webnovel

The Billionaire's Contracted Wife [Tagalog]

***COMPLETED*** The straightforward nature of a contract was completely upended when Tanaga encountered Ashley. His desires extended beyond simply wanting her to be the mother of his heir; he also sought her as a romantic partner in his bed. CEO Tanaga Jones, a billionaire who has always been single and uninterested in having a woman in his life, soon had a change of heart when he crossed paths with Ashley Gusman. Tanaga, who needed an heir for his empire, was adamant about not wanting a wife. Ultimately, he made the unconventional decision to enter into a contract with a woman to bear him a child, and that's when Ashley Gusman entered the picture. ***~*** Ashley Gusman, a determined young Filipina, was driven by her sole ambition to provide a better life for her family. She was willing to go to great lengths to achieve this goal, even taking on the role of a surrogate mother for a Billionaire Heir. If you want to chat with me and have some questions. Join me at Discord. Link below: https://discord.gg/CwtEzBG ==== Other books by the Author: 1] I Accidentally Married a CEO [Completed] 2] The President's Daughter: Royal Whirlwind Romance [Completed] 3] Torn Between Twin Brothers [On-going] Please! Check it out and support it by voting and gifts. ************ Disclaimer: This novel’s story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary.

AJZHEN · Urbano
Classificações insuficientes
423 Chs

Chapter 34

Si Ashley ay magalang na sumunod sa lola ni Tanaga. Pinauna muna ni Ashley na umupo ang matanda at tumayo lang siya na naghihintay kung ano ang utos sa kanya. Umupo si lola Hanada at sabay tumingin muli kay Ashley mula ulo hangga't paa bago ito nagsalita na medyo mataray ang dating sa pandinig ni Ashley.

"Ano pa ang inaantay mo? Umupo ka at me kailangan tayong pag-uusapan. Alangan namang tumingala ako sa iyo habang tayo ay nag-uusap. Ano ka sineswerte?" Nakakalokong sinabi ng matanda kay Ashley pero nakangiti ng pasikreto,

Dahil sa narinig ni Ashley na parang pabirong salita ng lola, medyo nakahinga sya ng maluwag at umupo sa kabilang upuan na kaharap ng matanda. Bago maupo si Ashley, inayos niya ang kanyang damit at siniguradong matatakpan ang kanyang mga binti at umupo na diretso ang kanyang likuran.

Habang si lola Hanada ay sinusuri pa rin si Ashley at nag mumuni-muni, ang loob ng silid ay napakatahimik na nakakabingi. Maaari mong marinig ang paglagapak ng isang karayom sa katahimikan. Kaya naman si Ashley ay sobrang nararandaman ang nerbiyos at halos hindi na makahinga habang nag-aantay kay lola Hanada na magsalita.

"Isang tanong, isang sagot... Mahal mo ba ang aking apo?" Deretsahan ang pagkakasabi ni lola Hanada kay Ashley na hindi man lang kumurap.

Si Ashley naman ay hindi rin nag-atubiling sumagot sa tanong na walang bahid ng pagsisinungaling. "Hindi po!" Habang nakatingin sya ng diretso at puno ng determinasyon.

Biglang napataas ang kilay ni lola Hanada sa sagot ni Ashley. 'Gusto ko ang batang ito, hindi sya sinungaling at maganda pa,' isip nya.

"Ayos ka rin ha! Hindi ka nagpatumpik-tumpik sa pagsagot mo. Ibig sabihin totoo na wala kang pagmamahal sa apo ko... Kung ganon, ano ang tunay na dahilan at nagpakasal kayo?" Sabay sumandal sa upuan habang nakatingin pa rin kay Ashley kung paano ito sasagutin.

"Tungkol po sa pagpapakasal namin, at kung bakit ako nandito ngayon... Mas mabuti pong ang apo na lang ninyo ang kausapin nyo. Hindi ko alam kung dapat ko itong ipaalam sa inyo o' hindi. Kaya ipagpaumanhin po ninyo kung hindi ko masasagot ang tanong nyo." Walang kurap-kurap ang mga mata na sinagot ni Ashley ang matanda.

"Hmmm, me point ka dyan. Kung ganon, ibahin natin ang usapan. Ang gusto kong malaman eh ang pagkatao mo na manggagaling mismo sa bibig mo. Uunahan na kita, meron na akong details kung ano at sino ka pero gusto ko itong marinig mula sa iyo. So shoot! You may begin."

Katulad nga ng sabi ni lola Hanada, meron na siyang papeles na nakasaad kung ano at sino sya, so... Bakit pa sya magpapatumpik-tumpik. Kaya naman hindi nag-atubili si Ashley na ilahad ang kanyang buhay sa matanda. Si lola Hanada naman ay seryosong nakinig nang tahimik at hindi ito sumabat kahit minsan sa paglalahad ni Ashley.

"So, to make the long story short, po, hindi ako nagpunta rito sa Japan para maghanap ng mapapangasawa, ako po ay nakakontratang magtatrabaho sa isang kompanya. Sa kasawiang-palad, hindi pala ito tunay at ako ay na scam. Kung hindi po ke sir Jones, eh baka bangkay na po akong uuwi sa aming bayan." Halos mangiyak-ngiyak na si Ashley ng matapos ang kanyang kwento.

Si Lola Hanada naman na noong una ay napakatapang ang mukha, ay biglang nagbago ang itsura at halatang naaawa kay Ashley. Meron ding munting luha na namumuo sa kanyang mga mata, pero sinadya nyang pigilan at huwag ipahalata.

"Mabuti naman at nailigtas ka ni Tanaga." Yun lang ang sinabi ni Lola Hanada, sabay nagsalita ng pasigaw, "Alam kong nakikinig ka, bumalik ka na dito, Tanaga!!!"

Maya-maya lang ay pumasok si Tanaga na seryosong-seryoso ang mukha at ang tindig ay diretsong-diretso na parang isang soldier na papunta ng giyera... [Palaban sa lola nya...]

Pinili ni Tanaga na umupo sa ibang silya. Hindi siya tumabi kay Ashley at hindi rin sa lola niya. Kailangang parehas ang distansya niya sa dalawa. Kilala ni Tanaga ang lola niya, noon pa nito pinipilit na siya ay mag-asawa para magkaroon na siya ng tagapagmana. Ang kaso nga lang, lahat ng mga ipinakikilala ni Lola Hanada, kahit isa ay wala syang nagustuhan.

Alam nyang galit ang lola niya. Hindi dahil sa nag-asawa siya, kundi dahil hindi ito isa sa mga babaeng nirekomenda niya.

Kailangan niyang makumbinsi ang lola niya na tanggapin si Ashley dahil para sa kanya ay wala ng iba pang babae na pwedeng magiging ina ng anak niya. Magsasalita na sana si Tanaga pero naunahan siya ni lola Hanada...

"Bibigyan ko kayo ng isang taon... Kailangan ay magbunga ang inyong pagsasama, kung hindi, paghihiwalayin ko kayo at magpapakasal ka sa kung sino mang babaeng mapili ko. Payag ka ba?"