292 Ang Pangalan Ng Kambal!

"Deal!" Sabay inilahad ni Ashley ang kanyang kamay upang makipag kamay sa asawa. Pero imbis na makipagkamay sa kanya si Tanaga. Tumaas muna ang kilay nito bago kumunot ang noo saka Inilagay ang kanyang kamay sa bulsa at tumingin sa kanya ng napakalamig. 

Dahilan upang mabilis na bawiin ni Ashley ang kanyang mga kamay at ipasok sa loob ng kumot. Bago, hindi siya makatingin ng diretso dahil sa kahihiyang nararamdaman. Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang isipin or gawin sa inasal ni Tanaga.

Si Tanaga naman ay nakita ang kanyang ginawa at nagiisip rin kung ano ang kanyang dapat gawin. Lalo na ng makita niya na biglang lumungkot ang mukha ni Ashley at hindi na ito makatingin sa kanya ng diretso.

Napaisip tuloy si Tanaga kung ano ang mali niyang ginawa. Hindi niya naisip na nainsulto si Ashley sa hindi niya pagtangap ng pakikipagkamay sa kanya. Ilang sandali rin ang nakalipas na walang nagsasalita at nagpapakiramdaman lang ang dalawa.

Capítulo Bloqueado

Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com

avataravatar
Próximo capítulo