Mai POV
Maglalakad na sana ako para sundan si Three ng may bigla akong maamoy,
Isang napakapamiliar na amoy
Na naging dahilan upang matigilan ako sa paglalakad.
" B-boyfie?" Wala sa sariling usal ko. Nagpalinga linga ako upang makita siya, lumingon ako sa kaliwa, sa kanan, sa harap at sa likorang bahagi ng parking lot. Pero bigo ako, dahil ni anino niya ay hindi ko nakita.
Dala ng pagkalito sandali akong naistatwa sa kinatatayoan ko.
Ngunit agad din naman akong nataohan ng marealize ko na
Paano nga naman mapupunta dito si Kenji?
Eh hindi naman niya alam na dito ako magaaral.
Oo, amoy ni Kenji ang naamoy ko. Alam kong amoy niya yon dahil kabisado ko ang amoy niya. Alam ko yon dahil matalas ang pangamoy ko. Kaya Paano nangyari na naamoy ko siya?
Simula kasi ng bumalik kami sa Pilipinas 1 besis ko palang siyang kinuntact. Which is ang araw lang na dumating kami dito sa Pilipinas. After non hindi ko na muna siya kinuntact, mamimiss ko lang kasi siya lalo pag-ganon.
Baka dahil din doon makauwi ako sa Korea ng wala sa oras,
Yon ang ayaw na ayaw kong mangyari.
Kaya tiis- tiss muna tsk.
Mabigat man sa loob ko ay pilit kung iwinaksi ang isipin na iyon,
at nagpatuloy nalang sa naudlot kung paglalakad. Malalaking hakbang ang ginawa ko upang mahanap ko agad si three.
At sa kabutihang palad nahanap ko naman siya agad.
Nakatayo siya hindi kalayoan sa kinatatayoan ko ngayon.
May kausap siyang tatlong babae. Dahil sa atat na kong makapunta sa Deans office,
ako na ang kusang lumapit sa kanya.
Pero hindi pa man ako nakakalapit ay napansin na niya ko agad.
" Queen." Sabi niya nong tuloyan siyang makalapit sa akin
" Ano na?" Seryusong tanong ko.
" Nakapagtanong na ko, doon daw banda ang office ng Dean." Sabi niya sabay turo sa isang building na nasa right side nitong school.
" Kaya lang....hindi muna tayo makakapunta doon." Dugtong na sabi niya
Automatico namang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Na parang nagsasabing..
" Why not?"
" K-kasi queen may mga istudyanting nakaharang sa dadaanan natin k-kaya...hindi muna tayo pweding dumaan." Alanganing sabi niya.
Napatingin ako bigla sa mga istudyanting sinasabi ni Three.
Mga istudyanting...
Hindi ko man lang napansin kanina nong nakita ko siya.
Oo hindi ko talaga sila napansin.
Sorry naman noh,
Wala naman kasi akong pakialam sa mga nangyayari sa paligid ko. Kung hindi naman kasi yon makakaapikto sa akin
At hindi rin naman yon kapaki-pakinabang,
Why should I bother right?
Its just a waste of time
Tss
Wala sa sariling napakunot ang nou ko.
Three is right,
Marami ngang mga istudyanti ang nakaharang sa pathway.
At kahit na siguro makipagsiksikan kami para lang makadaan, ay hindi rin uubra
Siksikan na kasi sila doon,
Ang rami kasi nila.
" What the fuck are they doing?" Sabi ko habang nakatingin pa rin sa mga abnormal na istudyante.
Hindi ko alam kung ano ang pinag-gagawa nila pero sa tingin ko ay may pinagkakagulohan sila.
Hindi ko nga lang alam kung ano
At Oo,
Abnormal ang tingin ko sa kanila.
Kung makatili naman kasi parang nasapalingke lang.
Haharang harang pa sa daan,
Akala mo kung sino.
Tss
Mga sira ulo
+___+)
" Wala na bang ibang daan Three?" Tanong ko sa kanya.
"Miron, pero iikot pa tayo. Doon tayo dadaan sa kabilang gate." Sabi niya. Napahawak ako sa tuktok ng nou ko dahil sa frustration.
