webnovel

That Badass Girl (Filipino Version)

Mai Zanzenin : A sweet girl that turns into a cold hearted DEMON Gugustohin mo ba na mapalapit sa kanya? Kahit na ang kapalit nito ay...... KAMATAYAN?

JcCuabo · Adolescente
Classificações insuficientes
20 Chs

Chapter 11: Bonding

Mai POV

Dalawang araw na ang lumipas simula ng umuwi ako dito sa Korea.

Dalawang araw na...

At sa bawat araw na yon, ginugol ko ang oras at attention ko kay Kenji. Kasama ko siya palagi saan man ako magpunta. Ano man ang gawin ko kasama ko rin siya.

Maliban na nga lang sa pagligo.

Alangan namang isama ko pa siya diba?

Nakakaluko naman na yata yon tss

Yon nga kasama ko siya palagi, lalo na sa pagluluto.

Kumbaga siya ang assistant cook ko

Oo marunong akong magluto readers

wag kayong ano jan.

Marunong nga akong magbake eh magluto pa kaya?

Psh

Cooking is just a piece of cake for me.

Sa dalawang araw na pamamalagi ko dito, napuno uli ang mansion ng tawanan, kwentohan at asaran naming lahat. Bawat oras hindi kami nauubosan ng gagawin. Kung hindi kami pupunta sa mall para mamasyal, nagkwe-kwentohan kami ng kung ano- ano.

Katunayan nga niyan kahapon nagpicnic kami sa park.Syempre hindi mawawala sa eksina ang mga asungot.

Sino sila?

Sino pa ba?

Edi sila Three

=__=)

tss

Muntik ko pa ngang pauwiin yon kahapon eh

Bakit?

Dahil dito...

FLASHBACK...

Nandito kami ngayon sa park.

Nagyaya kasi si Kenji na magpicnic, dahil gusto ko rin naman siyang makasama pumayag na ko.

Nandito kami malapit sa lake ng park. Nakasilong sa ilalim ng isang malaking puno.

Kasama ko sina Kenji, Cynthia, eight at sixteen.

Habang sila Three, Six, Eleven, Fifteen at Twelve nandoon sa may filed malapit lang rin dito. Naglalaro sila ng Soccer, habang nagpapasikat sa mga babae.

Tss

Mga KSP kasi

=__=)

Tahimik kaming nakaupo dito habang naguusap at kumakain,

Nang bigla nalang may bumato sa amin ng bola at muntik ng matamaan si Kenji.

Automatikong napatayo ako at nilapitan siya.

" Natamaan ka ba ha Boyfie?" Nagaalalang tanong ko habang sinusuri siya.

Malay ko ba!!

Baka nahagip to ng letching bolang yon

Tsk

" No noona. I'm fine I'm not hurt." Sabi nito.

Napatingin ako sa bolang muntik ng tumama kay Kenji.Naningkit ang mata ko sa subrang pagkainis ng makita ko kung kanino yon.

Tumayo uli ako sa pagkakaupo.

Kinuha ko ang bola saka binaling ang tingin ko sa kinaruruonan nila Three.

" Who the F-....Who did that?!" nagpipigil ng galit na sabi ko.

Ayaw kong sumabog ang galit ko lalo na't nandito si Kenji. Pagnagalit kasi ako lahat ng mura na alam niyo nasasabi ko.

Ang malala pa noon ay nananakit ako.

At yon ang ayaw kong

makita at marinig sa akin ni Kenji, dahil ayaw kung tularan niya ko.

Sinamaan ko sila ng tingin

isa-isa, dahil doon mabilis pa sa kisap mata ang pagturo nila Six, Eleven, Fifteen at Twelve kay Three.

Ang mukha ni Three?

Ganito...

From this -------> (⊙﹏⊙)

To this --------> (T﹏T)

Dapat lang na magkaganyan siya dahil lagot siya sa akin.

(+___+)

tsk

" Diba sinabi ko na sa inyo na sa malayo kayo maglaro dahil baka may matamaan kayo dito?!" nagpipigil ng galit na sabi ko. Sa subrang pagka- asar ko mariin kong hinawakan ang bola. At sa subrang diin ng pagkakahawak ko, unti-unting nawala ang hangin sa loob nito.

Dahil doon nabawasan ng kunti ang pagka-asar ko.

At least man lang nailabas ko ang pagkainis ko diba?

Kahit sa bola man lang

'Tiis-tiis muna Mai.

Nandyan si Kenji so BEHAVE' sabi ko sa sarili ko

" Hi-hindi ko naman s-sinasadya queen eh....s-saka hindi naman siya natamaan." takot at mangiyak-ngiyak na sabi ni Kenji sa akin.

(T﹏T)

" Gusto mo pa pala siyang matamaan ganon?! KUNG IKAW KAYA ANG TAMAAN KO NITONG BOLA?!" Sigaw na sabi ko saka iniambang ibato sa kanya ang bolang hawak ko.

^_^)v

Sensya naman hindi ko napigil ang inis ko eh

tsk

Dahil sa takot, parang baklang nagtatakbo si three palayo sa akin.

