webnovel

The Billionaire's Contracted Wife [Tagalog]

***COMPLETED*** The straightforward nature of a contract was completely upended when Tanaga encountered Ashley. His desires extended beyond simply wanting her to be the mother of his heir; he also sought her as a romantic partner in his bed. CEO Tanaga Jones, a billionaire who has always been single and uninterested in having a woman in his life, soon had a change of heart when he crossed paths with Ashley Gusman. Tanaga, who needed an heir for his empire, was adamant about not wanting a wife. Ultimately, he made the unconventional decision to enter into a contract with a woman to bear him a child, and that's when Ashley Gusman entered the picture. ***~*** Ashley Gusman, a determined young Filipina, was driven by her sole ambition to provide a better life for her family. She was willing to go to great lengths to achieve this goal, even taking on the role of a surrogate mother for a Billionaire Heir. If you want to chat with me and have some questions. Join me at Discord. Link below: https://discord.gg/CwtEzBG ==== Other books by the Author: 1] I Accidentally Married a CEO [Completed] 2] The President's Daughter: Royal Whirlwind Romance [Completed] 3] Torn Between Twin Brothers [On-going] Please! Check it out and support it by voting and gifts. ************ Disclaimer: This novel’s story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary.

AJZHEN · Urbano
Classificações insuficientes
423 Chs

Chapter 24

Hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Ashley na magtanong pa kay Tanaga kung ano ang balak nito dahil nauna na itong lumabas ng opisina na dala-dala ang mga papeles na binigay sa kaya ng kanyang sekretarya.

Biglang napabilis ang pagsunod ni Ashley kay Tanaga, kaya naman nang tumigil ito at humarap para tingnan kung nakasunod sya. Ay *Thud!* Salpok na naman sya sa at napasubsub sa mismong harapan ni Tanaga. Dahil ang mukha at labi nya ay tumama sa dibdib nito, nag-iwan ito ng bakas ng pulang lipstick ng labi nya sa na hindi nila namamalayan.

"Sorry po! Kayo kasi eh! Ang hilig-hilig nyong tumigil kaagad. Kaya tuloy palagi na lang akong bumabangga sa inyo." Sabi ni Ashley habang umaatras palayo sa binata.

"Ok, lang! No harm done. Tara na at baka mamaya eh, hindi lang immigration ang dumating at baka police na para dalhin ka sa kulungan." Panakot ni Tanaga habang pasikretong ngumingiti sa sarili.

Nanlaki ang mga mata ng mga sekretarya ni Tanaga ng makita ang pasikretong pagngiti nya. Lingid sa kanyang kaalaman, halos gusto ng kainin na ng buhay si Ashley ng mga babaeng sekretarya nya.

Sa tagal na panahon na sila ay empleyado ni Tanaga, kahit minsan ay hindi man lang ito tumawa o ngumiti sa harapan nila. Kaya nagtataka tuloy sila kung ano ang meron si Ashley na wala sila. [Ikaw na ang maging si Ashley!]

Pagpasok ni Tanaga at Ashley sa conference room, nakita nila na busy sa pagbabasa ang tatlong immigration officer at nag-didiskasyon kung ano ang dapat gagawin.

"Ahem! Ahem!" Sabi ni Tanaga para makuha ang attention ng mga immigration officer.

"Ngayong tapos na kayong magbasa sa mga papeles na nasa harapan nyo, meron pa ba kayong tanong?" mariing sinabi ni Tanaga na seryosong-seryoso ang mukha.

Nagtinginan ang tatlong immigration officer bago nagsalita ang pinakamataas.

"So, base sa kasulatang ito, kayo ay nandito ngayon para lang sa mga dokumentong ito at papunta na kayo sa Philippine Embassy para kumpletuhin ang mga forms para aplikasyon na makasal kayo with a Philippine Passport Holder? Tama po ba?"

"Oo! Bakit? Di ka ba naniniwala? Nandyan na ang lahat ng ebidensya. Kahit isa-isahin nyo pa ang checklist para makapagpakasal na kami.

Walang nagawa ang mga taga-Immigration office kundi pag-isa-isahin kung kumpleto na nga ang kanilang mga papeles para makasal.

