webnovel

Pogi Problems

Shanaia Aira's Point of View

" Mommy Baby!" masayang tawag ni Dindin sa akin. Nasa kitchen ako at nagpe-prepare ng snack.

" Hi sweetie pie! How's school?" tanong ko habang humahalik ako sa pisngi nya.

" School's fine. Why are you here? Where's daddy bhi?" tanong naman nya.

" He's in Palawan. May shooting sila ngayon dun." sagot ko. Kaninang umaga umalis si Gelo kaya dito ako tumuloy sa amin dahil wala akong kasama sa condo. Binilinan nya ako na dito muna ako kila mommy habang wala sya.

" So dito ka po muna uuwi?" tanong ulit nya.

" Yes po. Ayaw mo ba? "

" Of course, gusto ko po. May mommy na ulit ako." ngumiti ako at saka ko sya inalalayan makaupo sa stool para makakain na sya.

" Hindi ka pumasok sa school po mommy Baby?" tanong ni Dindin.

" Hindi eh, umalis kasi si daddy bhi kanina, inasikaso ko sya. " sagot ko na lang pero ang totoo hindi ako nakapasok kasi masakit ang buong katawan ko, pahamak kasi si Gelo, nag-ala Mike Enriquez na naman kagabi. Nag-exercise kami hanggang madaling araw, halos one month daw kasi syang mawawala kaya pagbigyan ko na daw sya. Buti na lang wala kaming quiz o recit ngayon kundi patay ako. Tumawag naman ako kay dra. Faith, nagpaalam ako, pumayag naman. Sa kanya ko nga nalaman na walang masyadong ginagawa sa school ngayon kasi katatapos lang nung activity ng mga prof namin.

" Uhm. I see." sagot ni Din at pinagpatuloy na ang pagkain nya.

Pagdating nila mommy at ate Shane from taping kinagabihan, natuwa sila nung sinabi ko na dito muna ako sa kanila mag-sstay dahil wala si Gelo.

" Mabuti bunso na dito ka muna para makakain ka ng maayos. Alam ko na kapag mag-isa ka ay puro fast food at process foods ang kinakain mo. Sa lahat ng nagdo-doktor ikaw yung hindi nag-iingat sa kinakain mo." sermon ni mommy sa akin.

" My, para ka pong si Gelo. Parehong-pareho kayo ng lines, nasa script po ba yan? " pamimilosopo ko pa.

" Ikaw talaga baby, umaandar na naman yang pagiging pilya mo. " kunwari galit si mommy pero pinipigilan yung ngiti nya.

" Mommy hindi po ako yung bunso nyo kung wala yung kapilyahan ko. Anyway, nagbago na po ang eating habits ko, alam nyo naman po si Gelo, pinapagalitan ako kapag puro fast food at process foods, pwede naman po yung ganon pero hindi madalas."

" Mabuti talaga si Gelo para sayo anak. Hindi kami nag-aalala ng daddy mo na siya ang papakasalan mo. Alam namin na magiging mabuti syang asawa sayo. Ngayon pa nga lang nakikita na namin yung pagsisikap nya para sa future nyong dalawa. You are so lucky to have him anak. Mahal na mahal ka nya. " turan ni mommy.

" Oo nga po mommy. Ang problema ko lang po kay Gelo eh masyadong gwapo kaya maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Mabuti na lang po, sa akin lang talaga nakatuon ang paningin nya. "

" Tama bunso, mahal na mahal ka ni Gelo. Mga bata pa lang kami lagi nyang sinasabi na ikaw lang yung gusto nya. Nakita mo naman, hindi nanligaw yan kahit marami ang nagkakagusto sa kanya sa showbiz. Ikaw lang yung hinintay nya talaga. " kwento pa ni ate Shane.

" Ramdam ko ate yung sincerity ni Gelo sa akin. Hindi lang nya sinasabi na mahal nya ako, pinaparamdam nya talaga. Kaya nga kapag may babaeng umaaligid , hindi ako nag-aalala kay Gelo dahil alam kong faithful sya sa akin, nag-aalala ako dun sa kayang gawin ng mga babae sa kanya. " nakangiti kong turan. Naaalala ko kasi si Gelo, kung paano sya umiwas sa mga nagpaparamdam sa kanya.

