webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Geral
Classificações insuficientes
557 Chs

Chapter 27

"THIS is really great, hija! A coffee mousse that is low in calorie and it is even more delicious than the traditional mousse," sabi ni Priscilla na pangalawang serving na ng coffee mousse ang kinakain. "I have to be here on the café's anniversary. Gusto kong matikman ang iba pang desserts na ila-launch ninyo."

Sa Rider's Verandah nag-miryenda ang mga ito nang hapon. Naka-duty siya at nag-bake siya para sa mga ito. Si Gino naman ay kasamang nag-horseback riding ang Papa nito. Hahayaan daw nitong mag-girl bonding sila ng lola at mommy nito.

"Thank you, Tita," sabi niya. Ayaw na nitong magpapatawag ng Ma'am dahil botong-boto ito sa kanya na maging girlfriend ni Gino.

"Ubos na ba ang rainbow tart?" tanong ni Dorina. "Magpapatikim ka lang sa akin, hindi mo pa dinamihan ang nai-bake."

"Ma, marami pa dito. Saka babalik pa tayo at ipagbe-bake ulit ni Miles."

"Natutuwa po ako kasi nagustuhan ninyo ang luto ko," sabi niya.

"Ang totoo, hindi kami marunong magluto ni Mama," sabi ni Priscilla. "Pareho kaming mahilig sa pagnenegosyo. Isa lang naman ang naging anak ko. Si Gino pa. Pangarap ko na magkaroon ng anak na magaling magluto kaya pinapasok ko siya sa culinary arts school. At the age of twenty five, he is quite a success."

"Pero iba pa rin kapag may babae sa pamilya. Kaya nga gusto namin na magaling din sa pagluluto ang pakakasalan ni Gino," dagdag ni Dorina. "You can't imagine the tragedy of a mother who doesn't know how to cook. Mabuti na lang mabait ang lolo ni Gino. Naintindihan niya ang kahinaan ko. Kaya siguro kahit ang anak ko, okay lang na makapag-asawa nang di marunong magluto. Ayaw naming mangyari iyon kay Gino. Gusto namin may mag-aalaga sa kanya. Iba pa rin siyempre kapag babae ang nagluluto."

"Mas magaling pong magluto si Gino," sabi naman niya. "Kahit po siguro di magaling magluto ang babaeng gusto niya, basta mahal niya."

"Hindi mo ba talaga gusto ang anak ko?" tanong ni Priscilla. "Alam mo kasi, ngayon lang siya nagkwento tungkol sa babaeng gusto niya. At ikaw lang ang babaeng ipinakilala niya sa amin. Iyong ibang babae kasi, hindi ko gusto ang ugali. Sila pa mismo ang lumalapit sa akin at nagpapakilalang girlfriend ng anak ko. Mommy agad ang tawag sa akin. Kinikilabutan tuloy ako."

"Okay naman po si Sir Gino. Guwapo, mabait, magaling mambola kaya kahit sinong babae mai-in love sa kanya. Pero marami pa po kasi akong gustong patunayan sa sarili ko. At nasabi ko na po iyon sa kanya."

"At hayaan mo rin na ayusin ni Gino ang panliligaw niya," sabi ni Dorina.

"Huwag mo lang masyadong pahihirapan at gusto ko na ring magkaroon nang matinong girlfriend ang anak ko," wika naman ni Priscilla.

Si Gino? Seryoso at manliligaw sa kanya? Parang di pa rin siya sanay. Sanay na kasi siyang binibiro-biro lang nito. Parang hindi na iyon si Gino oras na magseryoso ito. At sa kanya pa.

"May sekreto ako na sasabihin tungkol sa apo ko," pabulong na sabi ni Dorina. "Alam mo ba kung ano ang favorite niyang pelikula?"

"Ano po?"

"All My Life. Iyong pelikula ni Kristine Hermosa at ni Aga."

Nagulat siya nang humagikgik si Priscilla. "May problema po ba?"

Ano naman ang masama kung paborito ni Gino ang All My Life? Ayaw ba nitong aminin na gusto nitong manood ng Tagalog movies? O kaya ay ayaw nitong malaman ng iba na mahilig ito sa drama?

"Nagpasama kami ng mommy niya na manood ng All My Life sa sinehan. Ayaw daw niya dahil wala siyang hilig sa drama. Matutulog lang daw siya sa sinehan. Aba! Maya maya, may narinig na lang kaming sumisinghot. Iyon pala nakikisabay na si Gino na umiyak sa amin ni Priscilla."

"What? Iniyakan ni Gino ang All My Life?"

"Oo naman. Sabi niya, di na daw siya manonood no'n ulit. Pero nang minsang tingnan ko ang kuwarto niya, bumili siya ng soundtrack. Bumili din siya ng DVD pagka-release pa lang sa market. At nagkukulong siya sa kuwarto niya at paulit-ulit niyang pinapanood. Di lang niya ipinapakita, pero iniiyakan niya iyon."

"Kaya po ba araw-araw din niyang kinakanta iyon?" Naluha siya sa katatawa nang maalalang mapagkamalan nilang multo si Gino dahil sa kanta nito. "Oh, gosh! I can't believe it! Ganoon ba talaga si Gino?"

"Shhh!" saway sa kanya ni Priscilla. "Huwag mong sasabihin sa kanya na sinabi namin. Tiyak na magagalit iyon. Sekreto lang niya iyon."

Isang guwapo at macho na lalaki tulad ni Gino, iniiyakan ang isang Tagalog movie na drama? Parang marami pa siyang gustong malaman tungkol dito.