webnovel

TELL ME YOUR NAME (Filipino)

A Story of Choice Imagine finding yourself at the crossroads of fate, torn between two paths. One leads to the person you love deeply—someone who has captured your heart and soul. The other path leads to the person who loves you more than anything, someone who would do anything to make you happy. What will you do if fate forces you to choose? Will you follow your heart, or will you choose the person who treasures you most? It's a story of choice, where love and loyalty collide, and no decision comes without sacrifice. A Story of Drama Trust is a fragile thing. What if the person you trusted with your life, turned out to be the one who wanted to end it? Betrayal cuts deep, and when it comes from someone you never expected, it shatters your world. What will you do when the mask comes off, and the truth is revealed? Will you confront them, or will fear keep you silent? This is a story of drama, where trust is broken, and survival depends on your next move. A Story of Action Learning to fight is one thing, but fighting for love is a battle of a different kind. When the world around you is in chaos, and your heart is caught in the storm, will you have the strength to hold on to love? Or will the struggles and dangers force you to let go? In this story of action, love is put to the ultimate test. The fight isn't just against the enemies outside—it's also against the doubts within. A Story of Love At the heart of it all, this is a story of love. Love in all its forms—complicated, beautiful, painful, and true. It's about the choices we make, the trust we give, the battles we fight, and the love we hold on to, no matter the cost. In the end, it's love that defines us and drives us, even when fate, betrayal, and danger stand in our way. Please enjoy reading!

MissKc_21 · Adolescente
Classificações insuficientes
127 Chs

LOCATING THE SUSPECT

Time check: 11:05 a.m, katatapos lang naming kumain ng snacks, niyaya na ulit kaming maglunch.

Ilang minuto naman after nun, biglang bumaba si Cloud.

"so, what's your plan, after n'yong malaman kung sino ang taong huli niyang nakausap?" him tapos umupo siya sa couch kaharap ng laptop niya.

98% na ang processing, so ilang minutes na lang ang kailangan pa naming hintayin para makaalis na rin dito.

"well, depende naman kasi kung sino ang taong iyon, kung taga SA siya...then, meroon na tayong sagot sa mga katanungan nating sino ba talaga ang nanggugulo sa SA. If hindi naman, then, that person could be our way to find out who are really involved in this case and of course, sa case ng school natin" sagot ko naman sa kanya.

Ayaw ko naman kasing isipin niya na wala kaming idea kung ano ang dapat gawin. Besides, ayoko 'yung pinagtatawanan lang niya kami.

"okay? so paano n'yo malalaman kung taga SA ba siya or hindi? Will you base your investigation on their demographic attributes?" him habang tinitingnan kaming dalawa.

Ano bang gustong patunayan ng Cloud na ito?

"teka nga, are you underestimating us? siyempre hindi, aabutin kami ng siyam-siyam niyan kung mag-a-attribute pa kami. Saka hindi ito feasibility study para gumamit ng ganoon okay? We are basing our conclusions on evidence. Kaya mas kailangan natin ng accurate na basis. So kung ang tinatanong mo is kung how, hindi mo na problema iyon okay? Ang atupagin mo is 'yung hinihingi naming tulong from you Mr. Cloud Ramirez" me habang umuusok na ang aking ilong sa inis.

Kanina pa siya ah. Hindi na nga nya kami inentertain as his guest, gaganyanin pa niya ang trato sa amin?

"hahaha! relax!" him.

Bwiset siya, ngayon, tatawanan niya ako?

"baliw ka ba?" sabi ko then I rolled my eyes.

"hindi ka pa rin pala nagbabago hanggang ngayon. Mainitin pa rin ang ulo mo. Akala ko kasi inspired ka kay Spade eh. Nakakagulat lang"

"tss. walang kami okay?" me.

"anong wala? nakaakbay tapos wala? Anyway, I cannot promise you na mare-retrieve ko yung mga deleted messages. Kasi kung hacker ang may gawa nito, of course, mahihirapan talaga tayong makakuha ng lead" him while typing na.

"hay naku, so you mean, masasayang lang ang paghihintay namin dito?" ask naman ni Elaine.

"teka lang.....okay, data folder....recycle bin.....then....retrieve....okay!" him tapos tumingin siya sa amin.

