webnovel

Ang Pagsusulit

Editor: LiberReverieGroup

Ibinuhos na ni Luo Feng ang buong konsentrasyon niya sa pagrereview isang buwan bago ang pinakahihintay niyang exams. At nagsimulang tumaas ang tiwala nito sa kanyang sarili noong kumuha na siya ng practice exams.

"Mayroon akong 90% na chansang makakapasok ako sa nangungunang military academy ng Jiang-Nan"

Ito ang nasa isip ni Luo Feng.

Sa June 7 magsisimula ang kanilang exams. Ang kanilang exams ay gaganapin mula June 7 hanggang 9, petsa kung kailan naganap ang Grand Nirvana period.

Sa 1st high school ng Zhi-An region.

Ang lahat ng exams ay magaganap sa iisang eskuwelahan ayon sa rules na ipinatutupad ng China.

"Good luck anak!"

"Huwag po kayong magalala pa"

"Huwag mong bigyan ng sobra sobrang pressure ang sarili mo sweetie"

…..

Dumagsa naman na ang mga exam takers at ang kanilang mga magulang sa labas ng high school para maghintay sa pagbubukas ng testing center. Nakabantay din sa labas ang mga pulis na may bitbit na totoong mga baril.

"Relax ka lang habang nageexam Feng ha. Ayos lang sa amin ng mama mo kahit hindi ka makapasok sa nangungunang military academy. Chill lang!" Nakatinging sabi ni Luo Hong Guo sa kanyang anak habang ito ay tumatawa.

"Ok po" nakangiting sagot ni Luo Feng habang siya ay tumatango.

[DRIP──DRIP──] busina na nanggagaling sa isang maingay na kotse. Kulay itim ito at may aura na pang mayaman. Ito ang pinakabagong 'Sprinting s600', maraming mga pulis ang nakabantay sa paligid nito.

Anim na sigundo lang ang kinakailangan ng 'Sprinting s600' para maabot nito ang bilis na 100km/h. Ang top speed nito ay umaabot sa 500 km/h. Siyempre hindi mawawala ang kasaysayan at pangalan nito na lalong nagpaelegante rito. Ang brand 'Sprinting s600' ay nagmula pa noong Grand Nirvana period. Ito ang dahilan kung kaya ito ang pinipili ng mga matataas na tao sa iba't ibang bansa.

Tatlong tao ang bumaba mula sa kotse. Masaya silang nagkukwentuhan habang naglalakad papasok sa gate.

"Ang kalbo sa kaliwa ay ang Hepe ng Pulis sa buong Zhi-Ang region"

"Ang lalaki naman sa kanan ay ang head ng Board of Education na si Liu"

"Ang lalaki naman sa gitna ay isang 'Fighter' na nagsisigurong ligtas ang area sa paligid ng testing area na pagdadausan ng exam."

Patuloy pa rin ang digmaan sa pagitan ng mga tao at ng mga halimaw hanggang sa mga panahong ito.

Ang isang pangkaraniwang tao ay hindi pinapayagang lumabas sa city limits. Tanging ang mga 'Fighters' lang ang mga nilalang na kayang makipaglaban ng one on one sa mga halimaw.

Ang mga fighter ay nabibilang sa grupo ng mga superhuman ng sangkatauhan.

"Yan pala ang isa sa tinatawag nilang fighter" sabi ni Luo Hong Guo habang nakatingin sa lalaking nasa gitna, "Ang mga fighters ang laging in charge sa kaligtasan ng lahat sa loob at labas ng mga exam center kada mayroong gaganaping exams."

"Fighter"

Tumingin si Luo Feng sa fighter na nakatayo sa harapan ng gate. Mayroong aura ang isang fighter na makapagpapabilis ng tibok ng iyong puso sa tuwing makikita mo ito. Ang mga mata niya ay parang isang makamandag na ahas sa isang malamig na kagubatan. Hindi man lang siya nagpakita nang ni isang ngiti habang naglalakad papunta sa gate. Yumuyuko lang siya sa Chief of Police at sa head na si Liu. Nakikita niyang masyadong tinatamad ang fighter para makipagusap sa ni isa sa mga ito.

"Darating ang araw na makukuha ko rin ang titulo ng 'Fighter'!" Sabi ni Luo Feng sa kanyang sarili.

[KA~~ KA~~]

Dahan dahang bumukas ang malalaking gate ng high school.

Matapos nito ay isang nakabibinging sigaw ang maririnig: "Oras na para pumasok!"