" Tsk sino ba kasi yang pinagkakagulohan nila?!" Asar na tanong ko.
Isa pa tong mga to Eh, mga pahirap rin sa buhay .
Tsk>__<)
" Fabulous 4." Biglang sabi ni three.
" Fab...WHAT?!" Kunot noung tanong ko.
Anong ka ek-ikan ang pinagsasabi nito?
" Fabulous 4, sila ang pinagkakagulohan jan ngayon. Sikat sila dito sa L.U, pinagkakagulohan rin sila lalo na ng mga babae." Seryusong sagot niya habang nakatingin doon sa mga babaing nagkukumpulan.
"Nakikita ko nga three, kailangan talagang sabihin ang obvious? Tss" I said in a sarcastic way. Naningkit rin ang mata ko sa subrang pagkairita. So what kung sikat sila?
Hindi ibig sabihin noon ay may karapatan na silang harangan yang daanan.Hindi ba nila alam na nakakaabala na sila?
tsk.
FABULOUS 4 eh?
Huh!!
FUCK THEM!!
Anong akala nila sa sarili nila, sila ang bida ng Boys Over Flowers?
HUH,
MGA ABNORMAL!!
I will make sure na magbabayad sila sa pangaabala nilang ito sa akin.
MAGBABAYAD SILA !!
MWAHAHAHAHAHA....
HAHAHA.....HAHAHAHA
\(+O+)++++
(A: Ay demunyo lang?)
=__=)
Tss
" Hoy queen, ano yang iniisip mo?" Tarantang tanong ni three ng makita niya ang malademunyong expression sa mukha ko. Tiningnan ko lang siya gamit ang walang kaemo-emotion kong mga mata.
" Wag naman ngayon queen,
Kakatransfer lang natin gagawa ka agad ng gulo?" nagaalalang sabi niya
" Tsk bakit anong gusto mong gawin ko?! Ang hintayin na matapos ang mga abnormal na yan sa kadramahan nila?" Pikon na sabi ko.
Ang ayaw ko pa naman ay ang inaabala ako tsk.>__<)
" Ngayon lang naman queen eh, hindi tayo pweding gumawa ng gulo ngayon." Three
" At bakit hindi?" Taas kilay na tanong ko.
" Dalawa kasi sa myembro niyan ay related sa mayari nitong skwelahan. Yong isa anak niya at yong isa naman pamangkin niya na may share din dito sa school. Kaya wag mo na munang patulan ang mga yan. Nakakapagod pa naman magpa-enroll dito tapos mapupurnada lang." mahabang paliwanag niya habang naka...
POUT
=___=)
Tss
Nagpaawa na naman po siya =_=)
Kahit kailan talaga tong si three napakapabida.
Hindi na nagbago
Psh
Marahan kong ipinikit ang mga mata ko at huminga ng subrang lalim upang pigilan ang pagkainis ko. This is my way of cooling down .
Haay....sige,
pagbibigyan ko ang mga yan dahil sa pakiusap ni three.
Pero sa susunod na maabala uli ako dahil sa kanila.
HINDI ko na pagbibigyan ang mga
SIRA ULONG yan
(+___+)
Three/Ken POV
Mariing pumikit si queen at huminga ng subrang lalim upang pigilan ang pagkaasar niya.
Alam kung nauubusan na siya ng pasinsya,
Si queen kasi yong tipo ng tao na may maikling pasinsya pagdating sa iba. Lalo na sa ganyang klase ng tao,
Kaya hindi ko rin siya masisisi.
Pero kahit naman matigas ang ulo niyan nakikinig parin naman yan minsan sa akin.
Kaya alam ko na pagbibigyan niya ang pakiusap ko.
^__^)
" Kapag siniswerti ka nga naman oh." Sabi ng isang tinig dahilan para mapalingon ako dito
Tatlong lalaki ang nakita kung nakatayo sa harapan namin ngayon
Yong isa kulay pula ang buhok
Yong isa naman kulay brown at yong isa kulay itim
At kung hindi ako nagkakamali sila yong tatlong lalaki na pinagkakagulohan ng mga babae kanina
Walang iba kundi ang.. ..
