webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Urbano
Classificações insuficientes
126 Chs

Chapter Ninety-Five

One word. Three syllables. Ang lugar na hindi ko pa napupuntahan kahit kailan. Ang lugar na tambayan ng Crazy Trios. DE-TEN-TION. Ang sakit pa ng mga sugat ko. Kumikirot. Ang hapdi! Bakit nga ba ako nandito ngayon?

"This is all your fault," Audrey hissed behind me.

"Shut up Audrey," napangiwi ako sa sakit. "Hindi ako ang nanugod na parang tigre na nakawala sa zoo."

Yung labi ko nagkaron ng cut. Ang sakit ng buong katawan ko. Milagro kung paano ako nakarating dito gamit ang mga paa ko. Ang sakit ng pisngi ko. Mas masakit manampal si Audrey kaysa manuntok.

"Stupid.. Stupid.. Stupid girl," sinipa nya yung upuan ko.

"Ms Dela Cruz, lumipat ka ng upuan. Dito sa unahan," sabi ng nagbabantay sa'min.

"Shit," Audrey cussed while standing up.

She cussed?! AUDREY DELA CRUZ CUSSED?!!

"What? Don't look at me like that Samantha. I can cuss whenever and wherever the hell I want. I'm NOT like you. I'm NOT a pretender."

"No talking!" saway samin.

Nakaupo na sya ngayon three seats away from me.

"For three hours, dito lang kayo. Bawal lumabas at bawal mag-usap. You will write what's written on the whiteboard. St Celestine High's Rules and Regulations. I want you to make fifty copies of it. Understood?"

"WHAT?!!" sigaw ni Audrey.

Kung hindi lang masakit ang bibig ko ngayon siguro napasigaw na rin ako. Fifty copies? Gaaahhdd! Dito na yata kami tatanda.

"Any problem with that Ms Dela Cruz?"

"YES!! Why do I need to write the freakin R&R?! I memorized it since my day one in this school!" she shrieked.

"You memorized it, yes I know. Did you follow it? No and I'm very aware of that. That's why you're here."

"BUT THIS IS RIDICULOUS!! FIFTY FREAKIN COPIES?!!"

"AND SILENCE! This is DETENTION! That means you don't have any right to complain. Now, do as I say before I make it a hundred! Grab your pen and start writing! NOW!"

"Eff!" Audrey huffed and started writing.

I did the same thing. Nakakatakot pala dito sa Detention. Paano kaya nakakabalik-balik dito yung tatlo?

***

After thirty minutes. Patuloy lang kami sa pagsusulat. Lihim akong nagpapasalamat at hindi nila pinapunta rito ang parents ko. Tick-Tock. Walang ibang tunog na maririnig kundi ang orasan. Tick-Tock. Ang tagal naman. Sinilip ko ang ginagawa ni Audrey. Natutulog?! Natulog?! WHAT?! Tinignan ko yung nagbabantay sa'min. WHAT?! Nasaan na yun? Bakit biglang nawala? Iniwan nalang kami nang basta dito?!

"Eff! I'm starving!" biglang sabi ni Audrey.

Tumayo sya sa upuan at lumapit sa pinto. Pinihit nya yung knob.

"Shit. You've gotta be kidding me," sinipa nya yung pinto. "That bitch!"

Bakit ba ganito umasal si Audrey? Ganito ba sya talaga? Ako lang ba ang hindi nakakapansin? Kung sabagay kasi hindi ko naman talaga sya masyadong pinapansin. Napapansin ko lang sya kapag inaaway nya ako. Pero as much as possible talagang lumalayo ako sa kanya. Iba kasi ang tingin nya sa'kin minsan, parang alam nya kung sino talaga ako. Yung totoong ako. At tama nga ako, kilala nga nya ako.

"Eew! You're ugly," sabi ni Audrey sa'kin.

"Ganda mo?"

"Kumpara sa mukha mo ngayon? Sobra!"

"Ewan ko sa'yo."

Umupo sya sa table ng teacher.

"Ang pangit mo. Ang pangit din ng ugali mo. Ano kayang nagustuhan sa'yo ni TOP?"

Di ko sya pinansin.

"Alam mo bang first kiss ko siya?" naka-smirk na sabi nya.

Ano?! Hinalikan sya ni Timothy?!

"French kiss pa nga eh."

"Shiz," bulong ko.

"HAHAHAHA!! Your face!! Priceless!! HAHAHA!!" tumawa sya.

"Shut up!" naiinis na sabi ko sa kanya.

"Geez. Wala ka talagang alam kay TOP ano? Ang dali mo maniwala sa sinasabi ng iba. Haay.." nag-twirl sya ng buhok nya tsaka bumaba sa table.

Lumapit sya sakin.

"Alam mo bang na-rape sya dati?"

"A-ANO?! Niloloko mo na naman ba ako?" Napangiwi ako. Hinawakan ko ang mukha ko. Ouch.

