webnovel

The Billionaire's Contracted Wife [Tagalog]

***COMPLETED*** The straightforward nature of a contract was completely upended when Tanaga encountered Ashley. His desires extended beyond simply wanting her to be the mother of his heir; he also sought her as a romantic partner in his bed. CEO Tanaga Jones, a billionaire who has always been single and uninterested in having a woman in his life, soon had a change of heart when he crossed paths with Ashley Gusman. Tanaga, who needed an heir for his empire, was adamant about not wanting a wife. Ultimately, he made the unconventional decision to enter into a contract with a woman to bear him a child, and that's when Ashley Gusman entered the picture. ***~*** Ashley Gusman, a determined young Filipina, was driven by her sole ambition to provide a better life for her family. She was willing to go to great lengths to achieve this goal, even taking on the role of a surrogate mother for a Billionaire Heir. If you want to chat with me and have some questions. Join me at Discord. Link below: https://discord.gg/CwtEzBG ==== Other books by the Author: 1] I Accidentally Married a CEO [Completed] 2] The President's Daughter: Royal Whirlwind Romance [Completed] 3] Torn Between Twin Brothers [On-going] Please! Check it out and support it by voting and gifts. ************ Disclaimer: This novel’s story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary.

AJZHEN · Urbano
Classificações insuficientes
423 Chs

Chapter 29

Wala silang kibuan habang sila ay nasa loob na ng sasakyan papuntang Philippine Embassy. Gusto sana ni Tanaga na pag-usapan nila ang tungkol sa kasal na mangyayari, ang kaso, asaran ang nauna. Kaya tuloy, ayun! Dedmahan ang nangyari hangang sa sila ay makarating sa kanilang paroroonan.

Bababa na sana si Ashley ng mabilis pa sa habagat, kaso pinigilan sya ni Tanaga. "Mag-usap muna tayo bago tayo pumasok." Utos nya ni walang pake-pake!

Pero ngayon, si Ashley ay asar na asar pa rin kaya hindi na nagpapakumbaba pa at tatanga-tanga para hindi sumunod. Alam nyang peke lang ang gaganaping kasalan at gusto lang makasigurado ni Tanaga na alam nya ito. Kaya naman inunahan na nya ang binata sa pagsasalita.

"Kung ang pag-uusapan natin ay tungkol sa kasal na magaganap, wala po kayong dapat alalahanin dahil alam ko naman po na sa papel lang ito at iyon ang gusto nyong ipaalala sa akin. Wag po kayong mag-alala, kahit kailan nyo po gustong mag-divorce, wala po akong problema.

"At kung tungkol naman sa mga kayamanan nyo, eh... Sampung milyon ang ating kontrata, so iyon lang ang tatanggapin ko pagdating ng panahon." Sabay bukas nya ng pintuan at hindi na nya inantay pa si Tanaga na sumagot or sumunod.

Nang makita ng gwardia si Ashley na papasok, mabilis nyang binuksan ang pintuan habang tumutulo ang mga laway na nakangiting bumati. "Magandang araw po! Pasok po kayo ma'am!"

Si Ashley naman ay ngumiti lang pabalik at dire-diretsong pumasok sa loob na taas noo. Habang si Tanaga ay parang isang estatwa na napatigil na nakanga-nga sa loob ng kotse sa may harapan ng building ng Philippine Embassy. Bumaba syang nakatulala pa rin.

Pagpasok ni Ashley, isasara na sana ng gwardia ang pintuan ng mapansin nya ang gwapong binata ng nakasunod pa rin ng tingin kay Ashley na para bang hindi makapaniwala sa narinig.

Nagmamagandang loob naman ang gwardia at binuksan ang pintuan at naghintay na pumasok si Tanaga. Nang malapit na si Tanaga, binati nya rin ito ng napakalaki ng ngisi sa mukha. Kaya naman tuloy biglang sumimangot si Tanaga at nagtanong habang padaan sya.

"Ano? Ayos ba ang nasaksihan mo? Sorry, ka na lang pag-aari ko sya. Kaya sarado mo ang bibig mo at punasan mo ang nakakahiyang laway na tumutulo." Sabay lakad ng dire diretso para sundan si Ashley.

Napahiya tuloy ang guwardiya na nagmamadaling pinunasan ang bibig nya.

====

"So, nandito na kayong dalawa para magpakasal?" Tanong ng Consular ng embahada.

"Opo!" Sabay sagot ng dalawa na hindi pa rin nag kikibuan simula ng dumating.

"Isang tanong, isang sagot. Mahal nyo ba ang isat-isa?"

"Opo!" Mabilis na sagot ni Tanaga, pero si Ashley medyo nag-isip pa ng kaunti. Kaya naman biglang kumunot ang nuo ng Consular at nagtanong uli. Pero this time, kay Ashley lang sya nakatingin. At tinagalog pa nya hoping na hindi ito naiintindihan ni Tanaga.

"Kabayan, hindi ka ba napipilitan lang? Kung hindi mo sya mahal at napipilitan ka lang, mas mabuting huwag nyo ng ituloy ito." Pilit ng Consular habang nagsisimula na ring tumulo ang mga laway nya at halos lumuwa na ang mga mata sa kakatitig sa mala-bunduking hinaharap ni Ashley.

Yun and isang pagkakamali ng Consular, hindi nya alam na nakakaintindi at nakakapagsalita si Tanaga ng Tagalog. Kaya naman bigla itong nagsalita.

"Kung tapos ka nang maglaway sa magiging asawa ko, puede bang ituloy na natin ang kasalang ito o' baka naman gusto mong tawagan ko ang mas nakakataas pa sa iyo." Sinabi ni Tanaga na pagalit habang nanlilisik ang mga mata at mukhang gusto na nyang kakainin ng buhay ang taong kaharap nya.

Parang sinusunog sa impyerno ang Consular sa sinabi ni Tanaga at biglang pinawisan ng isang damukal.

"Ay, sir! Pasensya na po! Sige po! Ipagpatuloy na po natin ang kasalan." Hiyang-hiya na humingi ng paumanhin ang Consular kay Tanaga at Ashley. Mga ilang minuto lang ay tapos na ang kasalan at nagpirmahan na sila ng papeles.

"Ay, sorry po! Nakalimutan kong sabihin... Tanaga Jones, and Ashley Gusman... I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride."

Pagkasabi na pagkasabi ng Consular na puede na nyang halikan si Ashley, bigla itong hinarap ni Tanaga, hinawakan ang dalawang pisngi at sabay.... Hinalikan nya ng napakariin ang mga labi ni Ashley na hindi na halos makahinga ang dalaga…[ay mali, asawa na pala.]