webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Geral
Classificações insuficientes
557 Chs

Chapter 3

"Oh! You really look pretty, darling. Kamukhang-kamukha kita noong kabataan ko," sabi ni Evita nang sunduin siya sa kuwarto niya.

"Ma, kailangan ko po bang mag-dress? Di naman party ang pupuntahan ko. I will just watch a play," reklamo niya. She was wearing a fuchsia pink sheared dress. Parang overdressed na siya para sa okasyon.

"Silly. Date ninyo ni Johann. You should look beautiful." Kinuha nito ang brush at sinuklayan ang buhok niya. "I really like that young man Johann. He is intelligent and nice. He has a character. So don't do anything stupid to jeopardize your date, Fridah Mae. Huwag mo kaming ipapahiya sa kanya."

"Yes, Mama," sang-ayon na lang niya. Di naman masama kung isipin ng mga ito na magde-date nga sila ni Johann. Mukhang namang natutuwa ang mga ito. Huwag lang sanang malaman ni Johann at baka tumakbo ito pauwi.

Pagbaba niya sa sala ay naroon na si Johann at kausap ang Papa niya. Kinamayan ni Sergio si Johann. "Ikaw na ang bahala sa anak ko, CJ. May tiwala naman kami sa iyo."

"Thank you, Tito. We are leaving, Tita," paalam ni Johann.

"Have fun!" anang si Evita at ihinatid sila ng tanaw habang papalayo ang kotse ni Johann.

"Thank you, ha?" basag niya sa nakakatulig na katahimikan sa loob ng sasakyan nito. Kung di kasi siya magsasalita ay tiyak na pareho silang mapapanisan ng laway. "Mabuti na lang wala kang ka-date. Para hindi ka malungkot, isipin mo na lang nagde-date tayo."

"Anong sabi mo?" tanong nito sa mataas na tono.

Napangiwi siya. Bad words. Sabi na nga ba niya't magagalit ito. "Ito naman! Violent reaction agad. Di ka na mabiro."

"Alam ng buong Zamboanga na hindi kita ide-date. Tandaan mo nagmamagandang-loob lang ako sa iyo."

Humalukipkip siya. "Oo na. Huwag mo nang ipagdiinan."

Kulang na lang ay sabihin nito na di bagay ang kagandahan ng isang diyosang tulad niya sa kasungitan nito. She deserved someone better. Humalakhak siya.

"Baliw ka ba?" nakakunot ang noo nitong tanong. "Tumatawa kang mag-isa."

"Gusto ko lang tumawa. Masama ba?" asik niya. Sa kasungitan nito, bagay nga itong prinsipe ng mga lamanglupa.

"Maging normal ka nga habang kasama mo ako. Bagay pa mandin sa iyo ang fuchsia. Sayang naman ang suot mo kung hindi mo aayusin ang sarili mo."

"Talaga? Maganda ako kapag nakasuot ng fuchsia? Sabi na nga ba at gandang-ganda ka sa akin," aniya at hinaplos ang sariling buhok.

"Wala akong sinasabing maganda ka. Iyong fuchsia ang maganda."

Lumabi siya. "Ganoon na rin iyon. Di mo lang maaming maganda ako." Bakit ba napakahirap para dito na purihin ang kagandahan niya?

Pagdating nila sa auditorium ay ilang minuto na lang bago magsimula ang play. Malamig ang aircon at parang hinihila siyang matulog.

"Sabihin mo lang sa akin kapag inaantok ka na."

"Bakit? Hahayaan mo akong matulog sa balikat mo?"

Hay! Napaka-romantic manood ng play kapag ganoon. Isa iyon sa mga dream niya. Ang makatulog sa balikat ng isang guwapong lalaki. Pwede na niyang pagtiisan si Johann. Guwapo rin naman ito.

"Lalagyan ko ng toothpick ang mga mata mo para di ka makatulog."

"Killjoy naman nito." Nasira tuloy ang pantasya niya.

"Hindi na sana kita isinama kung matutulog ka lang."

Pinilit niyang mag-concentrate sa play kaysa naman malagyan ng toothpick sa mga mata. Surprisingly, she enjoyed the play. Tungkol iyon kay Professor Tuko at sa apat nitong makukulit na estudyante. Nakaka-relate siya sa mga eksena sa classroom at sa mga nakakatawang punch lines.

Umugong ang tawanan sa buong auditorium. Mukhang nakaka-relate din ang audience dahil lahat naman ay dumaan sa pagiging estudyante.

"Ang galing! Nakakatawa, di ba?" aniya at hinampas sa braso si Johann. Nang lumingon siya ay mataman lang itong nakatitig sa stage. Ni hindi man lang ito nangingiti. "H-Hindi ka ba natatawa?"

Habang lahat ay sumasakit na ang tiyan sa katatawa, seryosong-seryoso pa rin ito habang nanonood. Napapangitan ba ito sa palabas?

"Natatawa naman ako, ah!" anito at hinaplos ang sariling baba.