"Totoo. Na-rape sya nung nasa Japan sya. He was fifteen years old that time. Hindi sya nalalasing kahit ilang alak ang inumin nya, kaya naman may naghalo ng kung ano sa inumin nya. Actually drugs 'yon."

Si TOP? Na-rape?

"Kaya naman ayaw na ayaw nya na nilalapitan sya ng mga babae. Iba ang case ko dahil kapatid ako ng bestfriend nya and besides sabay kaming lumaki."

Kaya pala... Pero sabay silang dalawa na lumaki ni Timothy? Ibig sabihin simula bata pa sila?

"Pero kahit sya ang biktima sya parin ang lumabas na masama.. Palagi naman ganon eh, sya palagi ang lumalabas na masama," may halong galit ang tinig nya.

Tumingin sa'kin si Audrey nang matagal. Bumuntong hininga sya na parang sumusuko na at saka sya umiling. Nagtaka ako. Tumalikod sya at bumalik sa upuan nya. Natulog ulit sya. Ano naman ang ibig sabihin na palaging si Timothy ang lumalabas na masama? Bakit nya ako tinitignan nang ganon?

Di na pinatapos ang tatlong oras at pinalabas na kami ni Audrey. Dumating ang parents nya. Sa'kin wala. Mas mabuti nang walang pumunta sa akin. Pero nakaramdam parin ako ng kaunting inggit dahil nandyan ang parents nya kahit na gaano pa sila ka-busy sa kompanya nila.

"SAMMY!!" damba sakin ni Michie ng yakap.

"OW!!"

"Ay sorry! Sorry!" hinging paumanhin nya saka lumayo.

"Kamusta ang bagong laya?" tanong ni Maggie nang nakangiti at mukhang proud na Nanay.

"Haay.. Pano kayo nakakatagal sa loob nun?" tanong ko.

"Eh di natutulog," sagot nya.

Bakit ko pa ba tinanong? Natutulog. Dapat natulog nalang din pala ako.

"Teka. Asan si China?" tanong ko.

"Nasa Auditorium, may audition kasi para sa mga gustong sumali sa program na gagawin ng school para sa pasko," sagot ni Michie.

"Oh, oo nga pala. Malapit na ang pasko. November na ngayon."

"Okay na ba ang mga sugat mo Sammy?" tanong ni Michie.

"May band-aid ka sa mukha! Cool!" bulalas ni Maggie.

"Kumikirot pa ng konti. Binigyan naman ako ng gamot ng nurse kanina para medyo mawala yung sakit."

"Gusto nyo bang pumunta sa Auditorium? Taralets!" yaya ni Maggie.

"Tara Sammy. Wala na naman klase eh," sabi ni Michie.

"O sige."

Pumunta na kami sa Auditorium. Lahat ng madaanan namin na estudyante natingin sa'kin. Magpapatuloy sila sa pagbubulungan matapos namin dumaan.

"Ano bang hitsura ko?" tanong ko. Di ko tinignan sa salamin kanina.

"May pasa ka sa may cheekbone. May band-aid din sa kaliwang kilay. Yung gilid ng labi mo namumula. Okay ka pa naman.." sagot ni Maggie.

Okay. Di naman pala ganun kalala. Hindi nga ba ganon kalala? Hayaan ko na nga. Wala naman akong magagawa, nandyan na 'yan. Pumasok kami sa loob ng Auditorium. Nasa may bandang hulihan kami umupo. Parang sa sinehan ang set-up nito. May kumakanta sa unahan na may dalang gitara.

"Sino 'yan?" Kumakanta sya ng Kailan by MYMP.

"Si Icel Alegre Castillo," sagot ni Michie.

"Third year yan, baka mapasama sa program," bulong ni Maggie.

Nasa unahan si China. Nakaupo sya at may hawak na ballpen. Sya at ang tatlo pang babae ang judge sa audition. Si China, si Keith Louise, si Kimberly Derla at si Joshilyn Fernandez. Si China ang Presidente ng Music and Arts this school year. Natapos si Icel sa pagkanta at mukhang pasado naman sa mga judges.

"Next!"

"Hi guys!" bati ng isang masiglang boses.

Pakiramdam ko tumigil ang buong paligid. Bigla akong nanlamig.

"Uhm. I'm gonna be singing Never Say Never by The Fray. I'm gonna be singing it a lot higher than it's actually sung. Because the singer's a boy and I'm a girl."

"Siya si..." hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Oo nga pala. Hindi mo pa nga pala alam. Bumalik na sya," sabi ni Maggie.

"Dumating sya nung nawala ka. Una ka nga nyang hinanap eh," sabi ni Michie.

Napatitig ako sa babaeng kumakanta habang nagpi-piano. Bumalik na sya. Bumalik na si Anya Marie. Bumalik na si Amarie. Nagbalik sya.