"Oras na para pumasok Feng! Bilisan mo na!" Sabi ni Luo Hong Guo matapos sabihin ni Gong Xin Lan na "Bilisan mo na pumasok anak! Uuwi si mama mo para magluto ng kakainin mo paguwi. Si papa at ang kapatid mo ang maghihintay sayo rito hanggang matapos mo ang exam"

"Ok po"

Nakangiting sabi ni Luo Feng habang itinatango ang kanyang ulo.

"Kuya!" sabi ni Luo Hua habang nakaupo ito sa kanyang wheelchair. Itinaas niya ang kanyang kamao at sinabing "Gawin mo ang makakaya mo kuya!" nakangiting sinabi ni Luo Hua.

"Oo gagawin ko ang makakaya ko Hua!" sagot ni Luo Feng habang ininataas din ang kanyang kamao.

Tumalikod na si Luo Feng at pumila pagpasok sa gate para sa one by one inspection.

Sa loob ng classroom, inilagay nila ang kanilang mga examination certificate at ID sa nakalagay sa itaas na bahagi ng mga armchair nila para macheck ang mga ito ng examiner. Matapos nito ay ibinigay na sa kanila ang mga test papers para magsimulang masagutan ang mga ito.

"Taong 2056 Jiang-Nan City High School Science Exam Version A" ang malinaw na nakasulat sa pinakataas na bahagi ng test paper.

"Ang unang bahagi ay science!"

Binasang Mabuti ni Luo Feng ang mga tanong sa unang bahagi ng exam hanggang makarating ito sa mahahabang babasahing mga problema sa huling bahagi ng pagsusulit sa Science. Binasa niya ito na para bang nakita na niya ito noon. Sinabi ni Luo Feng sa sarili niya na "Hindi naman ganoon kahihirap ang mga problem dito sa exam. Hindi ko rin pala maipapakita ang galing ko sa science bilang advantage. Magfofocus na lang siguro ako sa pagbabasang maigi para hindi ako magkamali sa mga tanong na ito."

Agad na yumuko si Luo Feng at nagsimulang nang sagutan ang kanyang test paper.

...

May tatlong bahagi ang kanilang high school exam: Science, Liberal arts, at mathematics. Ang bawat bahagi ay binubuo ng 250 points. Ang lahat ng ito pag pinagsama sama ay aabot sa 750 points.

Ang parte ng science ay binubuo ng Physics, Chemistry at Biology.

Ang Liberal Arts naman ay binubuo ng Wika, Kasaysayan, politika at geograpiya.

Ang Mathematics naman ay binubuo lamang ng simpleng math.

Matapos ang Grand Nirvana period, ang mga tao ay gumawa ng iba't ibang paraan upang maimprove ang kanilang teknolohiya para magamit sa pakikipaglaban sa mga halimaw. Dahil dito ay natutunan nila ang kahalagahan ng mathematics sa teknolohiya. At ang kahit na sino na gustong pumasok sa larangan ng computer science, biology at physics ay nangangailangan ng malawak na kaalaman sa mathematics.

Kaya-----

Ang mathematics ang isa sa mga naging pinakaimportanteng bahagi ng kanilang edukasyon. Mayroong kahinaan si Luo Feng pagdating sa Liberal Arts, pero nabawi naman ito ng kanyang talento sa larangan ng mathematics.

June 7 : Science

June 8: Liberal Arts

Hindi namamalayan ng lahat na dumating na pala ang huling araw ng exam. Ang ika siyam ng Hunyo.

...

Sa loob ng testing classroom ay ibinigay na isa isa ang mga test paper para sa huling bahagi ng exam, ang mathematics.

"Ang natitira na lang ay ang exam sa mathematics" sabi ni Luo Feng habang humihinga ng malalim "Hindi naman gaano ganoon kahirap ang exam sa science, tama lang naman ang naging performance ko sa exam ko sa Liberal Arts. Sa madaling salita, medyo tama lang ang nakuha ko sa dalawang naulang mga exam na iyon, hangga't hindi ko lolokohin ang exam ko sa math ay nakasisiguro ako na makakapasok ako sa nangungunang military academy sa Jiang-Nan."

"Kaya ko to!"

Matapos niyang magpalakas ng loob sa kanyang sarili ay yumuko na siya para sagutan ang exam.

Nagkaroon ng nakabibinging katahimikan sa loob ng classroom. Nagsimula na ring magkunutan ang mga noo ng mga estudyanteng nagsasagot sa exam. Nagpapakita ito na napakahirap talaga ng mga tanong sa exam na iyon. At kahit kailan ay hindi na naging madali ang mga exam sa mathematics mula nang matapos ang Grand Nirvana Period. Ang exam na ito ang pumipili sa mga taong magpapaunlad ng mga teknolohiyang ginagamit ng sangkatauhan na madalas na nagagamit sa paglaban sa mga halimaw.

