webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Geral
Classificações insuficientes
557 Chs

Chapter 7

"This is heaven!" usal ni Fridah Mae habang sina-shampoo ang buhok niya ng Stallion Shampoo and Conditioner.

Humagikgik si Jenna Rose na nasa tabi lang niya at nagpapa-shampoo rin. "Shampoo pa lang iyan pero parang nasa langit ka na, ha?"

"Kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ko, langit talaga ito," sabi niya at pumikit. Dinalaw niya ito sa boutique nito sa Stallion Riding Club. At naging ritwal na nila na magpa-salon kung di lang din naman ito busy sa trabaho.

"Ano ba naman ang hair mo, Miss Fridah? Parang sampung taon ka yatang di nakatikim ng shampoo," sabi ng baklang staff na nagsa-shampoo sa kanya. "Ang gaspang ng buhok mo. Di naman iyan ganyan dati."

"Naubusan ako ng Stallion Shampoo. Sa liblib na lugar ako sa Guatemalla nadestino. Napilitan akong gumamit ng gugo. Paki-shampoo na lang mabuti para maramdaman kong buhok nga ang nasa ulo ko at hindi buhok."

Nagtatrabaho na siya ngayon sa Amnesty International. Kung saan-saang bansa siya nadedestino. Naging pangarap na kasi niya na mag-lecture sa iba't ibang klaseng tao ng tungkol sa Human Rights Education. Kaya nanatili siya sa organization nang makatapos siya college. Kadalasan ay sa mga liblib na lugar siya napapapadpad at dilemma na niya na maubusan ng shampoo.

Tumawa ulit si Jenna Rose. "Hindi ko maisip na mapapasok ka sa ganyang klase ng profession, Fridah Mae. Hindi ba lamang ka ng sampung paligo sa akin pagdating sa kasosyalan noong nagkakilala tayo sa concert nila Jed? Tapos heto umaakyat ka ng mga bundok. At naranasan mo pang maggugo."

"At least nakita ko kung ano ang purpose ko sa mundo."

Di tulad dati na wala na siyang ibinigay sa pamilya niya at lipunan kundi sakit ng ulo. Kahit paano ay taas-noo na ang mga magulang niya kapag may nagtatanong tungkol sa kanya. Isa daw siyang karespe-respetong international human rights volunteer. Na nagsasakripisyo daw siya para sa kaparatang pantao.

"Sana naman dito ka na sa Pilipinas magpadestino," sabi ni Jenna Rose. "May concert si Jed. Miss na ng banda ang kagandahan mo. Kahit daw marami pa silang fans, ikaw pa rin ang original para sa kanila."

Nobyo na ngayon ni Jenna Rose ang kinabaliwan nilang The Switch vocalist na si Jason Erwin Dean. Tanggap niya na si Jenna Rose talaga ang gusto ni Jed. No hurt feelings. Matagal nang lumipas ang kagagahan niya kay Jed. Kahit nga si Jed ay nagulat dahil matured na siyang mamamayan.

"Isang buwan ang bakasyon ko bago na naman nila ako ipadala sa kung saang bahagi ng mundo. At dito muna ako sa Stallion Riding Club."

Saglit lang niyang dinalaw ang mga magulang at kaibigan sa Zamboanga. Mayor na doon ang Kuya Jeffrey niya. Sa dami ng parties at activities na involve ang pamilya niya, pinili niyang umalis doon agad. Di siya makakapagpahinga. Gusto niya ng katahimikan kaya pinili niya ang Stallion Riding Club.

"Magpataba ka na rin. Sa dami ng ginagawa mo, di ka na nakakakaing mabuti. Pinsan mo naman ngayon ang may-ari ng Lakeside Café."

 "Mas mag-e-enjoy ka kapag may boyfriend!" tili ng bading na hair stylist.

Napangiti na lang siya. Kung mga guwapo ang pag-uusapan, Stallion Riding Club ang pinaka-perpektong lugar para doon. It was an exclusive club for young gorgeous men. Doon na yata nag-ipon-ipon ang mga guwapo sa Pilipinas. Kumpleto kasi ang facilities ng riding club. Di lang ito nagke-cater sa mga horse lovers. Ideal din ito sa bakasyon at business activities. Ang iba nga ay ginawa na iyong bahay. Di rin basta-basta nakakapasok ang kahit na sino kung walang imbitasyon o permiso ng isa sa mga miyembro. Kaya naman maraming babae ang gustong makapasok sa riding club dahil sa mga nagguguwapuhang lalaki.

"Saka na natin pag-usapan ang mga boys, ha? Pagandahin mo muna ako."

