webnovel

Kabanata 5 (Hinto)

Kabanata 5

Hinto

"Taiga! Nakauwi ka na pala from England! Kumusta ka na?" bati ng isa sa kaklase namin noong High School na naging ex ni Taiga, si Lyra. Kasama pa nito ang ilang kaibigan.

"I'm fine! How about you? Tagal nating di nagkita aa." Balik na bati ni Taiga kay Lyra.

Binati pa ako ni Lyra at ng mga kasama niya. Nagkunwetuhan pa sila at nagkamustahan. Nakikinig lang ako sa masayang kwentuhan nila. Aniya, nagbakasyon saglit si Taiga para asikasuhin ang bahay nila. Wala na daw kasi ang papa niya roon dahil may bago na rin itong pamilya. Balak daw niyang gawing maliit na restaurant iyon. Tutal chef naman na siya.

Babalik din daw siya ng England saglit para asikasuhin ang mga papeles niya roon. Hindi niya daw kasi natapos ang pag-aasikaso nito sa England at gusto niya rin ang pumuntang reunion kaya naman umuwi siya pansamantala.

"Do you have a girlfriend in England, Taiga? If none can I reapply for it? Guwapo ka na noon, pero mas gumuwapo ka ngayon. Ano bang mayroon sa England at ang fresh mong tingnan ngayon. My God! Makabili nga ng water doon." Pagbibiro ni Lyra.

Sinipat ko ang itsura ni Taiga. Oo nga. Ang laki na ng pinagbago niya. Kung dati ay sakto lang ang kanyang katawan, ngayon ay para bang nakayakap na sa kanyang katawan ang suot-suot niyang damit. Napakatikas ng kanyang itsura. Binagayan pa ito ng medyo moreno niyang makinis na balat. May katangusan ang kanyang ilong at nakabibighani ang kulay tsokolate niyang mga mata. Noon pa man ay para kang dadalhin sa ibang dimensiyon kapag tumingin ka sa kanya.

Prominente rin ang kanyang mga panga. Kung susumahin, papasa siyang modelo dahil na rin sa angkin niyang tangkad. Lagpas anim na talampakan ang kanyang taas. Siguro mas mataas pa siya ng dalawang pulgada sa akin.

Nawala ang atensyon ko sa pagsipat sa kanya nang makita ko ang pagtaas ng makakapal niyang kilay habang nakatingin sa akin.

"It's complicated." Maikling sagot ni Taiga kay Lyra.

"Pa-showbiz ka naman masyado, Taiga. Yes or No lang ang sagot, pinakumplikado mo pa. Mas madaling bigkasin ang Yes or No kaysa sa it's complicated. Duh!" maarteng balik ni Lyra.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Ayoko nang uminom. Baka kung ano pa magawa ko. Ayoko ring pakinggan pa ang maririnig ko sa kwentuhan nila. Baka masaktan lang ako.

"Garden lang ako." Pagpapaalam ko kay Taiga at kila Lyra. Nginitian lang ako nila Lyra samantalang tinanguan ako ni Taiga.

Iniwan ko na sila sa bar. Napalingon pa ako sa kanila bago lumiko patungong garden. Nakita ko ang mga titig ni Taiga sa akin bago ako tumungo sa garden ng hotel.

Umupo ako sa bench at napahinga nang malalim. Inilabas ko ang sigarilyo sa aking bulsa at ang lighter. Hinithit ko ito at napahinga nang malalim. Naalala ko ang naging pag-uusap namin ni Taiga sa garden sa UP.

Sunken Garden, makikita sa paligid ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City. Maraming nagpupuntang mga estudyante dito kapag break. Napakaganda kasi ng tanawin at napakahangin. Kahit hindi mag-aaral ng UP ay nagtutungo rito para mag-picnic.

Nakasandal ako sa isang puno habang tinatanaw ang papalubog na araw. Mag-aalas sais na ng hapon at hinihintay ko si Taiga para sabay na kaming magtungo ng gym. Nauna akong matapos sa kanya sa exam kaya naman lumabas na ako agad ng classroom. Sinasalubong ako ng papalubog na araw na akin namang pinagmamasdan. Nakakawala ng pagod.

Maghapon ang klase namin ngayong araw pero hindi namin alintana ang pagod sa pag-aaral. Pangtanggal stress na rin sa katawan ang pagbababad sa gym. Nagkasabay-sabay pa ang quizzes at pasahan ng mga plates kaya nag-working lunch kami kanina. Maloko man kami minsan, pero sa pag-aaral ay seryoso kaming dalawa.