Fabulous 4
No wonder Kung bakit sikat sila dito
May ibubuga naman kasi talaga ang mga itsura nila
Hindi ako bakla readers ha
Sa GWAPO kung to?
Huh..
I'm just saying the fact you know
Saka ganyan talaga ang mga GWAPO
Sinusuportahan ang isat-isa
Diba?
Haha
(^_-)v
" So its really you....we finally meet....AGAIN." Dagdag na sabi nong lalaking pula ang buhok na nasa gitna
Leader siguro nila
Bigla akong napatingin kay queen,
Unti-unti niyang dinilat ang mata niya
At inangat ang ulo niya upang tingnan ang nagsalitang yon.
Bigla akong kinilabotan at napalunok dahil sa nakita kung expression sa mukha niya.
Walang ka emo-emotion niyang tiningnan ang mga lalaking nasa harapan namin,
Na para bang mga basura ito
At walang halaga para sa kanya
Well, that's our queen...
" Oh bakit hindi ka makapagsalita? Nagulat ka ba? O sadyang natakot ka lang ng makita mo ko?" Mayabang na sabi noong lalaking pula ang buhok.
Habang ang 2 kasama niya ay tahimik lang na nakikinig.
Napakunot nou ako sa mga pinagsasabi niya
'Sira ba ang ulo ng taong to?
Ano ba yang pinagsasabi niya?' Tanong ko sa sarili ko
Sa pagkakatanda ko kasi
Ngayon pa lang namin siya nakita...
Or maybe not?
" Are you talking to me?" Cold na sabi ni queen dahilan para manlaki ang mata sa gulat nong 3
Parang ganito...
Ako
(_^^)
Queen Sila
(_==) ===> (OO_) (OO_)
(OO_)
Pfft.
Oh diba,
Ang Epic lang ng mukha nila?
Hahahaha
" Pfft. Bro tinatanong ka kung siya ba daw ang kausap mo oh hahahaha nice." Panunuksong sabi nong may itim na buhok doon sa pula ang buhok habang tumatawa.
" Manahimik ka nga Lay." saway nong pula ang buhok doon sa kasama niya. Tapos non ay binaling niya ulit ang attention niya kay queen. "Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
" Do I looked like I'm joking here?" Cold na sabi ni queen habang naka....
Ganito ----------> (=___=)
Ang hilig ngumiti ni queen diba?
Haha
Masanay na kayo
Dahil natural na yan sa kanya
(^_^)v
" Huh ibang klase...!" Amused na sabi ni red hair
"Syempre naman ikaw ang kinakausap ko, sayo lang naman ako nakatingin eh." may pagkairitang sabi niya dahilan para mapangiti ako.
Pikon naman pala to eh
Haha
" Ah talaga? Akala ko kasi DULING ka lang kaya ka sakin nakatingin." Bored na sagot ni queen
Muntik nakong humagalpak
Sa tawa dahil doon.
Pero pinigilan ko ang sarili ko
At
Umastang hindi ako naapiktohan. Kahit na ang tutoo,
Parang mamamatay nako kakatawa
Haha
" A-anong sabi mo?! AKO....? DULING?! Alam mo ba yang pinagsasabi mo ha?" Pikon na sabi ni red hair habang yong dalawang kasama niya ay nagpipigil parin ng tawa.
LOL
(^O^)
Hindi niya siguro inasahan ang sinabi ni queen
Kaya siya ganyan
Pfft.
Ikaw ba naman ang sabihan ng DULING hindi ka rin magagalit?!
Hahaha
ewan ko nalang....
Ai tika,
Nasabi ko ba sa inyo na nakikinig din ang mga taga hanga ng Fabulous 4?
Kung hindi
Ngayon alam niyo na.
At alam niyo ba kung anong reaction nila?
Ganito...
" OMG Baliw ba yang babaing yan? Why is she saying that our prince is DULING?! HOW DARE HER." G1
" OO nga ang lakas ng loob niya akala mo kung sino!!" G2
" Pigilan niyo ko..pigilan niyo ko...Masasabunotan ko yang babaing yan eh." G3
Ilan lang po yan sa mga reaction nila.