"be thankful at ordinaryong tao lang ang nagdelete ng messages. So now, malalaman natin kung kaninong number ang nagtext o tumawag sa kanya the day before the criminal activity"

"good. Possible kayang kakilala lang niya ang may gawa nun kasi nagawa niyang idelete ang messages eh without hacking it?"

"maybe. Let's check kung sino ang katext niya noong araw na iyon"

Lumipat kami ng upuan at tumabi kami kay Cloud. Inopen niya ang inbox at binasa ang pinakaunang message...meaning, ito ang pinakalast na convo nila before her death.

"andito na ako sa labas ng subdivision...asaan ka na..... Ralph?" basa ni Cloud sa message.

"Ralph? Sinong Ralph?" ask naman ni Elaine.

"try mo kayang tawagan ang number na iyan" Elaine.

"hindi pwede. Gusto mo bang ikaw ang isunod nila?" sabi ni Cloud.

"sira, natural hindi, I'm just sharing my suggestion, hindi ko naman sinabing totohanin mo agad-agad, siyempre, ikaw pa rin ang masusunod"

"oo na, ang ingay mo" sabi ni Cloud.

"can you trace that number's location?" sabi ko naman.

"pwede naman....let's go, doon tayo sa taas, andoon kasi ang computer room ko eh."

"sabi ko na nga ba eh, hindi ka natutulog kanina" mahinang sabi ko.

"mukhang unti-unti mo na akong nakikilala huh?" then he smirked.

Ilang sandali pa, nakaakyat na kami sa taas.

"Akala ko ba na computer room mo ang pupuntahan natin?" Elaine habang inililibot ang paningin sa kwarto niya.

"dito tayo" tapos naglakad pa siya ng diretso sa may malaking mirror, sumunod naman kami.

Nashook ako kasi biglang bumukas 'yung may mirror. Secret Passage ata ito papunta sa simasabi niya. Iba talaga ang mga genius, may kakaibang imaginations.

Bumaba kami sa makitid na hagdan. Then, mas lalo kaming na-amazed kasi napakaraming computers ang andoon, tapos may mainframe pa sa gitna. Yung tipong para kang nasa CIA.

"wow! sa iyo ito? nage-establish ka ba ng Intelleligence Agency? bat ang daming computers dito?"

"that's what I need especially when I'm bored"

Wow huh! So for entertainment purposes lang ang room na ito for him? Now, I realized na may mas weird pa pala kay Spade and that's him.

"actually, wala naman talaga akong balak na ipakita ito sa inyo eh .....pero since nakuha ko na ang information nyo, I can say na mapapagkatiwalaan ko naman kayo" tapos ngumiti siya.

"what? so pinaiimbestigahan mo din kami?" me.

"yes, so that I can know kung sino talaga ang kalaban at kung sino ang hindi, well, mas na-amazed ako sa nalaman ko tungkol kay Elaine" tumingin siya kay Elaine.

"h_ha? how.....could....totoo ba iyan?"

"don't worry, wala akong balak na makealam sa mga buhay-buhay nyo. Ang tanging role ko lang naman ay malaman kung sino ang totoong kalaban" tapos umupo na siya sa upuan niya.

Tungkol kay Elaine? Is there something I need to know about her?

Tiningnan ko si Elaine. Tahimik lang siya after ng sandaling iyon.

"umupo muna kayo" Cloud tapos naging busy na ulit siya. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagpipindot at pinagtatype niya, mga codes kasi iyon na tanging mga kagaya lang niya ang nakakaalam.

After 10 minutes, natapos na rin ang ginagawa niya.

"sad to say, ang number na ito ay nakainsert sa isang burner phone lang"

"so?"

"hindi natin siya malolocate but.....don't worry, I have an idea, I have an alternative way to identify him"

"how?" me.

"sa SA, I need to talk to someone. Sila lang ang may alam sa address na nilipatan ni Miss Georgia, through the subdivision's CCTVs, makikilala natin ang lalaking iyon. Ang kailangan lang natin is makapunta sa address na iyon." him.

"actually, may full address kaming nakuha ni Elaine eh last last week ata iyon... basta sa may Villa Ricafort iyon" me.

"Villa Ricafort? sa pagkakaalam ko, nakalabas na siya ng town eh kaya hindi na siya pumapasok sa academy" sabi naman ni Cloud.

"mas better if masiguro natin kung ano ba talaga ang totoo. I suggest na itanong mo na lang sa kakilala mo ang about doon Cloud." Elaine.