Nagulat ako nang may biglang may humalik sa aking labi. Lambot pa lang ng labi at bango na lumalabas sa kanyang katawan ay alam ko na agad kung sino ito. Dahan-dahan niyang ginagalaw ang kanyang labi. Nang makabawi ako mula sa pagkakabigla, iniiwas ko ang labi ko at itinulak ang kanyang mukha. Napatingin ako sa kanya nang masama.

"Why did you kiss me in public. Baka may makakita sa atin, Taiga..." sabi ko at tumingin pa sa paligid. "Mag-ingat ka naman, hindi yung kung kailan mo gusto, gagawin mo lang nang basta-basta. If you do not care about your image, I'm sorry to tell you, I care for mine." Dire-diretso kong sabi.

"Chill... This part of Sunken Garden is kind of hidden so no one can see us here. Besides, it's too dark in here. No one can tell on what we are doing. Even if we kiss, suck each other and have sex in here no one can notice it." Pagdadahilan niya.

Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. Napabuntong hininga pa ako bago nagsalita.

"I told you, we cannot do stupid things in places that people we know can see us."

"Oo na, oo na! I get it. Let's go to the gym na para maaga tayong matapos." Pag-iiba niya.

Pumunta kami sa kotse ko at nagmaneho na ako patungong gym. Sa sobrang tahimik namin at sa bagal ng trapiko, natawa na lang kami pareho nang marinig namin ang sabay na pag-aalburoto ng mga tiyan namin.

"Bro, I think we need to buy food first. Mahirap mag-lift ng weights nang walang kinain. Ma-injured pa tayo." Sabi ni Taiga.

"Sige, drive thru na lang tayo para mabilis." Suhestiyon ko.

At yun na nga ang nangyari. Nagkukwentuhan pa kami sa mga nangyari sa amin ngayong araw habang inaantay ang pagkain mula sa drive thru ng McDO. Sa hirap ng quizzes na pinasagutan samin, sa mga pinasang plates sa mga propesor namin at sa gagawin naming workout program sa gym.

Nagpasalamat ako sa babaeng nag-asikaso ng order namin matapos niyang iabot sa akin ang aming order. Parehong Crispy Chicken Sandwich ang inorder namin para makuha namin ang tamang dami ng protina na dapat na makunsomo namin ngayong araw. Hindi na rin kami umorder ng fries at coke. Healthy living kuno.

Inabot ko kay Taiga ang order at nagpatuloy sa pagmamaneho. Hindi ko alam kung maganda ba na hindi na mabigat ang trapiko o hindi. Wala tuloy akong pagkakataong kumagat sa inorder ko.

Napansin naman ni Taiga ang pagdapo ng mga mata ko sa sandwich ko. Napatingin ako saglit sa kanya at napansin ko ang mapang-asar niyang ngiti sa akin. Nang-iinggit na hindi ako makakain.

"Subuan na kita, bro. Nakakaawa ka naman." Alok niya sa akin.

"Huwag na. Kumain ka na lang diyan. Mamaya sa parking ko na lang kakainin."

"Di na. Subuan na kita, bro. Atleast habang nasa biyahe tayo, nada-digest na itong sandwich. Baka pagdating natin sa mall, need mo pang magpahinga para bumaba kinain mo. Matatagalan tayo." Pangangatwiran niya.

Tumango na lang ako sa kanya bilang hudyat nang pagpayag ko. Iyon na nga ang nangyari. Habang nagmamaneho ako, sinusubuan niya ako ng sandwich. Salitan ang ginagawa niya. Matapos niyang kagatan ang kanya, iaabot naman niya sa bibig ko ang sandwich ko habang nakatuon ang atensyon ko sa pagmamaneho.

"You know what bro, magandang pagmasdan na sinusubuan kita ng sandwich. Pero may alam ako na mas magandang pagmasdan na isinusubo ko sa'yo." Sabi niya.

Napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo. Hindi ko masyadong na-digest ang sinabi niya dahil abala ako sa pagmamaneho. Ayokong mabangga o mahuli man lang ng enforcer.

"What do you mean?" tanong ko.

"Si Daks, gusto mong isubo ko sa'yo?" tanong niya habang nakangisi.

"Who's Daks? At bakit mo isusubo sa bibig ko kung sino man iyon? What the fuck are you saying, bro?" wika ko.

Tinawanan niya lang ako nang tinawanan. Sinamaan ko siya ng tingin nang magkaroon ako ng pagkakataon.

