webnovel

The Billionaire's Step Sister

Matalino, maganda. Yan ang katangiang maipagmamalaki ni Issay, kahit lumaking walang ina. Kuntento na siya sa kung anong meron siya at wala nang hahanapin pa. Ngunit isang malagim na insedente ang nagpabago ng mundo niya, nakapatay siya, na siyang dahilan para lisanin niya ang lugar na kinalakhan. Sa Maynila nakilala niya ang arogante at mapang asar na si Louie. Pero isang nakaw na halik sa una nilang pagkikita ang kumiliti sa kanyang inosenteng puso. Ngunit maipaglalaban ba ang nararamdaman kung kalauna'y nalaman niyang anak pala ito ng kanyang lumayong ina? Maipagpapatuloy kaya ang nararamdaman kung sa mata ng lahat ay isa itong mabigat na kasalanan? Susundin kaya ang tibok ng puso kung pareho ng nasasaktan?

itsmonzuki · Urbano
Classificações insuficientes
25 Chs

Chapter twenty-two

Bahagyang napatawa si Elyssa nang marinig ang sinabi sa kanya ng kaharap. Napaawang ang labi niya at hindi kaagad makapagsalita dahil pinipigilan niyang humagalpak ng tawa. This is ridiculous! I can't believe na hanggang dito ay sinusundan niya ako!

"Boss, huh? Sino'ng niloloko mo!?" asik niya at tinabig ang kamay nito na nakahawak sa kanya. "Siguro stalker ka talaga 'no? Sinusundan mo talaga ako kahit saan ako magpunta. Bakit may gusto ka ba sa'kin!?" Nang-aasar na tanong niya. How can this man claimed that he's the boss? Tumikwas ang kilay niya habang tiningnan ito mula ulo hanggang paa. Parang siya ang boss habang kinikilatis ito.

Nakita ni Elyssa ang pagtaas ng sulok ng labi ng taong kaharap habang matiim siyang tinitigan. Mangilan-ngilan na lang ang trabahante na kasabayan niya papasok dahil karamihan ay nasa loob na. ang maganda sa factory na pinapasukan ni Elyssa ay malaya sila sa oras ng pasok upang makapag-overtime. Hindi sila tinitipid ng kumpanya sa sahod nila.

Saka lang napansin ni Elyssa ang respetong binibigay ng kasamahan niya kay Louie habang dumadaan ito sa tapat nila. Kaagad siyang kinabahan sa inaasal ng mga ito. Malapit na siya sa locker niya at kailangan na niyang umalis, kung hindi ay male-late siya. Hindi naman siya kaagad makaalis at hinaharangan siya ng lalaki. Humakbang pa ito lalo palapit sa kinatatayuan niya at bahagyang ibinaba ang mukha sa kanya.

"What if I did? What if I do like you, Miss Castillo? Got a problem with that?" Nakangisi nitong sagot habang matiim pa ring nakatitig sa kanya. His arms are still cross infront of his chest.

Mabilis ang paang humakbang paatras si Elyssa upang iwasan ito dahil sa pagkakalapit ng mukha nila. Nag-init ang pisngi niya dahil naalala niya ang halik na pinagsaluhan nila ng lalaki. Kaagad siyang yumuko upang itago ang pamumula niyon at hindi mapansin ng kaharap. Hindi niya ito sinagot.

Akmang hahakbang siya upang tuluyan itong iwan, at upang hindi makasagabal sa daanan ng ibang employee nang bigla niyang marinig ang isang empleyado na muli na naman itong binati na puno ng respeto.

What the heck is happening? Who is he, really?

Naningkit ang mata ni Elyssa dahil sa pagkainis. Masiyado siyang napepreskuhan dito.

"Stop daydreaming. And stop stalking me already. Alam kong wala kang gusto sa'kin dahil isang beses pa lang tayong nagkita!"

Napahalakhak naman ng bahagya si Louie dahil sa sinabi niya na lalong nagpakunot ng noo ni Eyssa. Nadaragdagan ang inis niya habang tumatagal ito sa harapan niya. Its because she keeps remembering that kiss that they've shared.

"Well, Ms. Castillo. I am telling you the truth. I'm not your stalker 'coz I'm here for work. At kung may gusto ako sayo?Well. . ." wika nito at dahan-dahang lumapit ulit sa kanya. Halos dumikit na ang likod niya sa pader. "Wala namang masama roon 'di ba?" dagdag pa nito habang hindi inaalis ang pagkakangisi.

