webnovel

WISH BEFORE THE RAIN

"Miss. Ramea Del Honco!"masayang bungad sa kaniya ng boss niya nang makapasok siya sa office nito.

"Good morning sir cobe"bati din sa kaniya ni ramea.

Umupo sa bakanting upuan si ramea kaharap ng boss niya. Tanging ang maliit na lamesa sa gitna ang pagitan nila.

Matanda na si Mr. Cobe sebastian at alam rin ng lahat na magbibitiw na ito sa puwesto niya bilang presendente ng kompanya. Ngunit papalitan naman siya ng nagiisa niyang anak na lalaki.

"Alam nating dalawa na simula ngayon ay hindi na ako ang inyong presendente sa kompanya ko na ito. At alam mo rin na ngayon dapat ipapakilala ko na ang anak ko na tagapagmana..."saad nito. Tanging pagtango naman ang naisagot ni ramea.

"Hindi na po ako magpapaligoy Ligoy pa Mr. Sebastian...pero lahat po ng magtatatrabaho rito sa company ay nagtataka na kung bakit hindi matutuloy ang pagpapakilala niyo sa anak niyo,sir...hindi po ba siya pumayag maging presedent?"mahinahong tanong ni ramea.

"Ang pinupunto ko lang po ay secretary ako at kailangan ko pong malaman ang mga nangyayari at kung sino po ang magiging boss ko..."dugtong niya pa. Napailing naman at natawa si Mr.sebastian.

"I know,i know na mainipin kang tao at isa yun sa ipinagtataka ko sa ugali mo. Secretary ka pero ang iksi naman ng pasensya mo....pero tama ka naman,bilang secretary ng anak ko..sa iyo ko lang ito sasabihin kaya't nais kong mangako ka na wala nang iba pang makakaalam ng sasabihin ko sa iyo,malinaw ba?"

"Yes,sir. You know for me .Promise is a promise.."tugon ni ramea. Tumango tango naman si Mr. Sebastian.

"My son is in Coma right now. Naaksidente siya kahapon habang sakay ng kotse niya pauwi sa mansion..and I don't know kung paano ko sasabihin sa lahat na ang papalit sa akin ay nasa ospital at hindi alam kung kailan gigising.."matitinigan ang pag aalala sa boses ni Mr. Sebastian. Seryoso siyang tumingin kay ramea na seryosong ring nakatingin s a kaniya.

"I Hope matutulungan mo akong maputol ang ano mang pag aalinlangan sa mga trabahador ng company. At sana makapaghanda ka na rin sa mga paliwanag na gagawin natin upang pagtakpan ang pagudlot sa pagbaba ko sa puwesto bilang inyong presendente ng company.."patuloy pa ni Mr.sebastian.

Napabuntong hininga na lamang si Ramea at tumango. "Ano pa nga bang magagawa ko?"

Isa sa pinaka pinagkakatiwalaan ni Mr.cobe sebastian ang secretary niya na si ramea del honco. Naniniwala kasi si Mr.cobe na malaki ang ambag ni ramea sa kompanya lalo pa't nakitaan niya ito ng aking talino simula ng mag apply ito bilang secretary ng kompanya.

Tatlong taon palang si ramea sa kompanya pero natulungan niya at nakita agad ang mga pwedeng maging dahilan ng pagbagsak ng kompanya kaya't naagapan agad ito. Na ito ring kinabilib sa kaniya ni Mr.cobe.

Gabi na nang matapos siya sa trabaho. Pagod na pagod at hindi alam kung paano uumpisahan ang magandang paliwanag upang hindi maghinala at mawala ang tiwala ng mga nagtatrabaho sa kanilang kompanya.

Paglabas niya ng Building,nakakita agad siya ng mga magjowa na naglalampungan sa dulo ng madilim na kalsada. Napailing na lamang siy at nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa makasakay siya sa taxi.

Nakatulala at nakadungaw lang si ramea sa bintana ng taxi na sinasakyan niya. Para sa kaniya ito ang pinaka malungkot at nakakaawang pakinggan kung sakali mang pagusapan.

Ngayon ang kaarawan ni ramea ngunit kahit isa sa mga kaibigan o kahit boss niya na si Mr.cobe ay hindi naalala ng kaarawan niya ngayon. Kahit isang message na pagbati ay wala siyang natanggap. Sa tingin ni ramea. Wala na talaga siyang puwang sa mundo dahil puro na sakit,lungkot at kasawian ang nagaganap sa buhay niya.

Iniwan siya ng magulang niya noong nakapagtapos na siya ng College. Umuwi sa probinsiya ang magulang niya upang doon na mamuhay ng tahimik,upang makalayo kay ramea na tingin s a kaniya ng magulang niya ay malas. Isang malas na anak na nagdadala sa kanila ng gulo,problema at wala ng tamang nagawa.

Pagkababa niya sa taxi ay tumingala siya sa kalangitan. Madilim at walang bituin,kahit ang buwan ay nagtatago sa na. Natauhan si ramea nang gumuhit sa kalangitan ang kidlat at nag iwan ng malakas na kulog. Uulan na.

Agad siyang pumasok sa condo na tinitirhan niya. Nagtaka siyang mapansing nakabukas ang pinto at napakadilim sa loob. Hinanda niya ang kaniyang sarili at naghanap ng pwedeng magamit ku sakali mang may masamang loob ang nakapasok.

