webnovel

The Billionaire's Contracted Wife [Tagalog]

***COMPLETED*** The straightforward nature of a contract was completely upended when Tanaga encountered Ashley. His desires extended beyond simply wanting her to be the mother of his heir; he also sought her as a romantic partner in his bed. CEO Tanaga Jones, a billionaire who has always been single and uninterested in having a woman in his life, soon had a change of heart when he crossed paths with Ashley Gusman. Tanaga, who needed an heir for his empire, was adamant about not wanting a wife. Ultimately, he made the unconventional decision to enter into a contract with a woman to bear him a child, and that's when Ashley Gusman entered the picture. ***~*** Ashley Gusman, a determined young Filipina, was driven by her sole ambition to provide a better life for her family. She was willing to go to great lengths to achieve this goal, even taking on the role of a surrogate mother for a Billionaire Heir. If you want to chat with me and have some questions. Join me at Discord. Link below: https://discord.gg/CwtEzBG ==== Other books by the Author: 1] I Accidentally Married a CEO [Completed] 2] The President's Daughter: Royal Whirlwind Romance [Completed] 3] Torn Between Twin Brothers [On-going] Please! Check it out and support it by voting and gifts. ************ Disclaimer: This novel’s story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary.

AJZHEN · Urbano
Classificações insuficientes
423 Chs

Chapter 44

Tapos ng kumain si Tanaga at nagbabasa na ng dyaryo ng dumating ang Filipino na Kapitan ng yacht.

"Good morning sir! Pinatawag niyo po ako?" Bati ng Kapitan habang nakatayo lang at nagaantay na imbitahan ni Tanaga na umupo.

Binaba ni Tanaga ang dyaryo niyang binabasa at tumingin sa Kapitan. " Ihanda mo ang yacht, maglalayag tayo. Ngayon din!" Mataas pa rin ang boses ni Tanaga at halatadong iritado.

"Sir, handa po palagi ang yacht na maglayag. Saan po ba ang destinasyon natin?" Malumanay na tanong ng Kapitan.

Walang kakurap kurap ang mga mata ni Tanaga ng sumagot siya. "Sa Pilipinas, ngayon din!"

Biglang nanlaki ang mata ni Kapitan ng marinig niya ang destinasyon nila. Mabilis siyang nagpaalam at sinabihan ang mga crew. Laki naman ng tuwa ng lahat ng crew ng marinig kung saan sila pupunta...

Pagkakataon na nilang maka uwi sa pamilya nila pag nakadaong na sila. Kaya naman masaya ang lahat ng crew at mabilis na sinimulan ang paglalayag.

===

Si Ashley naman ay walang kaalam-alam sa nangyayari sa labas ng lounge. Siya ay taimtim na nag-iisip kung paano siya hihingi ng tawad ke Tanaga. Alam niyang mali ang kanyang nagawa, pero hindi naman niya ito sinasadya.

Malakas lang talaga ang kiliti niya at magugulatin siya. Hindi naman niya gusto ang nangyayari na palagi niyang natatamaan ang pinaka-importanteng parte ng katawan ni Tanaga. Kaya nga, napag-isip-isip niya na tama si Tanaga, baka siya pa ang maging dahilan na hindi ito magkaanak pagdating ng panahon.

Habang nag-iisip si Ashley kung pano siya hihingi ng tawad ke Tanaga, bigla naman bumukas ang pintuan. Ang buong akala ni Ashley ay si Tanaga ang dumating, ngiting napakalaki ang ginawa niya, ready ng humingi ng dispensa.

Nang makita niya na hindi pala si Tanaga ang dumating, kundi ang mayordomo na me dalang tray na puno ng pagkain, biglang naging malungkot ang mukha ni Ashley. "Kayo pala! Magandang umaga po! Gising na po ba si sir?" Bati ni Ashley sa mayordomo.

"Magandang umaga din, ma'am! Oo' gising na si sir, pero bakit sir din and tawag nyo eh' mag asawa na kayo?" Tanong ng mayordomo na naguguluhan.

" Siya nga pala pasensiya ka na kung hindi na kita ginising kagabi, dahil ang sarap ng tulog mo at mas mabuti na rin na hindi muna kayo magkaharap." Sinabi ni mayordomo habang halata sa mukha na siya ay nag-aalala.

"Ok, lang po! Maraming salamat sa pag-unawa nyo. Nabahala nga rin po ako na baka galit na sa akin si sir, at magbago ang isip tungkol sa kontrata namin. Kung sakali man na gusto niyang kumuha ng iba, I understand." Malungkot na sinabi ni Ashley sa mayordomo.

"Ma'am, wag kang mag-alala. Hindi ganyan kadali na magbago ang isip ni sir. Ganon pa man, bakit hindi ka muna mag-almusal at pagkatapos eh, saka ka makipag-usap. Eto, o' ang sasarap pa naman nang-niluto ni chef para sa iyo." Sabay ibinaba ni mayordomo ang tray sa lamesa.

Tiningnan lang ni Ashley ang pagkain sa harapan niya. Oo' ngat masasarap ito, pero wala siyang ganang kumain dahil nagaalala siya sa kung ano ang mangyari pag nagkaharap sila ni Tanaga...

Si mayordomo naman ay naawa sa itsura ni Ashley na malungkot at halatadong nagaalala. Kaya naman minabuti niyang iwanan ito at pabayaan na makapag-isip kung ano ang gagawin.

Nang mag-isa na lang si Ashley, tumayo siya at tumingin sa maliit na bintana upang makapag-isip. Napansin niya na para bang umaandar ang yacht at sila ay wala na sa pantalan. "Hmmm, saan kaya kami pupunta?" Tanong ni Ashley sa sarili.

Wala siyang kaalam-alam na ang destinasyon nila ay Pilipinas, regalo sa kanya ni Tanaga...

Ano naman kaya ang regalo na ibibigay ni Ashley, pag-nagkataon... Matuloy na kaya? Hmmm?