webnovel

That Badass Girl (Filipino Version)

Mai Zanzenin : A sweet girl that turns into a cold hearted DEMON Gugustohin mo ba na mapalapit sa kanya? Kahit na ang kapalit nito ay...... KAMATAYAN?

JcCuabo · Adolescente
Classificações insuficientes
20 Chs

Chapter 20: I was save by... Her?!! (O__O)

Mai POV

" Is everybody here?" Sabi ng PE professor namin na nasa 30's pa lang yata. May nakakabit na maliit na mecrupuno sa kanang tinga niya kaya hanggang sa likod ay naririnig namin ang boses niya. Medyo marami kasi kami sa subject na ito, kaya siguro nakasout siya ng ganon.

" Hindi pa po sir, wala pa po yong iba."

" Oo nga, wala pa po ang fabulous 4." Sagot ng mga kaklase namin especially girls.

" Well sorry to say this pero kailangan na nating magsimula kahit wala sila." Sagot naman ng professor.

" Ano ba naman yan! Bakit wala pa ang fabulous 4? Sila pa naman ang dahilan kaya ako pumasok ng maaga."

" Oo nga kainis." Rinig kong maktol ng karamihan.

Sino ba yang fabulous chuchu na yan na bukang bibig nila?

Nakakairita na ha, ang sakit sa tingang pakinggan

Tsk

(ಥ_ಥ)

" Okay class listen up!! We already tackle about the rules and regulations sa paglalaro ng basketball. And last week napagaralan na ninyo ang basic dribbling at passing kaya--- Oh MR. SMITH and FRIEND'S, your LATE." Biglang lihis na sabi ng professor. Nakatingin siya sa kaliwang bahagi ng gym kung saan kami pumasok kanina, kaya naman napalingon rin doon ang iba kasama nako.

" O.M.Geee!!! Nandito na sila!!"

" Oo nga, nakakatuwa!!"

" Bakit wala si Prince Zander?"

" Oo nga bakit wala siya?"

" Hayaan mo na at least nandito sila Prince Trey diba?"

" Sabagay....Eek ang gwapo talaga nila noh?! Grabe!" Impit na tili at bulongan ng iba. Maraming babae ang natuwa sa mga dumating pero meron rin naman na parang naasar, lalo na ang mga lalaki. Ang iba ay sinabihan sila na mga epal at ang iba naman ay sinabihan silang nagpapaimportante lang.

Well,

Who cares anyway?

Tss =_=)

" Sorry Sir, this won't happened again. " Paumanhin na sabi noong tatlong bugok habang papunta sa umpokan namin. Naaalala ko ang tatlong itlog na yan, sila yong humarang sa amin kahapon sa pathway.

" Asan si Mr.Kim?" Biglang tanong ng professor. May hinahanap siyang tao sa tatlo na hindi ko kilala.

Malamang diba?

Tss

" We don't know Sir. Kaming tatlo lang po ang nagkasabay." Sagot naman ng lalaking brown ang kulay ng buhok.

" Okay, bilisan ninyong pumunta dito sa harap dahil magsisimula na tayo." Agad namang sumunod ang tatlo sa sinabi ng professor. Kaya naman nakapwesto na sila ngayon sa harap. " Katulad ng una kong sinabi kanina, We already tackle about the rules and regulations sa paglalaro ng basketball. And last week napagaralan na ninyo ang basic dribbling at passing kaya naman ngayon ay susubukan ninyong lahat.....na MAGLARO." Sabi ng professor na naging rason upang magkaroon ng samot-saring bulongan at reklamo ang mga istudyanting nandito.

" Pero Sir pagpapawisan na naman po kami! Hindi po ba pwede na ang mga boys nalang ang maglaro, tapos kami nalang ang taga cheer nila?" Maarting sabi noong isa na dinaig pa ang clown sa kapal ng make up.

=___=)

Yong totoo,

Sa PE class ba talaga to a-attend o sa children's party?

Maka make up naman to wagas

Tss

=__=)

" May clown pala dito sa LU?" Mahinang tanong ni Three.

Inasahan ko ng sasabihin niya yan. Mahilig rin manglait yan eh tss.

=__=)

" Oo naman meron. Ayan nga siya oh, yan ang mascot ng school natin hahaha!" Nakatawang sagot ni Sandy habang nakaturo sa babaing parang clown.

" Ano ka ba Sandy wag kang ganyan." Awat ni Kayee sa sinabi ng kaibigan.

" Bakit totoo naman diba? Tingnan mo nga ang mukha oh parang sinapak ng pitong tao, ANG LALA hahaha!" Hindi maawat na sabi ni Sandy kaya napatawa ng mahina yong apat( Three, Kayee, Nicole, Dennis). Hindi na rin ako umalma sa sinabi niya. Tama rin naman siya eh

Hehe

^o^)v

" Listen everyone!" Sigaw ng professor kaya natuon ulit ang attention namin sa kanya.

" Let me remind you na ang subject na tinuturo ko ay PE.....PHYSICAL EXERCISE at hindi PAGPAPAGANDA. Kaya sa ayaw at sa gusto niyo pagpapawisan talaga kayo ngayon. So my answer to you Ms.Laurent....is NO." Walang paligoy-ligoy na sabi ni Sir na sinangayonan ko.

May tama ka jan sir.

Push mo yan!

(^o^)v

" Pero hindi pa po kami gaanong marunong sir." Reklamo naman ng isa.

" Kaya nga maglalaro kayo ngayon Ms.Javier para MATUTO kayo. Kaya wag na kayong magreklamo dahil ang sinabi ko ang MASUSUNOD." Maautoridad na sabi ng Prof. kaya wala ng nagawa ang lahat kundi sundin ang sinabi niya.

