webnovel

The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version)

R-18 (MATURE CONTENT) Romance/Mystery/Sci-fi Ang alam ni Lesley ay janitress ang tinanggap niyang trabaho sa Maridona Nobles Asylum, kaya laking gulat niya nang sabihing magiging tagapangalaga siya ng isa sa pinaka-agresibong pasyente sa mental hospital na iyon. They called him V-03. He was the most dangerous, violent, and deadly patient in the hospital. Akala niya ay katapusan na niya. To her surprise, V-03 was one of the sweetest people she ever met, but only to her. He was also handsome as hell. Mukhang mag-e-enjoy siyang alagaan ito. They are starting to develop a deeper relationship with each other until one day...she found out he wasn't human anymore... What more hellish secrets does this hospital hold? And what is her connection to all of this? She will do everything to find out, and save the love of her life.

BenitaBoo · Urbano
Classificações insuficientes
39 Chs

Red Door (Part 1)

Lesley can hear the sound of her heart beating wildly as the beautiful secretary opens the door to the manager's office. The door opened like they were in slow motion as she held her breath. What took the secretary three seconds was like a minute to her.

This is it. Her very first job interview.

Huminga siya ng malalim saka tumingin sa sekretarya. "Are you sure you're ready?" the secretary asked, bothered by her pale face.

Tumango siya. "Yes!" Pero sa totoo lang ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang nerbyos.

Matamis na ngumiti ang magandang babae na nagpalakas ng loob niya. Her smile is as beautiful as her face. "Okay, good luck!" anito saka magalang na tumuro sa bukas na pinto. "You can go in."

Her eyes smiled with her lips. "Thank you!"

Binigyan pa niya ulit ito ng ngiti ng pasasalamat tapos ay humarap na siya sa opisina ng taong magdidikta kung may bahay pa siyang uuwian. This manager, whoever he is, must hire her. Dahil lagot talaga siya sa ina kapag hindi siya natanggap sa trabahong ito.

Marahan siyang humakbang at sumilip sa loob. A man in his forties was comfortably sitting on a black swivel chair. Ang mga kamay nito ay nakaunan sa likod ng ulo at nakataas ang pareho nitong paa sa lamesa. Nakaliyad naman ang likod nito sa kina-u-upuan habang nakapikit.

Malakas siyang tumikhim para kunin ang atensyon nito. Napaigtad ang lalaki ng buksan nito ang mga mata at nagtama ang tingin nila. Agad itong umayos ng upo.

"Sorry, you can sit down!" alok nito habang nakaturo sa upuan sa harap ng lamesa nito. She smiled and walked in.

Kalahati lang ng puwet niya ang nakaupo habang tuwid ang likod at taas noong nakaharap sa lalaki. She is also trying to make eye contact as much as possible. She needs to look confident. Sabi kasi sa kaniya ng ina, mas malaki ang tiyansang matanggap sa trabaho kapag malakas ang loob. It makes you look reliable.

She glanced at the acrylic desk name plate in front of her. Nakaukit dito ang pangalang Jacoben Alonzo. Walang titolo na nagsasabi ng posisyon nito sa ospital na kadalasan ay nababasa sa ilalim ng pangalan, ngunit sigurado siyang narinig niyang tinawag ito na manager ng sekretarya kanina.

"Name?" the manager asked with an accommodating smile. Medyo nabawasan ang kaba niya sa maamo nitong mga mata. This man does not look intimidating. Mukha itong mabait. Very approachable.

"My name is Lesley Madrigal," sagot niya saka nakangiting inabot ang kaniyang resume.

Bahagyang kumunot ang noo niya nang makita ang gulat sa mukha ng kaharap. Ano ang mayroon sa pangalan niya at tila nasorpresa ito?

Nakapako ang mga mata nito sa kaniya habang kinukuha ang resume mula sa kamay niya. Saglit lang nitong tinignan ang inabot niyang papel tapos ay tumingin na ulit ito sa mukha niya na may gulat na ekspresyon pa rin.

"So she accepted... Interesting..." narinig niyang bulong nito. And for some reason, his eyes are sparkling.

"You're hired!" he nonchalantly said as he stood up and returned the resume to her.

"Po?" She looked at him in disbelief.

"You're hired!" malapad ang ngiti nitong pag-u-ulit.

Umawang ang mga labi niya at napatanga sa mukha nito. Nakasisiguro siyang hindi nito binasa ang resume na nahawakan nito ng limang segundo lamang.

