito silang magkayakap kanina. Hindi niya alam kung paano ang ginagawa ni Patrick pero parang may kapangyarihan itong pasunurin ang ina nila.

Kahit ano ang sabihin nito pinakikinggan nito, kahit ano ang hilingin nito ibinibigay nito at kahit ano pa ang kasalanan nito, patatawarin siya nito. She envies him. Amanda loves him so much. Her baby boy.

"Totoo ba 'yang sinasabi mo?" tanong ni Amanda kay Patrick. Mas kalmado na ito.

"Oo, kaya h'wag ka nang high blood d'yan. Wala kaming ginagawang masama. Alam mo naman ako, ayokong nakikitang malungkot ang mga babae sa buhay ko," masuyong sabi ni Patrick tapos ay binitawan na nito ang kamay nitong gustong sumampal sa kaniya kanina.

Bumuntong-hininga si Amanda bago siya liningon muli. May kaunting galit pa rin sa mga mata nito.

"Malungkot at stressed ka? Bakit? Hindi ka natanggap sa trabaho?!"

Hindi agad siya nakasagot. Nagdadalawang-isip siya sa MNA. Gusto niyang sabihin sa ina ang takot niya sa pagtatrabaho sa ospital na iyon pero alam niyang wala itong pakialam sa nararamdaman niya. Ang mahalaga ay mapakinabangan siya nito.

Ayaw niyang tanggapin ang trabaho sa MNA pero kung pa-i-ikliin nito ang distansya nilang dalawa ng ina, malugod niya itong yayakapin. Kahit buhay niya ang nakataya. Ganoon niya kagustong patunayan ang sarili niya rito. That she is a good daughter. That she deserves her affection. Iyong katulad ng pagmamahal nito kay Patrick.

"O ba't hindi ka makasagot?! Hindi ka natanggap no?! Pagkatapos ng lahat ng sinabi ko sa'yo binagsak mo pa rin yung interview?!"

Mabilis niyang iniling ang ulo. "Na-natanggap po ako. Bu-bukas ng gabi na nga raw ako mag-u-umpisa."

"Ganoon naman pala e bakit nagmumukmok ka? Gusto mo lang yatang magpayakap dito sa anak ko!"

"H-hindi po!" mabilis niyang tanggi. "M-medyo na-stress lang po ako kanina. Sobrang hirap po kasi nung interview. Ang taas po kasi ng standards nila. Muntik na nga akong hindi makapasok," palusot niya saka nagbaba ng tingin.

"Ayon naman pala e!" masayang hiyaw ni Patrick sabay akbay sa kaniya. "Ang galing naman pala nitong kapatid ko! Payakap nga ulit!" anito tapos ay mahigpit na naman itong yumakap sa kaniya.

Para-paraan talaga!

Tinaasan lang sila ng kilay ng kanilang ina pero hindi sila nito sinuway.

Pilit siyang ngumiti. "S-salamat kuya," sagot niya tapos ay bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kaniya pero naiwan ang isang braso nitong naka-akbay.

"Tigilan na ninyo iyan. Tulungan n'yo ako sa mga pinamili ko. At ikaw Lesley, ikwento mo sa'kin ang nangyari," anito saka naglakad na palabas ng kwarto.

Agad niyang inalis ang braso ni Patrick na naka-akbay pa rin sa kaniya tapos ay nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa mukha nito.

"Muntik na tayo! Puro ka kasi kalokohan!" gigil ngunit pabulong niyang sabi.

Nginisian lang siya nito. "Bakit ako? Sino ba may gustong patagalin yung yakap?"

Natikom niya ang bibig. She is guilty. Nag-init ang pisngi niya sa hiya. Tinaasan siya nito ng kilay nang hindi siya makasagot. Lalong lumaki ang ngiti nito. Ngiting panalo.

Gusto niyang sabunotan ang sarili. Bakit ba kasi hinayaan niya iyon? What was she thinking?! Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin sa nakakaloko nitong titig tapos ay mabilis ang mga hakbang niyang lumabas ng kwarto.

"Guilty?" anito pero hindi na niya ito pinansin.

Sumunod ito kaagad sa likuran niya habang panay ang ngisi at sipol hanggang sa makarating sila sa kusina pero hindi niya ito inimik. She did not even bother to look back at him. He is like air to her now. Siguradong iniisip nitong nagustuhan niya ang yakap nila kanina. Baka lalong lumaki ang ulo nito. Well, maybe she enjoyed it too, but just a little.

"Magsasaing ako. Kayo na magluto ng ulam," anang ina nila.

"Opo," sabay nilang tugon ni Patrick na panay ang sulyap sa kaniya. She just ignored him.

Habang nasa kusina sila, ikinwento na rin niya ang nangyari sa MNA kanina maliban sa ibang maselang detalye. Binalaan siya ni Mrs. Dapit na walang dapat makaalam ng pinag-usapan nila at ang tungkol sa special patients ng ospital. Nakasaad din ito sa kontratang ibinigay nito sa kaniya kanina. All her family know is that she is a janitress. Nothing more, nothing less.

What happened earlier replayed in her mind. The bloody red door and the boy behind it. Ngayong babalik na talaga siya sa nakakatakot na lugar na iyon, muling napuno ng pangamba ang kaniyang isip. Sana, maging maayos ang lahat at kayanin niya ang trabaho roon. At sana, hindi magkatotoo ang sinabi ni Mrs. Dapit. She does not want to die young.