Hiniwalay niya ang mga babae sa lalaki, pinapila niya kami sa kanan habang nakapila naman ang mga lalaki sa kaliwa. 22 kaming mga babae samantalang 15 lang ang mga lalaki, kaya sumatotal ay 37 kaming lahat.

" Wait...I saw 2 unfamiliar face at the back. A guy with a reddish hair and a girl with a blond hair, new student ba kayo?" Sabi ni Sir habang palipat lipat ang tingin sa amin ni Three. Ngayon niya lang siguro kami napansin dahil sa maayos na ang pagkakapwesto naming lahat. Hindi tulad kanina na kalat-kalat kami, saka nasa pinakalikod kami kanina kaya hindi niya talaga kami mapapansin. Hindi naman kasi kami kulang sa height, 178 cm ang height ni Three samantalang 168 cm naman ang akin, at sa aming mga babae ako ang pinakamatangkad.

" Yes Sir, new students po kami." Magalang na sagot ni Three sa kanya.

" Kindly introduce yourselves please." Sir habang seryusong nakatingin sa amin.

" I'm Kenneth Jang." Sabi ni Three habang nakabow.

" I'm Mika Lee." Walang kabuhay-buhay na sabi ko ng lumingon ito sa gawi ko.

"From what school?"

" HG University po." Sagot ni Three.

" HG?! Sa HG sila galing?!"

" Heaven's Gate University ng Korea ba ang tinutukoy niya?!"

" Diba mga elite at gifted na tao lang ang tinatangap doon?"

" Oo, yon ang alam ko. Kung ganon hindi pala sila basta-basta?!"

" Sinabi mo pa."

"Kaya pala malakas ang loob nila dahil may ibubuga naman pala." Bulongan ng iba na rinig naman namin.

How idiotic tss =__=)

" Quite class...!!" Saway ni Sir sa iba na puro chesmis ang inaatupag. Nang tahimik na ang lahat ay saka niya ulit kami binalingan. "So the two of you came from a prestigious school...? How interesting." Nakangiting sabi nito habang palipat-lipat ang tingin sa amin.

" Not really." Walang ganang sagot ko. Dahil doon ay napatingin siya sa akin saglit saka siya muling nagsalita.

" Alam niyo naman na may gagawing game ngayon hindi ba? So I guess the two of you won't mind kung isasali ko parin kayo sa laro? Total galing naman kayo sa isang tanyag na paaralan hindi ba?" Parang naghahamon na sabi niya dahilan para mapasmirk ako.

Kami pa talaga ang hinamon niya ha? Tss lets see.

" Of course we won't....SIR. As a matter of fact, WE....BADLY want to join." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Sandali rin siyang napatingin sa akin, saka dahan-dahan na sumilay sa kanyang mga labi ang isang ngiti.

" Good! Welcome to our school." Nakangiting sabi niya. May nahimigan akong paghanga at pananabik sa tuno ng pananalita niya, dahilan para mapasmirk ulit ako.

Yeah,

welcome to Us!

Matapos ang paguusap namin na yon ay nagpatuloy ulit siya sa pagpapaliwanag. Pagkatapos noon ay hinati niya ulit ang mga babae sa apat na grupo, habang ang mga lalaki naman ay hinati niya sa dalawa. Nang nasaayos na ang lahat at nasa kanya-kanyang mga kagrupo na kami ay agad niyang pinaliwanag ang magiging takbo ng laro. " Unang maglalaro ang mga babae, na uumpisahan ng group 1 and 2, sunod ay group 3 and 4 at ang panghuli ay ang mga lalaki. Ang mga babae ay may 10 minuto upang maglaro habang ang mga lalaki ay may 20 minuto. Sa ngayon ay hindi niyo kailangang galingan, basta't mag enjoy lang muna kayo." Nakangiting sabi niya.

Bali ganito ang groupings namin...

GIRLS

Group 1: Vs Group 2:

Ako Javier

Dennis Alipures

classmate classmate

classmate classmate

Kayee classmate

Group 3: Vs Group 4:

Sandy Laurent

Nicole Alipures

classmate classmate

classmate classmate

classmate classmate

classmate classmate

BOYS

Group 1:

Three

late guy(Jhin)

classmate(1)

classmate(2)

classmate(3)

classmate(4)

classmate(5)

Group 2:

Late guy(Trey)

late guy(Lay)

classmate(1)

classmate(2)

classmate(3)

classmate(4)

35 kaming lahat na maglalaro habang ang natirang 2 lalaki ay gagawing referee sa game.

" First game, group 1 Vs group 2. Magwarm up na kayo dahil maya-maya lang ay sisimulan na natin ang laro." Sabi ni Sir. Kaya sinimulan na nga nila Dennis ang pagwawarm up, habang ako ay nakatingin lang sa kanila. Oo SILA lang, hindi ako sumali. Nakakatamad eh tss.

=__=)

" Wala ka bang balak magwarm up?" Tanong ng isang lalaki na bigla nalang sumulpot sa tabi ko. Siya yong lalaki kahapon na kung makaasta akala mo siya na ang pinakamagandang lalaki sa buong mundo. As if naman diba? =__=) eh mukha nga siyang manok na tinuboan ng mukha dahil sa pula niyang buhok. Saka napakayabang rin niya, na akala mo siya na ang pinakamayaman sa buong pilipinas. Thats why i fucking hate him. Kaya naman hindi ko nalang siya pinansin, nakakatamad eh.

=__=)

" Dapat magwarm up ka para hindi ka mapwersa mamaya. Gusto mo tulongan kita? Magaling akong magturo " Pangungulit parin niya. Pero hindi ko pa rin siya pinansin, aksaya lang siya sa oras.

