webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Geral
Classificações insuficientes
557 Chs

Chapter 7

"Papa! Papa!"

Halos di maputol ang pananaghoy ni Monica habang nakatitig si Keira sa walang buhay na katawan ni Felipe. Blangko ang isip niya, walang emosyon ang mga mata bagamat naglulukso. Ni hindi niya magawang umiyak. Manhid na siya.

She witnessed how the horse trampled her uncle. Nang itakbo nila ito sa ospital ay siya ang nasa tabi nito. Binawian din ito ng buhay matapos ang ilang oras.

"Monica, tahan na," pang-aayo niya sa pinsan.

"Sabi ko sa kanya huwag na siyang sasakay ng kabayo. Ibenta na lang niya itong rancho. Doon na lang kami sa Manila. Pwede naman kaming mabuhay nang maayos doon dahil may trabaho ako. Pero mas pinili pa rin niya itong rancho at ang mga kabayo kaysa sa akin na anak niya. Bakit ganoon si Daddy?" hinanakit nito.

"I am sorry. Hindi ko siya nabantayang mabuti." Nasa responsibilidad niya ang tiyuhin niya. Sana ay mas naging matigas siya dito. Di rin sana niya ito iniwan para sagutin ang tawag ni Eiji. Kasalanan niya ang lahat.

Nagtagis ang bagang nito. "Iwan mo muna ako."

Mabigat ang loob niya nang iwan ito at hinarap ang mga bisita. Di makausap nang maayos si Monica. Hanggang ngayon ay di pa rin nito tanggap na iniwan ito ng ama. Hindi niya magawang ma-depress. Kailangan niyang maging malakas para sa bawat isa sa rancho na itinuring nang ama si Felipe.

Ihinatid niya ang isa sa mga bisita sa labas nang makita niya si Eiji na bumaba ng sasakyan. Dali-dali siya nitong niyakap. "Keira, are you okay? Sabi ni Aling Pining naaksidente daw ang uncle mo. Pumunta agad ako pagkagaling sa airport. Ni hindi mo sinabi sa akin na patay na siya."

She went still when he took her in his arms. Sa ilang sandali ay nakaramdam siya. His warmth gave her comfort. Parang gusto niyang manatili na lang sa bisig nito. "Sorry. Magulo na kasi ang isip ko noon." Ayaw niyang makaapekto iyon sa paglalaro nito. "Nanalo ka ba?"

Tumango ito. "Oo. Pero kung alam ko lang nang mas maaga, kahit siguro I-forfeit ko na lang ang laro ko. Nag-aalala ako sa iyo."

Tiningala niya ito. She could see pure concern in his eyes. Isasakripisyo ba nito ang laro para lang sa kanya? Ganoon siya kaimportante dito? "I am really okay. Mabuti na dalhin na kita kay Monica."

Bahagya siyang lumayo dito at hinayaang lapitan si Monica nang mag-isa. "Monica, I am sorry about your father."

Humahagulgol na yumakap si Monica dito. "Eiji, iniwan na ako ni Papa. Wala na siya. Paano na ako ngayon?"

May kumurot sa puso niya habang magkayakap ang mga ito. Tumalikod siya. Mas kailangan ni Monica si Eiji nang mga oras na iyon. Nakadama siya ng panlalamig. Nagbabanta rin ang luha sa mga mata niya.

"Manang Pining, kayo na po ang bahala dito," bulong niya dito habang nagsisilbi ito ng pagkain at dali-daling lumabas. Hindi na niya narinig pa ang sinabi nito habang sinusubukan siyang habulin. Malabo na rin ang tingin niya sa mga bisita na nakakasalubong niya para makiramay.

Mabigat na mabigat ang dibdib niya nang makarating siya sa kuwadra. Hinaplos niya ang kahoy na harang. Ilan sa mga kabayo ay nahihimbing na. Ang ilan naman ay gising pa. Siya lang ang tao doon.

Umupo siya sa dulo at niyakap ang tuhod. Malaya niyang hinayaan ang pagdaloy ng luha niya. Nang mamatay ang magulang niya, doon din siya tumatakbo para umiyak. Lagi din siyang natatagpuan ni Felipe para aluin. Pinunan nito ang pagkawala ng mga magulang niya. Ngayon ay ito naman ang nawala. Di niya alam kung paano magsisimula nang wala na ito para alalayan siya.

"Keira, bakit mag-isa ka lang dito?" tanong ni Eiji na nasa bungad ng kwadra.

"Iyon mismo ang gusto ko. Ang mag-isa," aniyang nakayukyok pa rin. Anong ginagawa nito doon? Dapat ay si Monica ang kasama nito at inaalo nito.

Umuklo ito sa harap niya at ginagap ang kamay niya. "Hindi mo naman kailangang mag-isa. Kaya nga ako nandito para samahan ka."

Nang yakapin siya nito ay parang dam na bumigay ang iniipon niyang emosyon. Di na niya mapigilan ang sarili na umiyak. Na ipakita ang lahat ng takot at hinagpis na narararamdaman niya. "Nakita ko kung paano siya namatay, Eiji. Kung paano siya tinapakan ng kabayo. Ni wala akong nagawa para tulungan siya."

"Hindi mo naman kasalanan ang nangyari," bulong nito sa kanya.

"No. Kasalanan ko. Dapat binantayan ko siyang mabuti. Kung alam ko lang na magpipilit pa rin siya, sana ako mismo ang nagbalik sa kanya sa bahay."

Hinaplos nito ang buhok niya. "Walang naninisi sa iyo kaya huwag mo ring pahirapan ang sarili mo. Aksidente ang nangyari at hindi mo ginusto."

Bahagyang humupa ang nararamdaman niyang galit sa sarili sa mga salita ni Eiji. Dati rati ay sa kay Felipe lang siya naglalabas ng nararamdaman. Ayaw niyang ipagkatiwala sa iba ang laman ng puso niya. Pero kay Eiji, parang madali para sa kanya na sabihin kung ano ang niloloob niya. Madali para sa kanya na umiyak.

Ilang sandali siyang nanatili sa mga bisig nito. Walang sinuman sa kanila ang gumagalaw o nagsasalita hanggang humupa ang pag-iyak niya.

"Mami-miss ko siya," nausal niya matapos ang ilang sandali. "Siya ang naging magulang ko nang maulila ako. Siya ang mentor ko sa lahat ng nalalaman ko sa horse training. Natuto akong mahalin ang trabaho ko dahil mahal din niya ang propesyon niya. Pero ngayon wala na siya."

"It must be a shock to you to witness his death. Pero gugustuhin niya na maging matibay ka para sa kanya."

"Alam ko. Kaya nga hindi ako umiiyak. Ayoko naman talagang umiyak at lalong ayokong may makakita sa aking umiiyak ako kaso…" Nangilid ang luha niya at mabilis niyang pinunasan ito. "Ano… Hindi naman talaga ako iyakin."

Bahagya itong tumawa. "HIndi mo naman pwedeng pilitin ang sarili na huwag umiyak. Hindi dahil umiiyak ka, ibig sabihin mahina ka. Sometimes it makes us stronger. Cry if you want, Keira. You don't have to be the tough boss. Nobody is asking you to be one. Just cry and grieve all you want. I am here to comfort you."

Nang yakapin siya nitong muli, ipinikit na lang niya ang mga mata. Payapa na ang pakiramdam niya at handang harapin ang lahat habang yakap siya nito. Umiyak nga siya pero di niya naramdaman na mahina siya. She felt stronger than before. Kay Eiji siya humuhugot ng lakas niya.