Tumaas ang pareho nitong kilay sa mukha niyang hindi makapaniwala. "What? You don't want the job?"

Marahas siyang napa-iling ng ulo. "No! Yes! No, I mean-" Natataranta siyang tumayo at inilahad ang kamay. "I-I want the job! T-thank you so much sir! I'll do my best! Thank you!" She said then he reached her hand.

"You're more than welcome!"

Bakit ba nag-iisip pa siya ng kung anu-ano? Tanggap na siya! She should celebrate! Sinabi sa kaniya na desperado na ang ospital na ito sa tao kaya siguro tatanggapin na lang nila ang kahit sino.

Dinampot nito ang telepono sa ibabaw ng lamesa at pumindot ng ilang numero.

"Mrs. Dapit, come to my office now. Orient Ms. Madrigal here. She will be assigned to V-03," utos nito sa kausap sa kabilang linya habang nakatingin sa kaniya.

Pagkababa nito ng telepono ay humalukipkip ito at tinignan siya mula ulo hanggang paa saka mahinang tumawa. "Are you sure you want to be a janitress here?"

Napakagat siya sa labi at napayuko sa hiya. Napatingin siya sa suot niya. "Yung mama ko po kasi," na-i-ilang niyang sabi. "Para raw presentable."

Tumawa ito. "I'm just messing with you! It looks good on you."

Malamya siyang ngumiti. "T-thank you po..." Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin.

Part-time janitress ang pinasok niya rito pero naka-corporate attire siya at masyadong maiksi ang palda niya. Saan ka nakakita ng janitress na nagma-mop ng sahig na naka-pencil cut skirt at long sleeves? Tapos ang dami rin niyang hinandang sagot sa mga posibleng itatanong sa kaniya ng interviewer pero wala siyang nagamit. The only question asked was her name.

Namumula na ang mukha niya sa pagka-ilang pero ang ina niya ang may kagagawan nito. Bumalik sa kaniyang ala-ala ang mga nangyari nakaraang araw. Ito ang nagpumilit sa kaniyang isuot ang damit niya ngayon at maghanap sa internet kung paano niya mapapasa itong interview kuno. Animo'y propesyonal ang papasuking trabaho.

Isang hapon pagkagaling niya sa eskwelahan, naabutan niya ang inang bumubulong at may kausap sa telepono. Madilim ang ekspresyon ng mukha nito at hindi mapakali ang mga paang pabalik-balik ang lakad. Pagkakita nito sa kaniya ay nagpaalam na ito sa kausap at lumapit sa kaniya.

"Umabsent ka sa miyerkules. May pupuntahan ka," mabilis nitong pagkakasabi.

"Saan po?"

"Ipapasok kita sa kumpanya ng kakilala ko. Kailangan mong magtrabaho roon." Hindi maipinta ang mukha niya ng lumapit sa ina at mahigpit na humawak sa mga kamay nito.

"A-ano po? Bakit naman, Ma? Hindi ba pwedeng sa bakasyon na lang? Exam na po namin next week!"

Marahas nitong binawi ang mga kamay sa kaniya. "Nagtatanong ka pa?! Sa tingin mo sapat 'yong kinikita ko para sa ating tatlo rito?!"

Natulala siya sa gulat sa reaksyon nito. Sino ang kausap nito at bakit bigla na lang siyang pinagtatrabaho? Ano ang nangyayari?

"Pero po ma-"

"Hindi na magbabago ang isip ko!" putol nitong muli sa protesta niya. "Isa pa, masyado ka na pabigat sa akin. Tama lang na mapakinabangan naman kita!" galit nitong sabi na tila may ginawa siyang ikinagalit nito.

Sinubukan pa niyang makiusap pero pagkatapos nitong isumbat ang hirap nito sa pagpapalaki sa kaniya kahit hindi nito siya tunay na anak, hindi na siya nakatanggi pa. Gipit na gipit na raw sila at baon na sa utang. Ayon sa kausap ng ina sa telepono kanina, handa raw magbigay ng advance na pasahod iyong kumpanya na papasukan niya.

Kinabukasan ay nangatok ang ina niya sa mga kapitbahay para ipahiram siya ng susuotin para raw sa job interview niya sa isang malaki at pribadong ospital. Pero pagkahatid sa kaniya rito, saka lang sinabi ng ina na part-time janitress ang posisyon na papasukin niya. At dito na lang din niya nalaman na mental asylum pala itong ospital.