Valid Philippine Passport (check)

National Statistic Office or NSO Birth Certificate (check)

A Certificate of No Marriage Record or (CENOMAR) – all names- First Middle, Last; including mother and father matches the birth certificate (check)

A DFA Authentication or Red Ribbon of the NSO Certificate (check)

DFA Authentication or Red Ribbon of CENOMAR (Check)

Three passport-sized photos for both of them. (check)

Legal na Kakayahan sa Kontrata ng Kasal & Affidavit ng Kalagayan na galing sa Embahada ng Pilipinas sa Tokyo.

Sabay tiningnan kung meron na nga silang aplikasyon sa kasal na nasa salitang Japanese (check)

Dahil lahat ng mga papeles ay handa na, walang makita ang mga Immigration office na dahilan para hindi sila maniniwala.

"Humihingi po kami ng dispensa kung na-istorbo po namin kayo. Kung kayo po ay papayag, tutal naman ay balak nyo nang magpakasal, gusto po sana naming mag-volunteer na maging saksi nyo. Puede po ba?" Tanong ng pinakamataas na Immigration officer kina Tanaga at Ashley.

Ang buong katotohanan, kaya lang naman nag bulontaryo ang leader ng Immigration officer na maging saksi sa kasal nila ay para makasigurado na magpapakasal silang tunay. Iniisip nila na baka ito ay pakitang tao lamang. Sa madaling salita ay, isang peke! Iniisip ng Imigration officer na aayaw si Ashley sa hiling nila at duon nila ito mahuhuli.

Dahil hindi naman naitindihan ni Ashley kung ano ang pinag-uusapan, dead-ma lang sya. Laki tuloy ang gulat nya ng bumulong si Tanaga sa kanya.

"Meron silang tinatanong, hindi mo kailangan sumagot, tumango ka lang. Explain ko na lang sa iyo mamaya. Payag ka ba?"

Ano pa nga ba ang sasabihin at gagawin ni Ashley. Para sa kasagutan nya, tumingin sya sa mga Immigration officer at tumango na hindi man lang nya alam kung ano ang tinatanguan nya. [Patay!]

Nang masaksihan ng mga immigration na pumayag si Ashley dahil tumango sya, nagmamadali silang nagpaalam at sinabing magkikita na lang sila kung saan sila ay magpapakasal.

"Phew! Kala ko kukunin ka na nila. Buti na lang at natawagan ako ni Mrs. Guteries at sinabihan ako kung ano ang ginawa ng kanyang amo. Apparently, you are their most valuable commodity and was supposed to go to the highest bidder," sabi niya kay Ashley. Pero sa isipan nya, 'Sorry na lang sila. Akin ka na!'

Si Ashley naman na hindi pa rin sigurado kung ano ang nangyari ay nakatingin lang ng seryoso kay Tanaga at nakikinig at habang ito ay kanyang pinakikingan, hindi maiwasang humanga sa bilis ng utak ng binata na gawan ng paraan ang sitwasyon nya at the more nyang tinititigan si Tanaga, lalo syang na-gwagwapuhan nito.

Kaya tuloy, ayan na naman... *Thud, thud, thud,* tumatakbo na naman ang kanyang puso na parang nakikipag-habulan na mga kabayo.

'Hay, naku! Tigilan mo na nga ang kakapantasya at sakit lang sa puso ang aabutin mo,' sabi ni Ashley sa sarili habang nakatitig pa rin kay Tanaga pero wala talaga syang nakikita dahil malayo na naman ng isipan nya.

Nakahalata yata ang binata at sinubukan kung tama ang hinala nya. Winagayway nya ang kanyang kamay sa mismong mukha ni Ashley. Wala!

Napangiti sya at nakaisip na tuksuhin uli si Ashley. Dahan-dahan nyang inilapit ang mukha nya na halos magkalapat na ang kanilang mga labi, bago...

"Kung tapos ka ng mag-daydream, halika na at ng gawin na kitang Mrs. Jones." Sabay kiss sa lips ni Ashley at tumalikod at mabilis na lumabas sa conference room na tumatawa ng malakas...

Maraming salamat sa pagbabasa nyo. Wag kayong magsawang mag comment, boto, at review.

Enjoy, hangang sa susunod uli.

Tonight you will have another chapter. I was sick and unable to write. So antay lang po!

AJZHENcreators' thoughts