"Ma'am! Makinig po muna kayo sa akin. Ganito yun... Nag-alala po kasi ako kanina ng sumama ka sa lalaking yun. Ngayon..." Nagkamot muna ng ulo si Tiny habang hindi alam kung ipapagpatuloy ba niya ang kanyang sasabihin o' hindi na?
"So, let me guess... Tinawagan mo si sir Jones at sinabi na sumama ako na kumain sa isang lalaki. Ganon ba?" Tanong ni Ashley na medyo mataray ang dating dahil nakataas pa ang kanyang kilay.
Hindi makatingin ng diretso si Tiny ke Ashley, habang siya ay tuma-tango. 'Apo, pasensiya na ma'am. Alam kong mali ang ginawa ko, pero kung hindi ko po ipaalam sa kanya at malaman niya ay ako naman ang patay!" Paliwanag ni Tiny, hoping na maintindihan ni Ashley ang kalagayan niya.
Hindi naman siya nag-kamali at si Ashley na rin mismo ang humingi ng pasensya sa asal niya.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com