Tanging malaking payong ang nakita niya na galing pa sa kalapit na condo niya. Mahigpit niya itong hinawakan at dahan dahang binuksan ang pinto. Pagpasok niya ay wala siyang makita at marinig na ingay.

Binuksan niya ang ilaw at isang malakas na putok ang sumabog. Napahawak na lamang siya sa kaniyang dibdib dahil sa gulat.

"SURPRICE!HAPPY BIRTHDAY SECRETARY BESHY!"sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan niya. Nagkalat sa sahig ang mga lobo na may lamang chocolate. Iyon pala ang sumabog.

Hindi nakagalaw o kahit makapagsalita si ramea. Gulat parin itong nakatingin sa mga kaibigan at nakakalat na lobo sa kisame at dingding. Nakasabit din sa mga lobo ang mga larawan at alaala na nabuo nilang magkakaibigan.

Hindi na namalayan pa ni ramea ang pagagos ng mga luha sa kaniyang mata. "Hala! Sino nagpaiyak kay ramea?"biro pa ni chelse isa sa mga kaibigan niya.

Niyakap naman siya ng tatlo niyang kaibigan na babae at inalo. "Ano ba yan! Matanda na nagdadrama pa!"pangasar pa ni Dario. Nakatayo ito at nakasandal malapit sa bintana katabi ang dalawa pang kaibigan nilang lalaki.

Kumalas na sila sa pagkakayakap kay ramea na Tumahan narin. Natawa na lamang si ramea sa sarili at pilit na pinipigilan ang pagluha pero sa tuwing naiisip niya na may nakaalala pala sa kaarawan niya ay naiiyak na lamang siya. Hindi sa lungkot kundi sa tuwa.

"Ito na ang birthday cake ng ating loyal secretary!"sigaw mula sa kusina niya. Palapit na ito at gulat na napatingin sa kaniya si ramea.

"Mr.cobe? A-ano Ping ginagawa niyo rito?"

"Hindi na ba ako pwedeng dumalo sa mahalagang araw ng aking secretary?"natatawang saad ni Mr.cobe. Dala nito ang malaking cake na may desinyo po ng mukha ni ramea. Nakasindi na rin ang kandila na numeron ng kaniyang edad. 25.

"Hindi naman mahalaga ang tulad ko.."bulong ni ramea pero mukhang narinig ni Mr.cobe.

"Hindi totoo yan. Dahil isa ka sa pinakamahalagang tao na nakilala ko. Mahalaga ang kaarawan ng kapanganakan mo ngayon dahil kung hindi ka ipinanganak,hindi ko maayos ng mabilis ang problema sa kompanya ko..kaya't huwag mong sabihin na wala kang halaga dahil pinapahalagahan ka namin"pangaral nito kay ramea. Sumangayon naman ang anim niyang kaibigan.

"Tama na ang drama,blow the candle na ramea.."angal naman ni jiro saka ito lumapit at tinuro ang nakasinding kandila.

"Hay naku! Ang sabihin mo gutom ka na naman tsk!"pagtataray sa kaniya ni Jenny.

"Hindi kaya! Matutunaw na kasi yung candle,look"turo muli ni jiro sa kandila. Natutunaw na nga ito.

Mag sasagutan pa sana ang dalaw nang pumagitna na si ramea at naghanda na para sa wish niya bago ihipan ang kandila. Excited lang na nakatingin ang mga kaibigan niya habang unti unti niyang pinipilit ang mata para mag wish.

"Sana makatagpo ako ng taong bubuo sa pagkatao ko hanggang sa makamit ko ang tunay na ligaya sa mundong ito.."

Minulat ni ramea ang mga mata niya saka hinipan ang sindi ng kandila. Matapos mamatay ng apoy sa kandila ay bigla na lamang kumidlat at bumuhos ang malakas na ulan.

Hindi maipaliwanag ni ramea ang naramdaman nang makita Ang pagguhit ng kidlat sa ulap lalo pa ang malas na kulog at tila nakakasakit na butil ng ulan na tumatama ngayon sa salamin ng bintana.

Muling kumulog ng malakas na kanilang ikinagulat. Kasabay ng pagbagsak ng cake na hAwak mi Mr.cobe ang siya ring pag dilim sa paligid. Tanging ang nanggagalaiting kidlat na lamang ang nagsilbing liwanag sa paligid ngunit tila ang huling kidlat na nasilayan ni ramea ang siyang nagpa dilim sa kaniyang ulirat.

Nagising na lamang si ramea nang mapansing maliwanag na ang paligid at napaka ingay na sa labas. Unti unti niyang dinilat ang kaniyang mga mata at tumambad sa kaniyang harapan ang magaspang na pader at gawa sa kahoy na higaan na kaniyang kinauupuan ngayon.

Kahit nagtataka ay nagawa niya pang bumangon upang tignan ang nasa labas. Sumilip siya sa nakauwang na bintana at binuksan ito. Gulat siya sa nakita. Isang malawak na lupain at tila pamilyar na lugar ang kaniyang nasilayan. Na patanong na lamang siya sa sarili dahil sa pagtataka.

"N-Nasaan ako?"