webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Geral
Classificações insuficientes
557 Chs

Chapter 5

"BYE, Tay. Pupunta na po ako sa UP."

Hinalikan ni Jemaikha ang amang si Elpidio sa noo. Nakataray ito dahil sa liver cancer na natuklasan nila noong taon. "Enrollment na ba ninyo? Pasensiya ka na kung wala akong maiaabot sa iyo," anitong hirap magsalita.

"Okay na po iyon. Basta po magpagaling kayo."

Sa isang linggo pa ang enrollment niya pero kailangan niyang magtanong-tanong sa mga professor at kakilala kung may maiaalok na trabaho sa kanya ang mga ito. Wala pa rin kasing sagot sa pinost niya sa bulletin board.

"Ikaw na ang nagtatrabaho para sa atin," malungkot na sabi nito.

"Tatay, huwag po kayong magi-guilty. Alam ko naman na kung gugustuhin ninyo, kayo ang magtaguyod sa amin. Magagawa po ninyo ulit iyan paggaling ninyo. Hindi naman ako tumigil sa pag-aral, di po ba? Scholar pa rin ako. Honor pa si Robin."

She was running out of options. Gusto niyang makapagtrabaho bilang freelance translator kung saan di niya kailangang pumasok sa opisina. Niyayaya na siya ng mga kaklase na maging online translator pero tinanggihan niya dahil priority niya ang pag-aaral. Nakita kasi niya kung paanong di nakakapasok ang iba sa mga ito klase dahil mas priority na ang pagtatrabaho. At ilan sa mga ito ang titigil na sa pag-aaral. Ang matataas na grades niya ang nagpapasaya sa ama niya kaya ayaw niyang sukuan ang pag-aaral.

"O! Magdadrama po ba kayo na mag-ama? Ang aga namang telenovela. Umalis ka na at baka ma-traffic ka pa," pagtataboy ng tiyahin ni Paloma sa kanya.

Maayos ang buhay nila dati hanggang magkasakit ang ama niya. Ngayon ay tiyahin na nila ang katuwang. Mula sa probinsiya ay lumuwas ito para tumulong sa pag-aalaga sa tatay niya at sa kanilang magkapatid. May bukid na pinauupahan ang tiyahin niya sa probinsiya at iyon ang pantustos sa pagpapagamot sa tatay niya.

"Kayo na po ang bahala sa Tatay. Tulungan mo si Tiya dito," bilin niya sa kapatid na naglilinis ng sahig. "Baka mamaya kasama ka sa mga tambay diyan sa kanto na ang ginawa lang maghapon ay mag-abang ng magagandang babae."

"Oo, Ate. Magbabait ako. Ikaw ang magbabait. Baka bigla kang mag-boyfriend," panunukso ng kapatid sa kanya.

Pinanlakihan niya ito ng mata at inambaan ng suntok bago lumabas ng bahay. Wala na ngang makain, magbo-boyfriend pa. She didn't have the luxury to date. Mahalaga sa kanya ang pag-aaral niya. She loved UP. Bata pa lang siya ay doon na niya pangarap mag-aral. At excited na siyang bumalik sa eskwelahan.

May kasama ring pag-aalinlangan dahil kailangan niya ng trabaho. Nagpatulong na siya sa mga kakilala at nag-ask ng recommendation sa agency ng professor niya.

Dasal lang. Magkakaroon din iyan. Samahan lang ng dasal.

Pagbaba sa jeep sa overpass sa Philcoa ay naglakad siya papunta sa terminal ng jeep papasok ng UP. Natigilan siya nang makita ang isang matangkad na lalaki na pinagkakaguluhan ng mga batang kalye. Pawang nakalahad ang kamay ng mga ito sa lalaki. Madudungis ang mga ito, nakayapak ang iba at parang ilang araw nang hindi naliligo.

"Son Gokou, give me money!" sabi ng isang bata at naggayahan na na ang iba.

"Me! Me! I want money," anang isa pa.

Hindi sana papansinin ni Jemaikha ang mga ito dahil normal naman nang pagkulumpunan ng mga batang kalye ang mga nagbibigay ng limos sa mga ito. Kapag nagbigay sa isang batang kalye, maggagayahan din ang iba. Hanggang mapagmasdan niyang mabuti kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga batang kalye - si Hiro.

Tatlong araw na ang nagdaan mula nang makulong sila sa elevator. Akala niya ay hindi na sila magkikita ulit. Anong ginagawa nito sa Philcoa? Mag-isa lang ba ito? Nasaan ang bruhang girlfriend nito?

"Food only. Okay?" anang lalaki at inabutan ng cupcake ang mga ito. May feeding program ba ang lalaki?

Napansin ni Jemaikha na may mga batang dismayado sa natanggap na pagkain. "Money! I want money," sabi ng isa at inabot ang bag ni Hiro.

"Hoy! Hoy! Hoy!" sabi ng lalaki at pumihit nang maramdaman na may kumukuha ng bag nito. Hindi marahil nito alam kung paano sasawayin ang mga bata.

"Hoy, bata!" bulyaw ni Jemaikha at lumapit sa mga ito. "Anong ginagawa ninyo? Binigyan na kayo ng pagkain, kailangan pang pati pera? Di man lang kayo mag-thank you?"

"Pero marami naman siyang pera. Bigyan na lang niya kami," sabi ng pinakamalaki sa mga bata na sa tantiya niya ay nasa dose na.

"Huwag na kayong manghingi at mapasasalamat kayo! Gusto ba ninyo huwag na kayong makaulit na bigyan?" tanong niya at pinanlakihan ng mata ang mga ito. Umiling ang mga ito. "Sabihin ninyo, "arigatou gozaimasu"." At yumuko.

"Arigatou," sabay-sabay na sabi ng mga bata at nagsiyuko rin gaya niya.

Ngumiti si Hiro. "Douitashimashite," sabi naman ng lalaki at ginulo pa ang buhok ng ibang bata.

Bumanat pa ang pinakamalaki sa mga ito. "Maraming salamat, Kuya. Ang sungit ng girlfriend mo." At biglang nagtatakbo palayo. Nagtawanan ang ibang bata at nagsunuran sa tumatayong leader ng mga ito.

"At ang mga lokong ito. Halika nga dito. Bumalik ka!" bulyaw niya at inambaan ito ng suntok.

"Omoishiroi desu (You are funny)," sabi ni Hiro na lalong gumuwapo habang tumatawa.

Nakakatawa daw siya. Siya na nga ang nasabihan ng masungit dahil sa pagtatanggol dito, ginawa pa siyang katatawanan. Uminit tuloy ang ulo ni Jemaikha. Hindi man lang nito naisip kung gaano kadelikado ang wallet nito kanina. Nagagawa pa nitong tumawa.