Oh diba ang ganda ng comment nila?
Haha
Oh well,
Wala lang naman yan kay queen eh
" Malamang alam ko." tinatamad na sabi ni Queen doon sa sinabi ni red hair.
" Ikaw....Sumusobra ka na ha!!" Nanggagalaiting sigaw ni red hair saka susugurin sana si queen.
Pero agad siyang pinigilan nong 2 kasama niya.
Buti naman at inawat nila.Dahil kung hindi nila inawat ang may pulang buhok na yan, ako ang aawat jan. At pagnapikon ako baka masuntok ko pa yan.
tsk
I will never let them hurt our queen. Dadaan muna sila sa akin.
" Ano bah!! Bitawan niyo nga ako!!" Sabi nong pula ang buhok habang nagpupumiglas sa hawak noong dalawa.
" Pfft..Tika trey, chill ka nga lang...ang high mo naman eh." Sabi naman noong brown ang kulay ang buhok habang nagpipigil ng tawa.
" Manahimik ka nga jan Jhin...batukan kita jan eh." inis na sabi nong trey doon sa Jhin.
" Hahaha Oo na. Chill ka lang kasi Trey, masyado kang hot eh." nakangising sabi noong itim ang buhok. Lay yata ang pangalan noon eh. Sinasabi niya yan habang nakataas yong magkabilang kamay niya na parang sumusuko.
"Tsk..." sabi uli noong trey.
Pero isang ngiti lang ang iginanti noong 2 sa kanya.
"Hoy ikaw!!" Baling na sabi nong trey habang nakatingin ng matalim kay queen.
"Ang lakas rin naman ng loob mong ganyanin ako!! Hindi mo ba alam kung sino ako ha?" Gigil na tanong nito.
" Hindi....At wala rin akong ORAS at PANAHON para kilalanin ka dahil HINDI.AKO.INTERISADONG.
MAKILALA.KA naiintindihan mo? Kaya kung wala ka namang sasabihin na maganda ITIKOM mo nalang yang bibig mo, dahil paghindi ako nakapagpigil baka basagin ko yan." Nagbabantang sabi ni queen using her Cold voice. " Tsk aksaya lang sa oras." Pahabol na sabi niya saka nilagpasan yong 3
" Hoy..!! Saan ka pupunta hindi pa tayo tapos?!!" Sigaw ni Trey kay queen noong papalayo na ito sa amin.
" Tama na Trey....Talo ka na eh." Pigil nong Jhin
Buti naman at alam nila kung kailan sila dapat tumigil.
Naglakad ako papalapit sa kanilang tatlo ...
" Better luck next time dude." Mapangasar na sabi ko kay Trey saka ko siya tinapik sa balikat.
Isang masamang tingin ang iginanti niya sa sinabi ko, saka niya iwinaksi ang kamay ko na nasa balikat niya.
Pero imbis na mainis, isang mapangasar na ngiti ang muli kong iginanti sa kanya saka ko tuloyang sinundan si queen.
" Tumabi kayo kung ayaw niyong mabalian!!" Malamig ngunit may autoridad na sabi ni queen, na kung sino man ang makakarinig ay tiyak na mangingilabot sa takot.
Without any hesitations,
Mabilis pa sa kisapmata ang pagtabi ng mga babaing tagahanga noong tatlo.
Well hindi ko rin naman sila masisisi.
Tutoo naman talagang nakakatakot si queen
Sa bawat paghakbang ni queen.
Unti- unti namang humahawi ang mga kababaihan na nakaharang sa daan.
Kaya naman walang kahirap hirap kaming nakalagpas sa kanila
at tuloyang nakaalis sa lugar na yon.
Mai POV
Parang sasabog ang puso at utak ko sa subrang pagkaasar.
Ang lakas ng loob ng mga yon na pagtulongan akong e bully?!
Huh,
Kung hindi lang talaga dahil sa pakiusap ni three
Kanina pa nabasag ang mga mukha ng mga yon eh tsk
Nakakaasar!!