Muli kong tinuon ang attensyon ko kina Dennis na nagsho-shooting na ngayon. Titingnan ko kong sino sa kanila ang pwede kong asahan mamaya. Pero ilang segundo na ang lumipas ay naramdaman ko na hindi pa rin umaalis sa tabi ko ang lalaking nangungulit kanina, dahilan para mangunot ang noo ko sa pagkairita.

Bakit hindi pa umaalis tong gagong to? Kailan ba niya balak umalis? Can't he see na hindi ako interisadong makipagusap sa kanya? Tsk kahapon pa to ah.

(ಥ_ಥ)

Naiirita man ay hinayaan ko nalang siya sa trip niya. Aalis rin naman yan pagnagsawa na siya sa kakakulit sa akin, at isa pa wala rin ako sa mood para makipagtalo sa kanya. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabie sa kakaisip sa isang tao.

Tsk kapag naiisip ko yon nawawala ako lalo sa mood.

Fuck! >__<)

Sandaling segundo pa ang lumipas pero hindi pa rin siya umaalis, dahilan para maginit na ang ulo ko. " Sige na pumayag ka na." Pangungulit pa rin niya dahilan para maubos na talaga ang pasensya ko.

>__<) Fuck this guy!! Napakakulit ng lahi tsk.

Asar ko siyang nilungon. Tapos ay tinitigan ko siya gamit ang walang emotion kong mga mata. " Get.lost IDIOT!! I don't fucking NEED your help!" Malamig na sabi ko. Pagkatapos kong sabihin yon ay agad akong nagtungo sa court at iniwan siyang nakatanga doon. Magsisimula na raw kasi ang laro namin.

" Mika galingan natin ha." Nakangiting sabi ni Dennis sa akin noong malapit na ko sa kanila. Tinangoan ko nalang siya bilang sagot tapos ay pumwesto na rin ako upang makapagumpisa na kami.

" Jump ball." Sigaw ng isang referee na nagngangalang Mark. Dahil sa ako ang pinakamatangkad sa grupo namin ako ang pinili nila para sa jump ball habang sa kabilang grupo ay yong babaing maarte na hindi ko alam ang pangalan ang pinili nila. Wala rin naman akong pakialam sa kanya.

=__=)

Nakatayo lang ako sa gitna ng court habang ang babaing nasa harap ko ay kuntudo sa pagpapaganda. Para rin namang may maganda sa kanya noh? Tss

=_=)

Nang ibato ng referee ang bola sa eri ay agad akong tumalon saka ko tinapik ng mahina ang bola papunta kay Kayee. Dahil swerte yata kami ngayon nasalo niya ito pero agad din kaming minalas dahil hindi sinasadyang matama sa sapatos niya ang bola. Mabilis na gumulong ang bola, dahil sa mabilis rin ang pangyayari hindi na namin ito nahabol kaya na out. Nagtawanan ang mga kaklase namin sa nangyari, isa na doon ang maarting babae na leader ng kabilang grupo.

" Ano ba naman yan Kayee, basketball ang nilalaro natin hindi soccer hahaha." Nangaasar na sabi nito habang tumatawa na parang wala ng bukas. Napayuko nalang si Kayee habang papalapit sa amin.

" Sorry Mika hindi ko sinasadya." Paumanhin na sabi niya. Makikita ang matinding lungkot at pagkapahiya sa mukha niya, palatandaan na subrang nadismaya siya sa nangyari. Kaya sinabi ko nalang na okay lang, wala na rin naman kaming magagawa.

Nasa kabilang team ngayon ang bola, pero hindi magtatagal ay mapapasaamin din yan. Dahan-dahan ang ginawang pagdribble ng babaing maarti sa bola, halatang-halata na hindi ito marunong. Kaya naman naghinatay ako ng pagkakataon upang isahan siya, at ng makahanap ako ay mabilis kong inagaw sa kanya ang bola saka ako mabilis na tumakbo papunta sa ring namin. Nang masiguro ko na walang sagabal ay swabing-swabi kong pinasok ang bola sa ring.

TWO POINT'S

Tuwang-tuwa ang mga kasama ko dahil nakascore kami, lalong lalo na si Three na kung makasigaw akala mo nasa kabilang bundok ako

=___=)

Tss

" QUEEN NAMIN YAN..!! ANG GALING MO QUEEN GRABE..!!" Makabasag tingang sigaw niya. Nakisabay rin sa kanya ang ibang kaklase namin, pero agad rin naman silang sinaway ni Sir dahilan para manahimik ulit sila.

Dahil kami ang nakapuntos kanina sa kabila ulit ang bola. Pero sisigurohin ko na mapapasaamin ulit yan. Just watch and learn. (Smirk)

Muli ay maingat na dinala ng kalaban ang bola, pero kulang ang pagiingat niya upang hindi ko ito maagaw. Hindi pa man nagiinit sa kamay niya ang bola ay inagawa ko na ito. Pasimple akong lumapit sa likod niya. Dahil hindi niya ako napansin nagkaroon ako ng pagkakataon na tapikin ang bola sa kamay niya. Sakto naman na nasalo ni Dennis ang bola kaya mabilis siyang tumakbo papunta sa ring namin. Tinangka ni Dennis na ipasok ang bola sa ring, pero dahil siguro sa subrang excitement at pagkataranta ay hindi niya nashoot ang bola. Mabilis na kinuha ng babaing maarte ang bola pero dahil sa katangahan niya sa pagde-dribble ay nasipa niya ang bola papunta sa dereksyon ko. "Nice pass." Mapangasar na sabi ko sa kanya pagkapulot ko sa bola. Mahigpit kong hinawakan ang bola gamit ang dalawang kamay ko, saka ako tumalon ng kunti upang makabwelo sa pagshoot. Ang reaulta?