"Daks, it means to say dakila." Sambit niya.

"I don't get it. It's either corny ang joke mo o masyadong malalim." Pagdadahilan ko.

"Daks is a term for gay people which pertains to a big dick." Sabi niya na nagpakunot ng noo sa akin. "What I meant to say a while ago when I asked you 'Si Daks, gusto mong isubo ko sa'yo?' is do you want my big dick for me to put it in your mouth? Damn! I can't believe that I am explaining my green joke to you." Dugtong niya na mas lalo niyang ikinatawa.

Piningot ko siya sa narinig ko sa kanya. Nang umaray siya sa ginawa ko at naalalang nagmamaneho ako, tinigilan ko na rin ang pananakit sa kanya.

Nakarating na rin kami sa gym. Ginawa na namin ang workout program namin sa araw na ito. Tulad ng dati, magkaiba kami ng work out program ni Taiga sa araw na ito. Nagsusuot ako ng bluetooth earphone nang tumingin ako sa paligid. Wala si Seb kaya naman sinawalang bahala ko na lang yun. I'll stick with my workout plan for today.

Tagaktak ang pawis na lumalabas sa aking katawan habang nagbubuhat. Sumasabay sa galaw ang musika mula sa earphone na suot ko. Kasabay din nito ang pagdaloy ng mga kaisipan sa utak ko.

I need to make a decision. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. Kailanman ay hindi ko nakita dati ang sarili ko at si Taiga na mapupunta sa mga maiinit na tagpo.

We need to stop doing it. We are both straight. We are friends, best friends! Hindi ito natural na gawain ng magbabarkada. Kailangan naming huminto sa mga ginagawa namin bago pa man may mangyaring hindi maganda. Kailangan nang patayin ang ningas ng apoy bago pa man ito tuluyang lumaki at tupukin ang aming pagkatao.

Natapos ang aming workout na hindi ko pa rin alam kung paano sasabihin kay Taiga ang nasa isipan ko. Nagliligpit ako ng gamit sa locker room nang makatanggap ako ng tawag mula kay mama.

"Anak, nasaan ka na? Pauwi ka na ba? We will wait for you for our dinner. May sasabihin daw ang papa mo sa iyo." Sambit ni mama.

Napatingin ako sa relo na suot ko sa kaliwang kamay. Malapit na palang mag alas otso. Karaniwan ay ganitong oras kami kumakain dahil abala rin naman si papa sa pamamahala ng maliit naming negosyo. Ganitong oras siya nakakauwi sa bahay.

"Yes po ma, pauwi na ako. Kakatapos lang naming mag-gym ni Taiga. Anyway, malapit lang naman to sa bahay at hindi na traffic kaya in ten minutes siguro nasa bahay na rin ako."

"Are you with Taiga? Invite him for our dinner."

"Sige po ma, sabihan ko."

"Oh sige na, mag-ingat kayo sa pag-uwi, anak. Mag-ingat sa pagda-drive aa. Huwag makipag-unahan sa mga makakasabay mo sa kalsada. Pare-pareho rin naman kayong makakarating sa pupuntahan ninyo kaya no need to rush, okay?" paalala ni mama.

"Okay po, ma. Love you, ma."

"Love you, anak." Tugon ni mama sa akin at ibinaba na ang tawag.

Tumingin ako kay Taiga na kasalukuyang nasa harapan ng salamin. Nakatingin din pala siya sa akin.

"Tumawag si mama, sa bahay ka na raw mag-dinner. Ano, G ka ba?" anyaya ko.

"Okay lang naman. Mag-isa lang din naman ako sa bahay kakain. Might as well, makikain na rin kahit nakakahiya. Atleast may kasabay kumain." Sagot ni Taiga na natatawa pero alam kong may halo itong lungkot.

Alam mo yung pakiramdam na idadaan mo na lang sa tawa ang isang bagay na seryoso pero dapat mong iparating sa sinasabihan mo na okay lang kahit na hindi naman talaga. Ganoon parati ang nakikita ko kay Taiga. I admire him for being brave in facing life, in facing reality.

Umalis na kami sa gym at sabay na kami nakauwi sa bahay. Bago dumating sa dining table, rinig ko pa ang pagtunog ng mga pinggan at kutsara na ipinapatong sa mesa at ang masayang kuwentuhan ng pamilya ko. It feels great to see your family complete. Tinuturing na ring parte ng pamilya ko si Taiga. Alam ng mga magulang ko ang kwentong pamilya ni Taiga kaya wala para sa kanila kung parating nandito si Taiga.

