webnovel

The Bond of Magic

Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing. Pwede ka niyang dalhin sa lugar kung saan hindi mo inaasahang makakarating ka. Apoy laban sa tubig, hanggang saan ka ba dadalhin ng nagbabaga mong damdamin at ang mala tubig mong isip tila ikaw ay isang kalmadong bagay na hindi kayang talunin ng apoy.

Kylaleighyanes · Fantasia
Classificações insuficientes
48 Chs

PROLOGUE

Isang samahan na nabuo dahil sa iisang interes

Isang samahan na hindi nino man masisira

Ngunit paano kung may isang bagay ang susubok sa samahan niyong matagal niyo ng iniingatan?

"hindi dahil kayo ay tinadhana ng magic charm ay parehas na kayong magtatagumpay" napatingin ako sa sinabi ng matanda tila ba ay naguguluhan

"dapat may isa sa inyong magsakripisyo para mabuhay ng maayos ang anak niyo ngunit iisa lamang sa anak niyo ang maaaring mabuhay ng maayos. Ito ang kondisyon ng magic charm na ito sa kwintas na ipinagkaloob sa inyo" napantig ang tainga ko sa aking narinig. May iisa lamang ang dapat mabuhay gamit ang magic charm?

"may iisa lamang po ang dapat gumamit ng magic charm?" tanong ng aking kaibigan na si felicia.

Huminga ng malalim ang matanda at tila ba'y nahihirapan din sa magiging sitwasyon namin

"ang kwintas ng inyong anak ay dapat nasa iisang tao lang, kapag ito'y magkahiwalay maaari silang parehas mamatay." hindi ako makapaniwala sa aking narinig? Ang lahat ba ng ito ay hindi permanente? Dito na ba masusubok ang aming samahan?

"kapag nakuha naman ng isa ang kwintas at nakapasok sa magic academy, ang isa naman ay mamalasin habang buhay habang ang isa ay maayos ang buhay sa loob ng magic academy." kami ay nagkatinginan ni felicia, hindi ko maipaliwanag ang reaksyon ni Felicia, may mali akong nararamdaman dahil sa sitwasyon na ito.