THREE POINTS

" WHOOOOH!! Ang galing mo talaga queen, three pointer!" Malakas na sigaw ni Three pagkashoot ng bola sa ring. Hindi ko nalang pinansin ang pagsigaw niya. Matagal ko ng alam na magaling ako, no need to announced tss.

=__=)

Mabilis ang naging takbo ng laro, dahil maaarte at walang alam sa basketball ang kalaban namin ay natambakan namin sila. 29-4 ang score, ang team namin ang leading. Sa subrang pagkaaliw ko sa pagsho-shoot hindi ko namalayan na subrang laki na pala ng lamang namin, halos ako kasi ang gumawa ng score namin kaya medyo pawis na rin ako kakatakbo. Hindi bali 2 minuto nalang naman ang laro kaya makakapagpahinga na ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagde- dribble ng bigla akong e-double team ng kalaban. Pero hindi ako natinag, sa halip ay mas lalo akong ginanahan sa ginawa nila. Mas binilisan ko ang pag-dribble sa bola. Palipat-lipat ito sa dalawang kamay ko habang deni-dribble ko ito sa pagitaan ng mga hita ko.

' Tingnan natin kung hindi pa ko makalusot sa inyo dito' I said in mind while grinning.

Malakas kong hinagis ang bola sa pagitaan ng mga hita ng kalaban. Tapos ay mabilis akong tumakbo upang saluhin ito. I was about to shoot ng bigla nalang may epal na tumakbo palapit sa akin. Nagstep back ako upang iwasan siya pero wrong move pala ako dahil pagatras ko may nabangga akong hindi inaasahang tao. Agad na kumunot ang noo ko ng mamukhaan ko siya.

'Siya yong lalaking nagnakaw ng wallet ko kahapon ah? Kapag seniswerte ka nga naman.' I said in mind.

Magiging okay lang sana kami ni wallet guy kung hindi lang sana biglang sumulpot ang dalawang babae sa harap namin at malakas kaming tinulak. Kaya ang resulta....

" QUEEN!!"

"MIKA!!"

" ZANDER!!"

" PRINCE ZANDER !!" Narinig kong sigaw ng mga kaklase namin. Sa lakas kasi ng pagkakatulak noong dalawa sa amin ay tumilapon kami ng subrang layo, to the point na nakita kong tatama kami sa mga upoan. Noong pabagsak na kami ay biglang gumalaw ang mga kamay ko na para bang may sarili itong buhay, at ang sunod na nangyari ay hindi ko inasahang magagawa ko.

Wala sa sariling napahawak ako sa magkabilang dulo ng jersey ni thief guy. At ang sumunod na nangyari ay hindi ko inasahang magagawa ko pa. Gamit ang buong lakas ko, buong lakas akong umikot patalikod na naging dahilan upang magkapalit kami ng posisyon. Dahil sa ginawa ko ay ako na ngayon ang nasa alanganin, paghindi kasi ako nagmadali at nagingat ay pweding MAS maging malala ang mangyari sa akin kung saka-sakaling hindi ko mapigilan ang pagtama ko sa mga upoan. Pero dahil sa naging maagap ako, bago pa kami tuloyang tumama ay nagawa ko ng iharang ang mga kamay ko. Ngunit hindi ito naging sapat upang maprotektahan ang sarili ko at hindi ako masaktan.

' Arggh....FUCK!!!!' Impit na mura ko gamit ang isip dahil sa matinding sakit. Tumama ang kaliwang bahagi ng katawan ko sa upoan pati na rin ang kaliwang kamay ko. Dahil sa matinding impact, isama pa ang pagtama sa akin ni Wallet guy ang mas lalong nagpahirap sa situasyon. Nasaktan man sa nangyari ay hindi ko iyon pinahalata. I composed myself and acted normal na parang walang nangyari, kahit na ang totoo ay subrang sakit ng buong katawan ko. Pero wala lang naman to, masyadong malayo to sa bituka para alalahanin ko.

" Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba ha? Saan masakit?" Sunod-sunod na tanong ni wallet thief noong makabawi siya sa nangyari. Nabasa ko sa mata niya ang matinding takot at pagaalala. Nagtataka man sa expression na pinapakita niya ay hindi ko nalang iyon pinansin. Marahan kong tinapik ang kamay niya na nakahawak sa akin.

" I'm fine. " Plain na sagot ko. Okay lang naman talaga ako. Medyo masakit lang talaga ang kamay ko. Ito kasi talaga ang ginawa kung panangalang at pangsupporta upang hindi tumama ang ulo ko sa upoan. Kung hindi ko ginawa yon baka nagkataon na mas malala pa dito ang nangyari. Mabilis akong tumayo upang ipakita sa kanya na okay ako. Nakapamulsa ako habang nakatingin sa kanya. "Ikaw okay ka lang?" I plainly ask na mukhang ikinagulat niya.

" I-I'm fine." Wala sa sariling sagot niya habang....

ganito ---> (O__O)

Anong problema nito? Tss

(0__o)?

" Queen...!! Okay ka lang?!" Nagaalalang sabi ni Three na tumatakbo palapit sa amin.

" Hmm..okay lang." Walang kabuhay-buhay na sagot ko noong nasa harap ko na siya. Unti-unti na ring naglapitan ang mga kaklase namin sa amin kasama na si Sir.

( BEFORE THE INCIDENT )

Zander POV

Nagmamadali ako sa pagmamaniho papuntang school. 8:10 na kasi, ibig sabihin 10 minutes na akong late. Late na rin kasi akong nagising kanina, kaya ganito ang resulta. Matagal kasi akong nakatulog kagabie eh tsk.