Taiga is part of our family. I reminded myself of that sentence. We are doing an incest thing without my knowledge. It should stop now. I will tell him my decision later.

"Kuya!" masiglang bati ng kapatid kong si Sierra. Nasa Ikapitong baitang pa lamang siya ng High School.

"Hi, Kuya Taiga!" bati naman niya kay Taiga na nginitian siya at kinurot sa pisngi.

"Ang cute, cute talaga ng tabachingching namin." Biro ni Taiga.

"I'm not mataba na kaya. Magda-diet na ako dahil sabi ni mama High School na ako."

"Tama yan, Sierra. Cute sa bata kapag siksik at malaman. Pero kapag tumatanda ka na, you need to take into consideration your health. Too much of anything will kill a person." Banta ni Taiga sa kapatid ko.

"Halika na nga, kung ano-ano sinasabi mo sa kapatid ko. Alam mo namang uto-uto yan." Sabi ko sabay tawa.

"I'm not kaya, kuya. I hate you!" wika ng kapatid ko sabay simangot. I patted her head ang we put our bags on the sofa.

"Ayyy nandyan na pala ang mga boylets ko! Sierra, anak, call your papa na. Kakain na kamo tayo." Masayang bati ni mama.

Humalik ako sa pisngi ni mama bago umupo sa dining table. Ganoon din ang ginawa ni Taiga. Ilang sandali lang ay nakaupo na rin ang kapatid ko at si papa. Nasa sentro si papa samantalang ako ang nasa kanan niya at katabi ko naman si Taiga. Nasa kaliwa ni papa si mama na katabi naman si Sierra.

Nag-umpisa na kaming kumain ng hapunan. Nagkukumustahan sa mga naganap ngayong araw hanggang sa humantong ang kwentuhan sa pakay ni papa.

"Theo, nagkausap kami ng kumpare kong Chinese. I heard nakauwi na raw sa Pilipinas ang pamilya niya from U.S. Nakausap na kita about sa anak niya, right?"

Tumango ako sa sinabi ni papa.

"Don't worry. Nakita ko na yung anak nilang babae. Maganda saka mabait. Mukhang magugustuhan mo siya." Dagdag pa niya.

"Ano ka ba naman, Sergio! Huwag mo masyadong ipilit sa anak mo yang fixed marriage na yan aa. Mas ok sa akin na pakasalan ng anak mo yung mahal niya." Paalala ni mama kay papa. "Huwag kang ma-pressure, anak aa." Dagdag pa niya.

"I'm not pressuring her, hon. I'm just suggesting. Playing cupid for the both of them." Pangangatwiran ni papa.

"Tigil-tigilan mo ako sa ganyan, Sergio aa. Siguraduhin mo lang na hindi mo ipe-pressure tong anak ko. Baka nakakalimutan mo kung anong nangyari sa atin."

"I know, I know. Kaya nga ang sa akin lang, subukan ng anak mong i-date yung anak ng kaibigan ko. Kung hindi niya magustuhan, ehdi dun siya sa magugustuhan niya. Pero mas maganda kung magkagustuhan silang dalawa. Lalago nang husto ang negosyo natin." Wika ni papa na may kinang pa sa mga mata.

"Hay naku! Puro ka pera. Hindi ko pa rin makalimutan mga sinabi ng mommy mo sa akin noong panahong girlfriend mo pa lang ako." Sambit ni mama. Tumingin pa siya sa aming lahat na para bang sinasabing pakinggan namin siyang lahat. "Magkano daw sweldo ko sa pagiging hamak na nurse? My God, buti na lang maganda ako kaya patay na patay sa akin tong papa mo at ipinaglaban ako."

"Ginayuma mo kasi ako kaya hindi ko kayang hindi ka makatuluyan." Biro ni papa.

"Pinagsasabi mo? Kung ginayuma kita ehdi sana sunod-sunoran ka sa akin at lahat ng gusto ko ibibigay mo. Masyado ka ngang mahigpit sa akin, akala mo naman masikip pa. Dalawa na anak natin kaya luwag-luwagan mo na. Maluwag na nga ako." Biro ni mama habang natatawa pa.

"Watch your mouth, Thelma. May mga bata dito." Saway ni papa.

"Don't worry hindi nila mage-gets yan. Mga baby pa tong mga batang ito." Pangangatwiran niya.

