webnovel

Hannah Cranna: The Wicked Witch of Monroe

Hannah Cranna known as a witch in 19th century. Pinaghinalaan siyang mangkukulam ng mga tao pagkatapos mamatay ang kaniyang asawa. Hindi normal ang pagkamatay nito dahil hindi nila alam kung bakit ito tatalon sa bangin. Ang sabi ng ilan kinulam daw ni Hanna Cranna ang kaniyang asawa kaya napilitan itong tumalon sa bangin.

Ang sabi pa ng ilan ay nag cacast ito ng spells o dark magic sa mga hindi niya gustong tao. Hindi kagaya ng ibang kwentong witch na sinunog sa public places, si Hannah ay payapang namatay sa edad na 77 at bago pa man siya bawian ng buhay at hiniling niya na buhating ng mga tao ang kaniyang kabaong at wag isakay sa wagon.

Habang inihahatid siya sa kaniyang libingan mas piniling ilagay ng mga tao ang coffin niya sa wagon pero palagi na lang itong nahuhulog ng walang dahilan kaya binuhat na lang nila ito.

Pagkatapos ng kaniyang libing ay agad sumugod ang mga taong bayan sa kaniyang bahay at doon naabutan ang kaniyang mga kagamitang pang witchcraft.