Nang makarating ako sa school ay mabilis kong pinarada ang sasakyan ko saka ako nagmadali papuntang GYM. Pagpasok ko sa loob ay tutok na tutok sa laro ang mga kaklase ko maging si Sir kaya naman walang sino man ang nakapansin sa akin.

Dahil nga late ako, dahan-dahan akong nagtungo sa pwesto ni Sir upang magsorry. Noong napansin niya ako ay agad na kumunot ang nuo niya.

" Why are you late Mr.Kim? Hindi ibig sabihin na player ka ng basketball team eh pwede ka ng malate!!" Galit na sabi niya.

" I woke up late Sir, I'm really sorry. This won't happened again." Nakayukong sabi ko.

" Hmmmf...Okay, dahil unang besis mo pa naman to tumakbo ka nalang ng dalawang ikot sa hallway. Pagtapos ka na bumalik ka dito. Is that clear?"

" Yes Sir." Sagot ko saka ako nagmadaling lumabas at umikot ng dalawang besis sa hallway. Noong tapos nako ay bumalik agad ako kay sir. "Tapos na po Sir." Sabi ko habang hinihingal ng kunti.

" Sana naman ay hindi ka na umulit Mr. Kim dahil sa susunod hindi lang pagtakbo ng dalawang ikot ang parusa na ibinigay ko sayo, understand?"

" Opo." Sagot ko.

" Good! Pwede bang ikaw muna ang pumalitan kay Mr. Valdez

sa pagre-referee doon? Kakausapin ko lang siya saglit." Sabi ulit niya na agad ko namang sinunod. Mabilis akong lumapit sa kinaruruonan ni Valdez.

"Ako daw muna ang papalit sayo sabi ni Sir." Sabi ko noong makalapit ako sa kanya. Agad naman niyang binigay sa akin ang pitong hawak niya. "Ilang minuto nalang?"

" 2 minutes nalang. " Sagot niya saka mabilis na umalis. Sinimulan ko naman agad ang trabaho ko bilang referee. Habang naguubsirba ako sa mga naglalaro, may nakita akong tao na subrang ikinagulat ko.

' T-tika...siya yong babaing sumuntok sa akin kahapon ah?!' I said in mind habang nakatingin sa kanya. Nagde-dribble siya ng bola habang may dalawang babae na nakabantay sa kanya. Sa paraan ng pagdribble niya ay masasabi kong magaling siyang maglaro. Bihira kasi sa mga babae ang marunong magcross dribbling. Saka mahahalata mo talaga na marunong siya dahil siguradong-sigurado siya sa mga galaw niya.

Nang makakita ng pagkakataong makalusot ay mabilis niyang inihagis ang bola sa pagitan ng hita ng kalaban saka siya mabilis na tumakbo upang saluhin ang bola. Tapos non ay pumwesto na siya upang makapagshoot, pero bigla siyang natigilan dahil may tumakbong babae papunta sa deriksyon niya. Dahil sa may naramdaman akong hindi magandang mangyayari ay mabilis akong tumakbo sa kinaruruonan nila. Pero wrong move ang ginawa ko, dahil sa hindi ko natansya ang pagtakbo ko at hindi ko inasahan ang pagatras niya ay nagkabangaan kami. Tapos non ay nangyari na nga ang hindi inaasahan.

Three / Kenneth POV

Aliw na aliw kaming lahat sa panunuod ng laro, kakasimula pa lang kasi ay nagpasikat na agad si queen. Hindi niya halos pinapahawak ng bola ang kalaban nila. Mahahalata mo talaga na wala siyang balak na pagbigyan ang mga ito. Hindi man seryuso sa laro ay maganda pa rin ang ipinakita ni queen. Maging sila Dennis, Kayee at iba pa nilang kasama ay ganon din. Kahit hindi sila gaanong maalam sa laro ay makikita mong pursegido silang matuto at makipagsabayan kay queen, na siyang nagsilbing leader nila.

29-4, yan ang puntos na nagawa ng magkabilang team. Syempre sila queen ang leading, hindi yan papayag na malamangan sila ng kalaban noh psh.

" Wow...ang galing naman ni ate Mika! Parang professional siya kung maglaro!" Puno ng paghangang sabi ni Nicole.

" Oo nga, bakit ang galing niya? Kasali ba siya sa basketball team sa school niyo?" Tanong ni Sandy sa akin kaya ako natigilan saglit.

" Si queen...? KASALI sa basketball team?" Pabalik na tanong ko. I even emphasize the word 'KASALI'.

" Oo, kasali ba siya?" Tanong ulit niya dahilan para matawa ako ng subra.

Si queen? Player ng basketball? Hahahaha that's the funniest thing I ever heard.

" Oh bakit natawa ka?" Takang tanong niya ng tumawa ako ng subrang lakas. Pati nga mga kaklase namin ay nagtinginan sa akin dahil sa lakas ng tawa ko. Eh bakit ba? Nakakatawa naman talaga eh hahaha. (^O^)/

" Pfft. Hahahaha s-seryuso ka ba jan sa tanong mo San?" Matawa-tawang tanong ko. Sinikap ko pa munang pahupain ang tawa ko bago ako tuloyang nakasagot sa tanong niya. Oo San na ang tawag ko sa kanya. Bakit ba eh sa FC ako eh hehe ^_^)v

" Oo naman! Bakit..may mali ba sa sinabi ko?" Kunot noung tanong niya.

