webnovel

The Bond of Magic

Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing. Pwede ka niyang dalhin sa lugar kung saan hindi mo inaasahang makakarating ka. Apoy laban sa tubig, hanggang saan ka ba dadalhin ng nagbabaga mong damdamin at ang mala tubig mong isip tila ikaw ay isang kalmadong bagay na hindi kayang talunin ng apoy.

Kylaleighyanes · Fantasia
Classificações insuficientes
48 Chs

Chapter 30

Sa nangyari noong gabing 'yon hindi ko na alam kung ano pa ang mukhang ihaharap ko sa kanya. Hindi naman sa unang beses ko siyang mahalikan, pero mayroon sa aking sistema na nahihiya dahil sa nangyari. Nahihiya dahil parang nagustuhan ko din 'yon.

"Alice..." nakita ko ang mukha niyang parang nagaalala sa iisipin ko dahil sa nakita ko kanina.

"jacob.." hindi ko na maitago ang pagkailang ko sa sitwasyon namin ngayon.

Nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang labi at ang aking buhok na nakaharang sa aking mukha ay nilagay niya sa likod ng aking tainga. Ang alam ko lang ngayon, ay pulang pula na ako. Tumingin ako sa gilid ko upang matago ang kaba, ngunit huli na ang lahat. Nagulat ako sa lalong paghapit niya sa aking baywang upang magdikit ang aming katawan. Niyakap niya ako at ang ulo niya ngayon ay nagpapahinga sa aking balikat.

"wala kang dapat ikabahala."

Hindi ko malaman sa anong dahilan kung bakit sa sinabi niyang 'yon ay naging panatag ang lagay ng puso ko. Ang kanina pang litong lito ngayon ay naging kalmado na.

"Alice!" nagulat ako sa pagbato ng unan ni Nadia sa akin.

"Aray ha!" napasakit ata ang pagbato sa akin ni Nads, kahit unan lang yon parang nasaktan ako.

"aalis na ako, para managinip ka na dyan. Bukas na lang natin ituloy ang kwentuhan," nakita ko ang ngising sumilay sa labi ni Nadia. Pagkalabas neto ay napailing na lang ako at nagtataka kung paano niya nalaman ang nangyari. Nalaman ba niya?

Tumingin ako sa labas ng bintana ko at bumigay na lang bigla ang balikat ko. Tanaw na tanaw ko dito sa bintana ko ang lugar kung saan ako hinalikan ni Jacob.

Kinaumagahan, ayoko sanang sumabay muna sa oras kung kailan nagtatanghalian si Nadia kaso sinundo niya talaga ako upang sabay na kaming kumain.

Naglalakad kami papuntang canteen ng mapatingin ako sa lugar na laging dinadaanan ni Edrian. May parang kumurot naman sa aking puso, naalala ko yung mga ngiti ni Edrian kapag bubungad sa akin, yung biglaan niyang pagkahiya sa t'wing binibiro ko siya. Hindi ko namalayan na may pumatak na palang luha galing sa aking mata.

"Alice.." hinawakan ni Nadia ang braso ko, marahil naramdaman niya nanaman na malungkot ako dahil kay Ed o di kaya sinisisi ko nanaman ang sarili ko sa pagkawala niya.

"Halika na," sambit ko upang maialis ang lungkot na nararamdaman ko.

Dumiretso kami sa Canteen at mabuti na lang may isang bakante pa na pwesto. Nakita ko si Rose na matalim ang tingin sa akin, ano nanaman ba ang problema ng isang to?

Umorder ako ng carbonara with coke, kailan ba ko hindi nag order ng coke? Sa kalagitnaan ng pagkain namin, nakita ko ang papalapit na si Jacob kasama si Leon. Nakita ko agad ang abot langit na ngiti niya habang nakatingin sa akin at nakapamulsa.

"o wag kang aalis ubusin mo yan," wika ni Nadia. Akmang aalis kasi ako dahil kay Jacob pero mukhang nabasa agad ni Nadia ang balak kong gawin.

Umupo si Jacob sa aking tabi, at si Leon ay kay Nadia. May naramdaman akong pagtaas ng balahibo ko nang magdikit ang braso naming dalawa. Mukha naman napansin niya ito dahil napatingin siya sa akin.

"Lumayo ka, nahihirapan ako."

Pinangdilatan ko si Jacob dahil halata naman sa kanyang mukha na nangaasar dahil sa nangyari kagabi.

"bibilhan pa naman sana kita ng coke kaso baka mapasobra ka," nagpapalpitate na ata ako dahil sa coke at hindi dahil sa kape o di kaya dahil kay Jacob.