Ito naman kasing si three
Nakiusap pa!
Grrrr
>_<)
Ang sarap rin niyang sakalin grabe tsk
Hoi author si three nga muna ang gawan mo ng POV
Wala ako sa mood ngayon
(A: Pero-)
(Walkout....No sign of Mai )
(A: =___=) geh )
Three/Ken POV
Tahimik na naglalakad si queen papuntang Deans office. Habang ako naman ay nakamasid lang sa kanya.
Kung titingnana mo si queen ngayon, masasabi mo na napakahinahon niya at wala lang para sa kanya ang mga nangyari kanina.Pero ang totoo ay hindi naman talaga,
Dahil sa lagay niyang yan, UMUUSOK na siya
Sa GALIT.
>﹏<)
Kaya I'm sure
Na sa isang kalabit mo lang jan,
tuloyan na yang sasabog
You want me to try?
Naku wag na lang.
Takot ako eh huhu
>__<)
Brutal pa naman yan tsk
" Oh yon na pala ang Deans office oh." Sabi ko habang nakaturo sa pintoan na may nakalagay na
" Deans Office " sa taas
Ang reaction ni queen?
Ganito ------> (+___=)
T︿T)
HUHU
Takot ako!!
Kaya naman na una nakong maglakad sa kanya papunta doon.
Noong na sa tapat na ko ng pinto
Kumatok muna ako ng 3 besis
Bago ko ito binuksan ng malaki.
Nakahawak ako sa doorknob ng pinto, habang hinihintay na makapasok si queen.
Noong makapasok na siya sa loob, pumasok na rin ako
At sinara ang pintoan.
" Good morning po." Sabi ko doon sa babaing nasa harap ng isang may kalakihang misa.
" Good morning too. Kayo ba ang transfery students? " nakangiting tanong nito sa akin
" Ah.Opo." Magalang na sagot ko
" Please take a seat. " sabi nito sa akin na sinunod ko naman.
Oo readers
AKO LANG.
Dahil ako lang naman ang sinabihan niya na maupo na.
Bakit?
Kasi si queen,
KANINA pa nakaupo.
=___=)
Pagpasok palang namin dito sa office umupo na agad siya.
Kaya hindi na kailangan na yayain pa siyang maupo.
Oh diba
Ang GALANG- GALANG niya?
Kaya ako bilib kay queen eh
Ha-ha-ha-ha
(^__^)v
" I'm glad na nakarating kayo agad. Ako nga pala si Irene....Irene Cruz ang dean ng school na to." Nakangiting sabi ni Ms. Irene...
" Hello po ako po si Kenneth Jang." Nakangiti rin na sabi ko
Ang galang ko noh?
Hahaha
Ganyan talaga POGI ako eh
(^__^)v
Saka ang ganda kaya ni Ms. para isnabin lang
Oo readers maganda siya
At hindi lang yon dahil mukha pa siyang bata
Hindi siya katulad ng ibang dean na gurang na
Hula ko pa nga nasa 20+ pa ang edad nito eh
Single pa kaya siya?
(A: THREE?!!)
UI Author makasigaw ka naman
Tinatanong ko lang wag kang Green jan
tss
" And you are?" Biglang tanong ni Ms. kay queen pero hindi ito sumagot
" A-ah..siya po si Ma-Mika ma'am...Mika Lee." Tarantang sabi ko
Tsk muntik pa kong madulas doon ah
Wew
Nagtataka ba kayo bakit Mika Lee ang sinabi kung pangalan ni queen at hindi Mai Zanzenin?
Ganito kasi yon...
Gusto kasi ni queen na itago ang identity niya sa school na to,
Kaya ganon.
" Oh..So you know each other?" Medyo na suprisa na tanong ni Ms. Irene
" Ah Yes ma'am. Hindi lang po kami basta magkakilala, dahil magkababata rin po kami. Hindi ba Mika?" Nakangiting tanong ko.
" Wag mo kong kausapin...Hindi kita kilala." Malamyang sabi ni queen.