"Hmp! Diyan ka na nga. Ayaw kong masira ang gabi ko dahil sa isang katulad mo!" Asik niya muli rito at tuluyan na itong tinalikuran. Diretso ang lakad niya patungo sa locker upang mag-retouch.

Pero biglang napatigil sa paglalakad si Elyssa nang naalala ang sinabi ng pinsan niya.

"Mr. Louie Devoughn Fuentebella is our new President, at a young age! Guwapo na, mayaman pa. saan ka pa"

"Hmp! 'Di naman siguro ito 'yong Louie na sinasabi ni Marra? Pero bakit nandito 'yong lalaking 'yon? Does he really working here?

Nakangisi naman itong nakasunod ng tanaw sa kanya ang lalaki hanggang sa mawala na siya sa paningin nito.

Mabilis na nag-ayos si Elyssa at agad nang pumasok upang simulan ang trabaho. Nasa area na niya siya at kasalukuyang nagbibilang ng boxes nang bigla siyang kalabitin ni Ellen, ang ka-boardmate niya. Pauwi na ito kasama ng pinsan niya na nauna nang lumabas dahil naghihintay ang boyfriend nito. Dinaanan lang siya saglit ni Ellen upang magpaalam sa kanya. Iyon ay upang maki-maritess lang pala na ikinailing na lang ni Elyssa. Mabuti na lang at hindi ganoon ka-istrikto ang supervisor niya at hinahayaan sila nitong mag-usap basta huwag masiyadong maingay upang hindi maka-distract sa iba na nagbibilang ng mga items.

"Hey, Issay. Nabalitaan mo na ba?" tanong ni Ellen. Nasa tagiliran niya ito habang nagbibilang siya ng mga finish products na ipapadala sa seller.

"Ang alin?" Kunot-noong tanong niya pero patuloy pa rin siya sa ginagawa. Ni hindi niya ito tinapunan ng tingin.

"Kuh, ikaw talaga. Lagi ka na lang huli sa balita! "

"Bakit ba? Ano ba 'yon?"

"Nakita mo na ba ang bagong presidente ng factory? Gosh, Issay. Kung makita mo lang siya. Super guwapo niya..." Nakikilig pang sabi nito. "I want to date him. Siguradong maraming kababaihang trabahante na naman ang mahuhumaling sa kanya."

"Mayaman lang, guwapo na agad? Hindi ba puwedeng maporma lang?" angal niya. Pero sa kaloob-looban ni Elyssa ay kinakabahan na siya. Mukhang totoo nga ang sinasabi ng mokong na 'yon. Ibig sabihin ba niyon ay kahalikan na niya ang boss niya? Paano na lang niya ito haharapin?

Natigilan siya sa naisip. Damn it! Of all people, why him?

"Hey, Issay! Sino na naman nagpapatuliro sa'yo?" pukaw ni Ellen sa pagkatulala niya. Pinitik pa nito ang daliri sa harap niya nang makita ang hitsura niyang tila nawalan ng kulay.

Napailing si Elyssa at hindi nagsalita. Nanlalambot na napaupo siya sa isang box na nasa likuran niya. Hindi pa rin nawawala ang malakas na kabog ng dibdib niya.

"Okay, sige na. Uuwi na kami. You better do your job properly, Issay. Masama daw 'yong magalit kahit gaano pa 'yon kaguwapo!" Pang-aasar na bilin nito bago siya tuluyang iniwan.

Mag-uumaga na nang matapos si Issay sa pag-ba-box ng mga damit na kailangang mai-deliver kinabukasan sa branch nila sa Visayas. Ang factory nila ang nagsu-supply ng mga damit sa mga sikat na malls sa Pilipinas na pagmamay-ari rin ng Fuentebella holdings. May branch din sila sa ibang bansa tulad ng Europe, South Korea at Singapore.

Sandaling tumayo si Elyssa mula sa ilang oras na pagkakaupo habang nagba-box ng supplies. Napainat siya at minasahe ang nangangalay na balikat.

"Haist! Kapagod talaga basta rush hour, " aniya sa kasamahan niyang abala pa rin sa pagkakahon.

