webnovel

Chapter 8: Her Guardians

Night's POV

"You're leaving me already, My Andromeda?" tanong ko dahil tumayo na ito. Tinignan ako ng asul niyang mga mata. Damn I love those eyes.

"What do you think?" then she rolled her eyes at nagsimula ng maglakad. Tumayo rin naman ako kaagad.

"Stan, alis muna kami ng Misis ko." Pabirong sambit ko sa kapatid kong tinitira ata lahat ng babaeng nakapalda.

"Mangarap ka bro. Sige, alis na."

Sumunod naman agad ako kay Zix. Paano nga ba kami nagkakilala 5 years ago? Ganito 'yun.

***FLASHBACK***

16 ako nun at 17 naman si Stan at naisipan naming uminom sa isang sikat na bar. Hindi naman naging problema na minors kami dahil kilala namin ang may-ari.

"Let me in you fucking bastard or I will kill you!" sigaw ng isang babae sa bouncer. Nagkatinginan kami ni Stan at nilapitan ito ng konti para marinig namin. Nasa 5'4" ang height, lampas ng konti sa balikat ang blonde na may halong brown streaks ang buhok, at walang duda, maganda 'to though she's obviously a young teenager.

"Miss ang bata bata mo pa para sa lugar na ganito. Ilang taon ka ulit? 13? Hindi ka pwede dito. Bumili ka nalang ng softdrinks sa 7/11." Sabay tawa ng bouncer.

"Eh sa gusto kong uminom dito eh, paki mo ba? And you don't mock me like that porke't bata pa ako." And with what she did next, shocked us. With the precise movements of her hands, she used the technique and targeted the vital points of the guy, at walang pakandungang natumba ito ng wala ng malay.

"What the----" komento ni Stan.

"Fck." Patuloy ko habang tinignan ang babaeng deretso na pumasok sa loob ng bar. Sinundan namin siya agad ni Stan sa loob. Umupo siya sa bar counter at umorder agad ng iinumin. Hard drinks pa. Ang tindi ng babaeng 'to. Pumwesto kami ng upo ni Stan sa kabilang side na bar counter para obserbahan ang babae na inom lang ng inom.

"Mukhang malaki ang problema bro." sabi ni Stan.

"Oo nga pero baka mapahamak 'yan. Konsensya pa natin." And with that, sa di malamang dahilan, pareho kami ng layunin ni Stan na bantayan siya buong gabi.

***

"Stan, nasaan na 'yun??" balisang tanong ko dahil may dumaan lang na tao para maharangan ang view namin sa kanya saglit, ay nawala na bigla.

"Ewan----"

"Looking for me?" boses ng babae sa gitna namin ni Stan. Hindi kami makagalaw dahil may matulis na bagay na tumutusok sa jacket ko at alam kong ganun din kay Stan.

"Follow me if you don't want yourselves to get killed."

Sumunod naman kami sa kanya palabras ng bar, patungo sa parte ng parking lot kung saan walang tao masyado. Sumandal siya sa isang itim na Lambhorgini. I'm guessing kanya 'yun.

"Bakit niyo ako minamanmanan? Isa ba kayo sa mga tauhan ng walang kwenta kong mga magulang?" galit na tanong niya.

"Hindi. Ni hindi ka nga naming kilala but we saw what you did to the bouncer." Sagot ko agad.

"At naisip lang naming na malaki ang problema mo at babantayan ka namin nitong kapatid ko dahil delikado para sa'yo ang ganoong lugar." Seryosong sambit ni Stan.

"How Stupid. Hindi ko kailangan ng bantay. I've had enough of those." At tsaka niya binuksan ang pinto ng sasakyan niya ng nagsalita ulit ako.

"Wait! May alam kaming lugar kung saan pupwede ka. No age rules. Actually, dalawa lang ang rules na andun."

Awtomatikong napalingon sakin si Stan na nanlalaki ang mga mata.

"What the hell Night???" galit na pabulong sakin ni Stan. Alam kong concern lang siya dahil sa oras na papasok ka doon, mahirap ng umatras. Malaking gulo pero para sakin, it's an escape.

"Take me there."

Nagkatinginan ulit kami ng kapatid ko na parang nag-uusap sa mata.

"What the fck are you doing? I said take me there."

And so we found ourselves bringing her to our haven. Underground X. Doon na nagsimula ang lahat.

***END OF FLASHBACK***

"By the way, akin na susi ng condo mo. My so called parents are back. Hindi ako pwede sa condo ko."

Agad ko namang kinuha sa bulsa ko ang susi sa condo namin ni Stan at inihagis sa kanya na sinalo niya din. Labas masok naman siya doon pero ayaw niya pa rin ng spare key. Naiintindihan ko rin dahil paniguradong hindi siya titigilan ng mga magulang niya.

"Alis nako. Wag kayong istorbo dahil matutulog ako."

"Opo mahal na Prinsesa. Hindi kami gagawa ng ingay at wala kaming babaeng dadalhin ngayong gabi para hindi maistorbo ang iyong tulog." Tsaka ako yumuko pa. Nakasanayan na namin ni Stan na tratuhin siya na parang Prinsesa talaga namin kahit malamig ang pakikitungo niya.

"Tss." Ang 'Tss' na iyon ay 'Bye'. Ayun nga't umalis na siya.

I smiled. 5 years ago we considered ourselves as her guardians. Sobrang nahirapan kaming pakitunguhan siya nung una at ipa-open up samin tungkol sa problema niya tas kung hindi lang siya lasing nun, wala kaming maririnig na kwento mula sa kanya. And from what we've heard, mas lalo naming gusto na protektahan siya. We may not be as important to her, but she is very important to us. To me especially. Napangiti ako ng mapakla.

Medyo masaklap nga lang.

Because I'm inlove with a Heartless Princess.

To be continued...