" A-Ano?!" Gulat na tanong ko
" Hindi naman daw kayo magkakilala eh." Medyo natatawang sabi ni Ms. Irene
" Naku magkakilala po talaga kami Ms.!! Promise po!! Wag mo nga akong e deny queen! " nakabusangot na sabi ko.
Ngunit tinaasan lang ako ng kilay ni queen saka inismeran,
Dahilan para mapasimangot ako lalo.
Huhu
Ang sama talaga ng ugali niya
(T3T)
" Wag po kayong maniwala jan ma'am nagbibiro lang po siya." Naiilang na sabi ko kay Ms.
Si queen naman kasi
Ang lakas mangdeny tsk
Isang matamis na ngiti lamang ang isinukli ni Ms. sa sinabi ko, saka siya muling nagsalita.
" Galing pala kayo sa isang tanyag na University?" Pagiiba ni Ms.Irene sa usapan. Habang nagsasalita ay nakatingin siya sa isang papel.
" Opo Ms., galing po kami sa HG University. " I plainly said.
Kilala ang HG University sa buong Korea dahil sa mga magaaral nito.
Ang karaniwan kasing nagaaral doon ay mga anak ng mga bigating tao at kilala sa lipunan.
Maging ang mga kabataan na sakit lang sa ulo ang binibigay sa kanilang mga magulang ay karaniwang pinagaaral sa HG.
Hindi lang sikat ang HG dahil sa mga tanyag na nagaaral doon, kilala rin ito dahil sa kalidad ng Education at mga paraan ng HG sa pagde-desiplina ng kanilang mga magaaral, upang maging matino at responsable ang mga ito.
Ang HG University o mas kilala bilang Heaven's Gate ay pagaari ng 16 na nag-GWAGWAPOHANG kalalakihan na pinamumunoan ng isang MALAKAS at KAAKIT-AKIT na babae.
Sila ang namamahala at nagpapanatili ng katahimikan sa boung HG. At kung kinakailangan, sila rin ang nagproprotecta at nagtatangol sa mga istudyanting nabibilang sa kanilang nasasakopan.
Thats why they are famously called by the students of HG as...
KNIGHTS...
Ang babaing tinutukoy ko ay,
Walang iba kundi Si...
Mai Zanzenin.
Ang nagiisang queen namin.
\(^___^)/
Ang 16 na GWAPONG kalalakihan naman na tinutukoy ko ay walang iba kundi kaming mga tagasunod niya.
Syempre isa na ko doon,
GWAPO ako eh.
Hahahaha
(A:=___= Shabu pa more)
=___=
Psh
Kinatatakotan at pinangingilagan kami ng karamihan. Maraming ayaw bumanga sa amin dahil sa aming kakayahan at kapasidad sa pakikipaglaban. Isa na rin siguro sa dahilan nila ay ang pagiging GANGSTER'S daw namin. Pero lingid sa kanilang kaalaman hindi lang kami mga gangsters lang, dahil pinuno kami ng isang kilalang organisasyon na pinangungunahan ni Queen.
Ang tanging alam ng mga humahanga at kalaban namin ay kami ang mga
KNIGHTS...
Ang hindi nila alam....
HIGIT pa kami sa isang KNIGHT
" Kung ganon ay isa palang karangalan na ang paaralan namin ang napili ninyong pasukan. Maraming salamat." Sabi ni Ms.Irene
" He-he wala po yon." Medyo na-iilang na sabi ko.
^_^¦¦¦
Ang purmal naman niya nakakailang tuloy
Tsk
>_<
" Can we go now?" Bored na sabi ni queen.
"Yes Ms....Lee PERO bago yon I would like to inform both of you na pwede kayong magikot-ikot sa L.U ngayong araw. Hindi pa naman kasi kayo required na pumasok sa klase ngayon, pero nasainyo na rin naman yon. Once again welcome to our school. " nakangiting sabi nito saka nagbow ng kunti.
" Tss." sabi ni queen saka na una ng lumabas.
" Sige po." sabi ko saka nagbow rin.
Pagkatapos noon ay lumabas na rin ako at sinundan si queen.