May kanya-kanya silang kota na dapat maabot. 'Buti na lang mabilis siya kaya nakatapos siya kaagad. Hindi 'man sa pagmamayabang, isa siya sa magaling na trabahante sa factory at isa sa napipisil na mai-promote as a head ng team nila. At may tsansa pang makapag-training sa branch nila sa ibang bansa, para maging supervisor. Kaya naman kahit broken-hearted buo pa rin ang didikasyon niya sa trabaho.

"Hai, naku. Mabuti ka pa at tapos na. Ako eh, may ilang kahon pa, " sagot naman nito.

Napangiti na lang si Elyssa sa sinabi nito. "Okay, sige, maiwan muna kita riyan. Magkakape lang ako." May tatlumpong minuto silang breaktime at gagamitin niya iyon upang magkape sa canteen at pampawala na rin ng antok.

Pagkaupo niya sa upuan sa canteen matapos mag-order ng kape ay agad niyang binutingting ang cellphone. Nakita niyang may ilang missed calls doon ilang minuto pa lang ang nakalipas.

"Huh? Sino naman tatawag sa'kin ng ganito kaaga?" tanong niya sa sarili at agad na tiningna kung sino iyon. "Ha? Si Jevy?

Ilang araw na kasi niyang 'di binubuksan ang isa niyang cellphone kung saan naka-save ang numero ng dating kasintahan. Nais niyang iwasan ang text at tawag nito. Pero ngayon nga...

Napabuntong-hininga ang dalaga. Ang dami ring messages nito. Pati online chats niya ay tadtad ng mensahe nito.

"Sweetie, I'm sorry."

"Please, huwag mo naman gawin sa'kin to."

"I want you back, sweetie."

"Sabihin mo naman sa'kin kung ano ba talgang dahilan mo at nakipag-break ka?"

" I'm sorry? Maibabalik pa ba ng sorry mo ang tiwalang nasira na?" nasasaktang bulong ni Elyssa. Hindi niya pinansin ang mga text nito at nagpatuloy sa pagkakape. Kung patuloy siyang madadala sa mga sinasabi nito muli na namang mahuhulog ang loob niya rito.

Dahil doon ay hindi na naman niya mapigilang mapaluha.

"Hanggang kailan ko ba daramdamin 'to? Ang sakit-sakit na." Bahagya niyang isinandal ang ulo sa pader. Doon na naman kasi siya sa usual place niya. Sa pinakasulok na mesa, para walang mang-istorbo sa kanya.

Pumikit siya saka pinahid ng likod ng palad ang luha.

Hindi niya namalayan ang mga matang nakatunghay sa kanya. Kaya sa pagmulat niya ay ganoon na lang ang laki ng pagkagulat niya.

"Ay etchuserang palaka!" Agad siyang napadiretso ng upo nang makitang nakangiting mukha ni Louie ang tumambad sa kanya. Mabuti na lang at mahigpit ang pagkakahawak niya sa tasa ng kape at marami-rami na ang nabawas kaya hindi iyon natapon.

"Hey there, Ms. Castillo!"

"Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong niya. Ngunit mabilis siyang yumuko upang itago ang pamamasa ng mukha niya.

"Ano ba namang klaseng tanong 'yan, Ms. Castillo?" ani Louie. Prente itong nakaupo sa upuan na nasa harapan niya. "Of course I'm your boss. So, I should be here!"

Nahihiyang napatungo pa rin si Elyssa. Alam niyang mali siya nang pag-aakusa ngunit sa isiping nakahalikan niya ito at nakatabi sa pagtulog ay nagbibigay ng malaking embarasmo sa kanya. Lalo na at hanggang ngayon ay hindi siya sigurado kung may nangyari nga sa kanila noong gabing iyon.

"I'm sorry, L-Lou— ah, I mean, sir!" hinging paumanhin niya sabay tayo. "I have to go. Tapos na po ang breaktime ko." Iniwan niya ito at mabilis na naglakad palabas ng canteen.

"Hey, Elyssa. Wait!" malakas na tawag sa kanya ni Louie. Hindi na pinansin ang ibang empleyado na nakatingin sa kanila. Ngunit 'di niya ito pinansin bagkus ay dire-diretso siyang naglakad. Naiilang din siya sa mga nag-uusyosong mga mata sa canteen kaya lalo pa niyang binilisan ang lakad at bumalik na sa area matapos ibalik ang cellpone sa locker at uminom ng tubig.