" Oo...SUBRA hahahaha. Paanong masasali si queen sa basketball team eh napakatamad niyan, himala nalang siguro pagnangyari yan." Nakatawang sabi ko. Aminado akong magaling si queen sa ibat-ibang sports pero kahit kailan ay hindi siya nagkainterist na sumali ni isa man sa mga yon. Sa anong rason?

' No thanks, it's just a waste of time tss.' =__=)

Yan ang palaging sinasabi ni queen sa tuwing iimbitahan siyang sumali sa isang Club sa school. Ayaw niya daw kasing aksayahin ang oras niya sa walang kakwenta- kwentang mga bagay. Mas gugustohin pa daw niyang matulog nalang buong araw kaysa mapagod dahil lang sa ganyang mga laro.

Oh diba ang tamad talaga? Tss

" Kung ganon bakit ganyan siya ka galing?" Tanong ulit niya. Nagkibit balikat nalang ako, dahil kung sasabihin ko pa ang rason kung bakit siya ganyan kagaling ay magiging wala na ko sa lugar non.

Muli ay itinuon namin ang attensyon sa laro. Wala pa rin talagang kupas ang abilidad ni queen dahil walang segundo na hindi niya kami pinahanga.

2 minuto na lang bago matapos ang laro, ititira na sana ni Queen ang bola ng bigla nalang tumakbo papunta sa deriksyon niya ang isang babae na kabilang sa kabilang grupo. Nagstepback si queen upang iwasan yong babae pero subrang mali ang ginawa niya. May lalaki kasi na bigla nalang sumulpot sa likod ni queen dahil doon ay nabanga nila ang isat-isa. Ang buong akala ko ay doon na matatapos ang lahat pero mali pala ako, dahil may sumulpot ulit na dalawang babae sa harap ni queen. Tapos non ay itinulak ng subrang lakas ng dalawang babaing yon si queen at yong lalaking nasa gilid niya. Sa subrang lakas ng pagkakatulak nila ay tumilapon sila queen papunta sa bleachers. Pero ang sumunod na nangyari ang mas nagpagulat sa akin.

----> (O___O)

Ako yan, gulat na gulat at hindi makapaniwala sa nangyari.

'B-bakit niya...ginawa yon...? Totoo ba talaga yong nakita ko?' Naguguluhan at takang tanong ko. Hindi ako makapaniwala na ang isang MAI ZANZENIN na walang pakialam sa iba...

ay magagawang iligtas ang isang taong hindi naman niya kilala.

Nagulat man at hindi makapaniwala sa nangyari ay nagawa ko pa rin na tumakbo ng mabilis upang tingnan ang lagay ni queen. Sa subrang pagaalala ko ay ako ang naunang nakarating kung nasan sila.

" Queen...!! Okay ka lang?!" Puno ng pagaalalang sabi ko. Sinuri ko ang kabuohan ni queen upang tingnan kung okay lang ba talaga siya. Alam ko kasi na hindi biro ang nangyari sa kanya.

" Hmm..I'm fine." Walang kabuhay-buhay na sabi niya. Napansin kong nakapasok ang isang kamay niya sa bulsa niya. Pupunahin ko sana ito kung hindi lang sana biglang dumating si Sir.

" Ms. Lee....Mr.Kim are you two alright?!" Nagaalalang tanong nito. Nagsilapitan na rin ang iba pa naming mga kaklase kaya naman napilitan akong manahimik nalang.

" We're fine Sir no need to worry." Kasual na sagot ni queen sa kanya.

" Are you sure?!" Muling tanong nito.

" I'm VERY sure Sir." Sagot naman ni queen kay Sir upang kumbinsihin ito. Habang nagsasalita si queen ay napansin kong kanina pa nakatingin sa kanya yong lalaking tinulongan niya kanina.

' Ano kaya ang iniisip ng gagong to?' I said in mind habang nakatingin sa kanya. Biglang nagtama ang paningin naming dalawa, dahil nalaman ko ang ginawa niyang pagtitig kay queen ay bigla siyang napayuko. Nahiya siguro

Tss

=__=)

" Ikaw Mr.Kim okay ka lang ba?" Biglang tanong ni Sir sa kanya.

" I'm also fine Sir." Tipid na sagot nito.

" Mabuti....pero ano ba kasi ang nangyari sa inyo?! Tumalikod lang naman ako saglit pagbalik ko nasa ganitong sitwasyon na kayo!!" Nakataas ang bosis na sabi ni Sir sa dalawa. Hindi ko alam kung bakit pero kagaya ni queen at noong lalaki, ay wala rin ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Kaya naman narinig ko nalang ang malalim na buntong hininga ni Sir dala ng matinding frustration." Okay.... hindi ko kayo pipilitin kung ayaw niyong magsalita, pero uulit ko ang tanong ko...Hindi ba talaga kayo nasaktan?" Naninigurong tanong nito.

" We're really FINE Sir, no need to worry." Naniniguro ring sagot ni queen sa kanya. Dahil sa siniguro ni queen na ayos lang sila ay pinagpatuloy ni Sir ang laro, ngunit hindi tulad kanina ay pinapasa nalang ni queen kina Dennis ang bola. Nagsho-shoot parin naman siya pero madalang lang. Kaya naman nagkaroon ako ng kutob na hindi siya okay. Alam kong may mali sa kanya ngayon, hindi ko lang talaga matukoy kung ano. Hindi kasi si queen yong tipo ng tao na madaling basahin. Kung gaano siya kahirap pakisamahan ganon din siya kahirap na basahin.

Mabilis na lumipas ang 2 minuto. Kahit naging parang mabagal ang takbo ng laro ay nagawa parin na palakihin nila queen ang lamang nila. 40-9 ang score, at ang grupong nanalo ay sila queen.