'Aba ang gagong to may balak pa yatang tumakas

tsk '

" Hoy three!! Saan ka pupunta?! Bumalik ka nga ditong ABNORMAL ka!!" Sigaw ko sa kanya.

" AYAW!" Pabalik na sigaw niya habang tumatakbo palayo .

Ang bilis pangtumakbo ng gago

=___=)

Pwede ng runner to eh tss

" WAG KA NG BUMALIK DITO THREE!! BUMALIK KA NA LANG NG PILIPINAS DAHIL PAG NAKITA PA KITA DITO MATA MO LANG ANG WALANG LATAY!" Galit na galit na sigaw ko.

END OF FLASHBACK ....

Yon nga po ang nangayari,

pero sa kasamaang palad

hindi rin naman natuloy sa paguwi si Three sa Pilipinas.

Bakit?

Dahil nagpaawa lang naman po siya kay Kenji para tulongan siyang kausapin ako.

Tss

Dahil nga si Kenji na ang nakiusap, pumayag na ko.

Ang tuso ng gago noh?

Ganyan talaga ang mga unggoy,

subrang TUSO

Tss

Ang sarap talagang hampasin ng bola si three, grabe!!

>__<)

Sa totoo lang,

kaya ko lang naman ginagawa ang lahat ng ito ay dahil nilulubos ko na ang mga araw na kasama ko pa siya

I'm doing this

Dahil GUSTO ko at KAILANGAN kong gawin.

Bakit?

Dahil babalik ako ng Pilipinas.

At pagbalik ko doon, hindi ko alam

at

Hindi ako sigurado

kung makakabalik pa ba ko dito.

Hindi ko rin alam kung magkakaroon pa ba ko ng pagkakataon na makasama pa sila

Dahil pagbalik ko doon...

Yon na ang hudyat

Na kailangan ko ng unti-unting isakatoparan...

Ang mga plano ko...

Cynthia's POV

Hi everyone (Kaway-kaway) I'm Kenji's mom! Nitong mga nakaraang araw ay napansin ko na kakaiba ang kinikilos ni Mai. Kahit hindi niya sabihin alam kong may problema siya. Hindi nga lang ako sigurado kung may kinalaman dito ang mga narinig kung paguusap nila Davis noong isang araw. Kaya naman ng magkaroon ulit ako ng pagkakataon na kausapin siya ay agad akong lumapit sa kanya. Nasa veranda siya ngayon, nakatingin sa kawalan.

" May problema ba?" Tanong ko habang nakatanaw sa langit. Matagal bago siya sumagot.

" Wala, wag mo nalang akong pansinin." Sagot niya. Seryuso ang mukha kong napatingin sa kanya. Alam kong may inililihim siya sa akin. Sa mga panahon na nagkasama kami kahit papaano ay nakabisa ko na rin ang ugali niya, kahit pa minsan ay napakahirap niyang basahin. Magkatulad si Mai at Prince, napakamysteryuso nila. May kakaiba silang aura na talagang kakatakotan ng iba, pero hindi ng mga taong mahal at pinahahalagahan nila. Kakaiba sila kung magmahal, they can even sacrifice their own life just to protect their love one's. Yan ang lubos kong hinahangaan sa kanilang dalawa, at yan din ang dahilan kaya ko lubos na minahal si Prince, ang papa ni Kenji. Kaya kasi nila at kakayanin nilang sarilinin ang lahat ng problema hindi lang masaktan ang mga taong mahalaga sa kanila, kagaya nalang ng ginagawa niya ngayon.

" Alam kong may kung anong bumabagabag sayo. Tell me, what is it?" Nakikiusap na sabi ko. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya saka niya ko tiningnan sa mata.

" Aalis ako ulit....pabalik ng Pilipinas. Nagkaroon kasi ng matinding problema ang N.E kaya...kailangan ko munang manatili doon. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik..." Sabi niya. May kung ano sa tinig niya na hindi ko gaanong maintindihan. Nababasa ko rin ang kalungkot sa mga mata niya, ganon din ang matinding pagaalala. Pero...ano ang inaalala niya?

Muli ay napabuntong hininga si Mai, matagal niya muna akong tinitigan bago siya nagsalita. "Kaya kung pwede...ikaw muna ang bahala kay Kenji habang wala ako." Nakangiting sabi niya pero hindi naman umabot sa mata.

" Kaya ka ba...nagkakaganyan dahil doon?" Tanong ko na tinangoan lang niya. Ngumiti siya ulit ng pilit saka muling tumanaw sa kawalan. Napatitig ako ng husto sa mukha niya.

Nakakaawa ang batang ito, meron siyang pamilya pero para rin namang wala. Napakasaklap ng buhay niya, buhay... na hindi dapat niya nararanasan.

Hindi man kumbinsido sa sagot niya ay hindi nalang ako nagkuminto. Sinamahan ko nalang siya sa veranda para naman kahit papaano maramdaman niya na hindi siya nagiisa.