Hindi na rin naman siya bumabata. Twenty-three na siya. At kahit minsan ay di pa siya nagkaka-boyfriend. May mga nagpapahaging naman sa kanya sa mga lugar na napuntahan niya o kahit kapag umuuwi siya sa Zamboanga. Pero lagi pa rin niyang naiisip ang masungit na Johann. Bigla ay nagustuhan niya ang mga intelihenteng masungit pero tahimik.

"Frids, di kita masasamahan sa Lakeside Café. Bigla kasing nag-set ng appointment ang isang client ko sa kabilang boutique. Babalik ako sa Manila," sabi ni Jenna Rose matapos nilang magpa-treat ng buhok.

Humalik siya sa pisngi nito. "Magkita na lang tayo bukas. Isang linggo naman ako dito sa riding club bago ako bumalik sa Zamboanga." Sa guesthouse siya ng riding club tutuloy at naka-charge sa pinsan niya.

"Babawi na lang ako pagbalik ko. Horseback riding tayo nila Jed."

Ihinatid siya nito sa Lakeside Café. Sinalubong siya ng pinsan niyang si Richard Don at Mark Ashley. Si Richard Don ang bagong may-ari ng Lakeside Café. Habang si Mark Ashley naman ang official na chopper pilot ng riding club. Ilang buwan pa lang na nagiging miyembro ang dalawa.

Niyakap siya ni Richard Don. "Welcome back to civilization, cuz!"

Natawa siya. Iyon kasi ang bati nito sa kanya tuwing magkikita sila. Lagi kasing napa-fascinate ang mga ito sa lugar na walang kuryente o mall. Palibhasa ay city life ang kinakalakihan ng dalawa.

"Mukhang na-detoxify ka na bago ka tumuloy dito," nakangising sabi ni Mark Ashley nang yakapin siya. "Gusto pa mandin kitang maamoy nang di pa nawawala ang amoy-lumot sa iyo."

Kung anu-ano kasi ang sinasabi nito tuwing nagkikita sila. Nang manggaling siya sa Africa ay amoy-disyerto daw siya, nang sa landslide prone na Peru ay amoy-putik daw siya at ngayong galing siya sa gubat ay amoy-lumot.

Hinampas niya ito sa braso. "Kahit kailan mapang-inis ka! Kumusta naman ang buhay ninyo dito sa riding club?"

"Halos sambahin kami dito," sabi ni Richard Don at umupo sa rattan couch. "Masaya daw sila na nadagdagan ng mga guwapong tulad namin."

"Singit ka lang kasi kasama kita.Ako talaga ang guwapo," sabi ni Mark Ashley.

"Bakit? Ikaw lang ba ang anak ng Diyos?" angal ni Richard Don.

Napailing na lang siya. Laging magkasama ang dalawa mula bata pa. Sabi nga ay mas malapit pa ang dalawa kaysa sa totoong kapatid ng mga ito. Kambal-tuko. Nagtataka lang siya kung bakit di maubos ang bangayan ng mga ito.

"Pwede ba mamaya na lang kayo magkulitan? Gutom na ako. Pahingi  naman ng menu? Ano bang makakain dito sa restaurant mo?" tanong niya kay Richard Don.

"Oo nga pala. Sawa ka na sa mga patatas at baging sa Guatemala," sabi ni Richard Don at tinapik ang ulo niya. "Kawawa ka naman."

"Hindi ako kumakain ng baging!" nanghahaba ang nguso niyang sabi.

"Um-order ka ng kahit anong gusto mo. Bahala si Richard Don sa iyo," pabulong na sabi ni Mark Ashley.

"Itsa-charge ko sa iyo, Ash," sabi ni Richard Don.

"Bakit sa akin mo itsa-charge? Ikaw na nga ang may-ari nito," angal ni Mark Ashley. "Saka parang di mo ako pinsan. Pati ako sinisingil mo."

"Business is business. Kakain ka rin naman. Saka guwapo ka naman, di ba?"

Binigyan ng bear hug ni Mark Ashley si Richard Don. "'Insan, mas guwapo ka naman sa akin kaya huwag mo na akong singilin."

"Nami-miss ko tuloy ang kakulitan ninyo," sabi niya habang pinagmamasdan ang dalawa."Makakahanap kaya ako ng kasing guwapo nyo para maging boyfriend?"

"Wala ka pa ring boyfriend?" tanong ni Richard Don.

Daily updates na po tayo sa Stallion Boys kaya huwag kalimutang mag-alay ng gifts.

---

Gusto mo bang mabasa ang iba pang Stallion Boys in print with signature? Order here:

Facebook: My Precious Treasures

Shopee: www.shopee.ph/sofiaphr

Sofia_PHRcreators' thoughts