"Anyway, anak." Humarap sa akin si mama. "Kung sinong gusto at mahal mo, doon ka. Kung magustuhan mo yung nirereto ng papa mo sa'yo, ehdi i-push mo. Kung hindi mo gusto, be polite doon sa babae. Be gentleman dahil ganoon kita pinalaki. Huwag mo lang paasahin kung hindi mo naman gusto." Paalala ni mama.

Tumango ako kay mama. Tumingin ako kay Taiga at nakita ko ang mga mapanuri niyang mata. Iniiwas ko ang mata sa kanya at naisip kong muli ang balak kong pagtigil sa mga ginagawa naming kababalaghan.

"By the way, ilang taon na ba yung bata, Hon? Saan nag-aaral" tanong ni mama.

"Sa pagkakaalam ko matanda lang ng isang taon itong si Theo. I also heard dito lang sa Manila nag-aaral yun. So I think she is still in SHS if I am not mistaken. First year pa lang naman tong anak mo sa kolehiyo."

"Ang bata pa pala nila. Magna-nineteen pa lang itong anak mo so yung bata baka hindi pa nagdedebut yun. Huwag mong sasabihing maaga mo silang ipapakasal kapag nagkagustuhan sila. Hindi ako makapapayag." Pagtanggi ni mama kay papa.

Uminom ng tubig si papa bago sumagot. "Of course, I am not that manipulative. Kung kailan nila gustong magpakasal, that's alright with me. Pero mas okay kung mas mabilis, gusto ko na rin kasi ng apo at bata sa bahay."

"My goodness! Bata lang pala ang gusto mo, pwedeng-pwede pa tayong gumawa. Kaya pa naman siguro ng matres ko." Natatawang sabi ni mama. Sinamaan siya ng tingin ni papa na napapailing pa.

"Biro lang, hon. Kalma ka lang." bumaling si Mama kay Taiga. "How about you, Taiga. Ang tahimik mo naman tonight. At what age do you want to be married?" tanong niya kay Taiga.

Bumaling si Taiga matapos ibaba ang basong kanyang pinag-inuman. "When I am ready na po physically, mentally, emotionally, spiritually and of course financially."

"That's good. May girlfriend ka na ba? With your looks, I will not believe if you do not have." Tanong ni mama kay Taiga.

"You should start believing it now Tita. Wala pa po akong girlfriend. Ang hirap pong pagsabayin lahat. Pag-aaral, gym, at pangarap. Kawawa naman po ang makakarelasyon ko kung hindi ko po mapagtutuunan nang pansin." Tugon ni Taiga kay mama. Bumaling ang tingin niya sa akin at ngumiti. Bumalik ang tingin niya kay mama. "That's why I like someone who has the same goals, interests, and dreams with me para hindi mahirap."

"That's good to know! You know what you want in life." Puri ni mama kay Taiga.

Nag-iba na ang takbo ng kwentuhan nila. Napunta na kay Sierra ang atensyon ng kwentuhan. Pagpapaalala sa kanya ng mga dapat iwasan niya ngayong High School na siya. Mga responsibilidad na dapat niyang gawin sa sarili at sa pamilya ngayong dalaga na siya.

"Ehdi magkakaroon na pala ako ng ate, mama? Buti naman! Ang boring kasi minsan ni kuyang kausap. He is so quiet, so stiff!" wika ni Sierra. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit pagdila lang ang iginanti niya sa akin. Napailing ako sa kanya, isip bata talaga.

Tahimik lang akong kumakain at nag-iisip. Nang matapos, nagpaalam ako sa pamilya ko na pupunta sa kwarto para magpalit ng damit. Sumunod naman sa akin si Taiga.

Pagkapasok ko pa lamang ng kwarto, agad akong sinunggaban ng mga halik ni Taiga. Isinandal niya ako sa pinto ng kwarto habang dumadako naman ang kanyang mga kamay sa iba't ibang bahagi ng katawan ko.

Nabigla ako noong una at naalala ko ang pakay ko sa kanya. Nakagat niya ang aking labi kaya naman napabuka ang aking bibig na kanya namang sinamantala. Tinugon ko na lang din ang mga mainit niyang halik. Tutal, huling beses na ito. Ibibigay ko na ito sa kanya.

Mabilis ang paghinga ko sa ginagawa namin. Napahawak na rin ako sa kanyang katawan. Nagkakaroon na rin ng pagbabago ang kanyang katawan dulot ng pagbababad namin sa gym. Tumitigas na ang kanyang katawan.