"Mahirap nga talaga ito" Kahit na si Luo Feng ay nakaramdam ng hirap sa mga tanong sa kanyan test paper""Mas mahirap pa ito sa mga tanong na lumabas sa exam noong nakaraang taon! Kung gayon ay… The harder the better!"

Kung madali ang mga tanong sa exam na ito ay hindi maipapakita ni Luo Feng ang natatangi niyang galing sa mathematics. Dahil ang mga mas mahina sa kaniya pagdating sa math ay maaaring makapuntos ng umaabot sa 220 points habang ang score niya naman ay maaaring umabot lamang sa 230 points.

Pero kung ang mga tanong ay mahirap,

Ang mga mahihina sa kanya ay kakayanin lamang makaiscore ng 150 points habang siya naman ay kayang makakuha ng umaabot sa 210. Makikita rito ang kanyang advantage labang sa mga mas mahihina kaysa sa kanya pagdating sa mathematics.

[PA!] isang malakas na nakakadistract na tunog ang maririnig.

Napatingin ang examiner sa pinagmulan ng tunog. Nakita niya ang isang estudyanteng naputulan ng kanyang ballpen. Nakakunot ang noo nito at nagngingis ang mga ngipin nito sa sobrang hirap ng mga tanong sa exam. Matapos noon ay kumuha siya ng panibagong ballpen at nagpatuloy sa pagsasagot.

"Habang tinitingnan ko pa lang ang mga mukha ng mga estudyanteng ito na nagsasagot, masasabi ko nang mahirap nga ang mga tanong sa mathematics ngayong taon." Sabi ng examiner sa sarili niya.

Nakakunot ang mga noo at napakalalim ng mga iniisip ng mga estudyanteng nagsasagot ng kanilang exam sa loob ng classroom sa mga puntong iyon. Ang iba pa nga ay nagsimula nang maluha sa sobrang nerbiyos sa hirap ng kanilang sinasagutan.

Ang iisipin na lamang ng mga estudyanteng talagang mahina sa math ay…. Hindi ko kaya itong tanong na ito, Hindi ko rin kaya itong sumunod na tanong, lalong hindi ko kaya itong pangatlong tanong….. Parang mahihimatay na itsura ng mga estudyanteng nakatigin sa test paper at sinusubukang sumagot sa mga mahihirap na tanong ng mathematics.

Matapos ang isang oras sa loob ng testing classroom.

Ang oras na nakalaan para sa exam sa mathematics ay 2.5 na oras.

Natapos na sa mga oras na ito si Luo Feng sa 'multiple choice' at 'fill in the blank' na bahagi ng exam sa mathematics. Ang natira na lamang ay ang limang mahahabang problem solving questions na may kabuohang score na 160 points. Dito makikita kung gaano talaga kahusay ang isang estudyante sa larangan ng mathematics.

"Napakahirap lalo ng mga tanong sa problem solving na katumbas ng lagpas sa kalahati sa kabuohang score sa mathematics." Buntong hinigang sabi ni Luo Feng "Hindi ko na nga masagutan ang dalawa sa mga tanong sa fill in the blank. Ang apat pa sa mga mahahabang tanong na ito ay katumbas ng 30, 40 points!"

Sa limang problems sa calculation, ang apat sa mga ito ay katumbas ng 30 points habang ang pinakahuling tanong naman ay katumbas ng 40 points.

"Hm?" Agad na hinarap si Luo Feng ng pagsubog habang sinusubukan niyang intindihin ang unang problem sa calculation.

Nagpatuloy si Luo Feng sa pagiisip at pagsosolve gamit ang kanyang scratch paper.

"Oo tama, kailangan ko palitan ito dito, baliktarin to, at ayan! Nagawa ko siyang baguhin papunta sa gusto kong mangyari!" kumislap ang mga mat ani Luo Feng at nagsimula na niyang isulat ang kanyang mga sagot. Heto! Dito! Ayan! Kung iisipin mo, napakadali lamang isolve ng mga problemang iyon sa exam. Natapos ni Luo Feng ang isang tanong sa calculation part ng isang hingahan lamang at nagsulat muli para idouble check ang mga sagot niya.

"Tapos na rin sa wakas sa unang tanong." Tumingin si Luo Feng sa kanyang relo at nagulat, "Inabot ako ng 20 minutes sa unang tanong pa lang? kailangan ko nang magmadali para matapos ko ang exam sa oras!"