" Kaya yung leading lady nya ngayon, masama ang kutob ko dun. Mukhang mahinhin dahil beauty queen pero nasa loob ang kulo. Biro mong samantalahin ang kalasingan ni Gelo, siya yung kusang humalik dun sa tao. Pinag-awayan nyo ba yun baby? " tanong ni ate.

" Medyo teh, nagkasundo din naman kami agad, pero may punishment sya. Doon sya natutulog sa couch ng isang linggo. " natawa si ate sa sinabi ko.

" Hoy baby! baka naman ginagawa nyo na ni Gelo yung bagay na yun ha? hindi pa kayo kasal. " bulalas ni mommy. Nag-init naman agad yung mukha ko. Pero syempre hindi ako aamin na ginagawa na namin yon dahil legally married na kami.

" Mommy naman, ang brutal nyo po. Hindi pa po at alam naman po namin yon. " kaila ko.

" Sinasabi ko lang naman anak. "

_________________

" Hi baby! How's your day? Miss na miss na kita kahit kanina lang tayo naghiwalay." bungad ni Gelo ng sagutin ko yung video call nya. Kagagaling ko nga lang ng bathroom dahil naligo ako. May towel pa nga ako sa ulo at naka bath robe lang.

" I'm fine bhi. Miss na rin kita. Alam mo ba na hindi ako nakapasok ng school kanina? " sabi ko. Medyo nagulat sya sa sinabi ko, hindi ko kasi ugali ang mag-absent at alam nya yon.

" Alam ko na misis, sumakit katawan mo noh? Sorry baby, napagod kita ng husto,hindi ka tuloy nakapasok." pinandilatan ko sya ng mata at sumenyas na huwag syang maingay,baka mamaya biglang pumasok si mommy dito sa room ko.

Tumahimik naman sya tapos tumingin lang sa akin. Titig na titig na akala mo kinakabisa ang mukha ko.

" Nakakainis naman. " sambit nya bigla.

" Bakit naman bhi!? "

" Naka-bathrobe ka lang kasi tapos nandito ako sa malayo." ngisi nya.

" Heh! tumigil ka nga bhi, puro ka kalokohan."

" Seriously baby, nami-miss na kita. Punta ka kaya dito?" nagulat naman ako sa sinabi nya.

" Sira! paano ako pupunta dyan? Una, may pasok ako sa school. Pangalawa, saan ako mag-sstay dyan, siguradong magtataka mga kasama mo kung makikituloy ako dyan sayo at pangatlo, ano sasabihin mo kapag may nagtanong sayo kung sino ako?" napangiti sya ng malapad, parang may naglalarong idea sa utak nya sa klase ng ngiti nya.

" Madali lang naman yan baby. Una, malapit na Christmas vacation nyo, more than a week na lang. Pangalawa, ikukuha kita ng kwarto dito sa hotel para dun ka mag-stay, pupuslit na lang ako sa gabi para puntahan ka at pangatlo, alam naman ng lahat na best friend kita so, walang problema. May tanong pa asawa ko? "

" Sige, uwian na. May nanalo na. "

" Hahaha. Basta pupunta ka dito sa Christmas vacation nyo tapos sabay tayong uuwi dyan before Christmas. Maliwanag baby? "

" Yes bhi. Sino kasama mo dyan sa room? " naisip kong itanong sa kanya.

" Wala. Isa-isa kami ng room. " sagot nya.

" Mabuti naman. Pwede kitang tawagan kapag tapos na shooting nyo for the day. "

"Pwedeng-pwede baby."

Tok tok tok....

" Wait lang baby, may kumakatok." paalam nya pero hindi nya pinatay ang phone at hawak pa rin.

" Hi Gelo!" boses ng babae ang narinig ko.

Oh here we go again...