Nang magsawa sa pagpapalitan ng halik, kumuha ako ng damit sa drawer habang si Taiga naman ay naupo sa kama ko. Huminga ako nang malalim at tumingin kay Taiga bago sinabi ang gusto kong mangyari sa amin.

"Let's stop doing it."

Napatingin na rin si Taiga sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya habang nagbibihis. Nang matapos, humiga ako sa kama at tumingin sa kisame.

"W-What do you mean, Theo?" tanong niya. Humiga na rin siya sa tabi ko na nakatagilid sa akin. Ramdam ko ang mapanuring tingin niya sa akin.

"Taiga, it's not normal for friends yung mga ginagawa natin. Kissing, sucking, and sex. More importantly, we are both male!" pagdadahilan ko. Nakatingin pa rin ako sa kisame. Ayokong makita ang reaksyon niya.

Nang hindi siya magsalita, dinugtungan ko ang sinabi ko. "Magkaibigan tayo di ba?" tumingin ako sa kanya. "We are bestfriends, right?" tanong ko ulit. "Are you doing it to all your friends?" dagdag ko pang tanong. Kumunot ang noo niya.

"Of course not! Sa'yo ko lang ginagawa ito. At sa iyo ko pa lang gustong ginagawa ito."

"Exactly what my point is! Hindi ito ginagawa ng normal na magkakaibigan. We are bestfriends for Pete's sake!" tumingin ako sa kanya at lumunok muna bago sinabi ang gusto ko. "Let's stop doing crazy things. Don't worry, hindi naman ako mawawala bilang kaibigan mo. We are still bestfriends. Alisin lang natin yung mga ginagawa nating hindi normal bilang magkaibigan, okay?"

Nakita ko sa mga titig ni Taiga na tila bang nagtatanong kung sigurado ba ako. Umiwas ako nang tingin sa kanya dahil ayaw kong malunod sa mga titig niya.

"And besides, I will be starting in dating stage. Gusto kong subukang magustuhan yung nirereto ni papa. At ikaw din, you should start serious dating." Sabi ko habang nakatingin sa kisame.

Matagal na namayani ang katahimikan sa amin. Alam kong nakatingin pa rin si Taiga sa akin. Alam mo yung pakiramdam nang may nakatingin sa'yo at naiilang ka? Ganoon ang nararamdaman ko ngayon.

"Is that what you really want?" tanong ni Taiga at tumango naman ako.

"Look at me, say it to me." Dagdag niya.

Napahinga ako at tumingin sa kanyang mga mata. "Yes, that is what I want us to do."

Umiwas ako agad nang tingin pagkatapos kong sabihin iyon.

"Let's be serious in our life now. Hindi na tayo bata. Mas maganda kung mas maaga tayong mag-mature sa buhay." Dagdag ko pa.

Ngumiti nang tipid sa akin si Taiga. Namayani ang katahimikan sa amin. Ilang minuto pa ay nag-aya na ako sa kanya.

"Let's go! Hatid na rin kita sa inyo. Mahihirapan kang lumabas ng subdivision. Wala ka nang masasakyan." Imbita ko.

Tumango si Taiga sa akin. Nagpaalam ako sa pamilya ko na ihahatid ko si Taiga. Nagpaalam na rin naman siya sa pamilya ko.

Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe. Nang makarating sa kanila, nginitian ko siya at tipid na ngiti lang ang iginawad niya sa akin nang magpaalam.

Nang makauwi na ako sa bahay at nakapaghilamos, nakatingin lamang ako sa kisame at malalim na nag-iisip.

Tama lang ang ginawa ko. Hangga't maaga pa ay dapat na itong ihinto na. Nagpakumbinsi pa sa sarili ko na tama lang ang ginawa ko nang maalala ko ang sinabi ni Taiga kagabi na mahal niya yata ako. Hindi man siya sigurado sa nararamdaman niya kagabi, mas sigurado naman ang pagnanais kong itigil ang mga ginagawa naming kakaiba.

Biro man na sinabi niya yun dahil sa ginawa naming mahalay, mas maganda na rin ang sigurado. May nararamdaman man siya o wala, dapat ay alam namin na hindi kami dapat lumagpas sa linya bilang malapit na magkaibigan.

Mas komportable ako sa sigurado ako at hawak ko ang mga nangyayari. Ngayon, sigurado akong dapat ihinto namin ang mga ginagawa naming ito. Magkaibigan lang kami, iyon ang bagay na hindi dapat mahinto at siguradong-sigurado ako.