Nagmamadali akong lumabas pagkatapos kumain, narinig kong tinawag ni Nadia ang pangalan ko ngunit nagpatuloy lang ako sa pagmamadaling lumabas. Nang hindi na abot ng paningin ko sila Jacob ay tumigil na ako at huminga ng malalim dahil abot abot ang kaba ko.

"iniiwasan mo ba ako?" nagulat ako ng may natamaan ako sa paglalakad ko. Tumama ang ulo ko sa kanyang dibdib subalit agad din niyang hinawakan ang braso ko upang hindi ako mapaatras. Nanlaki ang mata ko kung sino ito.

"Jacob.." wika ko dahil halo halo na ang nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung bakit sinundan ko siya sa gubat, para bang may naguutos sa akin na sundan ko ito kung ayaw kong mapagalitan.

"ano 'yon?" bigla na lang ako nakaramdam ng pagkairita pero dahil lang 'yon sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon.

"halika nga," ngumiti si Jacob at inabot ang aking kamay upang ilapit ako sa kaniya. Nakasandal siya ngayon sa puno at ang binti niya ay nakabuka. Parang nakakulong ako sa gitna niya dahil nakapagitan ang kanyang binti.

Naramdaman ko nanaman ang mainit niyang labi sa aking labi. His tounge grazed my lips, asking for entrance. I willingly opened my mouth to give access. He took the chance to suck my tounge.

"hmm.." nagulat ako sa pagkagat niya sa aking dila kung kaya't ayon na lang ang naging reaksyon ko. Pulang pula ngayon ang aking pisngi dahil sa nangyari.

Bumalik kami ni Jacob dahil sa announcement ni president na darating ulit si vice president Corazon. Para saan?

"may importanteng kaming sasabihin sa inyo," nandito kaming lima sa opisinia ni president.

"tungkol po saan?" tanong ko dito.

"tungkol sa kwintas na nawala at sa misyon niyo," seryoso kaming tiningnan ni president. Napansin ko naman ang walang emosyon na si Rose.

"kamusta na ang nanay mo Rose?" bumalik na lang si Rose sa kanyang sarili nang tinawag siya ni president.

"matagal na po siyang hindi bumibisita dito," bakas sa kanyang boses na nagaalala ito sa kanyang ina.

Napatingin na lang sa kawalan si president pagkatapos sabihin 'yon ni Rose.

Pagkatapos noon, pinapabalik kami mamayang alas-tres ng hapon para makausap ang matanda. Tungkol saan naman kaya 'yon?

"sa tingin mo ipapahinto ba niya 'yong misyon natin?" walang emosyong tanong ni Nadia.

"as if naman," sabat ni Rose na halata sa boses ang pagkairita.

"mukhang nahuli niya kayo non," wika ni Nadia. Napagtanto kong nakita din pala niya ako 'nong gabi na sinundan ko siya. Lumayo na si Rose pagkatapos noon, baka naman nakita niya lang ako pero hindi yung hinalikan na ako ni Jacob.

Ang tagal mag alas-tres kaya nagpunta muna ako sa gubat kasama si Nadia.

"sa palagay ko, kaya darating ang matanda dahil sasabihin niyang magseryoso tayo sa plano," wika ko.

Napatango na lang si Nadia hudyat na siya ay ganoon din ang iniisip.

"magsimula na kayo magseryoso sa misyon niyo," ang matanda ay nakatayo ngayon sa harapan namin kasama si President.

"matagal na ding nawawala ang kwintas dahil sa kapabayan ng isa sa inyo," ang atensyon niya ay na kay Rose lang na nakayuko dahil sa kanya nanaman napunta ang atensyon.

"kapag hindi ito agad nahanap, baka magdala lang ito ng pahamak sa academy.." huminga muna ang matanda bago magpatuloy.

"ayokong maulit nanaman yung aksidente noong nakaraan, at ayokong may masisihang magaganap. Tulungan kayo kaya 'wag kayong maging makasarili, at imbis na magsisihan ilaan niyo na lang ang oras sa paghahanap nang kwintas," walang ni isa sa amin ang nagbalak magsalita dahil sa seryosong nagsasalitang si vice president.

"ang mahika ni Rose at Alice ay may malaking puwang sa misyon na ito. At kayo ay dapat din magkaroon ng matinding pageensayo." hindi na maitago ni Nadia ang kaba sa kanyang mukha.

Natapos ang usapan, at lumabas kami nang walang nagsasalita. Mukhang kailangan na namin talaga itong seryosohin.