webnovel

The Night Bird

Author's note: this story is based on true event at totoong nangyari ito sa grand father ko.

Sa lugar namin na ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao ay pagsasaka ng palay at may palayan ang aking lolo noon. Mapagpaniwala sa pamahiin si Lolo at may karanasan na siya sa mga unusual na bagay.

Bagong ani ang palayan noon ni Lolo at kailangan niyang magbantay doon tuwing gabi para walang manakaw na sako ng palay kaya hapon pa lang nandoon na siya at doon kumakain ng hapunan. Wala siyang ibang kasama dahil nasa trabaho ang iba niyang anak at kailangang bantayan si mama na noon ay bata pa lamang.

Lampara lang ang dala ni Lolo noon at tahimik siyang nakaupo sa may sako ng palay hanggang sa may marinig siyang iyak ng uwak, naging alerto siya dahil alam niyang kwak kwak ang narinig  niya. Ang kwak kwak na tinatawag nila ay isang uri ng aswang na maihahalintulad sa tiktik ngunit mas agresibo ito.

Sinundan niya ang tunog at hindi naman kalayuan ang napuntahan niya at naabutan niya ang isang malaking ibon na nakahandusay sa lupa. Hindi lang daw basta normal na ibon kundi malaking ibon na halos kasing laki na niya. Nung sinasalaysay niya sa akin ang itsura pumapasok sa isip ko ay agila. Binalak niya daw itong kunin pero bago pa man niya ito hawakan ay narinig niya ang panibagong kwak kwak sa di kalayuan, hindi siya naalintana at pinulot niya ang ibon ngunit bigka itong gumalaw at tumagos sa tiyan ni Lolo ang mga kuko nito. Ramdam daw nya ang lakas nito at kung paano ito nanggigil na wasakin ang tiyan niya. Sugatan si Lolo at nagdugo ang tiyan niya dahil sa kuko ng ibon, sinubukan niyang manlaban at  gamit ang dala ng itak nataga niya ito at kumawala at nalalipad.

Umuwi si Lolo sa bahay ng gabing iyon, at noong kinukwento niya sa akin ang nangyari kita pa rin ang iniwang peklat nito sa tiyan niya. Si Lolo at ang matandang nasa unang story na "My Relatives is a Night Freak" ay magkamaganak. Hindi na bago sa pamilya nila ang mga ganoong pangyayari. Pagkatapos ng nangyaring iyon hindi na muli nagbantay ng palay si Lolo nang magisa tuwing gabi.