Pagkatapos ng laro ay agad na nagtungo sila queen sa bleachers kung nasaan kami upang magpahinga. Pagkaupo niya ay agad niyang pinikit ang mga mata niya kaya naman walang sino man sa amin ang nagtangkang kausapin siya. Ni ako na walang prino sa pagsasalita ang bibig at kating-kati ng tanongin siya sa nangyari kanina ay walang nagawa kundi ang manahimik, alam ko kasi kung kailan ako pweding magingay at kung kailan hindi. Tahimik naming pinanood ang laban nila Sandy at Nicole sa kabilang grupo. Habang si queen naman ay nasa isang tabi at tahimik parin.

Mai / Mika POV

Dahil kanina pa paulit-ulit kakatanong si Sir sa amin kung okay lang ba kami ay paulit-ulit rin ang sagot ko sa kanya. "We're really FINE Sir, no need to worry." Pagsisinungaling ko.

" Ok sige. Kung ganon ay pwede pa rin pala nating ituloy ang laro? Gustohin ko man na itigil ito dahil sa nangyari ay hindi pwede. Malapit na ang festival ng school kaya kung titigil tayo ngayon ay mas magagahol tayo sa oras. Ayaw niyo naman sigurong mapahiya hindi ba?" Tanong niya na sinangayonan ng lahat. Pinagpatuloy nga namin ang laro, upang hindi nila mahalata na nabali ang right hand ko ay hindi ko nalang ito ginamit. Kahit nahihirapan ay tiniis ko ang sakit. Mabuti nalang talaga at nakisama kahit papaano ang panahon sa akin dahil nakaraos ako hanggang sa matapos ang game. Ang resulta?

40-9, our group win.

Noong tapos na kami ay sinimulan agad ang susunod na laro. Ang grupo nila Sandy at Nicole laban sa kabilang grupo. Tahimik akong nakaupo sa bleachers habang nanunuod. Tahimik ko ring iniinda ang sakit ng katawan ko maging ng kamay ko, pero lamang parin ang sakit ko sa kamay.

'Tsk kung bakit naman kasi bigla nalang sumulpot sa likoran ko itong wallet thief nato. Edi sana hindi nangyari ang ganito sa akin.' Asar na sabi ko gamit ang isip habang matalim na nakatingin kay thief guy na nagre-referee ngayon. Upang makalimotan ang mga katangahang nangyari kanina ay inaliw ko nalang ang sarili ko sa panunuod, at hindi ko nalang inisip na ang taong naging dahilan ng sakit ko sa katawan ay nasa court lang. AYOS lang siya at WALANG iniindang sakit habang ako ay NAMIMILIPIT dito.

(=___=)

'Tsk kapag ninamalas ka nga naman...bakit ko ba kasi ginawa yon' (>__<) Inis na sabi ko sa sarili ko.

Kasalukoyang deni-dribble ni Sandy ang bola habang binabantayan siya ng kalaban. Dahil sa mga lampa yata ang kalaban nila ay mabilis nilang naipanalo ang laro, kaya naman sinimulan agad ang laro para sa mga lalaki.

" Guys panuurin niyo ko ha." Narinig kong sabi ni Three kina Dennis. Agad namang nagbigay ng supporta ang mga ito sa kanya.

" Oo naman papanuorin ka namin. Magche-cheer rin kami para sayo." Dennis.

" Tama yon, kaya dapat galingan mo. Dapat ang grupo niyo ang manalo Okay?" Naka thumbs up na sabi ni Sandy.

" Good luck sayo Ken." Nakangiting sabi ni Kayee.

" Kuya Ken...FIGHTING!!" Cheer naman ni Nicole kay Three na ikinangiti nito.

" Salamat sa inyo!" Nakangiting sabi nito sa kanila bago ako binalingan. "Ikaw rin queen panuorin mo rin ako ha? Gagalingan ko para sayo." Nakangiting sabi nito saka ako kinindatan.

(=__=)

' Hay naku,

Napakahangin talaga niya

tss' Nasabi ko nalang sa isip ko. Kahit walang kakwenta-kwenta ang sinabi ni three ay isang tango nalang ang isinagot ko sa kanya, tapos non ay bumaba na siya papunta sa court upang magwarm up.

No One's POV

Dahil tapos na ang laro para sa mga babae ay agad na inumpisahan ang laro para sa mga lalaki.Tulad ng inaasahan, mahusay ang pinapakitang galing ng magkabilang grupo. Parihong nagpapayabangan at nagpapagalingan sa pagdribble at pagshoot ang bawat isa para lang makapagpasikat sa mga nanunuod, habang ang mga babae naman ay hindi magkamayaw sa pagtili at pagcheer sa gusto nilang player.

" GOooooo PRINCE TREY...!! GO PRINCE LAY.....!!! WE LOVE YOU...!!!"

" KAYA MO YAN PRINCE JHIN!! HUMABOL KAYO...!!!"

"KYAAAH....!! PRINCE ZANDER ANG GALING MONG MAGREFEREE...!!"

" GO KENNETH...!! GO JHIN....!! HUMABOL KAYO AT ILAMPASO NIYO ANG MGA YAN..!!" Sigaw naman nila Sandy, Dennis, Nicole at Kayee. Well maliban na nga

lang sa isa na parang walang pakialam sa mundo. Eh sino pa ba?

Walang iba kundi si Mika. Walang reaction ang mukha niya habang nanunuod ng laro, kahit pa ang karamihan sa mga players ay sa kanya nagpapacute sa tuwing nakakashoot ang mga ito.