"Natatawa ka na niyan? Gumugulong na nga ako sa katatawa dito, eh! Tapos ikaw walang kangiti-ngiti diyan. Paano ka ba tumawa?" Ni isang pekeng 'hahaha' ay wala siyang narinig mula dito.

"Natatawa na ako niyan. Nanonood pa ako, di ba? Kung di ako natutuwa sa palabas, kanina pa ako umalis. Wala akong tiyaga na manood sa mga boring na palabas."

Napanganga siya. Saka niya naisip na kahit minsan ay di pa niya ito nakikita o naririnig na tumawa. "Normal ka ba, Johann? Baka naman may nawawalang gland sa katawan mo at di ka makatawa."

"Shut up! Mag-concentrate ka sa play. Seryoso na sila."

"May kiliti ka ba?" tanong niya at pinaglakad ang daliri sa braso nito.

Pinigilan nito ang kamay niya. "Fridah Mae, don't!"

"Sige na! Nasaan na ang kiliti mo? Patatawanin lang kita."

"Huwag ka sabing magulo. Fridah…"

Tinusok niya ng daliri ang tagiliran ng baywang nito ay umalingawngaw sa buong auditorium ang malakas nitong halakhak.

Nagtinginan ang lahat sa kanila sa tahimik na auditorium. Dinig na dinig ang halakhak nito dahil wala na itong kasabay na tumawa. Seryoso na ang eksena sa play at may iba pang naiiyak. Kitang-kita ang pagkakalantarian nilang dalawa.

Pilit siyang ngumiti. "S-Sorry po. Slow kasi itong kasama ko. Ngayon lang niya naintindihan ang mga late nang scene," palusot niya at kunyari ay nagko-concentrate sa play.

Nakatakip naman ang palad ni Johann sa mukha nito. "This is embarrassing."

Humagikgik siya. "Guwapo ka pala kapag tumatawa," bulong niya. "Gosh, Johann! Kung lagi ka lang ngingiti, tiyak na hahabulin ka ng mga girls. Basta ako ang presidente ng fan's club mo, ha?"

"Huwag mo na akong kakausapin!" walang kangiti-ngiti nitong sabi.

She liked him. Napakalayo nito sa laging nakangiting rockstar na si Jed. Di ito ang type niya. Pero may kakaibang karisma si Johann na nagsisimulang umakit sa kanya. Nakalimutan na niya ang pangakong di na mai-in love pang muli.

"ANG swerte mo naman, Fridah Mae. Si CJ Cristobal pa ang ka-date mo noong play. Paano nangyari iyon? Di ba masungit siya?" tanong ng kaklase niyang si Ara habang nasa library sila at nagre-research ng project nila.

"Well, si Johann mismo ang nagyaya sa akin na um-attend ng play. Siya rin mismo ang nagpaalam sa parents ko."

Impit itong tumili dahil nasa library nga sila. "Wow! Hanga na ako sa ganda mo, dear. Isipin mo, siya pa mismo ang lumapit sa iyo. At saka balita ko galit na galit iyan kapag tinatawag ng Johann."

Legendary sa buong school ang kasungitan ni Johann. Madalas itong Dean's lister kaya kilala ito. Kilala din kasi ang pamilya Cristobal sa Zamboanga. Sikat na veterinarian ang ama nito at doktor naman ang ina. Maging ang mga kapatid nito ay nasa linya din ng Medisina at alumni ng naturang unibersidad.

"Wala siyang magagawa kung gusto ko siyang tawagin nang Johann. O Cedric Johannson Resuena Cristobal. Kilitiin ko pa siya kung gusto niya."

Humagikgik si Ara. "Ang sweet nga ninyo nung play. Inggit na inggit ako sa iyo. Nanliligaw ba siya sa iyo?"

"Ha? Ewan ko," aniya at nagkibit-balikat. "Naiinis nga ako dahil di naman siya nagsasabi sa akin kung type nga niya ako."

"Malay mo nagpapalipad-hangin na. Di ka naman niya isasama sa play kung walang dahilan, di ba?"

Nangalumbaba siya na parang nangangarap. "Sa palagay ko nga may gusto sa akin iyon." Di naman siya pinapansin ni Johann dati. Biglang-bigla na lang ay nakasunod na ito sa mga galaw niya.

Huminga siya nang malalim. Dahil kay Johann, hindi na niya matandaan kung anong trauma ang pinagdaanan niya kay Jed. Nagkaroon siya ng bagong pagtingin sa buhay. She felt that someone genuinely cared for her. Kahit pa nga hindi matatawaran ang kasungitan at kasupladuhan nito.

Walang masama kung si Johann ang magiging boyfriend niya. Gusto ito ng pamilya niya. He was perfect. Ang kasungitan nito, kaya na niyang sakyan.

Natigil ang pangangarap niya nang gising nang kabalitin siya ni Ara. "Fridah Mae, si CJ!" anito at itinuro si Johann.

What do you think of this chapter?

Please don't forget to give gifts, reviews, spirit coins and ratings to show your appreciation.

Sofia_PHRcreators' thoughts