webnovel

La Sayona: The Woman in White

La Sayona is Venezuelan urban legend, The name "Sayona" refers to the long white dress of the ghost. May pagkahalintulad si La Sayona at La Llorona ngunit nagkaiba lang sa kung ano ang madalas nilang pakay o pinapatay.

Bago pa man maging La Sayona ang babaeng tinutukoy sa kwento ito ay isa siyang simpleng may bahay na nakatira sa rural part ng Venezuela at nagngangalang Casilda. May angking kagandahan ang dalaga kaya nahulog sa kaniya ang isang lalake at nagkaroon sila ng anak na lalake.

Isang araw habang naliligo siya sa isang batis sa lugar nila na hubot-hubad nakita siya ng isang lalakeng taga bayan at mula noon hindi na nito tinantanan si Casilda at palagi itong nanonood sa tuwing naliligo ito sa batis. Isang araw nahuli siya ni Casilda na pinapanood siyang maligo at sinabing lubayan na siya pero sumagot ang lalake na kaya daw siya naroon ay may dapat siyang sabihin at kinabigla ni Casilda ang sinabi ng lalake. Sinabi nito na may kabit ang kaniyang asawa at ang kabit nito ay ang sarili niya mismong ina. Dali daling bumalik si Casilda sa bahay nila at naabutang tulog ang kaniyang mag ama, sa sobrang galit sinunog niya ang kanilang bahay at siniguradong patay ang kaniyang asawa at wala na siyang pakialam kung madamay ang kaniyang anak, at pagkatapos niyang sunugin ang kanilang bahay agad naman siyang nagtungo sa bahay ng kaniyang Ina at sinaksak niya ang kaniyang ina. Bago ito bawian ng buhay ay isinumpa niya si Casilda na papatayin niya ang mga lalaking may kabit at para ipaghiganti ang mga babaeng biktima.

Mula noon hanggang sa mamatay si Casilda ay hindi parin siya tumitigil sa pag gawa ng krimen laban sa mga lalaking may kabit.  Madalas siyang makita na isang babaeng nagsisigarilyo o nag aayang maki-sakay at sa pagkakataong tatangkain ng lalaking kasama niya na tignan ang mukha niya ay magbabago ito at tanging agnas na mukha ni Casilda ang makikita at doon siya nagsimulang tawaging La Sayona.

"Don't cheat!!!"