Yumuko muli si Luo Feng at sinagutan ang ikalawang tanong.

Matapos makita ang tanong ay naramdaman ni Luo Feng na may kadalian ang tanong at nagsimula na siyang magcompute sa kanyang scratch paper.

"Hm, may mali"

Nararamdaman ni Luo Feng na hindi tama ang paraan niya ng pagcocompute at nagsimulang kumunot ang noo niya. Lumipas ang oras at sinusubukan niya paring sagutan ang pangalawang tanong, "Oo ganito dapat iyon, pero paano ko mapapatunayan yung kasunod na sagot ko?" Isip ni Luo Feng habang sinusubukang sagutan ang tanong sa lalong madaling panahon.

"Bilis, bilis, bilis, Hindi ako puwedeng magsayang ng oras sa pagsagot sa iisang problem. Paano ko mapapatunayan ito?" Isip ni Luo Feng habang ito ay kinakabahan ng sobra.

Sa mga oras na ito----

Ang pulse meter sa relo ni Luo Feng ay nagsimulang tumaas.

120...125...130...140...150...

"Malapit naaa…. Kailangan ko na lang maprove to para makuha ko ang 30 points ko. Paano ko nga ba nasolve tong tanong na to?" Isip ni Luo Feng habang lalo pa itong kinakabahan ng husto. Kailangan mong matuto na imanage ang oras mo pagdating sa mga exam, pero iba na ang usapan sa parting iyon ng mathematics exam. Malaki ang makukuha mong mga puntos sa pagsagot dito kaya hinahayaan ng iba na gumamit ito ng malaking bahagi ng oras nila sa buong pagsusulit. At kahit na sinong high school student na gustong makakuha ng napakataas na score ay hindi puwedeng palampasin ang karamihan dito.

Masyadong nakafocus si Luo Feng sa kanyang test paper kaya hindi nito napansin ang kanyang pulse meter.

160...170...180...

Naramdaman na rin ni Luo Feng na tumataas ang kanyang heartbeat nang sobra sobra, pero binalewala niya lang ito sa pagaakalang kaba lang ito na kanyang nararamdaman dahil sa mga mahihirap na tanong sa exam.

[THUMP THUMP THUMP] At saka naramdaman ni Luo Feng na parang may sumusuntok sa puso niya. Nagsimula narin siyang mahilo hanggang sa narealize niya na "Ano ang nangyayari sa akin? Bakit napakasakit ng dibdib ko? Lalo na ng puso ko?" Tanong ni Luo Feng bago ito yumuko para tingnan ang pulse meter sa kanyang relo.----

230!

At biglang namutla ang buong mukha ni Luo Feng nang makita niya ito. Mulo noong siya ay macoma noong 12 taong gulang siya at bumili ng relo na ito, hindi niya pa nakikitang lumagpas ang kanyang pulso ng humigit sa 180.

"Hindi ko na kaya to" Nararamdaman ni Luo Feng na parang gustong lumabas ng puso niya sa kanyang dibdib. Mabilis ding dumaloy ang dugo sa mga ugat ni Luo Feng papunta sa utak nito hanggang sa makarating doon ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib----

"Ah, ah" Hindi niya na rin makontrol ang boses niya sa mga oras na ito.

"Iho may problema ka ba?" tanong ng examiner habang gulat na gulat itong nakatingin sa kanya matapos nitong tumakbo para lapitan siya.

Nagmuka siyang parang malapit nang duguin, nararamdaman niya na malapit nang pumutok ang mga ugat niya sa ulo hanggang sa kanyang mga braso kasama ng kanyang puso. Nagmukhang katakot takot ang buong katawan niya.

"Hindi puwede, Hindi----- HINDI, pakiusap bumagal ka, bumagal ka pakiusap!" Sigaw sa isipan ni Luo Feng. Nararamdaman na niya kung ano ang mga susunod na mangyayari sa kanya habang nakatingin sa kanyang pulse meter.

"236...242...251...!"

[THUMP THUMP THUMP]

Maririnig na ang tunog ng pagtibok sa kanyang puso ng mga taong malalapit sa kanya sa sobrang lakas nang pagtibok nito. Gayundin ang pagragasa ng kanyang dugo sa kanyang mga ugat.

Habang tuluyang nahihilo ay nakita niya ang numerong '268' at tuluyan na siyang nawalan ng malay sa sobrang sakit na naramandaman niya. Bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay ay narinig niya ang----

"Iho! Iho! Gising! Gumising ka! Bilisan niyo, tumawag na kayo ng ambulansya!"