39-49 yan ang puntos na nagawa ng grupo nila Trey at Kenneth sa 17 na minutong paglalaro, leading ang grupo nila Trey. Dahil sa malaki ang lamang nila Trey sa kabilang grupo ay ipagyayabang niya sana ito kay Mika na nakaupo hindi kalayoan sa kinatatayoan niya, pero ni isang sulyap ay hindi man lang siya binigyan ng pansin nito, nakatingin kasi ito sa ibang deriksyon. Dahil don ay mas tumindi ang pagkainis niya dito. Pakiramdam niya kasi ay tinapakan ang ego niya sa subrang pagkapahiya, kaya naman naglaro nalang ulit siya habang nakakunot ang noo.

(Last minute before the game ends)

Dahil sa magandang kumbinasyon nila Kenneth at Jhin sa last minute ng laro, at sa sunod-sunod na three points ng isang kasama nila ay nagawang humabol ng grupo ni Three. Ang score?

60-54, at sa huli ang grupo nila three ang nanalo.

Nang matapos ang laro ay agad na binati ng proffesor ang mga nanalong team. Pagkatapos noon ay tinapos na niya ang kanyang klase. Kaya naman may isang oras at kalahating minuto silang break.

(CAFETERIA)

Zander POV

Tahimik akong kumakain dito habang sila Jhin, Lay at Trey ay pinaguusapan pa rin ang nangyari kanina.

" Buti nalang talaga okay lang si Amazona noh? Akala ko talaga napano na siya." Hindi makapaniwalang sabi ni Lay.

" Paano yon hindi magiging okay eh amazona nga?! Tss napakayabang pa kanina akala mo kung sino! Pati rin yong Kenneth na kasama niya ang yabang rin, akala mo kung sinong magaling." Nakabusangot na sabi ni Trey. Halatang-halata sa tinig niya ang matinding pagkaasar.

" Ano ka ba naman Trey, magpakatotoo ka nga jan!! Nasasabi mo lang naman yan dahil galit ka sa kanila at saka masama ang loob mo dahil NATALO namin KAYO." Mapangasar na sabi ni Jhin sa kanya.

" Ano?! Wag ka ngang nagiimbinto jan Jhin!! Nakachamba lang ang mga yon, lalong-lalo na ang GRUPO NIYO." Giit parin nito.

" Ay ganon?" Jhin

" Oo ganon!!" Trey

" Tsk wag ka na ngang makipagtalo dude, kaya tayo natalo eh. Aminin mo nalang kasi, magaling naman talaga sila ah? Hindi ko nga akalain na ganon pala sila ka galing." Sabat naman ni Lay sa usapan kaya sinamaan siya ng tingin ni Trey. Isang cute na ngiti at isang peace sign lang ang isinagot ng huli sa kanya kaya mas lalo siyang nainis.

Trey Lay

(_==)++++ v(^^_)

TABLE

(^0^) (=__=)

Jhin Ako

" Kita mo na, pati si Lay sangayon sa akin!! Alam ko naman na naiingit ka Trey, pero wag mo namang masyadong ipahalata. Diba Zan?" Dagdag na sabi ni Jhin habang nakatingin sa akin.

At dinamay niya patalaga ko ha?

=__=) tss

Habang nakatingin sa akin si Jhin ay napansin kong may kakaiba sa paraan ng pagtitig niya, pero hindi ko nalang yon pinansin. Hindi kasi mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. Marami akong mga tanong na gusto kong masagot, kagaya nalang ng anong nangyari bakit hindi man lang ako nasaktan? Bakit parang hindi rin nasaktan si Ms.Lee? Hindi naman sa gusto ko siyang masaktan pero nakakapagtaka lang kasi. Nang makarecover ako kanina sa gulat ay saka ko lang napansin na ako na ang nasa ibabaw niya, kaya ibig sabihin pagbagsak namin ay mapupunta sa kanya ang lahat ng bigat ko. At isa pa subrang lakas ng pagkakatulak noong dalawang babae sa amin kanina kaya possibling double rin ang magiging impakt pagtumama kami sa sahig o sa upoan. Hindi man lang ba siya nasaktan doon?

At paano rin na ako na ang nasa ibabaw niya?

Ilan lang yan sa mga tanong na gusto kong masagot pero hindi ko alam kung paano.

" Ano ba ang nangyari kanina dude?"

'Ano nga kaya ang nangyari?'

" Hoy Zander?!! Nakikinig ka ba ha?" Sigaw ni Lay na nagpabalik sa akin sa realidad.

" H-ha..? Ano ulit yon?" Tanong ko dahil hindi ko narinig ang mga sinabi niya.

" Tsk Ang sabi ko anong nangyari, bakit kayo napunta sa ganong sitwasyon? Nakatayo ka lang sa gilid kanina diba?" Tanong ni Lay sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil ang totoo...

hindi ko rin alam. <(_ _)>

Sa subrang pagkabigla ko kanina ay hindi ko na alam kong ano talaga ang totoong nangyari. Basta't ang natatandaan ko lang ay pabagsak na kami noon, niyakap ko ng kunti ang mga kamay ko kay Ms.Lee para kahit papaano ay maprotektahan ko siya.

Oo niyakap ko siya, wala naman yong malisya noh.

Dahil nga pakiramdam ko yon nalang ang magagawa ko, wala nakong ibang nagawa kundi ang pumikit nalang ng mariin. Tapos non ay naramdaman ko nalang na bumagsak na kami.

" Nasaktan ka ba kanina ha?" Biglang tanong ni Jhin sa akin.

" Yon na nga ang pinagtataka ko eh, dahil hindi man lang ako nasaktan." Confused na sabi ko.

Then suddenly....

O_____O)

' Hindi kaya.....

O_____O)

niligtas niya ko?!

Pero....

Impossible!!'